Destiny Run Review

Ang pagbuo ng iyong sariling kapalaran ay talaga namang isang challenging na gawain. Nangangailangan ito ng maraming proseso at pagsisikap na sa katagalan ay maaaring masyadong nakakapagod. Gayunpaman, sa Destiny Run, mapipili mo ang iyong kapalaran, langit o impyerno, ikaw ang bahala. Hatid ng VOODOO, ang kaakit-akit na larong ito na tiyak kang mahuhumaling, dahil sa mamahaling graphics at magandang sound effects nito. Kapares ng aesthetic na background at konsepto, sasanayin ng larong ito ang iyong decision-making skills at pasensya. Gumawa ng sarili mong mga pagpipilian sa buhay sa pamamagitan ng Destiny Run. Kaya, i-explore ang larong ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulong ito na hatid sa iyo ng Laro Reviews.

Ang mga Tampok ng Laro

Ang Destiny Run ay isang action-runner na laro, kung saan ang mga manlalaro ay inatasang magpasya kung saan nila gustong pumunta – sa langit ba o sa impyerno. Ang mga player ay kailangang mangolekta ng mga item na tumutugma sa kanilang nais na desisyon upang makapag-transform sa pagiging anghel o demonyo. Para magawa ito, kailangang iwasan ng mga manlalaro ang dumaan sa mga sumusunod na item na direktang kabaligtaran sa kanilang pinili. Mga bagay na makalangit kung gusto mong maging isang anghel, at mga masasamang bagay kung gusto mong maging isang demonyo. Sa pamamagitan ng pagkolekta ng sapat na mga item na naaayon sa pinili, ang mga player ay magbabago, magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa tarangkahan ng mga mundong ito at makilala ang mga pinuno sa langit at impyerno. Bukod pa riyan, kikita ang mga manlalaro ng mas maraming puntos kung sakaling magtagumpay sila sa pagtatapos hanggang sa dulong linya. Ang mga nakuhang puntos ay gagamitin upang bumuo ng langit o impyerno, pang-upgrade ng mga skin ng kanilang mga anghel at demonyo at para na rin sa mga alagang hayop. 

Paano i-download ang Destiny Run?

Kasalukuyang available ang Destiny Run sa Android at iOS. Para sa mga gumagamit ng Android, maaari mong i-download ang larong ito sa pamamagitan ng Google Play Store. I-type lamang ang Destiny Run sa search bar at i-install ang laro. Para sa iOS, buksan ang App Store, hanapin ang Destiny Run gamit ang search button, at i-install ito nang libre. Gayunpaman, para sa mga gumagamit ng PC,, ang Bluestacks Emulator ay ginagamit upang makapaglaro sa desktop. Upang magamit ang Bluestacks sa iyong desktop, i-download at i-install muna ang application. I-open ang Bluestacks at gamitin ang paunang naka-install na Google Play Store. Pagkatapos ay mag-sign in sa iyong Google Play account, hanapin ang Destiny Run at i-install ang laro. Pagkatapos nito, handa ka nang maglaro ng Destiny Run. Para sa mas madaling access sa laro, i-click lamang ang mga sumusunod na link:

Download Destiny Run on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.CharityRun.game

Download Destiny Run on OS https://apps.apple.com/ph/app/destiny-run/id1576885656

Download Destiny Run on PC https://apps.apple.com/ph/app/destiny-run/id1576885656

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Upang maging mahusay sa Destiny Run, ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng ilang mahahalagang tips at tricks na tiyak na magpapahusay sa iyong paglalaro.

Halos lahat ay pamilyar na sa mga klasikong action-runner na laro, kung saan kailangang iwasan ng mga manlalaro ang mga hadlang at mangolekta ng mga item upang makakuha ng mga puntos. Katulad ng mechanics na ito, mayroon din nito ang Destiny Run. Gayunpaman, sa initiative ng mga creator, naglagay sila ng magandang twist sa laro. Naglagay sila ng isang gawain sa unang bahagi kung saan ang mga manlalaro ay kailangang magdesisyon nang mabilis, upang pumunta sa langit o impyerno. Sa pag-aaral ng twist na ito o ang highlight ng laro, ang mga bagong manlalaro ay madaling makakapag-adjust sa laro.

Matapos piliin ang iyong nais na lugar (langit o impyerno), kailangan mong kolektahin ang mga item na tumutugma sa iyong napili. Tandaan, ipunin ang mga item na tumutugma lang sa iyong desisyon sa unang bahagi ng laro. Hangga’t maaari, iwasang hawakan ang mga kabaligtarang bagay na iyon dahil maaari nitong mapababa ang iyong pagkakataong maging isang anghel o demonyo.

Sa pag-iipon ng sapat na mga item, ikaw ay magiging isang anghel o demonyo, depende sa iyong pinili sa unang lugar. Gayunpaman, ang iyong misyon ay hindi lamang nagtatapos sa pagbabagong-anyo. Kailangan mo ring mag-evolve man lang sa mas mataas na klase ng demonyo o anghel sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga pakpak at pagkakaroon ng mga alagang hayop sa iyong tabi. Sa pamamagitan nito, bibigyan ka ng pagkakataong makapasok sa tarangkahan ng langit at impyerno, at kalaunan ay makatagpo ang pinuno ng mga lugar na ito. Bilang kapalit, makakakuha ka ng higit pang mga puntos at mga kinakailangang sangkap para sa pagtatayo ng palasyo sa langit at impiyerno.

Pros at Cons

Ang mga action-runner na laro tulad ng Destiny Run ay hindi kailanman mawawala sa uso at mananatili sa mga most downloaded na laro. Ito ay madaling laruin at isang magandang paraan ng pamatay-oras. Bukod pa rito, bibigyan ka ng Destiny Run ng graphic satisfaction at amusement sa pamamagitan ng sound effect nito. Sa pamamagitan ng mga katangiang ito, tiyak na masisiyahan ang mga manlalaro.

Bilang karagdagan, bukod sa nakaka-enjoy ang larong ito, ang mga manlalaro ay mati-thrill habang pasimpleng gumagamit ng cellphone. Ang mga manlalaro ay maaaliw at mae-excite dahil kailangan nilang iwasan ang mga bagay na hindi kinakailangan para sa kanilang gawain. Bukod dito, habang umuusad sila sa laro, ang level of difficulty sa mga obstacle ay nagiging mas mahirap. Kaya, patuloy na hinahamon ang mga manlalarong maging mas mahusay sa bawat level.

Gayundin, ang Destiny Run ay isang libre at offline na laro, na tiyak na angkop para sa lahat, lalo na para sa mga naghahanap ng kasiyahan sa kanilang libreng oras. Nakalulungkot nga lang ang mga in-game advertisement na maaaring biglang mag-pop up kung sakaling nakakonekta ka sa internet. Ang mga ad na ito ay maaaring makagambala sa iyong paglalaro dahil maaari nilang ubusin ang iyong oras. Samakatuwid, kinakailangang i-off ang iyong mobile data o Wi-Fi para makapaglaro ka nang walang anumang pagkaantala. Kung kaya’t inaanyayahan ang mga manlalarong manood ng ads dahil pwedeng madagdagan ang iyong mga puntos. Gayunpaman, ang ads na ito ay maaaring magdulot ng lag sa iyong device.

Konklusyon

Ang Destiny Run ay talagang isang creative at classy na laro. Mula sa mga layunin nito, hanggang sa mga graphics at sound effect, halos perpekto ang larong ito. Kaya, ang larong ito ay nararapat lamang sa 8.5 out of 10 na rating. Ang natitirang mga puntos ay sa mga kahinaan nito, tulad ng mga in-game advertisements at para sa patuloy na pag-improve at pag-update. Gayunpaman, walang alinlangang ito ay nakikikumpetensya sa mga action-runner na laro. Dahil diyan, huwag nang mag-alinlangan pa at simulan na ang paglalaro! Sundin ang iyong kapalaran, i-download, at maglaro na ng Destiny Run ngayon!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...