Fanatical Basketball Review

Kung mahilig ka sa sports tulad ng basketball subalit walang panahon para makapaglaro nito, huwag mag-alala dahil maaari mo na itong malaro sa pamamagitan ng iyong device. Kahit nasaan ka mang lugar o anong oras mo gustuhin, pwede ka nang maglaro ng basketball. Kaya kung naghahanap ka ng larong pwede mong i-download sa Google Play Store, tiyak kong magugustuhan mo ang isang ito. Ang Fanatical Basketball ay nilikha ng CanaryDroid at opisyal na inilabas noong taong 2016.

Pahapyaw nating balikan ang kasaysayan kung paano nagsimula ang larong basketball. Ang nag-imbento ng larong ito ay si Dr. James Naismith. Siya ay isang Canadian-American physical education na guro. Nabuo ang larong ito noong taong 1891-1892 na nagsimula lang sa gymnasium ng Springfield College sa Massachusetts. Lumaganap ito at nakilala sa iba’t ibang dako ng daigdig hanggang ngayon na isa na ito sa pinaka-aabangang sport sa buong mundo.

Subukan ang Fanatical Basketball na laro para maranasang maglaro ng basketball gamit ang iyong device. Sa larong ito, ikaw ay kabilang sa koponan ng basketball at lalaban sa iba pang pangkat. Mararamdaman mong ikaw ay nasa isang tunay na laro dahil lahat ng nilalaman nito ay binase talaga sa basketball. Tiyak akong magugustuhan mo ang larong ito. Handa ka na bang maging isang manlalaro at manalo sa laban na ito?

Features ng Fanatical Basketball 

Realistic 3D Graphics – Ang Fanatical Basketball ay isang 3D na laro. Ang mga nilalaman at ang mga karakter ay 3D. Ang ibig sabihin nito ay ang mga graphic styles na may tatlong dimensyon ng taas, lapad at lalim na naka-set sa loob ng tila tunay na mundo. Maaari kang gumalaw ayon sa nais mo at umikot hanggang 360 degrees. Ito rin ang dahilan ng mabilis na pagkilos at pagkontrol mo sa iyong karakter. Ang mga elemento rin sa loob nito ay mas maganda kumpara sa 2D. Kaya maganda ang larong ito dahil mararamdaman mo na ikaw ay nasa tunay na larong basketball.

Maraming koponan – Hindi lang isa o dalawang pangkat ang maaari mong pagpilian sa larong ito dahil mayroon itong mahigit sa 30 grupo. Malaya kang pumili sa mga koponan na ito na iyong sasalihan o kakalabanin. Kabilang dito ang Miami, Indiana, New Orleans, Washington, Minnesota, Sacramento, Memphis, Atlanta, Orlando, Cleveland at marami pang iba. 

Iba’t ibang mode ng laro – Mayroon din itong iba’t ibang uri ng laro na pwede mong subukan. Kung gusto mo ng mabilis na laban, maaari mong laruin ang Quick Game mode. Subalit kung nais mo ng matinding laban, laruin naman ang League Matches. Samantala, kung nais mo naman ng hamon para masubukan ang iyong galing sa pagbabasketball, laruin ang Challenge mode.

Customize game – Maaari mo ring i-customize ang kasuotan mo at ng iyong koponan. Pati na rin ang bola na iyong gagamitin sa mismong laban. Kailangan mo lamang maglaro at manalo upang mabuksan ang feature na ito. Gamitin ang perang napanalunan pambili ng mga items.

Daily Bonus – Kunin ang iyong araw-araw na rewards sa daily bonus na opsyon. Ipunin at gamitin ang mga pera o item na nakuha sa laro. Bukod sa daily bonus, kasama rin dito ang time bonus. Maaari kang makakuha nito kada limang minuto mo sa paglalaro.

Saan Pwedeng I-download ang Fanatical Basketball ?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro.

Download Fanatical Basketball on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.wanxing.basketball

Download Fanatical Basketball on PC https://www.bluestacks.com/apps/sports/fanatical-basketball-on-pc.html

Tips Kung Nais Laruin ang Fanatical Basketball 

Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang Word Life – Crossword puzzle, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Para sa mga bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundan lamang ang itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon para mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro. Sa ganitong paraan, maiintindihan mo kung ano ang mga dapat gawin sa mismong laban.

Kung ikaw ay magsisimula pa lang sa laro, mas mainam na laruin mo muna ang Quick Game mode. Kapag nasubukan mo na ang mode na ito magiging madali na lang sa iyo na laruin ang Challenge at League Matches na laro. 

Pumili lang kung anong koponan ang nais mong kakampi at ikaw rin ang pipili kung anong pangkat ang iyong labanan. Ang ilan sa mga terminong makikita mo sa laro ay block, pass, shoot, switch at steal. Pindutin ang block kung nais mong harangan ang kalaban para ishoot ang bola sa ring o ipasa sa ibang kakampi. Ang Pass button naman kung gusto mong ipasa ang bola sa iba. Ang shoot button ay para itira ang bola sa ring. Switch kung nais mong magpalit ng karakter sa loob ng iyong koponan at steal para agawin ang bola sa kalaban.

Sa Quick Game mode, tumatagal lang ng isang minuto ang bawat quarter ng laro. Kaya naman kailangan mong galingan sa paglalaro para manalo sa kalaban. Gamitin ang iyong kakayahan sa pagkontrol ng laban at i-shoot ang bola sa ring para magkaroon ng puntos. Kapag natutunan mo ang mode na ito, madali mo na lang mauunawaan kung paano laruin ang iba pang mode sa laro.

Simple lamang ang mga direksyon na dapat mong tandaan. Iwasan lamang na lumabag sa pamantayan ng larong basketball at dapat alam mo ang karaniwang pamantayan sa paglalaro nito.

Pros at Cons sa paglalaro ng Fanatical Basketball 

Para sa Laro Reviews, ang Fanatical Basketball ay isang kapanapanabik na laro. Habang nilalaro ko ito, dama ko ang matinding laban na parang nasa isang tunay na laro. Mahusay ang mga graphics na ginamit, pati na rin ang visual at sound effects ng laro. Isa rin ito sa mga nagdala ng mood para maramdaman mo na ikaw ay naglalaro ng basketball. Ito rin ay nasa pang walong pwesto bilang top free in sports na laro sa Google Play Store.

Nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews. Ayon sa mga komento, user friendly game raw ang larong ito dahil ito ay libre at pwedeng laruin kahit offline. Marami rin ang nagsabi na nakakaadik ang larong ito. Subalit may ilan namang komento na nais nilang ayusin pa ng developer ang mechanics, controls at graphics ng laro tulad ng ibang sport game. Mayroon ding mga ads na lumalabas na nakakaabala sa paglalaro.

Ang Fanatical Basketball ang may mga in-app rin na produkto. Nagkakahalaga ito ng 92 hanggang 4,600 kada item. Maaari kang bumili ng mga items gamit ang tunay na pera. Subalit pwede mo naman i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili.

Konklusyon

Sa kabuuan, masaya at nakatutuwa itong laruin. Ngayon, mayroon itong 4.2 out of 5 ratings sa Google Play Store, at umabot na sa mahigit 10 milyon downloads. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon, i-download mo na ang Fanatical Basketball sa iyong devices!

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...