Draw Weapon 3D Review

Draw Weapon 3D – Hindi na rin mabilang ang mga inilabas na mga laro na puno ng labanan sa mga nakaraang taon. Ito ay laging nangungunang genre pagdating sa pagpili ng laro. Bukod sa ito ay kasiya-siya at mapanghamon, binibigyan din nito ng tsansa ang mga manlalaro upang mailabas ang kanilang kasanayan sa paggawa ng iba’t ibang mga combo pagdating sa labanan.

Kung ikaw ay mahilig tumuklas at sumubok ng mga kakaiba at kaswal na laro, subukan ang Draw Weapon 3D at alamin ang hiwagang dala nito sa pakikipaglaban.

Ang kaswal na larong Draw Weapon 3D

Ang Draw Weapon 3D ay isang video game na binuo at handog sa atin ng Supersonic Studios. Inilabas na rin ito para sa mga iOS device noong Oktubre ng kasalukuyang taon. Para sa higit pang mga detalye tungkol sa laro, mayroong mga gabay at ilan pang mahahalagang mga impormasyon na iyong malalaman sa pagpapatuloy sa pagbabasa hanggang dulo.

Sundin ang mga patakaran

Bago pumasok sa isang labanan, gumuhit muna ng sandata. Maaari mong iguhit anumang armas ang iyong naisin. Ngunit bantayan ang dami ng iyong tinta, huwag sayangin ang bawat patak nito. Ang bawat sandata na iyong matatapos iguhit ay ang magiging pangunahing armas mo sa labanan. Sa oras na makuha mo na ang sandata, ito na rin ang hudyat ng pagsisimula ng laban. Huwag kalimutang i-tap sa tamang oras o timing ang iyong kalaban upang maihulog ito sa bangin.

Related Posts:

Pagsusuri sa K-Sniper Challenge 3D

Merge Animals 3D – Mutant Race Review

Draw Weapon 3D

Draw Weapon 3D

Paano nga ba ito laruin?

Sa una, ang iyong pokus ay ang mga armas. Bubuo ka ng armas na sa tingin mo ay makakatulong sa iyo para manalo sa laro. Magagawa mo lang din ito sa pamamagitan ng direktang pagguhit sa screen gamit lamang ang iyong daliri.

Kapag nag-umpisa na ang labanan, maaari kang umatake sa iyong kalaban sa pamamagitan ng pagpindot sa Attack button. Palaging kumuha ng pagkakataon na atakihin at talunin ang kalaban.

Ang pagpapatuloy sa laro at ang pagkapanalo dito ay magbibigay sa iyo ng mga puntos na maaari mong magamit sa pagpapalago ng iyong nalikom na stats.

Ang mga tampok ng larong Draw Weapon 3D

Ang bagong fighting game na ito ay iyong mae-enjoy lalo na ang pag-akyat sa bawat level na mayroong iba’t ibang hamon, at kasabay nito, ang pagkakataong gumuhit ng mga kakaibang sandata. Bago ka pa makapagsimulang gumuhit, ipapakita nito ang isang outline na maaari mong magamit sa pagguhit ng sandata gamit ang iyong kamay.

Nakaka-excite na pagle-level up. Maraming levels ang pagdadaanan sa larong ito. Ang kagandahan nito ay makakapagpasya ka kung ano ang gusto mong iguhit habang nire-refresh mo ang board sa laro.

Magagamit ang kasanayan sa pagguhit. Sa larong ito ay maaari kang lumikha ng mga armas na gagamitin sa pakikipaglaban. Ang kailangan lang gawin ay iguhit mo ang mga ito. Ngunit, dahil alam mo nang may limitasyon ang tinta na pwedeng magamit, mapipilitan ka ring bumuo ng plano kung paano ito masusulit.

Makatotohanang Mundo ng 3D graphics. Ang Draw Weapon 3D ay isang nakakatuwang 3D game na hinahayaan kang lumaban gamit ang iyong sariling estratehiya. Ang mga magagawa mong mga item at armas ay isang pagkakataon upang maipamalas ang iyong mga kasanayan sa paglikha. Sa larong ito, ang mga kontrol ay madali lang. Kailangan mo lang igalaw ang iyong daliri upang makaguhit ng mga item.

Download sites para sa Draw Weapon 3D

Sa pag-download, para ka na ring nakakuha ng isang kaswal na laro na gumagana sa karamihan ng mga pinakabagong device na pinapagana ng Android. Umabot na rin sa 1,294,325 downloads ang naitala mula nang una itong inilabas. Patuloy rin ang pag-update ng laro na ang huli ay noong Nobyembre 9, 2021 lamang na mas lalo pang ikinaganda nito.

  • Download Draw Weapon 3D Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.satbox.drawweapon3d&hl=en_US&gl=US&auao=none&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Ddraw+weapons+3d+android&pcampaignid=APPU_1_51uXYZmdN62P2roPyeS72Ak
  • Download Draw Weapon 3D Game on iOs https://apps.apple.com/us/app/draw-weapon-3d/id1570192089
  • Download Draw Weapon 3D Game on PC https://www.memuplay.com/download-com.satbox.drawweapon3d-on-pc.html
Draw Weapon 3D

Draw Weapon 3D

Ang mga maari mong gawin sa laro

Maraming mga kapana-panabik na mga level sa Draw Weapon 3D. Dito ay maaari kang magsaya habang nakikipaglaban.

Gumuhit at sumabak sa labanan. Ang larong ito ay susubok sa iyong mga kakayahan habang sinusubukan mo rin na pabagsakin ang iyong mga kalaban gamit ang iba’t ibang diskarte sa pag-atake. Ihanda ang iyong isip sa pagpaplano ng estratehiya at palawakin pa ang iyong ideya sa paggawa ng mga armas. Depende sa level, hihilingin ng laro sa iyo na gumuhit ng iba’t ibang dragon, baril, walis, payong, at marami pang iba. Ang bawat antas ay may tampok na natatanging item na maaari mong iguhit upang magamit sa labanan. Ang bawat kalaban naman ay magiging mas malakas sa pag-usad paakyat ng mga susunod pang levels. Dito, maaari mong patuloy na atakihin ang iyong mga kalaban at ihagis ang iyong armas.

Gumuhit ng iba’t ibang bagay. Sa Draw Weapon 3D, magagawa mong gumuhit ng iba’t ibang bagay at mga armas na gusto mo. Napakaraming kakaibang mga item din dito ang iyong matutuklasan. Maaari kang gumuhit ng mga sandata kagaya ng baril, bat, payong, kawali, dragon, martilyo, at marami pang iba. Maaari mo ring i-upgrade ang iyong attack power pati na rin ang iyong ink para makapag-drawing ka ng mas komplikadong mga item.

Sulitin ang bawat laban. Ang mga laro na kagaya nito ay talaga namang pinapaboran ng mga manlalaro dahil hinihimok nito na mailabas ang natatagong skills ng mga naglalaro at subukan ang kanilang mga limitasyon.

Upang maging mahusay sa pakikipaglaban, kakailanganin mo rin ng matalas na memorya para hindi makaligtaan ang mga combo, dapat ay mabilis ang reflexes, at solid ang kakayahan sa pakikipaglaban.

Ang ikinaganda o pros ng Draw Weapon 3D

Ang Draw Weapon 3D ay isang simpleng laro kaya madaling gamitin at mahusay rin ang konsepto na gaming interface nito. Masasanay rin ang iyong pokus sa mga importanteng bagay sa laro. Maaari ring magamit ang laro sa iba’tibang devices matapos itong mai-download.

Ang Draw Weapon 3D mobile ay pinapayagan ang mga user na gamitin ang Setting options. Dagdag pa rito, kung mangangailangan ka ng tulong o kung mayroon kang mga aberyang  mararanasan, maaaring i-kontakin ang kanilang Support Departament sa pamamagitan ng email. Ligtas naman itong laruin at hindi walang rating restriction para sa mga batang players. Ang pinakamagandang balita? Hindi mo na kailangan pang maglabas ng pera sa paglalaro dahil ito ay libre, para sa lahat.

Draw Weapon 3D

Draw Weapon 3D

Ang mga nakakadismaya o cons ng Draw Weapon 3D

Kung isa ka sa mga manlalaro ng Draw Weapon 3D na laging naglalaro, minsan kay makakaranas ka ng mga bugs, lags, at glitch. Maaaring i-report ang problemang ito sa Support Team, ngunit maaaring hindi ito ang pinakamabilis at pinakamabisang paraan para malutas ang problema. Bukod pa rito, gusto rin ng mga manlalaro na palakihin pa ang gaming option sa pamamagitan ng isang global na labanan.

Konklusyon

Mahilig ka ba sa mga larong labanan? I-install mo na ang Draw Weapon 3D ngayon. Ito ay isang natatanging laro ng pakikipaglaban kung saan maaari mong iguhit ang iyong mga kagamitan o armas upang mapatumba ang mga kalaban. Ito rin ay isang magandang pandagdag sa iyong mga koleksyon ng mga kaswal na laro na papawi sa iyong pagkabagot at stress na nakukuha sa araw-araw. Bukod sa lahat, marami rin sa iyong mga skills ang mas mapapahusay pa ng laro kagaya ng pagguhit, pagpaplano, paggawa ng estratehiya at marami pang iba.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...