Exploding Kittens Review

Ang matagumpay na larong card na Exploding Kittens ng game developer na The Oatmeal ay mayroon nang iba’t ibang bersyon na maaaring malaro sa kahit anong device. Ito ay isang nakakaaliw na laro na bagay para sa mga grupo, pamilya, magkakaibigan, pati na rin ang ibang mga manlalaro online. Kung ikaw ay nagbabalak pa lang na subukan ito, magpatuloy lang sa pagbabasa upang makakuha pa ng mga impormasyon tungkol sa laro at ilang tips na rin upang manalo rito. Hindi syempre dapat mawala ang pagiging maswerte upang manalo sa laro, ngunit sana ay makakatulong din sa iyo kahit papaano ang mga kaalamang iyong makikita rito.

Ang Layunin ng Exploding Kittens

Una, ang layunin ng laro ay hindi mag-draw ng Exploding Kitten card. Kung sakaling makakuha ka ng isa sa mga ito, kailangan mong gumamit ng tinatawag na Defuse card bago ito sumabog  at mapatalsik ka sa laro.

Mga Panuntunan ng Exploding Kittens

Sa bawat turn mo sa laro ay mayroon kang opsyon na maglaro ng card, pagkatapos ay bumunot ng isang baraha kapag gusto mong tapusin ang iyong turn. Hindi mo kailangan maglaro ng cards, ngunit kailangan mong kumuha ng isang baraha. Maliban na lang kung naglalaro ka ng card na magbibigay-daan sa iyong i-skip ang paggawa nito.

Exploding Kittens

Exploding Kittens

Ang bilang ng mga Exploding Kitten card sa deck ay katumbas ng bilang ng mga manlalaro na binawasan ng isa. Kaya kung mayroong limang manlalaro, magkakaroon ng apat na Exploding Kittens. Kung mayroong dalawang manlalaro, magkakaroon lamang ng isang Exploding Kitten.

Kung ang isang manlalaro ay namatay sa laro, ang Exploding Kitten card ay sasama sa kanila, kaya ang matitira sa deck ay mga cards na hindi gaanong mapanganib.

Ang metro sa kaliwang bahagi ng screen ay ang magsasabi sa iyo kung gaano kataas ang tsansa na ang susunod na card na iyong huhugutin ay magiging isang Exploding Kitten.

Related Posts:

Townsmen Review

Tongits Star Review

Ang mga Cards sa Laro

Exploding Kitten Card

  • Iwasan ito o hindi kaya ay subukang i-defuse.

Defuse Card

  • Nagsisimula ang laro na ang lahat ay mayroong Defuse card. Ito ang iyong pinakamahalagang card kaya huwag mo itong sayangin. Huwag mo ring ipapamigay. Subukan hanggang sa abot nang makakaya na kolektahin ang mga ito at siguraduhin na mayroon kang ganitong uri ng card palagi. Ito lang ang paraan mo para magpatuloy sa paglalaro kung sakaling makakakuha ka ng Exploding Kitten card.

Skip Card

  • Pinapayagan ka nitong palipasin ang iyong turn at hindi pumili ng card. Ang mga ito ay talagang kapaki-pakinabang kapag ang posibilidad na makabunot ng isang Exploding Kitten card ay mataas.

Reverse Card

  • Katulad ng skip card, magagamit ang reverse card upang palampasin ang iyong turn at baliktarin ang pagkakasunud-sunod ng mga manlalaro. Kaya ang taong dapat ay sinusundan mo ang tira, ang siya ngayong mag-aantay na matapos ang iyong turn para makatirang muli. 

Slap Card

  • Gamit ang Slap card, maaaring laktawan ang iyong turn at sa halip ay magtuturo ka ng ibang manlalaro na pipili ng card. Ang mga ito ay maaaring magbuo-buo at maipasa kung ang mga manlalaro ay patuloy sa pag-slap sa halip na pumili ng mga baraha. Subukang huwag sayangin ang mga ito sa simula, dahil maaari ka lang magbigay sa iyong mga kalaban ng mas maraming card sa umpisang laro.

Double Slap

  • Ito ay katulad ng Slap card, ngunit ang napiling manlalaro ay kailangang dumampot  ng dalawang card.

Steal Card

  • May kondisyon ang paggamit ng isang ito.  Maaaring kang pumili at kumuha mula sa iyong kalaban, ngunit sila ang pipili ng card at hindi ikaw. Mas makakabuti kung gagamitin ang opsyon na ito sa ibang pagkakataon at sa mga manlalarong may kakaunting card. Mas malamang na makakuha ka ng isang bagay na kapaki-pakinabang tulad ng isang Defuse card kung wala nang ibang cards na natitira ang kalaro.

See the Future Card

  • Hahayaan ka nitong silipin ang tatlong cards sa ibabaw ng stack upang mapagpasyahan mo kung ligtas bang kunin ang isa rito o dapat bang palipasin na lang ang iyong pagtira. O kaya naman ay kumuha mula sa ibaba ng deck sa halip na sa ibabaw ng salansan. Ang mga card na ito ay sadyang mapapakinabangan kapag alam mong mataas ang posibilidad na makakuha ng Exploding Kitten at ayaw mong ipakipagsapalaran ang pagkakapili nito, dahil sa isa lang ang hawak mong Defuse card. Makakatulong ito sa iyong magpasya kung ligtas bang pumili o kung dapat kang gumawa ng ilang hakbang upang isuko na muna ang pagkakataong tumira.
Exploding Kittens

Exploding Kittens

I-download ang Exploding Kittens Card Game

Kung ikaw ay mahilig sa nakakaaliw na card games at ang mga baraha ang iyong pampa-relax tuwing nababagot, subukan mong i-download ang larong Exploding Kittens. Dahil sa madali lang maintindihan ang mechanics, kaagad na makakabisado ang laro. Ang mga links sa ibaba ay maaaring gamitin para ma-download ang laro ayon sa device na iyong gagamitin.

  • Download Exploding Kittens on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.explodingkittens.projectbombsquad&hl=en&gl=US&auao=false&referrer=utm_source%3Dgoogle%26utm_medium%3Dorganic%26utm_term%3Dexploding+kittens+download+info&pcampaignid=APPU_1_nKujYZGbF4T8wQOXoY6QDg
  • Download Exploding Kittens on iOS https://apps.apple.com/us/app/exploding-kittens/id1040227414
  • Download Exploding Kittens on PC https://www.bluestacks.com/apps/card/explodding-kittens-on-pc.html

Exploding Kittens Tips 

Mas makakabuti kung susuong ka na kaagad sa higit pang mga risk pagbungad pa lang ng laro para subukan at makapangolekta ng mga cards. Kailangang gawin ito upang magkaroon ng mas maraming sandata na magagamit mo upang kontrahin ang pagkatalo sa laban.

Huwag ding basta-basta gamitin ang iyong mga Slap card nang maaga kung hindi mo alam kung nasaan ang susunod na Exploding Kitten card. Malay mo, baka swertehin ka at ang manlalaro na iyong ma-slap ay makakuha ng Exploding Kitten card.

Huwag basta-basta magtapon ng cards sa simula ng laro sapagkat walang patutunguhan ang ganitong diskarte. Ang taong may pinakamaraming cards kapag habang umiinit ang laro ay magiging lamang sa kanyang mga kalaban.

Bigyang-pansin kung ano ang ginagawa ng iyong mga kalaban. Kung gagamit ang kalaban ng See the Future Card at nag-skip sa kanilang pagkakataong tumira, malaki ang posibilidad na ang nangungunang card ay isang Exploding Kitten, maliban na lang kung nambobola lamang ito. Maaari mo ring subukan ang bluffing upang linlangin ang iyong mga kalaban. Gayunpaman, ito ay isang pag-aaksaya ng card sa halip na makakuha ng isang may pakinabang. Ngayon ay alam mo na ring mahalaga sa larong ito ang kasanayan sa pamba-bluff.

Subaybayan din ang iyong ginagawa. Kung ilalagay mo ang Exploding Kitten pabalik sa deck bilang pangalawang card, masdan mo kung ano ang mga susunod na mangyayari upang maiwasan mong mapiling muli ang delikadong card.

Exploding Kittens

Exploding Kittens

Pros ng Exploding Kittens

Ang larong ito ay nakakatuwa at magandang laruin kahit pa may nagaganap na pagpapatupad ng social distancing sa kasalukuyan. Maaari rin itong maging patok tuwing game nights kung ang mga kasali ay pawang mga kabataan. Bukod pa rito, walang mga ads na maaaring makaistorbo sa paglalaro. Mas mura rin ito kumpara sa isang board game.

Cons ng Exploding Kittens

Walang opsyon na pumili ng bilang ng mga manlalaro. Minsan ay gusto ng iba ng maraming kalaro at minsan naman trip lang na magsolo. Wala rin itong sistema ng liga o rating para sa mga taong madalas nananalo. Mas masaya sana kung may konsepto ng leaderboard o top scorer upang mas ganahan pang maglaro ang mga gamers para mapataas ang kanilang ranking. Wala rin itong inaalok na ibang paraan upang makapag-unlock ng mga higit pang cool na mga bagay bukod sa pagbili ng mga ito.

Konklusyon

Tunay nga na ito ay isang masayang laro. Ngunit kailangan mo ring maglabas ng pera kung gusto mong masulit ang game experience at oras na gugugulin para rito. Kung mayroon namang badyet, bakit hindi? Pero kung wala, ma-eenjoy mo pa rin naman ang laro. Huwag nga lang umasa ng sobra. Kung sa tingin mo ay magugustuhan mo ang larong Exploding Kittens, i-download mo na ito ngayon.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...