Dream Hotel: Hotel Manager Simulation Games Review

Minsan mo bang pinangarap na maging isang hotel tycoon? Ihanda ang sarili na maging isang tanyag na negosyante sa larangan ng pangangasiwa ng hotel at magbigay-serbisyo sa mga bisita mula sa buong mundo. Maglaro habang nagsasaya at tugunan ang mga pangangailangan ng iyong mga customer upang masigurado ang kanilang kasiyahan. Excited ka na bang patakbuhin ang iyong sariling hotel at kumita ng limpak-limpak na hotel coins upang mapalago ang iyong negosyo? Ang Dream Hotel: Hotel Manager Simulation Games ay isang offline na larong ginawa ng CSCMobi Studios. Ito ay maaaring laruin kahit anong oras, kahit saan! Kung nais na mas kilalanin ang larong ito, basahin itong artikulong isinulat ng Laro Reviews para sa’yo.

Mga Tampok ng Laro

Itinatampok ng laro ang role-playing game o ikaw bilang manlalaro ay maglalaro sa panahong aktwal kung saan ikaw ay nagbibigay ng serbisyo sa abala at dinadagsa mong hotel. Ibig sabihin ay lalaruin mo ito nang aktwal na kung saan ikaw ang magbibigay ng utos sa iyong mga staff (kung saang kwarto ipapasok ang bisita, sa kwartong lilinisan, at pagkain o inuming ihahanda)  at magdedesisyon sa pangkalahatang pamamahala ng iyong negosyo. Sa patuloy na paglalaro at pagtaas ng level, dadagsain ng mas maraming bisita o customer ang iyong hotel at mas mahihirapan kang pagserbisyuhan ang mga ito. Huwag mag-alala dahil meron namang mga booster item na epektibong pabibilisin ang pagbibigay-serbisyo ng iyong mga staff. 

Hindi mabigat kumonsumo ng data storage sa iyong cellphone dahil nangangailangan lamang ito ng humigit kumulang na 230 MB para buong mai-download, mainam sa mga manlalarong gumagamit ng hindi ganon kamamahaling smartphone. Ang control at command keys ay maayos na gumagana, ang character design ay minimal ngunit nakawiwili sa mata at ang kabuuang animation ng laro ay kaaya-aya. Napakainklusibo ng laro dahil ito ay libre at madaling matutunan lalo na sa mga baguhang manlalarong magpapasaya sa pangkalahatang karanasan sa paglalaro. Maaari ring mas pagandahin at i-upgrade ang iyong mga kwarto, kagamitan at pagkaing ihahanda upang makapagbigay ng may kalidad na serbisyo. Kung nais mong subukin ang iyong galing at bilis, meron itong tatlong-daang mahigit na iba’t ibang hotel levels na may nakakapanabik na time limit. 

Tunay na siksik ang larong may nilalamang 300 mahigit hotel levels na may iba’t ibang disenyo, lokasyon sa iba’t ibang parte ng mundo at antas ng kahirapang sisiguraduhing ‘di ka mababagot. Kalakip din dito ang nakakatuwag hotel simulation  at nakakapanabik na customer rating satisfaction na magbibigay ng makatotohanang karanasan sa paglalaro. Mayroon din itong patas na reward system kaya siguradong hindi ka mauubusan ng hotel coins at booster items.  

Ito ay ilan lamang sa mga tampok ng laro na siguradong maghahatid ng kakaibang gaming experience sa bawat manlalaro.

Paano i-download ang Dream Hotel: Hotel Manager Simulation Games?

Para sa mga Android o smartphone user, pumunta lamang sa Google Play Store at kung iPhone naman o iOS user naman pumunta lamang sa App Store. I-type sa search bar ang pangalan ng laro, pagkatapos ay i-click ang install button. Sa kasamaang palad, walang katumbas ang app na maaaring laruin para sa mga laptop at PC. Suriing mabuti ang app na nai-download kung ang developer/creator nito ay ang CSCMobi Studios.

Download Dream Hotel: Hotel Manager Simulation Games on Android here 

Download Dream Hotel: Hotel Manager Simulation Games on iOS here

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Itinatampok ng laro ang real-time role-playing game, mainam na alamin kung paano gumagana ang controls at hasain ang kasanayan sa tamang sunud-sunod na pagbibigay ng utos. Ugaliing magbasa at manood ng game tutorial upang mabilis ang pagkatuto at makabisa ang mga alituntunin ng laro. Narito ang ilan sa mga pamamaraang inihanda ng Laro Reviews na maaaring gawing gabay ng mga bago pa lamang rito. Sa pagbibigay ng utos, ugaliing siguraduhing unahin kung sino ang unang humingi ng pabor mula sa bisita at ibigay ito nang mabilis at maayos. Sa kasagsagan ng pagdagsa ng bisita, sanayin ang multi-tasking or sabayang pamamahala at pagbibigay ng utos. 

Ang epektibong paraan upang mapadali ang pagpapataas ng level, lalo na sa mga baguhan, ay ang mahabang patuloy na paglalaro upang makabisado at maging eksperto. Sa bawat level na matagumpay mong natatapos ay nagbibigay ito ng gantimpalang hotel coins at Exp na maaari mong ipunin at kolektahin upang i-upgrade ang mga kagamitan at pagkain o inuming inaalok sa iyong hotel at dagdag-puntos sa pagpapataas ng level. Ang pagpapataas ng level ng iyong mga equipment o kagamitan at mabilis na pagbibigay-serbisyo ay mabisa ring paraan sa mabilisang pag-angat ng level. 

Sa pagpapaangat ng level, mas dadami ang guest o bisitang pagsisibilhan kung kaya’t kailangan ang patuloy na pag-upgrade ng gear at equipments upang gawing mas mabilis ang pag-aalok ng serbisyo, kung saan mangangailangan ito ng maraming resources lalo na ng Hotel Coins. Upang mabilis makapag-ipon, maaaring manood ng advertisements na ‘pag buo mong napanood ay nagbibigay ng karagdagang gantimpala. Ugaliin din ang araw-araw na pag log-in dahil sa patuloy na paglalaro ay mabilis na mapapataas ang level. 

Sa kabuuan, ang patuloy na pagsasanay at mahabang oras na paglalaro ay epektibong magpapagaling ng iyong laro. Maaari ring ang matalino at maalam na paglalaan ng iyong mga mapagkukunan o resources ang susi para lumakas sa lalong madaling panahon. Sa madaling salita, ang tamang pamamahala ng oras, pag-a-upgrade,  at masipag na pangangalap ng mga hotel coin at resources ang siyang magsisigurado sa iyong pagpapayaman at tagumpay.

Kalamangan at Kahinaan

Ang mga kalamangan ng laro ay ang mga sumusunod: ang game tutorial ay napakalaking tulong lalo na sa mga baguhan dahil ito ay komprehensibo at madaling matutunan. Samantala, ang mga kontrol ng laro ay napakadaling gamitin at pag-aralan.  Ang kalidad ng graphics ay may mataas na antas at maaliwalas sa mata. Isa nga sa tinatampok ng larong ito ay maaari itong laruin offline kung kaya’t di kailangang may malakas na internet or data connection para makapaglaro. Ang parte ng larong sana ay mas mapabuti ay ang napakalimitadong customization sa itsura ng karakter. Hinihiling na sana ay magkaroon ng option na maaaring baguhin ang itsura ng iyong service crew lalo na ‘pag lumipat ka sa ibang lokasyon ng hotel upang maramdamang lokal ang nagsisilbi sa bisita. 

Sa mga pagkakataon, lalo na ‘pag nakaabot ka sa mataas na level, iminumungkahing may restriksyon ang pilit o sobrang pagpapalabas ng advertisements upang masiguradong hindi sobrang maistorbo ang pangkalahatang karanasan ng paglalaro. Naiintindihan naman na ang ads ang kaparaanan upang kumita ang laro ngunit kung lubha nang nakakaabala ito ay baka mabawasan ang bilang ng manlalaro.

Konklusyon

Karapat-dapat talaga ang larong ito sa mga nakuhang star rating na 4.6 sa Google Play Store at 4.6 naman sa Apple Store. Talaga namang nakabibighani ang nakakawiling konsepto ng larong hotel management online lalo na sa mga taong gustong maranasan nang virtual ang pagtatrabaho sa industriya ng hotel management. Kung nais mong maaliw, lalo na sa mga libre mong oras at matuto sa mga patakaran ng pagpapatakbo ng hotel, i-download na ang Dream Hotel: Hotel Manager Simulation Games ngayon!

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...