Family Farm Adventure Review

Ano Ang Family Farm Adventure?

Farmville ang pinakaunang farm adventure na sumikat sa internet. Ito ay nilalaro sa social platform na Facebook. Dahil dito, maraming naglabasang farm adventure games tulad ng Family Farm Adventure. 

Ang Family Farm Adventure, tulad ng Farmville, ay isang simulation game kung saan mararanasan mo ang magtanim, umani ng mga ito tulad ng mais, bulaklak at trigo, at mag-alaga ng mga farm animals tulad ng baka, manok at iba pa. 

Ito ay gawa ng Century Games Pte Ltd., na lumikha rin ng larong Dragon Scapes. 

Ang laro ay nagsisimula kay Felicia, isang propesyonal na photographer. Bumalik siya sa lugar kung saan siya isinilang upang alagaan at samahan ang kanyang Lola na mag-isang naninirahan sa dati nilang bahay. Nang siya ay dumating sa isla, natuklasan niya ang sitwasyon ng lupain ng kanyang lola. Ito ay nangangailangan ng malaking renovation at pagbabago. Maraming bagay ang nawawala, mga tanim na napabayaan, pati mga kahoy at damong nakakalat na tumatakip at nagiging balakid sa property ng ibang residente sa islang iyon.

Misyon niyang ayusin ang buong isla para sa nalalapit na Flower Festival. Siya ay umaaasang ang buong pamilya, angkan, mga kaibigan at residente ng lugar ay magtutulung-tulong para maayos ang isla bago pa sumapit ang taunang tradisyunal na selebrasyon. 

Sa kanyang pag-uumpisa sa misyon, marami siyang matutuklasan na mga sikreto at mga nilalang na makakatulong sa kanya sa pag-aayos ng isla. 

Family Farm Adventure

Family Farm Adventure

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang misyon ni Felicia na misyon din para sa manlalaro ay ang maayos ang buong isla bago sumapit ang Flower Festival. Kailangang malinis at mahanap ang mga bulaklak na gagamitin sa selebrasyon. May mga gawaing dapat na matapos at mga orders na kailangang kumpletuhin. Sa bawat pagkumpleto ng mga order mula sa kabilang ibayo, ikaw ay makakatanggap ng mga premyo o bayad na pwede mong magamit sa pagsasagawa ng mga misyon. Sa bawat makukumpleto mong misyon, ikaw ay makakuha ng rewards katulad ng extra life, mga materyales para mabuo ang mga sirang kagamitan o tools na ginagamit sa paggawa ng mga bagay-bagay.

Paano Laruin ang Family Farm Adventure?

Step 1: I-download ang game mula sa Play Store o AppStore.

Step 2: Mag-login sa laro gamit ang iyong Facebook o email account. 

Step 3: Basahing mabuti ang script ni Felicia at pag-uusap nila ng kanyang lola.

Step 4: Intindihing mabuti ang tutorial ni Felicia upang maayos mong magawa ang iyong misyon.

Step 5: Tapusin ang bawat task at gamitin ng maayos ang energy dahil ito ay nababawasan sa tuwing ikaw ay may gagawin katulad ng pagsisibak ng kahoy o pagtatanggal ng damo.

Step 6: Laging i-check ang Task icon sa gilid ng laro upang malaman mo ang susunod na gawain. 

Step 7: I-check din ang Order Board para sa anumang mga orders mula sa kabilang ibayo ng isla.

Step 8: Sa pagbunot at pagsibak ng mga kahoy at damo, pindutin lamang ang damo o kahoy na nais mong alisin at ipapakita nito ang required na enerhiya para magawa mo ang task. 

Paano I-download ang Laro?

Ang laro ay pwedeng i-download sa Android o Apple phones o tablet, pati na sa Windows at Mac computers.

Gamitin ang mga link sa ibaba upang ma-download ang laro:

  • Download Family Farm Adventure  on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.farmadventure.global&hl=en&gl=US
  • Download Family Farm Adventure  on iOS https://apps.apple.com/ph/app/family-farm-adventure/id1543158709
  • Download Family Farm Adventure on Windows PC and Mac https://www.bluestacks.com/apps/simulation/family-farm-adventure-on-pc.html
Family Farm Adventure

Family Farm Adventure

Paano Gumawa ng Account sa Game?

Pwede mong gamitin ang iyong Google o Facebook account sa pagsa-sign in at pagre-register sa laro. Inirerekomenda ito para mai-save ang iyong progress, nang sa gayon ay pwede mo rin itong malaro sa ibang devices nang hindi umuulit o mag-uumpisa sa simula.

Mga Tips at Tricks sa Paglalaro ng Family Farm Adventure

Tinipon dito ang lahat ng mga tips at tricks sa paglalaro ng Family Farm Adventure para makatulong sa mga baguhang manlalaro.

1.Gawin agad ang tasks

Mas magandang kung uunahining tapusin ang mga task na may Energy Rewards sapagkat lahat ng kilos mo sa larong ito ay nangangailangan ng energy. Mas maraming energy, mas marami kang magagawa.

2.Ang Mahiwagang Magnifying Glass

Upang hindi magsayang ang energy dahil sa paghahanap ng mga items na kakailanganin sa paggawa ng mga establisyimento o para tapusin ang tasks, gamitin ang magnifying glass. Dadalhin ka agad nito sa lugar kung saan mo mahahanap o makukuha ang hinahanap na items.

3.Unahin munang alisin ang mga maliliit na hadlang

Bago ka magsimulang magputol o maglimas ng mga hadlang, unahin muna ang mga maliliit na bagay katulad ng mga damo dahil mas kakaunti ang ginagamit na energy sa paglilinis nito. May mga pagkakataon na kahit maliit lamang ang maalis mong hadlang ay magbubukas na ang pathway papunta sa ibang parte ng isla.

4.Maghanap ng mga treasure chest

Ang mga treasure chest ay magbibigay sa iyo ng mga rewards katulad na lamang ng dagdag na enerhiya, iba’t ibang items at mga dyamante.

5.Gamitin ng wasto ang energy

Huwag magpadalus-dalos sa paggalaw o pag-alis ng mga hadlang. Pag-isipang mabuti ang bawat galaw at estratehiya na gagawin upang hindi masayang ang enerhiyang gagamitin.

Ito ay ilan lamang sa mga tips na magagamit ng isang manlalaro lalo na ng mga baguhan sa paglalaro. Ito ay siguradong makakatulong upang mapagtagumpayan ang bawat misyon sa larong ito.

Related Posts:

Two Dots Review

Bus Simulator: Ultimate Review

Ang mga Pros at Cons sa Larong Family Farm Adventure

Ang Family Farm Adventure ay isang laro na talagang tinatangkilik ng karamihan dahil sa ito ay maraming features na umaayon sa gusto ng mga manlalaro.

Ang Family Farm Adventure ay madali lamang laruin at intindihin. Hindi kailangan ng sobrang talino o mataas na IQ dito sapagkat lahat naman ng dapat mong malaman ay nasa instructions at tutorial mode ng laro. Ito ay may Support Chat box na laan para sa mga isyung teknikal o anumang maging problema habang naglalaro. Ito rin ay may Help articles na pwedeng magbigay sa iyo ng instruction sa paglalaro at mga epektibong solusyon para sa mga karaniwang sitwasyon. Ito ay available sa mga handheld devices at pwedeng laruin kahit saan ka man naroroon. Madali lamang makakuha ng mga items at madaling intindihin ang mga tasks.

Gayunpaman, ang laro ay hindi perpekto. May mga ilang katangian ito na pwedeng hindi magustuhan ng manlalaro. Ngunit masasabi namang hindi ito hadlang o pwedeng maging rason para hindi subukan ang larong ito.

Family Farm Adventure

Family Farm Adventure

Madaling maubos ang energy kung hindi ito papahalagahan. Ang bawat kilos ay may kaakibat na kapalit at iyon ay ang energy. Katulad sa isang totoong tao, napapagod ang karakter sa laro at kailangan ding magpahinga. Ngunit hindi katulad ng totoong tao, hindi ganoon kabilis mag-replenish ng energy sa laro.

Matataas ang required energy sa ilang tasks katulad na lamang ng pagtatanggal ng mga puno. Parang sukatan din ng pera, kapag mas malaki ang bagay mas malaki rin ang bayad o kapalit na enerhiya.

 May pagkakataon na ang screen ng laro ay nagha-hang at nagkakaroon ng black screen. Maraming mga players sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakakaranas ng black screen kapag naglalaro. Ito ay hindi pa nasosolusyonan ng kumpanya.

Ang game ay nagkakaroon din ng problema sa paglo-load o pagbubukas. Ang ilan naman sa mga manlalaro ay nakakaranas ng pagbagal sa pag-load o kaya naman ay mga error messages sa pag-load at kinakailangan pa nilang i-uninstall at ire-install ang laro.

Maganda ba ang laro?

Ang larong Family Farm Adventure ay nakakuha ng 4.5 star rating sa Google Play Store. Kung tutuusin, mataas na din ang rating na ito. Ang laro ay maganda para sa mga taong mahilig sa farm games katulad ng Farmville. Hindi naman ito para sa mga taong mahihilig sa action at thrilling games. Ito ay hindi rin pwede sa mga devices na may mabababang specifications sapagkat ang graphics nito ay mataas at mangangailangan ng mas maganda at mataas na specs. Ngunit ito ay masaya at magandang laro para sa mga taong nagpapalipas ng oras. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...