Fate/Grand Order (English) Review

Fate/Grand Order – Kung mahilig ka manood ng anime, malamang ay narinig mo na ang isa sa mga palabas na kabilang sa Fate series. Isa na rito ang Fate/Stay Night na inilabas noong 2004. Umiikot ang kabuuan ng Fate series sa Holy Grail wars na kung saan isa itong kompetisyon na tumutukoy kung sino ang mag-aangkin ng Holy Grail sa pamamagitan ng isang matinding battle royale. Ang maabilidad sa Magecraft ang karaniwang nagiging Masters. Mula rito, sila ay nagsa-summon ng Servants o Heroic Spirits na kanilang magiging “familiars.” Naglalaban-laban sila hangga’t sa may natitirang isang pares upang tanghaling panalo sa digmaan para sa Holy Grail. 

Ang Fate/Grand Order (English) ay isang gacha RPG laro na mula sa Delightworks at inilathala ng Aniplex. Una itong nilabas sa Japan noong taong 2015. Makalipas ang isang taon ay nilabas naman ito sa bansang Tsina. Bilang panghuli at matapos ang dalawang taon, nilabas ito sa Estados Unidos o ang English na bersyon nito. Mula sa artikulong ito ng Laro Reviews, alamin kung tunay nga bang kasiya-siyang laruin ang Fate/Grand Order (English). 

Features ng Fate/Grand Order (English)

Fate/Grand Order - Laro Reviews

Fate/Grand Order – Laro Reviews

Summon Heroic Spirits – Sinisimbolo ng mga Servant ang “Heroic Spirits” na kung saan sila ay mga tanyag at maalamat na pigura ng kasaysayan. May taglay silang iba’t ibang mga abilidad, klase, at stats. Siguraduhin na gamitin ang counter-system sa pagitan ng mga klase upang maplano ang mga hakbang na gagawin tungo sa tagumpay. Ang mga ito ay Archer, Assassin, Berserker, Caster, Lancer, Rider, Ruler, at Saber. Palakasin ang iyong heroes at makikitang magbabago ang kanilang anyo at madadagdagan ang kanilang skills.

Strategic Card Battle System – Bilang Master, may kakayahan ang bawat manlalaro na kontrolin ang anim na Servants habang binabagtas ang pangunahing istorya ng laro. Pataasin ang kanilang level, kapangyarihan, at relasyon upang mas maging epektibo ang kanilang Noble Phantasms. Gamit ang iyong talino at talas, bumuo ng estratehiya sa pagkakasunod-sunod ng kanilang tira. 

Amazing Japanese Seiyuu – Mahusay ang voice acting ng laro. Kumuha ang game developers ng mga batikan at magagaling na seiyuu para sa Servants. Binalik din nila ang ilang mga orihinal na miyembro ng cast sa iba’t ibang Fate series. 

Excellent Storytelling – Dahil parte ito ng kabuuang prangkisa ng Fate series, mas prayoridad ang pagsasalaysay ng istorya nito kumpara sa gameplay. 

Saan Pwedeng I-download ang Fate/Grand Order (English)?

Gamit ang iyong mobile device, buksan ang App Store para sa mga iOS user at Google Play Store para naman sa mga Android user. I-type ang Fate/Grand Order (English) sa search bar at pindutin ang app. Dahil Free To Play (F2P) ang laro, hindi na kailangan magbayad bago magsimula. I-click ang Install o Get button at hintayin ma-download ang laro. Matapos mabuksan ang app, ilagay lang ang sign-in details at simulan na ang paglalaro!

Fate/Grand Order - Laro Reviews

Fate/Grand Order – Laro Reviews

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro: 

Download Fate/Grand Order (English) on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.aniplex.fategrandorder.en

Download Fate/Grand Order (English) on iOS https://apps.apple.com/ph/app/fate-grand-order-english/id1183802626

Download Fate/Grand Order (English) on PC https://www.bluestacks.com/apps/role-playing/fategrand-order-on-pc.html

I-download at i-install ang BlueStacks kung sa PC mo napiling maglaro nito. Kumpletuhin ang Google sign-in details upang ma-access ang Playstore. Matapos nito, ilagay ang Fate/Grand Order (English) sa search bar. Hanapin at pindutin ang app mula sa search results at i-install. Hintayin ma-download at pindutin ang icon ng laro na makikita sa iyong home screen. Ayan, pwede ka nang maglaro sa iyong PC! 

Tips at Tricks sa Paglalaro

Bago ang labanan, bawat Servant ay may nakalaang Craft Essence na nagbibigay karagdagang bonus at bahagyang pagtaas ng attack at HP. Tandaan na ang kabuuang cost ng grupo ay hindi maaaring lumagpas sa kasalukuyang level ng manlalaro. May dalawang uri ang labanan: ang Command Phase at Tactical Phase. 

Related Posts:

Be the King: Judge Destiny Review

Idle Heroes Review

Sa Tactical Phase, maaaring gamitin ng Servants ang isa sa kanilang tatlong skills upang makakuha ng bonus at pahinain ang kalaban. Mainam kung gagamit ng Mystic Code para suportahan ang iyong Servant. Maaari ding gumamit ng Common Spells para sa mas makapangyarihang atake. 

Sa kabilang banda, sa Command Phase, ang manlalaro ay mayroong limang cards mula sa 15 posibleng aksyon ng Servants. Mula rito, tatlo ang dapat piliin. Bawat card ay maaaring maging Arts (activate ang Noble Phantasm), Buster (pag-atake), at Quick (dagdag critical stars). Mahalagang malaman ang kombinasyon ng ilang mga card para makabuo ng estratehiyang magpapapanalo sa iyo. 

  • Arts Chain: Pinapabilis ang pagpuno ng iyong NP upang agarang magamit ang Noble Phantasm.
  • Brave Chain: Nagsasagawa ng dagdag atake sa tuwing ang tatlong naunang atakeng ginawa ay mula sa iisang Servant. 
  • Buster Chain: Pinapataas nito ang attacking power ng iyong Servant na nagreresulta ng mas malaking damage. 
  • Quick Chain: Pinapataas ang bilang ng Critical Stars na makukuha sa kasalukuyang tira. Nagreresulta ito ng mas mataas na chance ng critical hit sa susunod mong tira. 

Kailangan din alalahanin ang relasyon sa pagitan ng iba’t ibang Servants. Halimbawa, mas mataas ang damage na naibibigay ng Sabers sa Lancers, ngunit mas malaki ang bawas sa kanilang HP kapag tinamaan sila ng Archers. Ang Berserkers din ay may mataas na damage sa lahat ng uri ng klase ngunit dagdag din ang damage na kanyang natatanggap mula sa kanila. Ang tanging neutral lang na klase ay ang Shielder. 

Pros at Cons ng Fate/Grand Order (English)

Fate/Grand Order - Laro Reviews

Fate/Grand Order – Laro Reviews

Kumpara sa ibang laro, mas mababa ang drop rates ng Fate/Grand Order (English). Masasabi ring halos wala na itong pity system bukod kung malakihan ang iyong gagastusin sa laro o tinatawag na “whale.” Ngunit hindi ito masyadong hadlang para i-enjoy ang laro dahil kung pagbabasehan ang gameplay nito, hindi ito isyu dahil kayang tapusin ang content gamit ang pangkaraniwang 1 to 3 stars na madali rin namang ma-level up. Kung kaya’t masasabing hindi gaanong “kailangan” ang mga 4 to 5 stars. Kung tutuusin, may ibang karakter na mababa ang tier ngunit maganda ang passive skills – kagaya ni Merlin. Dahil walang PvP ang laro, masasabing epektibo pa rin naman ang mga 4- to 5-star Servants upang bahagyang mapadali ang pagtapos ng content.

Mas naka-focus din ang laro sa istorya at mga dayalogo sa pagitan ng mga karakter kumpara sa aktwal na labanan. Isa rin sa mga dapat tandaan ay hindi magkakapareho ang mga server sa Fate/Grand Order (English). Mas nauuna ng dalawang taon ang Japanese server kumpara sa English Server. Sa madaling sabi, ang mga manlalarong nasa English server ay may pagkakataong maplano ang susunod na hakbang at budget dahil alam na nila ang eksaktong content at kung kailan ito ilalabas sa loob ng dalawang taon. 

Pagdating sa graphics, masasabing disente ito. Hindi ito ang may pinakamagandang animation kumpara sa ibang laro ngunit hindi rin naman masasabi na hindi ito maganda. Sa kabila nito, isa marahil sa dahilan kung bakit marami pa rin ang nahuhumaling sa Fate/Grand Order (English) ay dahil suportado ito ng isang buong prangkisa ng Fate Universe (Nasuverse). Mahusay ang pagkakasulat ng kwento na nagkakaroon ng emotional investment sa mga karakter. 

Konklusyon 

Bilang pagbubuod, ang Fate/Grand Order (English) ay isa sa mga gacha game na may pinakamababang drop rate. Mahirap makakuha ng 5 stars kahit na ilang buwan pang nagga-grind ng Saint Quartz. Kahit na magbayad ang mga manlalaro para sa premium currencies, hindi pa rin ito sapat. Disente lang din na maituturing ang graphics at gameplay na laro. Sa kabila ng mga ito, maraming manlalaro ang nahuhumaling pa rin dito dahil sa pamamaraan ng presentasyon ng istorya. Kung pamilyar ka sa buong prangkisa ng Fate Universe, nakatitiyak akong magugustuhan mo ito. Iba ang namumuong koneksyon sa pagitan ng mga karakter at mga manlalaro lalo na kung makikita mong pinagsama-sama ang lore at mga karakter ng Fate Universe sa iisang laro. Kaya kung hindi mo alintana ang pagiging story driven ng laro, i-download na ang Fate/Grand Order (English)!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...