Draw Coliseum Review

Kung pamilyar ka sa larong Beyblade Burst Rivals, Spiral Warrior, Spinner.io, Bladers: Online Multiplayer at iba pang mga larong spinning top battle, tiyak akong magugustuhan mo rin ang larong Draw Coliseum. Opisyal na inilunsad ang larong ito sa Google Play Store noong taong 2020 at available na rin ito ngayon maging sa App Store.

Ang Draw Coliseum ay isang action at single player game. Ito rin ay isang stylised game dahil ang visual na nilalaman at disenyo ng laro ay walang representasyon sa makatotohanang itsura na bagay. Dagdag pa riyan, ito rin ay isang offline game. Ibig sabihin hindi mo na kailangan pa ng data o internet connection para malaro ito. Bukod sa libre mo na itong makukuha, malalaro mo pa ito kahit walang Wi-Fi.

Sa larong ito, ang gagamitin mong pang-laban ay isang blade. Hindi lang ito simpleng laro dahil kailangan mo ring gamitin ang iyong estratehiya at pamamaraan para matalo ang kalaban. Subalit sigurado akong masisiyahan ka kapag sinubukan mong laruin ang Draw Coliseum.

Features ng Draw Coliseum

Makulay na graphics – Hindi lamang isa o dalawang kulay ang makikita mo sa larong ito dahil ang graphics na ginamit sa Draw Coliseum ay makulay. Simple lamang rin ito at hindi masyadong magarbo tulad ng ibang laro.

Iba’t ibang level – Sa larong ito, maraming level ang pwede mong laruin. Sa bawat level rin na iyon ay iba’t ibang uri ng kalaban ang iyong haharapin na dapat talunin. Talunin ang lahat ng makakaharap mo upang makarating sa tuktok ng laban at makamit ang tagumpay.

Upgrade items – Habang ikaw ay naglalaro kailangan mo ring i-upgrade ang mga items na mayroon ka. Ito ay para mas maging malakas ang iyong kagamitan, bumilis ang galaw ng ikot at tumalas ang talim ng iyong blade. Sa ganitong paraan, mas mabilis mong matatalo ang kalaban.

Coins – Kolektahin ang mga coins na mapapalalunan upang makapaglaro at makapag-upgrade ng items. Maaari mong doblehin o palakihin ang coins na mayroon ka sa mas mabilis na paraan sa pamamagitan nang panonood ng mga ads. 

Customize – Maaari mo ring i-customize ang iyong blade sa larong ito. Mayroong tatlong opsyon ang pwede mong gamitin: ang speed, power at ink ng blade.

Daily Missions – Hindi lang paglalaro ng blade ang maaari mong gawin sa larong Draw Coliseum dahil mayroon din itong daily mission na kailangan mong kumpletuhin. May naghihintay na mga papremyo, items at coins sa iyo kapag nakumpleto mo ang misyon mo araw-araw. Subalit sa loob ng isang araw mo lamang ito magagawa dahil makalipas ang 24 oras magbabago na ang misyon na gagawin mo.

Saan Pwedeng I-download ang Draw Coliseum?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Draw Coliseum on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=jp.co.dwango.HcgVOL005DrawColiseum

Download Draw Coliseum on iOS https://apps.apple.com/us/app/draw-coliseum/id1525663778

Download Draw Coliseum on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-jp.co.dwango.HcgVOL005DrawColiseum-on-pc.html

Tips Kung Nais Laruin ang Draw Coliseum

Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang Draw Coliseum, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Sa simula ng laro, ikaw ay malayang gumuhit sa canvas. Anumang hugis o anyo ng linya ang iyong nais ay pinahihintulutan. Ang canvas na ito ay ang magiging itsura ng disenyo ng iyong blade sa laban. Kaya naman pag-isipang mabuti ang iyong iguguhit upang matalo mo ang kalaban. Maaaring diretsong linya lamang o lagyan mo ng ilang kurba. Pwede ring hugis bilog, tatsulok, parisukat o pahaba. Nakadepende sa iyong nais at kung ano sa tingin mo ang paraan na mabilis mong matatalo ang iyong katunggali. Pagkatapos mong gumuhit sa canvas, maaari mo ng pindutin ang play button bilang upang makapagsimula na ng laban. 

Kapag ikaw ay nasa laban na, i-swipe mo lang ang blade mo sa direksyon na iyong nais. Maaari sa kanan, sa kaliwa, sa harap, sa likod o di kaya atakihin ng direkta ang iyong kalaban. Kung sino ang unang mahulog sa lugar ng labanan ay matatalo. Kaya naman ang larong ito ay matira matibay. Ang blade na mananatiling umiikot sa taas ang siyang mananalo. Pagkatapos mong manalo sa unang level ng iyong laban, ikaw ay makakakuha ng coins bilang gantimpala. Maaari mo itong doblehin kapag ikaw ay nanood ng ads subalit pwede mong i-skip ito at kuhain na ang premyo mo.

Para makuha ang tropeo sa dulo, pagdadaanan mo muna ang tatlong level at makikipaglaban sa iba’t ibang uri ng blade. Kapag nanalo ka sa mga level na ito makukuha mo ang malaking tropeo na naglalaman ng mas maraming coins. Pwede mo ring i-claim ang items na ipapakita sa screen subalit kailangan mo munang manood ng ads para makuha ito pero maaari mo naman itong i-skip. Ngayong nalagpasan mo na ang League 1 o ang una mong laban, mabubuksan mo ang panibagong mode ng laro, ang endless mode. Marami ka pang level na pwedeng labanan at mga items na maaaring mabuksan. Kaya laruin lamang ito hanggang sa ikaw ay maging mahusay at makuha ang mga naghihintay na papremyo.

Pros at Cons sa paglalaro ng Draw Coliseum

Kung pag-uusapan ang graphics, visual at sound effects ng larong ito, simple at sakto lamang ang pagkakagawa nito para sa isang blade game. Hindi ka malilito dahil madali lamang intindihin ang nilalaman ng mismong laro. Mabilis mong matutunan kung ano ang mga dapat gawin kahit ikaw ay baguhan pa lamang. Kaya pwede ito sa mga edad tatlo hanggang pataas dahil wala itong marahas na nilalaman na nakakaapekto sa kanila. Kahit kabataan o matanda ay maaaring ma-enjoy ang larong ito. 

Ang larong ito ay nakatanggap din ito ng iba’t ibang reviews sa Google Play Store. Ayon sa reviews, maganda ang ideya ng mismong laro, nagustuhan nila ang tema at graphics nito. Sa kasalukuyan, mayroon itong 3.7 out of 5 ratings sa Google Play at may mahigit 10 milyon downloads. Mayroon din itong mahigit sa 48 libong reviews. Ibig sabihin marami na rin ang mga naglalaro nito hanggang ngayon. Subalit ang kadalasang komento ng ilan ay ang dami ng ads na lumalabas habang naglalaro. Hindi lamang isang ad ang lumalabas tuwing matatapos mong maglaro ng isang level kundi higit pa na nakakaabala sa paglalaro. 

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, ang larong ito ay simple at madali lang matutunan. Kaya kung gusto mong malaman ang bago nilang update at masubukan kung paano laruin ang ang Draw Coliseum, i-download na ito sa iyong devices!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...