DOFUS Touch Review

Ang malawak at malaking mundo ng World of Twelve na siksik sa sukdulang paglalakbay at pakikipagsapalaran ay libre mo nang malalaro! Imulat ang sarili at pasukin ang makulay nilang mundo, maglaro bilang isang matapang na hero upang malutas ang mga misteryo, puksain ang mga natatanging nilalang at nakakatakot na monster bosses, hanapin ang mga nakatagong legendary eggs at siyasatin ang nakaka-panibago nilang mundo. Ihanda ang iyong kamalayan sa larong susubukin ang iyong mga kasanayan sa pakikidigma at paglutas ng mga problema. Ang DOFUS Touch ay isang immersive online role-playing adventure game, na gawa ng ANKAMA GAMES. Ito ay mabuting nilalaro lalo na sa iyong mga libreng oras. Kung nais na mas kilalanin ang laro na ito, basahin ang artikulong isinulat ng Laro Reviews para sa iyo.

Mga Tampok ng Laro

Ang laro ay nagtataglay ng kamang-mangha at nakaka-aliw na mga katangian. Itinatampok ng laro ang online role-playing game o ikaw na manlalaro ay maglalaro sa panahong aktuwal. Ibig sabihin ay lalaruin mo ito sa kasalukuyan na kung saan maglalakbay ka sa walang katapusang daigdig at makikipaglaban sa iba’t ibang halimaw. Maging isang tunay na hero na nakikiisa sa mga gawain ng isang hero tulad ng pagiging pinuno sa isang guild, pagsabak sa epikong paglalakbay upang kumolekta ng limpak na gantimpala, at makipagkaibigan sa ibang mga manlalaro mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. May malawak na customization option upang ikaw ay makabuo ng isang karakter na siyang sumasalamin sa iyo. Sa kasalukuyan ay may 15-character classes na mapagpipilian na may iba’t ibang kakayahan tulad ng matitinding paghampas gamit ang armas, matalinong paglalagay ng bitag o pagpapanatiling buhay sa iyong mga kasama.

Ipinagmamalaki ng laro ang mataas na kalidad at detalyadong animation nito na siguradong gagawing kawili-wili sa mata at kasiya-siya ang kabuuang karanasan ng paglalaro. Nakapaloob din sa laro ang malaking komunidad ng mga manlalaro na maaring makipag-alyansa sa ibang guilds at atakihin ang mga piitan. Mayroon ding iba’t ibang klase ng tactical PvP confrontations tulad ng guild wars, alliances, 3 vs 3 battle sa arena o 1 on 1 battles kahit saan. Inaasahan na magiging mapanghamon ang laro lalo na sa mas matataas na level kung kaya’t maraming malalakas na kagamitan na maaari mong bilhin o makuha mula sa laro sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga malakas na halimaw, upang masigurado na mapagtagumpayan ang laro. Ang mga gear at equipment ay maaaring i-upgrade o bumili ng mahal at malalakas na kagamitan upang mas maging epektibo at maging kapaki-pakinabang ang mga ito sa pagpapalakas ng iyong karakter.

Ang pagtatagumpay ang paraan upang ikaw ay kumita ng gold coins na maaaring gastusin sa pag-a-upgrade ng mga kagamitan at pagpapataas ng character level na nagbibigay ng karampatang gantimpala. Pangalawa, ang pag-log in araw-araw upang tanggapin ang daily rewards ay nagbibigay din ng gantimpalang salapi. Pangatlo ay may nakalatag na gawain pang-araw-araw o daily tasks na kung mapagtagumpayan na matapos ay may makokolektang gantimpala. Panghuli, ay sa paraan ng top-up o paggamit ng totoong pera upang bumili ng resources sa laro na epektibo kung nais mong mapadali at mapalakas ang iyong karakter.

Paano I-download ang DOFUS Touch?

Para sa mga Android smartphone user pumunta lamang sa Google Play Store at kung IPhone naman o iOS users naman pumunta lamang sa App Store. I-type sa search bar ang pangalan nitong laro pagkatapos ay i-click ang install. 

Para naman sa PC, pumunta sa memuplay.com at hanapin ang larong ito sa nasabing website at i-download. Para sa mas mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba:

Download DOFUS Touch on Android here 

Download DOFUS Touch on iOS here

Download DOFUS Touch on PC here

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Narito ang ang mga tips na hatid ng Laro Reviews na makakatulong upang magkaroon ng sapat na kaalaman upang maging isang malakas na bayani. Mainam na alamin kung paano gumagana ang controls sa pagpili ng tamang attack spells. Ugaliin na magbasa at manood ng game tutorial mula kay Joris the guide upang mabilis ang pagkatuto at makabisado ang mga alituntunin ng laro. Sa pagresolba ng mga quest, ugaliin na basahin ng buo ang mga hinihiling at intindihin upang madali mong magawa at matapos ang mga ito. Ito ang epektibong paraan upang mapadali ang pagpapataas ng level lalo na sa mga baguhan – ang patuloy na paglalaro upang makabisado at maging eksperto. Sa bawat pag-angat ng level ay nagbibigay ito ng gantimpala na gold coins na maaari mong ipunin at kolektahin upang i-upgrade ang mga kagamitan na lubhang kapakipakinabang sa laro. 

Sa bawat pag-angat ng level ay bibigyan ka ng talent ascension points na maaari mong gamitin para i-level up ang iyong attack spells o skills, maging maalam sa pagbabahagi nito. Ang pagpapa-taas ng level ng iyong mga gear at equipment ay epektibong magpapataas ng iyong base stats – palatandaan na lumalakas ang iyong karakter. Ang patuloy na pag-upgrade ng gears at equipment ay nangangailangan ng maraming resources lalo na ng gold coins. Upang mabilis makapag-ipon, maging matiyaga sa pagpuksa at pagsalakay sa mga dungeons na may mahihirap gapiin na halimaw ngunit nagbibigay ng malalaking gantimpala. Ugaliin din ang araw-araw na pag-log-in dahil sa patuloy na paglalaro ay mas dadami ang iyong gold coins. 

Sa kabuuan, ang patuloy na pagsasanay at mahabang oras na paglalaro ay epektibong magpapagaling ng iyong laro. Maaari rin makatulong ang matalino at maalam na paglalaan ng iyong mga mapagkukunan o resources ang susi para mabilis na lumakas sa lalong madaling panahon. Ibig sabihin, ang tamang pamamahala ng oras, pag-upgrade, masipag na pangangalap ng mga gold coins at dungeon items ang siyang magsisigurado sa iyong tagumpay. 

Kalamangan at Kahinaan 

Ang mga kalamangan ng laro ay ang mga sumusunod: ang game tutorial ay napakalaking tulong lalo na sa mga baguhan dahil ito ay komprehensibo at madaling matutunan. Madali ang pag-setup ng account mainam para sa lahat. Ang malawak na hanay ng pagpapasadya ng character ay malaking tulong para mabukod ang pisikal na itsura ng karakter sa iba. Samantala ang kontrol na nasa laro ay napakadaling gamitin at pag-aralan. Ang kalidad ng graphics ay may mataas na antas at maaliwalas sa mata. Ang background music ay lubhang kapuri-puri dahil ito ay nababagay sa tema ng laro. Ang mga booster items, potions at weapons ay napakadaling gamitin at napakalaking tulong sa paglalaro. Totoo na siksik ng mga aktibidad at laman ang laro. Malaking tulong ang laro sa nakawiwiling pagsasanay ng kaisipan lalo na sa taktikal na kaparaanan. 

Ang bahagi ng laro na sana ay mas mapabuti ay ang mga quest sa laro ay bahagyang nakakalito lalo na sa mga baguhang manlalaro dahil sa sobrang haba ng komplikadong instruksyon. Hinihiling na sana maaring maitago ang ibang tab tulad ng inventory items at iba pa sa main screen lalo na sa pagkakataon na pumapatay ng halimaw at ikaw ay naglalakbay dahil nakakabahala at abala sa paglalaro. Ang panghuli ay ang mga halimaw na sadyang kay taas ng level kahit nasa beginner stage ka palang ng laro, sana ay tumugma o ayusin ang pangalan ng halimaw na naaayon sa level ng manlalaro. Inaasahan na sa susunod na pag-upgrade sa laro ay bigyang pansin ito ng mga developer.

Konklusyon 

Karapat-dapat talaga ang larong ito sa mga nakuhang star rating na 3.7 sa Google Play Store at 4.0 naman sa Apple Store. Talaga namang nakakabighani ang nakakawiling konsepto ng larong DOFUS Touch lalo na sa mga taong gustong maranasan ng virtual ang matinding laban at pakikidigma. Kung nais mo maaliw lalo na sa mga libre mong oras at pagbutihin ang mga kasanayan sa pagpuksa ng halimaw, i-download na ang DOFUS Touch!

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...