
Ang Word Crush ay kilala rin bilang Double Letter Color Word Crush, isang top-rated crossword na larong binuo ng Tangram Games, isang gaming company na nakabase sa China. Sa laro, kailangan mong makahanap ng pahalang at patayong mga salita, kapag nahahanap mo na ang mga ito, ang iba pang mga titik ay nagpapalitan ng mga lugar. Ang gameplay ay katulad ng sa Word Stacks, kaparehong laro ng Word Crush na paboritong libangan ng marami. Tatalakayin natin sa artikulongg iton inihanda ng Laro Reviews ang natatanging gameplay ng laro at mga benepisyo ng paglalaro ng mga word game.
Double Letter Color Word Crush at Maikling Kasaysayan ng mga Crossword Puzzle
Kahit na ang salitang “crossword” ay madalas na nauugnay sa tradisyunal na pahayagang ginagamitan ng panulat at papel, ang crossword puzzle ay nariyan na siglo pa ang nakakaraan. Ang crossword ay isang palaisipan at pinakakaraniwang uri ng laro sa mundo. Ito ay isang staple print media mula pa naman noong ito ay naging available sa masa. Ito ay isang popular na libangan sa mga nagdaang henerasyon, ngunit hindi ito kailanman naging madaling laruin tulad ngayon. Ang unang Crossword puzzle ay inilathala sa pahayagan noong 19th century at ngayon ay marami nang iba’t ibang uri ng Crossword puzzle ang naglipana.
Sa paglipas ng panahon ay nagbabago rin ang laro, mula sa isang simpleng word game hanggang maging kumplikadong word search at anagrams na nangangailangang ang mga manlalaro ay mahanap ang tamang pagbaybay ng isang salita sa loob ng isang crossword grid. Ilan sa mga ito ay nilalaro sa computer, o kaya sa mga cellphone, sa tablet at computer. Ang ilan sa mga pinakakilalang Crossword puzzle ay ang Word Mojo app o ang Word Hunt, Word Stacks at ang Double Letter Color Word Crush.
Ano ang makukuha sa paglalaro ng mga Puzzle at Word Games
Ang paglalaro ng mga word game gaya ng crossword puzzles ay napatunayang nakakatulong sa ating mental abilities at mahasa ang ating kagalingan. Ang mga larong puzzle ay nangangailangan ng paggamit ng utak upang malutas ang isang palaisipan, kaya naman nagpapataas ito ng aktibidad sa mga bahagi ng utak na nauugnay sa pag-aaral at mga kakayahan sa pag-iisip. Makakatulong ang maayos na paggamit ng mga ganitong klaseng laro upang mahinuha ang mga sagot at mapalawak ang bokabularyo.
Ang mga puzzle at word games ay naging bahagi na ng kultura ng tao sa loob ng mahabang panahon. Ginamit ang mga ito upang sanayin ang utak at tumulong na bumuo ng mga kasanayan sa pangangatwiran. Gayunpaman, madalas naiisip natin na ang mga ganitong klaseng laro ay isang simpleng libangan lamang ngunit sa kabilang banda ay malaki ang naitutulong upang mahasa at ma-exercise ang ating utak. Ang utak bilang isang makinang kabilang sa mga nagpapaandar ng ating buong katawan ay katulad lang din ng mga makinarya sa industriya na kapag hindi ginagamit ay kinakalawang.
Gameplay at Features ng Double Letter Color Word Crush
Napakadali lang ng mekaniks ng laro: kailangan mo lang hulaan ang mga salitang nasa box gamit ang mga scrambled na letra. May tema ang bawat level kaya madali mong mahulaan ang mga posibleng sagot. Halimbawa, ang tema ay agahan o breakfast, may nakahilerang mga letrang pwedeng bumuo ng salita na related sa kung ano ang nasa hapag tuwing agahan. Kailangan mong bumuo ng mga salita gamit lamang ang mga letrang nakahilera, pwedeng pahalang, patayo, o pabaligtad, pagkatapos ay lilitaw ang nabuong salita sa mga box na nasa itaas. Kung medyo nahihirapan ka, pwede kang gumamit ng perks tulad ng spy search na kapag ginamit ay naglalahad ng isang letra kung saan makikita ang sagot. Ang lightning na perk ay magbibigay ng isang letra sa lahat ng box. Panghuli ay ang shuffle na kapag ginamit ay hahaluin nito ang mga letra. Mayroon ding bonus words na kapag nahulaan mo ay maaari kang makakuha ng extra coins. Ang perks na ito ay magagamit sa halagang 125 coins para sa spy search, 50 coins para sa shuffle, at 280 coins sa lightning. Mayroong mahigit sa 11,000 na mga chapter ang larong ito, at sa bawat chapter ay mayroong 10-30 na mga sub-level kaya asahan mong mahaba-haba pa ang dapat mong lakbayin bago mo matapos ito. Ang bawat chapter ay mayroong natatanging mga tema na gumaganda sa bawat pag-usad mo sa isang chapter. Kung sa tingin mo ay talagang malawak ang iyong bokabularyo, susubukin ng larong ito ang iyong kakayahan. Mayroon din itong extra quest tulad ng Daily puzzle na nagbibigay ng karagdagang reward kapag matagumpay mong naipasa ang mga ito.
Mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro
Walang perpektong laro, ang mga kahinaan ng isang laro ay maaaring magsilbing gabay ng developer upang mapaganda pa ito. Maayos na inilatag sa Double Letter Color Word Crush ang mga nais nitong matutunan at mapagtagumpayan ng bawat manlalaro. May maayos na instruksyon kung paano laruin at gamitin ang bawat button ganun na rin ang perks at kung paano ito makakatulong. May smooth na graphics at maaliwalas na color palette na hindi ginagawang boring ang laro. Ang sound effects din nito ay angkop sa bawat tema ng bawat chapter na iyong lalaruin. Gayunpaman, sadyang maraming ads ang laro na talagang nakakagambala. Matapos na masagutan ang isa o dalawang puzzles ay agad na may susulpot na mga ad. Kahit na mabisa itong mapagkukunan ng mga extrang coin ay nauubos din naman sa katagalan. Mas maiging i-off ang wifi o mobile data para hindi madistorbo ng mga ad. Napakamahal din ng in-app purchases na nagkakahalaga ng ₱55 hanggang ₱5,500 bawat item. May mga pagkakataon ring biglang nagka-crash ang laro o biglang nagfi-freeze kahit nasa sukdulan ka na ng iyong sinasagutan. Mainam na mabigyang pansin ang mga ito lalo na’t papatok ito sa kahit anong edad.
Konklusyon
Malaki ang naitutulong ng larong tulad ng Double Letter Color Word Crush sa ating utak. Kahit ito ay simpleng tingnan pero kapag sumasabak ka na sa mismong laro ay doon mo lang maiisip na may mga bagay na kailangang i-work-out ng iyong utak. Sa dami ba naman ng mga larong naglipana ay mas pipiliin parin natin ang maginhawang gameplay, mapagbigay sa mga bonuse, at storage-friendly. Hayaan mong tulungan ka ng laro na mag-ensayo ang iyong utak sa pamamagitan ng mga exciting at mapanghamong mga puzzle nito.
Nakatanggap ito ng 4.5 ratings sa Play Store at 4.6 naman sa App Store, pero pareho lang ang daing ng mga manlalaro – ang walang katapusang pagsulpot ng ads at biglaang pag–crash nito. Kung hindi ka naman makuntento sa larong ito ay sagot ka na ng Big Win Club, ito ay isang app na maraming kakaibang laro na tiyak na mas hahamon pa sa iyong kagalingan. Maari kang maglaro rito nang libre at umasang makakukuha ng mga bigating papremyo!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 15, 2022