Dude Theft Wars Games Review

Ang Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games ay isang nakakaaliw na ragdoll physics game. Ito ay gawa ng Poxel Studio Games na isang Indie studio game developer. Ang maaksyong larong ito na puno ng pakikipagsapalaran ay inilunsad noong Marso 8, 2018. Mabilis itong napamahal sa mga manlalaro. Ang Poxel Studios ay nagsimulang maging aktibo sa industriya ng mga laro noong 2017. Sa kasalukuyan, mayroon itong dalawang app na nailunsad.

Sa larong ito, kailangang makumpleto ng mga manlalaro ang isang serye ng misyon upang makapag-level up. Gagampanan nila ang papel ng isang magnanakaw na kailangang iligtas ang kanyang mga kaibigan mula sa kulungan. Ang mga misyon ay ginawang mas mahirap at mapanghamon dahil sa mga pulis na laging nakabantay para manghuli. 

Dude Theft Wars – Paano i-download ang Laro?

Sa kasalukuyan, ito ay maaaring laruin lamang gamit ang Android devices. Maaari mong hanapin at i-download ang app sa Google Play Store o ‘di kaya’y gamit ang isang emulator. Kung nais mo namang gumamit ng laptop o desktop computer, maaari mo itong laruin sa mga gaming website. Kung nais mong masubukan ito kaagad, gamitin ang sumusunod na links upang direkta itong mai-idownload”

  • Download Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.PoxelStudios.DudeTheftAuto
  • Download Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games on PC https://www.bluestacks.com/apps/action/dude-theft-wars-on-pc.html
Dude Theft Wars

Dude Theft Wars

Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Hindi kailangang lumikha ng isang account upang makapaglaro ng Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games. Kung nais mong maglaro at i-save ang iyong game data, i-tap lamang ang save option sa iyong screen. Tiyak na kapag nasimulan mo itong laruin ay hindi ka mabuburyong sa sayang dulot nito. Maghanda para sa isang karanasang puno ng saya at tila walang katapusang pakikipagsapalaran sa bawat mode ng laro. 

Ang kwento ng laro ay umiikot sa isang magnanakaw na tumakas matapos magnakaw sa isang bangko. Siya lang ang nag-iisang nakatakas sa kanyang grupo. Ang mga kaibigan niya ay nahuli ng mga pulis at nabilanggo. Bilang isang manlalaro, gagampanan mo ang papel ng magnanakaw na ito at kailangan mong tulungan ang iyong mga kaibigan na makatakas sa bilangguan habang iniiwasan ding mahuli ng mga pulis. Maaari kang magnakaw at magmaneho ng mga kotse, motorsiklo, helikopter at iba pa. Pwede ka ring kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng iyong mga ninakaw at kapag ikaw ay nakapatay ng mga pulis. Tandaan na ang mga pulis ay palaging nakasunod sa iyo saan ka man pumunta. Kaya hindi ka dapat manatili sa iisang lugar lamang. Maaari mong labanan ang mga ito gamit ang anumang mga sandata na pwede mong makuha tulad ng baril, granada, at baseball bat. Ang laro ay mayroon ding customization feature na pwedeng mai-set ng mga manlalaro ang antas ng kalidad at tingkad ng graphics, ang sensitivity ng control, sound effects, at iba pa.

Dude Theft Wars

Dude Theft Wars

Sa simula, ang mga manlalaro ay kailangang gampanan ang karakter ni Jack, isa sa pangunahing tauhan sa laro. Habang ikaw ay nagle-level up at patuloy na pinagtatagumpayan ang mga misyon, magagawa mong i-unlock ang iba pang mga karakter. May mga power-up ka ring magagamit sa laro. Ang icon ng orasan ay magagamit mo para pabagalin ang oras, habang ang icon ng snowflake ay maaaring patigilin ito. Ang mga espesyal na item tulad ng mga baseball bat, baril, at granada ay maaari mong gamitin bilang mga sandata kapag nakipaglaban ka na sa mga pulis.

Pag-aralan ang iyong gaming screen at tandaan ang lahat ng mga kailangan gamiting mga icon sa laro. Ang mapa ay matatagpuan sa kanang itaas na bahagi ng screen. Ito ang magsisilbing gabay mo upang matulungan kang mahanap ang mga lugar na kailangan mong puntahan. Maaari mo itong palakihin o paliitin upang makita mo ang buong lugar at matukoy ang iyong lokasyon. Gamitin ito nang madalas upang hindi ka mawala. Ang halaga ng lahat ng game currency na mayroon ka ay maaaring makita sa tabi ng mapa. Pwede mo itong gamitin upang bumili ng mga karagdagang items tulad ng power-ups at boosters. Sa ibabang bahagi naman ng iyong gaming screen ay matatagpuan ang iyong birtwal na cellphone. Gamitin ito upang ma-access ang iba pang mga  tampok sa laro tulad ng pagtawag ng taxi, pagbili ng mga in-game item, at pag-save ng iyong game data. Mayroon kang isang birtwal na kamay sa kanang bahagi na maaari mong gamitin upang makipag-ugnayan sa mga NPC at kumuha ng mga item. Mayroon ding mga icon para sa pagbaril, pagtakbo, at iba pa. 

Ang Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games ay maaaring laruin nang offline solo-player o online multiplayer. Siguradong ma-eenjoy mo ang pagtakas at pakikipaghabulan sa mga pulis, ang mga offline na shooting games, pati na ang ragdoll games. Sa online mode naman, pwede kang maglaro ng Free for All o Team Deathmatch multiplayer. Mas magiging masaya kung ikaw ay maglalaro kasama ng iyong mga kaibigan. Maaari ka ring makaipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro sa buong mundo. 

Related Posts:

Bomber Friends Review

Slither.io Review

Dude Theft Wars

Dude Theft Wars

Dude Theft Wars- Pros at Cons ng Laro

Ang Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games ay isang masaya at kapana-panabik na laro. Ito ay may mataas na average rating na 4.4 stars mula sa halos 900,000 reviews. Sa ngayon, ang app ay nai-download na ng higit sa 50 milyong beses. Ang graphics at animations na ginamit sa laro ay may magandang kalidad bagama’t hindi masasabing ito ay talagang kakaiba at namumukod-tangi. Ang gameplay at ang iba’t ibang mga mode ng laro ay parehong nakakaaliw at nakakahumaling.

Alalahanin lamang na ang kasalukuyang bersyon ay nasa beta stage pa lamang, mayroon pa rin itong ilang bugs at glitches na kailangan ayusin. Sa ilang mga item tulad ng power ups at lokasyon sa open world mode ay limitado rin. Maaaring gamitin ng mga manlalaro ang mga sandata ngunit sa limitadong oras lamang at kailangan pa muna nilang manood ng patalastas.  Bukod sa mga ito, ang multiplayer mode ay hindi pa talagang pulido dahil may mga hindi pa rin nakaka-access rito.

Konklusyon

Ang Dude Theft Wars Offline & Online Multiplayer Games ay isang simulation game na puno ng nakakaaliw na mga tampok at maaksyong pakikipagsapalaran. Ang iba’t ibang mga mode ng laro ay hindi nakababagot at ang mga ito ay nagdadala ng mga kakaibang hamon na dapat talagang mapagtagumpayan. Tandaan lamang na ang larong ito ay nasa beta testing pa lamang kaya asahan ang maraming pang isyu na kailangang matugunan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...