Dragon City Mobile Review

Kahit pa sa modernong panahon, kilala pa rin ang mga dragon bilang mga mythical na halimaw. Kung nabubuhay pa ang mga nilalang na ito hanggang ngayon, siguradong ang buong mundo ay babalutin ng takot at pagkabahala. Namumuhay lamang ang mga tao nang mapayapa ngayon dahil ang lahi ng mga Dragon City Mobile ay ganap nang naglaho, matagal na panahon na ang nakalilipas.

Ito ang laro kung saan maaari kang maging isang ganap na dragon master! Ang Dragon City Mobile ay isang mobile na laro. Una itong inilabas sa Facebook noong Mayo 2012, at pagkatapos ay sa iOS at Android noong 2013. Noong Pebrero 26, 2019, opisyal na inilabas ang bersyon nito sa Microsoft Windows.

Sa larong ito, matututunan mo kung paano pangalagaan ang mga may pakpak na halimaw. Ang pagpaparami, pagpapakain, at pagpapasunod sa kanila ay bahagi ng buhay kasama ng mga dragon. Makakakuha ka ng mga gantimpala gaya ng mga hiyas, ginto, at orb sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa iba pang mapangahas na mga halimaw. Maaari mo ring i-upgrade ang kanilang mga istatistika, hitsura, kagalingan, at pinsala sa kalaban.

Ano ang layunin ng laro?

Bumuo ng isang kahanga-hangang isla ng mga dragon – Pagandahin ang kapaligiran at mga tirahan para sa iyong mga nakamamanghang alagang dragon. Ang mga ito ay nangangailangan ng tahanan. Mayroong anim (6) na mga lumulutang na isla, bawat isa ay may sari-sariling ekolohiya. Maaaring pagandahin ang isla sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga gusali at pagbili ng mga tirahan.

Pakainin at palakihin ang iyong mga dragon – Ang pagpapakain sa iyong mga dragon ay kinakailangan kung gusto mong pagbutihin ang kanilang mga istatistika. Dapat kang magtanim ng maraming prutas at gulay upang mapanatili ang pagpapakain sa mga dragon upang lalo pa silang maging mas malakas.

Mangolekta ng mga malalakas na dragon – Upang maging pinakamahusay na mangangaso ng dragon, dapat kang maghanap at mangolekta ng nasa 600 na mga dragon na may iba’t ibang elemento at breed upang matagumpay na makumpleto ang Dragon Book.

Makipaglaban at manalo – Dapat mong labanan ang iba pang mga dragon sa lugar ng coliseum o arena kung nais mong pagbutihin ang kakayanan ng iyong mga magigiting na dragon. Laging ipanalo ang mga laban para makakuha ng mga gantimpala at makumpleto ang iyong mga misyon. Kapag nakuha mo na ang iyong mga premyo, gamitin ang mga ito para palakasin ang kapangyarihan ng iyong mga dragon.

Dragon City Mobile

Dragon City Mobile

Paano laruin?

Pumunta sa app store at i-download ang larong Dragon City Mobile. Kapag matagumpay mong na-install ang laro sa iyong mga device, i-link ito sa iyong Facebook o Google Play account upang ma-save ang data ng laro.

Bubungad agad sa iyo si Deus, ang kaibigan ni Odin Dragon. Si Deus ay may hawak na baston na may nakalagay na itlog ng Firebird Dragon. Agad na lalabas si Deus at tuturuan ka sa lahat ng bagay na dapat mo malaman. Tutulungan ka rin niya sa iyong ekspedisyon at paglalakbay sa kaharian ng mga dragon.

Pagdating sa mga tirahan, pagkain at pagpaparami ng mga dragon. Maaari mong ilipat at ilagay ang mga tirahan sa isang isla sa pamamagitan ng pag-drag sa kanila. Ang XP ang nagpapahintulot sa mga dragon masters na mag-level up; para makakuha ng XP, i-tap lang ang mga tirahan. Ang mga baby dragon ay ipinapanganak sa gusali ng hatchery. Piliin ang dragon at pindutin ang icon na “feed” upang pakainin sila. Kapag pinakain mo sila, tumataas ang kanilang level sa paglipas ng oras. Ang pagkain ay isa sa pangunahing pangangailangan ng kahit anong nilalang. Magtanim ng anumang masusustansyang prutas o gulay at anihin ito kapag hinog na. Maglagay ng dalawang dragon sa hatchery at paramihin ang mga ito. Maaaring bumili ng mga skin sa shop para ayusin ang kanilang itsura.

Bukod pa riyan, ang laro ay may mga misyon kung saan makakakuha ka ng mga karagdagang gantimpala gaya ng mga ginto at orbs. Subukang kumpletuhin ang mga ito hangga’t maaari upang mapataas ang iyong level. Ang laro ay mayroon ding mga espesyal na kaganapan at paligsahan.

Paano i-download ang laro?

  • Download Dragon City Mobile on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=es.socialpoint.DragonCity
  • Download Dragon City Mobile on iOS https://apps.apple.com/ES/app/id561941526?mt=8
  • Download Dragon City Mobile on PC https://www.microsoft.com/en-ph/p/dragon-city/9p8569j9gb3s?cid=storebadge&ocid=badge&rtc=1

Ang mga kinakailangan para ma-download ang Dragon City Mobile game sa mga Android phone ay dapat Android 4.4 ito o mas mataas pa. Para sa iOS users, iPhone 6s o mas mataas sa iOS 10.0 ang dapat gamitin. Ang space storage na kailangan ng app para sa Android ay 137 MB at 288.1 MB naman para sa iOS.

Dragon City Mobile

Dragon City Mobile

Paano magkaroon ng account sa larong Dragon City Mobile

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng laro ng Dragon City Mobile, i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app; kung mayroon kang isa pang maiuugnay na account sa larong ito, maaari mong gamitin ito sa pamamagitan ng pag-log in gamit ang iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro kasama ang iyong mga dragon!

Tips at tricks sa paglalaro ng Dragon City Mobile

Hindi nakakapagtaka na ang Dragon City ay nakikita bilang isang masaya at kapana-panabik na laro na humahamon sa mga kakayahan ng mga manlalaro – mula sa pagkontrol ng iba’t ibang mga dragon, hanggang sa magamit na sila nang tuluyan sa labanan upang tulungan kang maabot ang pangarap mo na maging pinakadakilang dragon master sa kasaysayan.

Related Posts:

Fidget Toys Trading: Pop It 3D Review

Garena Free Fire MAX Review

Huwag magtipid sa paggamit ng mga gems – Isa ito sa pinakamahirap na bagay para sa isang manlalaro! Oo, mahirap talagang gawin ito lalo’t nahirapan kang mag-ipon ng mga hiyas. Gayunpaman, ang tungkulin ng mga gems ay palakasin at bigyang-kapangyarihan ang iyong mga dragon. Alalahanin mo na ang mga gems ay dapat na ginagamit at hindi nakaimbak lang. Huwag ugaliin ang pagtatago nito, sa halip ay isipin kung paano pa nito mapapalakas ang pwersa ng iyong mga alagang dragon.

I-upgrade ang hatchery – Ang mga manlalaro ay bibigyan ng isang hatchery at isang gusali kung saan bumubuo ng mga dragon. Limitado lang ang pwedeng ilagay dito, kaya dapat ay i-upgrade ang hatchery para mas marami ka pang mailagay na mga itlog ng dragon. Dahil hindi naman maaaring madaliin ang pagkabiyak ng mga itlog, dapat palakihin ang kapasidad ng gusaling ito para dumami pa ang iyong mga dragon.

Lumaban sa arena – Isa sa mga pinakakapana-panabik na aspeto ng laro ay ang pakikipagkumpitensya sa arena. Ang paghamon at pagsasanay sa iyong mga dragon para sa isang labanan sa arena ay mahalaga hindi lamang para makilala kang pinakamagaling na master ng dragon. Ang pagkapanalo sa bawat laban ay may kaakibat na mga gantimpala tulad ng pangongolekta ng mga Elemental Token, na ginagamit upang i-upgrade pa ang tirahan ng mga dragon.

Dragon City Mobile

Dragon City Mobile

Pros at Cons review para sa larong Dragon City Mobile

Ang mobile game ng Dragon City ay mas madaling gamitin dahil malalaro na ito gamit ang app. Ipinagmamalaki nito ang magagandang visual at ang regular na update upang ayusin ang mga seryosong isyu ng laro. Sinusuportahan din ito ng isang email o Facebook account, kaya hindi ka dapat mag-alala dahil ang iyong data sa laro ay awtomatikong masi-save at maililipat sa anumang device. Siguraduhin lang na na-download mo ito mula sa parehong app store, kung hindi ay kailangan mong simulan ulit ang laro matapos mai-install. Ang buong gameplay ng app na ito ay nakakaintriga. Napakasayang galugarin ng maalamat na kaharian ng mga dragon! Nakakasabik ang mga kaganapan sa paligsahan na nagbibigay-daan sa iyong makipagtagisan laban sa iba pang mga dragon masters. Gawan ng disenyo at pagandagin ang balat ng iyong mga dragon, pagkatapos ay punuin ang mga isla ng mga kamangha-manghang tirahan at istruktura.

Samantala, ilan sa mga kritisismo para sa larong ito ay ang limitadong bilang ng mga antas at features. Marahil ang pagdaragdag ng ilang pagsubok sa laro ay makakatulong na malutas ang problemang ito at nang hindi magsawa ang mga manlalaro. Ang mga misyon ay paulit-ulit na nagdudulot ng pagkainis at pagkabagot sa laro. Dapat unahin ang pag-aayos ng mga isyung nito na nagiging sanhi ng pagbagal ng performance ng laro. Ito rin ay grabeng mag-aksaya ng baterya, na maaaring ikasira nang tuluyan ng mga mobile phone, at pinapabagal din nito ang galaw ng device. Lalo pa’t ang mga modernong telepono ngayon ay malimit ng compact-built ang battery kaya sa oras na ang baterya ng isang device ay nasira, hindi na ito mapapalitan. Subukan man itong ipaayos ay napakalaking halaga ang kailangang ilaan para rito.

Konklusyon

Ang larong Dragon City Mobile ay hindi isang perpektong app. Mayroong ilang mga problema na kailangang ayusin upang magkaroon ng mas magandang karanasan sa paglalaro. Ang mga manlalaro ay patuloy na naghahanap ng mga paraan upang mapahusay pa ang ng kanilang gaming experience. Gayunpaman, ang laro ay patuloy na nagpapasaya sa lahat ng mga manlalaro habang sinusubukang lutasin ang lahat ng mga isyu kaugnay dito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...