Ang DIY Keyboard ay isang simulation game na inilabas noong Nobyembre 16, 2021. Sa kasalukuyan, ito ay may mahigit sa sampung milyong downloads na sa Google Play Store. Ang larong ito ay pinasikat ng Crazy Labs by TabTale, isang game publisher na kabilang sa Top 10 sa buong mundo. Bukod dito, ang ilang mga sikat na laro tulad ng Miraculous Ladybug & Cat Noir, Run Sausage Run!, Tie Dye, at Phone Case DIY ay mula rin na sa kumpanyang ito.
Sa DIY game na ito, ang mga manlalaro ay magiging designer ng keyboard. Kailangan nilang gumawa ng customized na keyboard keys o ng buong keyboard mismo para sa mga customer. Kapalit nito, sila ay kikita ng in-game cash na pwedeng gamitin para bumili ng karagdagang items sa laro. Ang ganitong app ay bagay sa mga manlalarong mahilig sa arts and crafts.
Maaaring i-download ang mobile app ng DIY Keyboard sa Android o iOS devices. Kailangan mo lang hanapin ito sa Play Store o sa App Store. Kung nais mong maglaro gamit ang laptop o desktop, maaari mo itong hanapin sa mga gaming site o i-download ang app sa computer gamit ang isang emulator. Maaari mo ring i-click ang mga sumusunod na link mula sa Laro Reviews:
Download DIY Keyboard on iOS https://apps.apple.com/us/app/diy-keyboard-3d/id1587664214
Download DIY Keyboard on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.qidafcl.sl054
Download DIY Keyboard on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.qidafcl.sl054-on-pc.html
Gabay para sa mga Baguhan
Hindi mo na kailangang magparehistro o gumawa pa ng account upang makapaglaro ng DIY Keyboard. Ang dapat mo lang gawin ay i-install ang app sa iyong gadget. Maaari mo itong laruin ng online o offline. Gayunpaman, kapag naglaro ka offline, kakaunting materyales at disenyo lang ang iyong magagamit. Kailangan mo kasi ng internet connection para mapanood ang mga ads upang ma-unlock o masubukan ang ilang mga piling disenyo. Bukod dito, pwede mo ring mapalaki ang iyong kita sa panonood ng ads.
Kung ikaw ay malikhain at mahilig sa sining, o kung nais mong gumawa ng disenyo ng mga bagay tulad ng keyboards, ang ang larong ito ay para sa mga katulad mo. Upang magkapag-level up, kailangan mo lang gumawa ng mga kakaiba at kaakit-akit na disenyo ng keys. Ang sumusunod ay mga hakbang kung paano mo ito magagawa:
- Piliin ang uri ng materyal na gusto mong gamitin tulad ng acrylic, resin, stencil, o iba pa.
- Ang pangalawang hakbang ay ang pagkuha sa keyboard key na kailangan mong palitan.
- Pangatlo, kailangan mong gumawa ng bagong disenyo ng keyboard key. May iba’t ibang uri ng disenyo at mga kulay kang mapagpipilian.
- Ang panghuling hakbang ay ang pagpapatuyo ng iyong ginawang customized key at paglagay nito sa keyboard.
May dalawang paraan para mapaganda mo ang keyboard ng iyong mga customer. Pwede mong gawan ng iba’t ibang disenyo ang bawat key o maaari kang gumawa ng isang disenyo lamang at ilapat ito sa lahat ng keys. Maaari kang gumawa ng bongga at makukulay na disenyo o kaya naman ay simple ngunit eleganteng istilo, depende sa gusto mo.
Sa bawat keyboard customization order na matatanggap mo, may mga sample na disenyo ang mga customer na ipapakita sa’yo. Pwede mo itong sundin o gawing batayan sa paggawa. Subalit, pwede rin naman na ipagsawalang-bahala mo ito, nakadepende pa rin sa’yo ang desisyon. Hindi mo kailangang mabahala sapagkat hindi ito makakaapekto sa rating na iyong matatanggap at sa halagang iyong makukuha. Kapag nagawa mo na ang isang key, automatic na tapos mo na ang iyong gawain. Hindi mo na kailangan pang gawan ng dagdag na disenyo ang ibang keys o kaya ay tapusin ang buong keyboard. Pero kung sa tingin mo naman ay sulit ang iyong ginagawa at nag-eenjoy ka, walang makapipigil sa’yo.
Related Posts:
Brain Story: Tricky Puzzle Review
Popi Horror: Chapter One Review
Ang nakakaaliw at nakaka-relax na larong ito ay paraan para makagawa ng isang makabuluhang aktibidad. Habang naglalaro, mas nagiging bihasa ka sa pagdidisenyo at sining, mas lumalawak pa ang iyong imahinasyon. Kung sakali mang maubusan ka ng ideya para sa mga bagong disenyo, pwede kang mag-isip ng isang partikular na tema, isang paksa o kaya ay magandang tanawin at gawin itong inspirasyon. Hindi nga ba’t nakaka-enjoy din naman ang simple at hindi mapanghamong mga laro?
Tandaan na habang nagli-level up ka, pwede mo ring palitan ang background ng laro sa pamamagitan ng pag-click sa sofa icon sa kaliwang bahagi ng iyong gaming screen. Bukod dito, hindi mo rin dapat palampasin ang VIP access feature ng larong ito. Kapag may VIP access, maaari mong i-unlock at gamitin ang eksklusibong mga disenyo sa pamamagitan lamang ng panonood ng ads.
Pros at Cons ng DIY Keyboard
Ang konsepto ng larong ito ay simple ngunit medyo kakaiba kung ihahambing sa karamihan ng simulation games. Ito ay nagbibigay sa mga manlalaro ng ordinaryo ngunit magandang karanasan sa pagtuklas ng sining at pagdidisenyo. Talagang nakaka-enjoy at nakakaaliw itong laruin lalo na kapag nagsisimula pa lang. Ang mga tampok na disenyo at mga kulay ay magaganda kahit na limitado lamang. Hindi rin papahuli ang napakadali nitong game mechanics at simpleng gameplay kaya angkop talaga ito para sa lahat, pati na sa mga bata.
Sa kabilang banda, ang DIY Keyboard ay may ilang mga kahinaan din. Ang mobile app nito ay madalas na nagla-lag. Maraming manlalaro rin ang naiinis dahil napakarami nitong ads na nakakaistorbo sa paglalaro. Ang mga disenyo at kulay na pwedeng gamitin ay medyo kakaunti lang. Kagaya ng nabanggit, ang simple nitong gameplay ay nakakaaliw sa simula, subalit sa katagalan, tila nagiging nakakabagot ito at paulit-ulit na lamang dahil wala itong masyadong mga paandar bukod sa pagdidisenyo ng keyboards.
Konklusyon
Ang DIY Keyboard ay nakakuha ng averagerating ng 4.7 stars mula sa mahigit 20,000 reviews sa App Store. Ito ay mas mataas kung ikukumpara sa 3.8-star rating nito sa Play Store mula sa halos 50,000 reviews.
Ang simulation game na ito ay isang masayang paraan para maipamalas ang pagiging malikhain. Kung naghahanap ka ng pansamantala o panandaliang libangan lamang, lubos na inirerekomenda ng Laro Reviews ang larong ito. Kung mahilig kang magdisenyo at gumawa ng mga magagandang obra maestra, hindi mo dapat ito palampasin. Subalit, tandaan na ang mga ganitong uri ng laro ay nagiging boring din sa katagalan.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- April 8, 2022