Days of Empire – Heroes Never Die Review

Ang Days of Empire – Heroes Never Die ay isang tile-based city-building strategic war game na inilabas ng ONEMT noong Hunyo 25, 2018. Susubukan ng mga manlalaro na magkaisa ang mga nabihag na bayani ng makapangyarihang Ottoman Empire upang talunin ang mga kampon ng kaaway at manalo sa larong ito. Mahusay na ipinapakita sa larong ito ang makasaysayang Ottoman Empire at ang mga manlalaro ay gaganap sa papel ng isa sa mga dakilang pinuno ng imperyong ito. Pamumunuan nila ang mga digmaan sa panahong iyon sa pamamagitan ng advanced na arkitektura ng Ottoman. Kasama sa gameplay ng laro ang naval at land warfare sa pamamagitan ng PVP at PVE feature nito. Marami pang feature na tatalakayin sa artikulong itong mula sa Laro Reviews kaya siguraduhing tapusin ang pagbabasa hanggang sa dulo.

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay madaling hanapin sa Google Play Store at App Store. Narito ang mga link upang mai-download at mai-install ang larong ito:

Days of Empire - Heroes Never Die - Laro Reviews

Days of Empire – Heroes Never Die – Laro Reviews

Download Days of Empire – Heroes Never Die on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=and.onemt.boe.tr

Download Days of Empire – Heroes Never Die on iOS https://apps.apple.com/us/app/days-of-empire/id1359124769

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Nagsisimula ang laro sa isang cinematic intro tungkol sa isang emperador kasama ang kanyang tagapayo na bumalik sa kanilang lupain pagkatapos nilang maglayag ng mahabang panahon. Nalaman nila na ang kanilang lungsod ay kasalukuyang inaatake ng isang kaaway na heneral. Ang pagsakop na ito nagdulot ng sunog sa loob at labas ng lungsod. Ang lungsod ay labis na nawasak at marami sa mga istruktura nito ang nagiba. Sa tulong ng mga bagong kawal sa loob ng lungsod, nagawang palayasin ng emperador ang mga pwersa ng kaaway. Karamihan sa kanila ay napatay habang ang ilan kabilang ang heneral ay nagsilayas.

Pagkatapos ng digmaan, narinig nila ang desperadong iyak ng mga tao sa lungsod dahil sa takot nilang mamatay sa gutom. Halos maubos sa apoy ang mga sakahan. Sa kabutihang palad, mayroon pa silang naimbak na pagkain sa bodega ngunit kailangan nilang ayusin ang mga sakahan upang di sila mamatay sa gutom. Sa kanilang pagsisimula, sinabi sa kanya ng kanyang tagapayo ang tungkol sa Hall of Heroes. Isa itong lugar na nagtitipon ng mga makapangyarihang hero. Sa pamamagitan ng istrukturang ito, maaari silang kumuha ng hero, makita ang iba’t ibang mga hero at mag-research ng mga kasanayan ng kanilang mga hero. Dahil dito, kumuha sila ng isang hero upang matulungan ang emperador sa mga kasalukuyang isyu ng lungsod.

Ang cinematic intro ay magtatapos sa pamamagitan ng pagganap mo sa papel ng emperador sa cinematic intro. Sa tulong ng iyong unang hero at ng iyong tagapayo, muli mong itatayo ang mga istruktura ng lungsod, pamamahalaan ang ekonomiya nito at magsasanay ng mga kawal upang madepensahan ang iyong lungsod laban sa mga kaaway. Napakaraming dapat gawin sa larong ito ngunit masasanay ka rin sa pamamagitan ng mga campaign task na magsisilbing gabay mo sa paglalaro nito. Maaaring gawin ng mga beteranong manlalaro ang kanilang gusto ngunit dapat sundin ng mga baguhan ang mga campaign tasks. Bukod pa rito, ang pagkumpleto ng mga tasks ay magbibigay sa iyo ng mga rewards gaya ng exp, resource item, consumable boosts, gold at iba pa. Ang iyong mga panimulang tasks ay nakaayon sa campaign story tungkol sa muling pagpapatayo ng iyong lungsod. Ang mga istruktura ang magdadagdag sa iyong “Power”. Naka-rank ang mga manlalaro ayon sa naipon na “Power points” ng kani-kanilang lungsod. Ang bawat aksyon na gagawin mo ay makakaapekto sa estado ng iyong lungsod kaya dapat mong basahin ang seksyon ng tips at tricks ng artikulong ito upang makakuha ng pangunahing kaalaman tungkol sa larong ito.

Days of Empire - Heroes Never Die - Laro Reviews

Days of Empire – Heroes Never Die – Laro Reviews

Days of Empire – Heroes Never Die: Tips at Tricks sa Paglalaro

Maraming dapat matutunan tungkol sa larong ito simula sa iba’t ibang istruktura, resources, mga kawal at mga bayani. Kaya nakalista dito ang pinakamahusay na mga tips at tricks para sa mga baguhang manlalaro mula sa Laro Reviews upang matulungan silang palakasin ng mabilis ang kanilang kaharian: 

  • Alamin ang kakayahan ng mga heroes

Maraming bayani sa Hall of Heroes at bawat isa sa kanila ay nag-aalok ng isang espesyal na bonus. Ang kanilang mga bonus ay nakakaapekto sa performance ng iyong lungsod kaya dapat mong isaalang-alang ang pagkilala sa bawat isa sa kanila. Ang mga larong may genre ng strategic war ay may natatanging gameplay na nakatuon sa produksyon ng resources at military strength. Para sa mga baguhan, kailangan mong pumili ng mga hero na may production bonus sa umpisa ng laro dahil kailangan ang mga resources sa pag-upgrade at pagtatayo ng mga gusali at pagsasanay ng mga kawal. At pagkatapos nito, dapat mong mag-focus sa mga hero na may bonus sa military strength dahil ang larong ito ay isang larong pandigma.

Related Posts:

Heroes Evolved Review

Fantasy League: Turn-based RPG Review

  • Sundan ang campaign tasks

Maraming bagay ang dapat gawin sa larong ito tulad ng pagsasanay sa mga kawal, pag-research ng mga teknolohiya, pagpapatayo at pag-upgrade ng mga istruktura para sa produksyon ng resources at pagpapalawak ng military strength. Maaari mong gawin ang mga bagay na ito nang sabay-sabay sa pamamagitan ng pagsunod sa campaign tasks na makikita sa Overview Panel sa kaliwang bahagi ng iyong screen. Makakakita ka ng timer sa Overview panel kapag ginagawa ang isang task. Sa kabilang banda, makakakita ka ng “go” button kung mayroong idle na gawain. Para sa mga baguhan, dapat mong gawin ang lahat ng idle tasks upang mas mabilis na lumakas sa larong ito.

  • Sumali sa mga alyansa

Dapat kang sumali sa isang malakas na alyansa kung gusto mong umunlad ng mabilis. Makakakuha ka ng 200 gold kapag sumali ka sa isang alyansa. Maa-unlock din ang mga feature patungkol sa alyansa. Mayroong help button upang magtulungan ang mga magkaalyado sa mga tasks na kasalukuyang ginagawa. Mababawasan ang oras ng iyong paghihintay sa pagsasagawa ng iyong task kapag may nag-help sa iyo,. Ang magandang alyansa ay magpoprotekta sa kanilang mga miyembro laban sa mga kaaway na manlalaro.

Days of Empire - Heroes Never Die - Laro Reviews

Days of Empire – Heroes Never Die – Laro Reviews

Days of Empire – Heroes Never Die: Pros at Cons ng Laro

Ang Days of Empire – Heroes Never Die ay nakatuon sa strategic warfare gameplay nito. Kaya kailangan maglaan ng mga manlalaro ng oras sa pagpapatayo ng mga istraktura at sa pag-research ng mga teknolohiya. Ang mga resources ay maiipon sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga resource tiles at sa pamamagitan ng pagsakop sa mga resource farms. Ang produksyon at pag-iingat sa mga resources ay kinakailangan dahil mahirap makakuha nito. Ang larong ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga manlalarong naghahanap ng mga strategy war games.

Ang magandang bagay tungkol sa laro ay ang user interface nito na naka-summarize sa Overview panel. Madali mong makita ang mga idle at in-progress na mga tasks . Ang larong ito ay isang pangmatagalang laro hindi tulad ng mga kaswal na laro kaya dapat kang mag-focus sa mga paraan na magpapabilis sa iyong paglago. Kaya’t ang mga baguhan ay dapat maghanda para sa mahabang paglalakbay sa pagkumpleto ng mga tasks at pagsakop sa mga lungsod. Sa kabila ng katotohanan na aabutin ng mga buwan at taon upang magtagumpay sa larong ito, ang pagsali sa isang malakas na alyansa ay makakatulong sa iyo upang mapadali ang mga tasks.

Ang pangkalahatang artwork at content ng laro kasama ang campaign story nito ay naka-base sa Ottoman Empire. Isinalaysay ito sa pamamagitan ng mga eksenang hango sa mga kwentong kabayanihan noong panahong iyon. Ang pananatili sa campaign mode ay mainam dahil ilalagay ka sa posisyon ng mga bayani sa panahong iyon. Dagdag pa, ang audio at vocal narrations nito ay umaakma sa historical vibe na ipinapakita sa laro. Lumilikha ito ng magandang gaming experience para sa mga manlalaro ng strategic wargame na naghahanap ng medieval vibe.

Ang dapat tingnan ng mga developers ay ang VIP system nito na pinapaboran ang mga manlalaro na bumibili ng VIP points. Ang VIP system ay nakakaapekto sa pag-unlad ng iyong lungsod at ng iyong military strength. Bagama’t may mga libreng VIP pack na hindi mo dapat palampasin, ang mga manlalaro na mayayaman ay maaaring umunlad nang mas mabilis at mas malakas sa sistemang ito. Gayunpaman, masisiyahan ka pa rin sa larong ito kahit mas matagal kang umunlad kumpara sa mga manlalarong bumibili ng VIP points.

Konklusyon

Ang Days of Empire – Heroes Never Die ay isang strategic wargame tungkol sa Ottoman Empire. Ang pangkalahatang visual at graphics ng laro ay may medieval vibe. Napakaraming feature na dapat i-explore para hindi magsawa ang mga manlalaro sa paglalaro nito. Ang laro ay libre ngunit kung ikaw ay naglalayon na lumakas ng mas mabilis, dapat kang gumasto ng iyong pera upang makabili ng mga VIP points na makakatulong sa iyong paglago. Ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga strategy game players na gustong maglaro ng pangmatagalan. Subukan na ngayon ang Days of Empire – Heroes Never Die!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...