Dismount Simulator Review

Ang larong ito ay isang uri ng larong simulator na nagbibigay sa iyo ng kalayaan sa kung ano ang gusto mong gawin sa iyong ragdoll. Ang larong ito ay nilagyan din ng mga function na makakatulong sa iyong lumikha ng mga kakaibang track at lugar. Mayroon ding wheel na pwede mong paikutin tuwing siyam na minuto at maaari kang manalo ng bagong uri ng sasakyan o ragdoll. Ang pangunahing layunin ng larong ito ay tapusin ang mga gawaing ibinibigay ng bawat mapa. Maaari ka ring magsagawa ng mga daredevil stunt at humarap sa mga nakamamatay na bitag, maaaring mabali ang iyong mga buto, masira ang iyong mga kahanga-hangang sasakyan at bumagsak sa mga pader. Maaari mo ring baguhin ang mga panimulang posisyon ng iyong ragdoll upang lumikha ng ibat-ibang istilo sa kung paano tatakbo ang iyong ragdoll. Maaari ka ring mangolekta ng mga coin na maaaring magamit upang bumili ng mga bagong ragdoll na may iba’t ibang mga kasanayan at upang bumili ng mga bagong item, sasakyan at mapa. Kaya kung gusto mong makilala nang higit pa ang larong ito, ipagpatuloy lang ang pagbabasa ng artikulong itong ginawa ng Laro Reviews.

Ang mga Tampok ng Laro

Maraming ragdoll na may iba’t ibang sistema ng pisikang pagpipilian. Ang iyong mga paboritong superhero ay narito rin sa laro tulad ni Spiderman at the Hulk. Ang gameplay ng larong ito ay simple lang: pumili lamang ng isang pose, hawakan ito ng ilang sandali pagkatapos ay patakbuhin at panoorin ang iyong ragdoll na lumilipad patungo sa mga bitag. Mayroon ding mga sasakyang pagpipilian at ang audio output ay kamangha-mangha. Mayroong mga level na maaari mong laruin gamit ang iba’t ibang mga mapa at gameplay na kinakailangang maipasa. Kung sakaling mayroon kang kakulangan sa coins, maaari ka lamang manood ng mga patalastas upang i-unlock ang anumang mga mapang gusto mong subukan o anumang mga ragdoll na gusto mong makuha. Ang pagkakaiba-iba ng mga posisyon ng mga bitag ay natatangi sa bawat level, kaya asahan ang ibat-ibang kasiyahan sa bawat mapa. Ang pinakakagiliw-giliw na karakter ng larong ito ay ang tampok na editor kung saan maaari kang lumikha ng iyong natatanging mga mapa at track. Maaari kang maglagay ng mga bitag at iba pang props hangga’t gusto mo. Maaari mo itong idisenyo sa paraang gusto mo, maaari kang gumawa ng uri ng race track sa pamamagitan ng paglalagay ng mga rampa, pabilisin ang iyong ragdoll sa platform at mga loop. Maaari ka ring gumawa ng isang daredevil scene sa pamamagitan ng paggawa ng lugar na nakamamatay at puno ng mga bitag.

Paano i-download ang Dismount Simulator

Upang i-download at mai-install ang larong ito, sundin lamang ang madaling hakbang na ito. Buksan muna ang Google Play Store, o App Store. Pagkatapos ay i-type ang Dismount Simulator sa search bar. Pagkatapos nito, i-click ang install at hintaying mai-install ang app o maaari mo lamang i-click ang link sa ibaba para sa mas madaling pag-access. Kung ang gamit mo naman ay PC, pwede kang mag-download ng bluestacks emulator at i-download ang larong ito mula rito.

Download Dismount Simulator on Android here

Download Dismount Simulator on iOS here

Download Dismount Simulator on PC here

Tips at Tricks para sa mga Nagsisimula

Gaya ng sinabi ko kanina, isa itong simulation na uri ng laro. Nangangahulugang ang larong ito ay hindi nangangailangan ng anumang kumplikadong mga diskarte o taktika. Ang mga level ay madaling ipasa dahil ang kailangan mo lang gawin ay patakbuhin ang iyong ragdoll at hintaying matapos nito ang level. Kung sakaling mabigo kang gawin ang mga gawain, i-click lamang ang pindutan ng reset at babalik ka sa panimulang punto, pagkatapos ay magre-restart na ang level. Upang makaipon ng higit pang mga gold coin, dapat mong tiyakin na ang iyong ragdoll ay makapagtatamo ng mas maraming pinsala hangga’t maaari. Upang magawa ito, dapat mo munang pag-aralan ang anyo ng terrain ng mapa at pagkatapos ay hulaan ang posibleng rutang dadaanan ng iyong ragdoll. Siguraduhing ang iyong ragdoll ay pupunta sa lugar kung saan maraming mga bitag. Ang tanging bagay na dapat mong alalahanin ay kung paano mo mabubugbog nang husto ang iyong ragdoll hangga’t maaari. Hindi ba kahanga-hanga ang larong ito?

Mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Kung sakaling pakiramdam mo ay nababagot ka ngunit tinatamad kang maglaro ng mga kumplikadong laro, ito ay perpekto para sa iyo. Hindi masyadong kumplikado ang larong ito dahil ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang iyong ragdoll at ilunsad ito sa impiyerno para patayin, ngunit hindi masyadong nakakabagot na parang nanonood ka lang ng ilang stick figures na kung saan-saan lumilipad sa screen ng iyong telepono. Bilang isang simulation game, ang larong ito ay tiyak na higit pa sa iyong inaasahan. Mayroong walang katapusang posibilidad upang magsaya sa larong ito. Dahil sa editor function nito na kung saan maaari kang magdisenyo ng iyong sarili at kakaibang istilo ng lugar, maaari kang lumikha ng isang senaryo na babagay sa iyong panlasa o disenyo ng lugar upang tumugma sa iyong pagnanais kung paano pahirapan ang iyong ragdoll. Maaari ka ring lumikha at magdisenyo ng isang lugar upang maging tulad ng isang obstacle course, upang makagawa ang iyong ragdoll ng mga daredevil stunt. Maaari ka ring gumawa ng uri ng mala-arena na lugar kung saan maglalagay ka ng maraming bitag sa mga track kung saan pupunta ang iyong ragdoll. Maaari mo ring piliin ang iyong paboritong hero na gaganap bilang isang ragdoll tulad ni Spiderman at the Hulk, at maaari ka ring gumanap bilang ang hari ng Wakanda na si Black Panther. Literal na walang katapusan ang mga paraan upang laruin ito. Ang tanging limitasyon lamang ay ang iyong imahinasyon. Ngayon, para sa mga kahinaan nito, mayroon lamang isang bagay na nararapat banggitin bilang hadlang sa paglalaro nito. Ito ay ang mga pop up na advertisement dito. Nakakainis na panoorin ang isang patalastas na hindi mo halos malaktawan. Ngunit kung talagang ayaw mong manood ng anumang pop up ads, huwag mag-alala dahil ang Laro Reviews ay may remedyo para rito. I-off lang ang iyong Wi-Fi o data ng iyong mobile phone at pwede mo nang magsayang muli sa iyong paglalaro.

Konklusyon

Ang larong ito ay talagang kahanga-hanga dahil umabot ito sa pangkalahatang star rating na 4.7 sa Google Play Store na may dominanteng star rating na 5 stars sa bawat manlalarong nagri-rate sa larong ito. Ang walang katapusang mga posibilidad na laruin ito ay mas ginagawang kawili-wili ang Dismount Simulator at tiyak na maaaliw ka sa mahabang panahon. Ito ay talagang isang inirerekomendang laro para sa sinumang naghahanap ng libangan nang walang gaanong ginagawa.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...