Fairway Solitaire – Card Game Review

Hindi maikakaila ang kasikatan ng solitaire dahil itinuturing itong isang classic game. Sino nga ba naman ang hindi maaalala ang isang Windows PC na punung-puno ng pixelated cards habang tumatalon ito pababa at pataas hangga’t sa tuluyan nitong matakpan ang screen? Iba ang kasiyahang dulot na makita ang pag-stack ng cards dahil indikasyon ito na nanalo ka ng isang round. 

Gayunpaman, ibang-iba ang Fairway Solitaire – Card Game sa nakagisnan nating solitaire. Hindi naman ito partikular na mahirap, kasalungat pa nga ito nang inaakala. Hindi ito taliwas sa mandato ng Big Fish Games na hangga’t maaari ay gawing player-friendly ang lahat ng kanilang laro. Nilangkapan pa ito ng konsepto ng golf. Tunay ngang iba-ibang at nalihis ito sa first impression ng mga manlalaro. Kung nais mong magkaroon ng karagdagang impormasyon patungkol sa Fairway Solitaire – Card Game, basahin lang hanggang dulo ang artikulong ito ng Laro Reviews! 

Gameplay ng Fairway Solitaire – Card Game

Mapapansin pa rin ang pundasyon ng solitaire sa Fairway Solitaire – Card Game. Ang pinagkaiba nga lang, nakasentro ito sa one-card draw. Oras na magsimula ng isang round, makikita ang mga card na nakakalat sa iyong screen. Ang iba sa mga ito ay nakatihaya samantalang ang iba naman ay nakataob. Sa ibabang bahagi naman ay makikita ang isang card na naka-draw mula sa natitirang deck. Maaari kang pumili ng anuman sa mga nakatihayang card basta ito ay mas mataas o kaya naman ay mas mababa ang halaga sa naka-draw na card. Halimbawa, kung 8 ang makikita mong numero, maaari kang pumili ng 7 o 9 na card para ipatong dito. Huwag mong intindihin ang suit na taglay ng card dahil wala itong halaga sa gameplay. Isa pang halimbawa: kung A naman ang card na makikitang naka-draw sa deck, alinman sa King o 2 ang pwede mong piliin. Patuloy mo lang i-stack ang cards hanggang sa wala ng mapiling card. Ito na ngayon ang pagkakataon para mag-draw ng panibagong card sa deck. Sa sunud-sunod na pag-tap ng iyong card ay makabubuo ka ng chain combo. 

Ang golf naman ang ginamit na framework ng laro. Katumbas ng isang butas sa golf course ang bawat nilalarong round. Upang manalo, kinakailangan ng mga manlalaro na makapuntos ng runs sa pamamagitan ng pag-ubos ng card deck mula sa posibleng pinakamababang galaw. Kapag naubos ng ang cards, matutukoy ang par at tutungo na sa susunod na butas. Hindi dapat masyadong iniintindi ang score ng bawat butas dahil ang mahalaga ay makapuntos ng mababang par para sa kabuuang kurso. Ang kagandahan sa sistemang ito ay kung wala ka ng maitira sa mga natitirang cards, maaari ka nang lumipat sa susunod na butas. Sa dulo ng bawat kurso, mayroong star rating na magpapakita ng iyong kabuuang puntos sa kada stage. 

May iba pang feature ang Fairway Solitaire – Card Game halaw sa tema nitong golf na maaaring makabuti o makasama sa iyo. Ang pagsulpot ng Wildcards ang isa sa magandang halimbawa nito dahil pwede itong makapagbigay ng bonus o maging balakid sa iyong gameplay. Kapag natuklasan ang Iron Cards, maaari mo itong magamit sa halip na bumunot mula sa card na nasa stack. Bukod pa rito, nariyan din ang Sand Traps at Water Hazards na kung saan kinakailangan maubos ang cards mula sa pagkakasalansan at pagkakasunud-sunod. 

Saan pwedeng i-download ang Fairway Solitaire – Card Game?

Dahil hindi ito available sa PC, malalaro lamang ito gamit ang iyong mobile device. Buksan ang App Store para sa mga iOS user at Google Play Store para naman sa mga Android user. I-type ang Fairway Solitaire – Card Game sa search bar at pindutin ang app. Dahil free-to-play (F2P) ang laro, hindi na kailangang magbayad bago magsimula. I-click ang Install o Get button at hintayin itong ma-download. Matapos mabuksan ang app, ilagay lang ang sign-in details at simulan na ang paglalaro!

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Fairway Solitaire – Card Game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.bigfishgames.fairwaysolitaireuniversalf2pgoogle

Download Fairway Solitaire – Card Game on iOS https://apps.apple.com/us/app/fairway-solitaire-card-game/id887640616?msclkid=e4071a66aa5511ecbb600f65c3a0f1c9

Tips at Tricks sa Paglalaro

Gold Bucks ang currency na ginagamit sa laro. Makakabili ka ng upgrades na makakatulong sa iyo para mas mapadali ang pagtapos ng mga level. Ngunit bukod dito, ang pinakamainam na pamamaraan para magamit ang gold bucks ay para sa pagbili ng golf club na may nakaukit na numero. Ayaw mo bang masira ang combo streak? O kaya naman ay wala nang susunod na tira? Buksan lang ang iyong golf bag, bayaran ang nakatakdang gold bucks, at ituloy ang ang laro! Kung ano ang numerong nakalagay sa golf club, ito ang magiging numero ng naka-draw ng card. Halimbawa, Queen ang kasalukuyang naka-draw na card at ang tanging card na natitira sa stacks ay 5. Dahil ayaw mong masira ang sunud-sunod na combo na iyong natamo, i-click mo lang ang Fill Bag na matatagpuan sa ibabang sulok na bahagi ng iyong screen. Maaari kang pumili ng 4 o 6 na golf club. Matapos ito, automatic nang mapapalitan ang iyong Queen na card sa numerong iyong napili. 

Mahalagang unahin din ang mga card na may Water Hazard. Makikita ang itsura ng card na mala-bughaw dahil sa tubig na nakapalibot dito. Kapag naman nagkamali ka ng pagtira ng card at hindi namalayang nakapag-draw ng card mula sa deck nang hindi sinasadya, huwag mag-aalala dahil pwedeng i-reverse ang naunang move. Pindutin lang ang reverse button na matatagpuan katabi ng kasalukuyang naka-draw na card. Maging maingat sa paggamit nito dahil limitado lang ito at nakakabawas ng puntos kapag laging ginagawa. Pinakamaganda pa rin na iwasan na lang ang pagkakamali. 

Pros at Cons ng Fairway Solitaire – Card Game

Nakakaaliw ang basic premise ng Fairway Solitaire – Card Game. Taliwas ito sa magiging initial na reaksyon ng mga tao. Sino nga ba naman ang mag-aakala na maaaring pagtambalin ang golf at card games? Mula sa animated cutscenes hanggang sa mga komentaryo patungkol sa golf, nagdudulot talaga ito ng galak sa mga manlalaro. Partikular na sa fans ng golf, tiyak na makaka-relate kayo sa reference at humor ng larong ito. Pagdating naman sa usapin ng controls, simple lang ito dahil kailangan lamang i-tap ang card na nais piliin. Bukod pa rito, dahil sa game mechanics, pinapagana nito ang utak ng mga manlalaro na gumawa ng diskarte para manalo kada level. Kailangan na pag-isipang mabuti ang susunod na hakbang, kung pipili ba ng mas mataas o mas mababang numero na naghahasa sa numerical thinking ng mga tao. 

Gayunpaman, hindi pa rin maikakaila ang mga dapat pag-ibayuhin sa laro. Libre man ito sa umpisa, ngunit kasama lamang dito ang unang course pack. Ang problema lang ay matapos laruin ang libreng course pack, kailangan nang maglabas ng aktwal na pera para maituloy ang paglalaro. Bukod pa rito, may teknikal na isyu ring kinakaharap ang ibang mga manlalaro kung saan matapos ma-load ang laro, dalawang icon lang ang lumalabas sa ibabang bahagi ng screen. Dahil sa patuloy na pamamayani ng bugs at glitches, nagdudulot ito ng malaking pagkadismaya sa mga manlalaro. 

Konklusyon 

Kung naghahanap ka ng isang simple, madiskarte, at nakakaadik na card game, mairerekomenda ko ang Fairway Solitaire – Card Game. Bukod pa rito, hindi ka mauubusan ng gagawin dahil tinatayang 250 na butas ang maaaring laruin. Bagama’t may partikular na par ang kailangang makamit bago makalipat sa susunod na level, swak ito dahil mas binigyan nito ng tamang timpla ng hamon ang mga manlalaro. Ang mungkahi ng Laro Reviews, kung ikaw ay fan ng solitaire with a twist, i-download na ang Fairway Solitaire – Card Game!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...