
Ilan sa mga nakaraang slot machines na itinampok ng Laro Reviews ay may iba’t ibang themes na maaaring tangkilikin ng mga players. Ilan sa mga ito ay ang Wild West Gold na may Wild Wild West visuals at Geisha Slot Machine na may tradisyunal na Japanese hostess. Sa kabilang banda, mayroon ring slot machine game na may simpleng theme tulad ng Green Machine Slot. Ngayon naman dadalhin ka ng Laro Reviews sa bagong Elephant King Slot Big Win sa Africa dahil sa tema nito. Magiging kasingganda kaya ito ng mga naunang laro? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa nito.
Kabuuan ng Elephant King Slot Big Win
Ang Elephant King Slot Big Win ay isang online casino game na malalaro mo sa web browser. Mula ito sa IGT at inilabas noong 2017. Bukod rito, mayroon itong African wildlife theme. Kaya naman makakakita ka ng ilang sikat na hayop mula sa kontinenteng ito tulad ng elepante, zebra, rhino, at ng antelope sa symbols nito. Mayroon itong hanggang limang reels na maaaring maglabas ng symbols at premyong makukuha mo.
Layunin ng Laro
Sa larong ito, kailangan mo lamang makakuha ng magkakatulad na symbols sa bawat reels mula sa kaliwa hanggang sa kanan. Bilang karagdagan, makakatanggap ka ng premyo kung makakuha ka ng hindi bababa sa tatlong magkakasunod na symbols. Mas mataas ang mapapanalunan mo kung maraming magkakatulad na icons ang lalabas sa iyong screen.
Ang isang brown shield na may gold borders at dalawang crisscrossing na sibat ang iyong WILD icon. Ito ang magsisilbi mong pamalit para makabuo ng linya na lalabas sa iyong screen. Halimbawa, makakakuha ka ng 150 points kung mayroon kang Elephant icons sa una, pangalawa, at pang apat na reels, at WILD icon sa pangatlo. Gayunpaman, hindi ito nagbibigay ng anumang halaga sa sarili nitong mga kumbinasyon.
Paano ito laruin?
Tulad ng karamihang online slot machines, kailangan mo lamang i-adjust kung gaano karami ang itataya mo rito. Ang pinakamababang mailalagay mo ay isang coin value na nagkakahalaga ng 75 total bet. Sa kabilang banda, maaari kang maglagay ng mas mataas na halaga depende sa kung gaano karaming pera ang mayroon. Pwede mong pindutin ang play button nang paisa-isa o gamitin ang autoplay button. Dahil dito, sunod-sunod nang iikot ang reels matapos huminto ang mga ito.
Pros at Cons ng Laro
Ang isa sa magandang feature nito ay ang pagkakaroon ng Bonus game na maaari mong makuha sa kalagitnaan ng iyong paglalaro. Dahil dito, mas magiging kawili-wili ang iyong paglalaro. Kung suswertehin ka, maaari ring tumaas ang premyong makukuha mo rito. Bilang karagdagan, may pagkakataon ring makakuha ka ng ilang Free Spins na magpapa-ikot ng iyong reels para madagdagan ang iyong premyo.
Mayroon itong autoplay function na maaari mong magamit hanggang sa magkakasunod na limampung rounds. Kaya naman hindi mo na kailangang pindutin ang button nang isa-isa dahil iikot na ang reels sa kung gaano karaming spin ang ilalagay mo.
Sa kasamaang palad, hindi mo malalaro ang Elephant King Slot Big Win sa ilang online casino websites tulad ng Skol Casino. Ang isang dahilan nila ay isa ang bansa natin sa mga restricted country na may regulasyon sa gambling game. Maaari kang gumamit ng VPN kung gusto mong gamitin ang account mo rito, ngunit hindi lahat ay marunong gumamit nito. Sa kabilang banda, maa-access mo naman ang ibang online casino websites tulad ng Casino Cruise at Vulkan Vegas.
Malalaro mo lamang ito sa mismong website kaya hindi mo ito maida-download sa iyong mobile phone. Dahil dito, kailangan mo pang hanapin ito sa internet upang ma-access ang laro. Maaari mo namang i-save o i-bookmark sa iyong home browser, ngunit hindi lahat ng players ay marunong gumamit ng internet browser. Bilang karagdagan, marami nang nauusong mobile casino games na mas mabilis ma-access ngunit legit at mapagkakakitaan.
Masasabi mong maganda ang volatility ng isang casino game kung mataas ang porsyento ng return to player (RTP) nito. Ibig sabihin lamang nito ay kung gaano karaming pera ang makukuha mo sa kabila ng mga ipinangpusta mo. Ang ideal na porsyento ay 98% ngunit makakakuha ka lamang ng 92.16% hanggang 96.02%. Kaya naman hindi gaano kalaki ang perang mababawi mo pwera na lang kung suswertehin ka sa paglalaro.
Elephant King Slot Big Win – Mga Alternatibong Laro
Naghahanap ka man ng ibang larong kapareho ng Elephant King Slot Big Win o mas gusto mo lang ng slot machine games na madaling ma-access, narito ang mga alternatibong mobile casino games na inirerekomenda ng Laro Reviews para sa iyo.
Epic Jackpot Slots Games Spin
Isa itong casino game na may casual gameplay, at maaari mo itong malaro sa iyong mobile phone. Gawa ito ng developer na pinangalanang SLOTS! Casino Slot Machines by Super Lucky Casino. Dahil sa genre nito, hindi ka maaaring kumita ng pera dito, ngunit mayroon itong mahigit apatnapung libreng slot games na pwede mong malaro. Bilang karagdagan, mayroon rin itong Jackpot game na naa-update matapos ang ilang buwan.
Hit it Rich! Casino Slots Game
Mula naman ito sa Zynga. Isang kilalang developer na sumikat sa paggawa ng casual games tulad ng FarmVille 3 – Farm Animals, Draw Something With Friends, Tangle Master 3D, at iba pa. Gayunpaman, naglabas na rin ito ng casino games gaya ng Zynga Poker ™ – Texas Holdem, Solitaire + Card Game, at Willy Wonka Vegas Casino Slots. Dito, mararanasan mong makapaglaro ng klasikong slot machines na may Vegas theme, at maaari mo ring malaro ito sa iyong mga kaibigan sa real-time. Mayroon itong in-app purchases ngunit hindi ka kikita ng pera rito.
Big Win Club – Tongits Pusoy
Kung naghahanap ka naman ng cashout app na pwede mong malaro at pagkakitaan, Big Win Club ang larong para sa iyo. Isa ito pinakasikat na mobile casino games sa bansa at isa sa pinakamagandang alternatibong slot machine game para sa mga Pilipino. Ito ay nilikha ng Andrew STD HK at may kasama itong iba’t ibang casino games na kinagigiliwan ng mga Pilipino, kabilang ang Tongits, Sabong card, Tarzan’s Treasure, Color game, Pusoy, at iba pa. Bilang karagdagan, pwede ka ring kumita dahil maaari mong mai-convert sa totoong pera ang mga natatanggap mong reward. Para ma-cash out ang mga ito, kailangan mo lang ng Gcash account.
Konklusyon
Tulad ng mga naunang laro, mayroong advantages at disadvantages ang Elephant King Slot Big Win. Nakakawili itong laruin dahil sa tema nito at mga bonus na makukuha sa paglalaro. Kahit na hindi mo ito maida-download sa iyong mobile phone, marami pa ring alternatibong laro na may kaparehong gameplay nito.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 11, 2022