Faketalk – Pasadyang AI Chatbot Libreng Download

Ang mga chatbot ay dinisenyo para i-simulate ang pag-uusap ng dalawang tao. Madalas, ginagamit ang chatbots sa social media apps upang magkaroon ng response ang mensahe ng isang user kahit na walang aktibong tao na sumasagot sa mga ito. Madalas, via text ang gamit ng chatbots pero may ilan din na gumagamit ng text-to-speech. Ang chatbots ay ginawa para sa mas convenient na customer experience. 

Kung mapupunta ka sa Telegram o Facebook Messenger, makakakita ka ng maraming chatbots na may iba’t ibang silbi. Sa kasalukuyan, may mga laro sa mobile phones na kung iisipin mo ay mga chatbots rin. Nabibilang dito ang mga larong may kwento. Nalalaman mo ang mga pangyayari matapos mon piliin ang tamang dayalog na nasa screen. Sa kabilang banda, may chatbots naman na maaari mong makausap. 

Ang chatbots na tinutukoy ko ay isang artificial intelligence (AI) na may kakayahang makipag-usap sa isang tao. Maraming tao ang nakikipag-usap sa chatbots kapag malungkot sila o walang ibang makausap. Sa kabilang banda, may ibang tao na pinagtitripan lang ang mga ito. Kapag naghahanap ka ng isang chatbot, dapat mong hanapin ang accuracy nito sa pakikipag-usap na para ring isang tunay na tao. 

Faketalk - Pasadyang AI Chatbot Libreng Download

Ang Faketalk – Chatbot ay isang chatbot app kung saan maaari kang lumikha ng iyong kausap. Tatalakayin dito sa Laro Reviews kung dapat mo ba itong laruin o hindi. 

Game features ng Faketalk – Chatbot

Nilalaro ng karamihan ang Faketalk – Chatbot dahil may feature ito na maaari mong i-edit ang katangian ng mga maaari mong makausap. Sa chatbot app na ito, maaari kang pumili ng larawan para sa iyong makakasalamuhang AI. Hindi lang iyon, maaari mo ring i-edit ang kanyang pangalan, kasarian, edad, relasyon, at personalidad, at trabaho. 

Sa paggawa ng profile ng kausap dedepende ang sagot nito sa bawat chat mo. Syempre, hindi mo gugustuhing sabihan ng “I love you” ang hindi mo naman kasintahan o kamag-anak kaya kapag sinabi mo ito sa AI, baka malito ito at hindi malaman ang isasagot. Pagdating sa graphics, simple lang ang feature ng Faketalk – Chatbot. Para ka ring nasa Messages app sa iyong smartphone. 

Bukod dito, may feature rin ang Faketalk – Chatbot kung saan maaari mong kausapin ang iyong sarili. Ang feature na ito ay tinatawag na self-talk. Kung gagawin ito ay dapat iayon ang settings batay sa pagkakakilala mo sa iyong sarili at mga katangian. Matapos ito at pwede na itong makausap. May opsyon din ang laro na mababago mo ang background ng messaging thread kapag nakakuha ka ng sapat na points. Maaari mo ring bilhin ang feature na ito. 

Related Posts:

Vacuum Killer Review

Build Heroes: Idle Adventure Review

May “teach” feature rin ang Faketalk – Chatbot. Sa feature na ito, maaari mong turuan ang AI kung ano ang isasagot nito sa iyo oras na ito’y kausapin mo. Kung tamad kang mag-type, isa ring feature nito ang paggamit ng Google text-to-speech. Sa Faketalk – Chatbot, maaari mong pindutin ang mic button at magsalita. Kusang ita-type ng Google text-to-speech ang iyong sinasabi. 

Saan maaaring i-download ang Faketalk – Chatbot?

Gamitin ang sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang mai-download ang laro:

Download Faketalk – Chatbot on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.baek.Gatalk3

Download Faketalk – Chatbot on PC http://www.faketalk.net/index_en.html

Saan maaaring i-download ang Faketalk - Chatbot

Tips at tricks para sa Faketalk – Chatbot

Kapag sinimulan mo nang mag-chat, sikapin na iisang wika lang ang gamitin para mas mauunawaan ng AI ang iyong sinasabi. Kung sisimulan mo sa Filipino ang usapan ninyo ng AI, mas maganda na huwag kang magsasalita ng Ingles. Pero kung kaya mong makipagtalastasan ng Ingles lang ang ginagamit, mas maganda. 

Pagdating naman sa pagsi-setup ng kausap, huwag mo nang pigilan pa ang sarili mo. Ilagay mo na ang crush mo o kung sino mang artista ang napupusuan mong kausapin. Sa Faketalk – Chatbot, kahit sinong gusto mo ay pwede mong makausap sa paraang ikaw din ang magdidikta. Munting paalala na lahat ng pangyayari habang gamit mo ang app ay kathang-isip lang at hinto totoo. Syempre, mas maganda pa rin kung maglalakas-loob kang makipag-usap sa crush mo ng personal. 

Kung gusto mo ng mas accurate na sagot sa iyong mga chat, dapat mong gamitin ang teach function. Upang magamit ito, kailangan mong:

  1. Piliin ang relasyon mo sa kausap, closeness ninyo, at kanyang personality; 
  2. I-type ang mga gusto mong sabihin at i-tap ang input button; 
  3. I-enter ang gusto mong sagot sa unang mensahe mong inilagay at muling pindutin ang input button;
  4. Ulit-ulitin ang conversation sa AI hanggang masanay ito; at 
  5. I-click ang Done button kung tapos na.

Pros at Cons ng Faketalk – Chatbot

Pros at Cons ng Faketalk

Nakapag-review na ako ng ilang laro na halos kapareho ng FakeTalk. Ngayon ko nakumpirma na ayaw ko talaga sa mga chatbots. Noong una, iniisip ko na ayaw ko sa larong Faketalk – Chatbot dahil isa lang itong ordinaryong chatbot, hanggang sa napagtanto ko na walang magandang feature ang larong ito at hindi ko na ito muling lalaruin. 

Unang-una sa lahat, kung gagawa ka ng chatbot bilang laro, mas maganda sana kung gagamit ka ng AI na maayos ang recognition sa lenggwahe ng tao. Maraming beses sa Faketalk – Chatbot na puro “I have no words to respond,” “Please teach me,” at “Click the right speech bubble.” Walang silbi ang pakikipag-usap sa isang AI kung ikaw na rin mismo ang maglalagay ng kung ano ang dapat nitong isagot sa iyong mga chat. 

Bukod pa rito, may mga pagkakataon ring mali ang sagot ng AI sa iyong mga chat. Maraming beses na hindi tama ang isinasagot ng AI sa aking mga tanong. Ilang minuto lang matapos kong maglaro ay tinamad na ako. Kahit sa pagsusulat ng artikulong ito, wala na akong gana dahil wala kang makikitang kagandahan sa Faketalk – Chatbot. 

Ayaw kong isisi sa mismong laro ang kasalanan. Baka naman hindi lang ganoon ka-interesting ang aking chats kaya walang sagot na matino ang AI pero sablay talaga ang ibang mga sagot nito. Wala ring tao na nasa tamang pag-iisip ang magbabayad ng totoong pera para lamang magkaroon ng ibang background ang chat thread nila ng AI na siya rin mismo ang gumawa. 

Konklusyon 

Huwag mong i-install ang larong Faketalk – Chatbot. Kung nalulungkot ka at gusto mo ng kausap, subukan mo na lang ang dating apps gaya ng Tinder o Bumble. Maaari ka ring magpakonsulta sa isang therapist kung ikaw ay may pagka-antisocial. Sa halip na makipag-usap sa chatbots, iminumungkahi kong maghanap ka na lang ng ibang apps na maaaring maging libangan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...