Earn to Die Review

Ang Earn to Die ay isang larong 2D side-scrolling driving na may kasamang pag-upgrade at paggabay sa mga sasakyan patungo sa zombie apocalypse. Susubukang durugin ang zombies na nakaabang at masasalubong sa daan. Sa bawat pag-angat ng level, mabubuksan ang mga bagong sasakyan na maaaring i-upgrade upang maging pinakamagaling na zombie-smashing bot!

Sa pamamagitan ng pagsusuring ito, madidiskubre ang pinakamahusay na estratehiya sa paglalaro ng Earn To Die.

Layunin ng Laro

Ang Earn to Die ay isang zombie apocalypse survival game kung saan makikipagkarera sa iba’t ibang kapaligiran, lalaban sa mga zombie at mag-a-upgrade ng sasakyan.

Nakulong ka sa isang zombie-infested desert. Mayroon kang beat-up na sasakyan at kaunting perang hawak. Malinaw ang layuning kailangang magawa: magmaneho papunta sa mga lupon ng zombies at subukang makaalis dito nang buhay.

Sa Earn to Die, ang manlalaro ay magmamaneho ng sasakyan papunta sa post-apocalyptic wilds. May napakaraming feature ang larong ito at ang pangunahing layunin ay ang umangat nang higit pa sa kaya mo, kumita at gamitin ito sa pag-upgrade para maging mas kapaki-pakinabang ang susunod na pagmamaneho.

Earn to Die

Earn to Die

Pag-Download ng Laro

Sumakay na at durugin ang mga zombie na makakasalubong sa Earn to Die! Simulan ang pag-download ng laro para sa iyong mobile phone mula sa online play store. Para ma-enjoy ang thrill sa Android devices, i-download ito mula sa Google Play Store o App Store naman para sa iOS devices. Para sa pag-download ng laro sa PC, subukang puntahan ang website nilang https://earntodie.co/.

Maaari ring i-download ang laro rito:

  • Download Earn to Die on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.notdoppler.earntodie
  • Download Earn to Die on iOS https://apps.apple.com/us/app/modern-combat-4-zero-hour/id558433129
  • Download Earn to Die on PC https://earntodie.co/

Earn to Die – Tips at Tricks Para sa Matagumpay na Paglalaro

Upang makayanan ang iba’t ibang zombies, ilalagay ka ng laro sa isang sasakyang may espesyal na kagamitan. Piliting huwag tanggalin ang daliri sa acceleration ng sasakyan dahil makatutulong ito sa progreso. Ang tyansang mabigo ay mas bababa sa ganitong paraan. Tandaan na huwag pindutin ang rotation icon nang madalas. Ang sasakyan ay mananatiling protektado sa pamamagitan ng banayad na tapik. Ang oras na igugugol sa paghawak ng accelerator ay limitahan.

Hindi kailangang mag-accelerate sa pagbaba ng bundok. Habang bumababa sa matatarik, bahagyang pagaanin lamang ang pagkakahawak sa accelerator. Hindi na rin kakailanganing itulak ang sasakyan nang mas mabilis sa ganitong mga daan. Ang game physics ay pagagalawin ang sasakyan na hindi kailangan ng tulong. Sa pagsisismula, ng Earn to Die at hindi magtagumpay, maaaring ito ay dahil sa labis na paggamit ng accelerator. Subukang gamitin lang ang physics ng laro bilang pamalit. Makukuha ang inaasam na tagumpay nang mas mabilis.

Alamin kung kailan dapat gamitin ang Boost. Ang gamit na sasakyan ay may kakayahang mag- accelerate. Gamitin ito sa tamang pagkakataon upang maiangat ang level nang mas mabilis. Gamitin ang boost kung paakyat ng bundok, o kung may makakaharap na maraming bump. Ang pag-boost ay tumutulong gawing mas madali ang ramp clearing, mas simple, at mas maginhawa.

Earn to Die

Earn to Die

I-consider ang pag-upgrade ng iyong engine at transmission. Huwag babalewalain ang kahalagahan ng pag-upgrade ng mga ito. Sa paggawa nito ma-bu-boost ang acceleration at speed limit. Sa mga stats na ito,magkakaroon ng magandang pagkakataon na makumpleto nang mas mabilis ang mga level.

Ang paggamit ng acceleration ay mahalaga sa pag-angat sa larong ito. Sa paggamit nito, kailangang pag-ingatan ang sasakyan upang makaabot sa dulo ng laro. Kailangang tanggapin at intindihing kaunti lang ang fuel supply. Dahil dito, kahit ang mga baguhan sa laro ay dapat mag-ingat. Maging matatag at optimistic kahit nabigo na ng maraming beses. Sa pamamagitan ng pagsasanay, darating ang araw na maglalaro kang tulad ng isang eksperto. Magugulat ka na lang kung gaano mo kahusay na pinamahalaan ang paggamit ng acceleration tab kasama na ang kabuuan ng laro.

Simple lang ang setting ng laro na kailangang magmaneho hanggang sa abot ng makakaya bago pa maubos ang gasolina. Durugin ang zombies upang kumita, na maaaring magamit pagpunta sa garage ng laro at mag-upgrade ng mga kagamitan ng sasakyan. Maaaring pagandahin ang makina, pataasin ang kakayahang magdala ng fuel, ang laki ng mga gulong, upgrade ng bumper, at lakipan ito ng mga armas na magagamit sa pagdurog ng mga zombie na hindi kailangang bumagal ng sobra. Kailangang paghiwalayin ang pagiging epektibo at ang purong pagkawasak dahil isa lang ang maaaring pagtuunan ng pansin sa pagbili ng bagong sasakyan at pagsisismulang umunlad nang unti-unti.

Related Posts:

Modern Combat 4: Zero Hour Review

METAL SLUG X Review

Ang pangunahing bagay sa Earn to Die ay ang resource allocation. Nagbibigay ang laro ng pera na nakabase sa kung gaano na kalayo ang narating at gaano karaming zombie na ang napatay. Subalit kung mas malayo ang matatahak na landas ay siya ring mas marami ang mararanasang zombies. Higit na mahalaga ang distansya kaysa sa dami ng napatay na zombie at makakapagbigay din ito ng mas malaking kapakinabangan. Huwag subukang maghabol ng mga zombie. Panatilihin ang ligtas na distansya mula sa kanila.

Earn To Die Laro Reviews

Ang Earn to Die ay isa sa mga pinakakawili-wiling laro na nalikha nang mga developer. Makukuha nitong ganap ang iyong interes at mapupukaw ang iyong pansin. Gayunpaman, ang larong ito ay may kahirapan. Napakaraming stage na kailangang matapos. Uubos ng ilang araw bago makumpleto ang laro ngunit napakasaya nito at hindi mo namamalayan na umaangat ka na sa level.

Ang paglalakbay sa kabuuan ng mapa ay kasing simple lang ng pagkain ng cake kung saan maaaring lampasan ang hangganan ng iyong time frame.  Dahil ang Earn to Die ay isang long-term na laro, maaaring makakuha ng rewarding at exciting adventure na hinahanap mo. Ang Earn to Die ay hindi nakakabagot na laro dahil sa kabuuan nito ay may iba’t ibang mode na nakadaragdag sa kasiyahan.

Gayundin, ang Laro Reviews ay naniniwalang madidiskubre ng mga manlalaro na ang Earn to Die ay kakaiba at kawili-wiling laruin.

Earn to Die

Earn to Die

Konklusyon

Napakaraming mga game application ang available sa ngayon.  Ang Earn to Die ay isang makabagong laro na nagbibigay-daan sa mas enjoyable na pakikipagsapalaran. Sa sandaling ma-master na ang tricks, magiging magaling na sa larong ito. Ang Earn to Die ay isa sa mga game apps na mako-consider kung naghahanap ng isang kakaiba at kapana-panabik na laro.

Ang tanging drawback ng Earn to Die ay ang pagiging bahagyang mababaw nito. Totoong nakapagbibigay ito nang kasiyahan, ngunit pagkatapos na maglaro nang matagal ay mapapansing hindi naman kumplikado ang purchasing schemes nito at ang pag-upgrade sa isang zombie-smashing monster ay madali lang at kailangan lang ng kaunting trabaho. Hindi naman ito kapintasan dahil wala namang binanggit sa deskripsyon nito na may vehicle stunts, o may mga shotguns sa sasakyan nito para gawing mahirap ang laro. Ang Earn to Die ay naakapagbibigay ng mahabang oras ng paglilibang, kumpletong mga aksyon at kahanga-hangang karanasan na hinahanap sa isang laro.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...