Fidget Toys Trading: Pop It 3D Review

Kung naghahanap ka ng isang laro upang maibsan ang iyong stress, ang Fidget Toys Trading: Pop It 3D game ay narito na! Ito ay hindi kumplikadong laruin. Ang mekaniks ay napakadaling maunawaan at hindi mangungunot ang noo mo sa pag-iisip ng labis.

Mabighani sa mga makukulay at nakakahumaling na fidget, simple-dimple, bubble pop-it, fidget spinner, slime, at marami pa. Makakatulong ito na mabawasan ang stress na nararamdaman. Hindi lang puro pagpa-pop ang gagawin dito, maaari rin itong ikalakal upang kumita at gamiting pambili ng iba pang uri ng fidget toys.

Matuto at kabisaduhin ang sining ng pangangalakal upang madagdagan pa lalo ang iyong mga koleksyon. Huwag basta-basta mag-alok ng anuman sa iyong kalaban at pag-isipan mabuti ang mga magiging kapalit. Subukang maging mas matalino kapag nakikipagkalakalan sa iyong katunggali at kapag kumita ka, maaari mong i-upgrade ang mga dingding, sahig, at mga panloob na disenyo ng laro.

Fidget Toys Trading Pop It 3D

Fidget Toys Trading Pop It 3D

Ano ang layunin ng laro?

Kabisaduhin ang sining ng pangangalakal – Isa sa mga layunin nito ay upang matutunan mo ang pangangalakal. Iwasan magpaloko sa iyong kalaban. Huwag mag-alok ng anuman at makipagkalakalan nang hindi nakapagplano ng maayos. Maging tuso sa pakikipagpalit upang makakuha ng mas maraming kagamitan.

Kumita habang nangangalakal at mag-pop – Kikita ka sa pamamagitan ng pangangalakal mula sa iyong koleksyon. Sa bawat mapagkasunduan ninyong palitan ng mga bagay ay may katumbas itong halaga. Makakakuha ka rin ng bonus o karagdagang kita sa pamamagitan ng panonood ng mga ads. Kaya napakaimposible para sa iyo na hindi kumita. Bukod sa pangangalakal ay maaari mo ring gawin ang popping at kumita mula dito. Kung ikaw ay naiinip at nagsasawa na sa pangangalakal, maaari mong paputukin ang mga bubble pop-its.

Pampawi ng stress – Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ay pagod na pagod, naiinip, at stress sa buhay. Magandang balita! Ito ay isang anti-stress game na makakapagtanggal ng iyong pagod at tamlay. Malabong hindi ka maadik sa paglalaro nito dahil sa napaka-simpleng mekaniks na mayroon ito. Hindi mo kailangang mag-isip ng mga kumplikadong bagay o diskarte para makapaglaro.

Paano laruin?

Sa totoo lang, wala ng dapat pang ituro o ipaliwanag masyado dahil hindi naman ito mahirap laruin. Mayroon lamang tatlong opsyon na dapat mong malaman: deny, trade, at demand.

Mayroon ka lamang isang kalaban na dapat mong utakan sa pakikipagpalit ng mga kagamitan. Mag-demand ka kung sa tingin mo ay hindi sapat ang kanyang alok at ang pinakalayunin mo ay dapat makakuha ka ng mas marami pang kagamitan mula sa kanya. Kung para sa iyo ay hindi makatarungan ang iniaalok, pindutin lamang ang icon na “add more”. Kapag kuntento ka naman sa palitan, maaari mo nang pindutin ang icon na “trade”. Ngunit, kung hindi ka nasiyahan sa mga kagamitan na inaalok ng iyong kalaban, maaari mong pindutin ang icon na “deny”, upang ulitin ang terms ng pagpapalitan.

Ang isa pang karagdagang feature ng laro ay ang pag-upgrade ng dingding, sahig, at kapaligiran. Kapag kumita ka ng malaki, maaari mong pagandahin ang paligid. Maaari ka ring makakuha ng pera sa pamamagitan ng panonood ng mga ads.

Fidget Toys Trading Pop It 3D

Fidget Toys Trading Pop It 3D

Paano i-download ang laro

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Fidget Toys Trading: Pop It 3D sa Android devices ay dapat Android 6.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit, Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 148 MB at 239.7 MB naman para sa iOS.

  • Download Fidget Toys Trading: Pop It 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.fidgettrading.game
  • Download Fidget Toys Trading: Pop It 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/fidget-toys-trading-3d-pop-it/id1575332738
  • Download Fidget Toys Trading: Pop It 3D on PC https://www.gameloop.com/en/game/simulation/fidget-toys-trading-pop-it-3d-on-pc

Paggawa ng account sa larong Fidget Toys Trading: Pop It 3D

Ang kinakailangan upang makapaglaro nito ay gumawa ng isang Google account upang ma-access at ma-download mo ang laro. Maaari mong malaro ito offline kaya hindi na kailangang gumawa ng isang panibagong account na eksklusibo para sa laro. Sa pagbili ng mga kagamitan ay hindi ka naman gagamit ng totoong pera dahil lahat ay manggagaling sa sikap mo sa paglalaro. Kailangan mo lang maglaro o manood ng mga ads para makakuha ka ng mga gantimpala. Ang paglilipat ng data ng laro sa ibang device ay imposible. Kung nais mong makapaglaro nito sa ibang device ay ida-download mo ito at magsisimula kang muli, mula sa umpisa.

Tips at tricks sa paglalaro ng Fidget Toys Trading: Pop It 3D

Ang unang bagay marahil na pumapasok sa iyong isip ay kung paano talunin ang iyong kalaban sa pangangalakal. Kunsabagay, ito nga naman ang pangunahing kaganapan ng laro. Ang iyong kalaban ay isang computer lamang at hindi nag-iisip na gaya ng isang tao. Maaari mong samantalahin ang pagkakataong ito upang makalamang sa paglalaro. Huwag basta-basta magtapon ng anuman sa iyong kalaban nang hindi nag-iisip dahil maaaring hindi nga ito mahirap kalabanin pero pwede pa ring maubos ang mga nasa koleksyon mo na parang bula.

Ang isa pang paraan upang kumita ay sa pamamagitan ng panonood ng mga ads. Sa pamamagitan ng panonood ng mga video, maaari kang makakuha ng gantimpala o kagamitan. Sanayin ang iyong sarili na matiyagang maghintay hanggang matapos ito at makuha ang katumbas na gantimpala, ilang segundo lang o mahigit isang minuto bago ito matapos.

Panghuli, kung tuluyan ka ng nilamon ng pagkainip at pagkabagot, subukan ang popping game event at kumita ng pera rito. Mayroong isang icon na “try toys” sa kaliwang bahagi ng screen, pindutin ito at maaari mong piliin kung anong disenyo ng bubble pop-its ang gusto mong i-pop.

Fidget Toys Trading Pop It 3D

Fidget Toys Trading Pop It 3D

Pros at Cons ng larong Fidget Toys Trading: Pop It 3D

Madali lamang magsimula ng paglalaro dahil ang mekaniks at gameplay nito ay sobrang simple. Angkop ito para sa lahat, lalo na sa mga manlalarong ang nais lamang ay pampalipas-oras dahil sa inip o sinusubukan lamang na mapawi ang stress. Dagdag pa riyan, maaari mo itong laruin offline at dalhin kahit saan – maaaring sa paaralan, opisina, bahay at iba pa.

Related Posts:

Garena Free Fire MAX Review

Match Masters Review

Ito ay napaka-flexible dahil hindi lamang mga matatanda ang pwedeng maglaro kundi pati ang mga bata. Walang kahit anumang bahid ng karahasan sa laro. Ang lahat ng bagay sa larong ito ay akma para sa lahat at walang pinipiling edad. Bukod pa dito, hindi mo kailangang gumastos ng totoong pera upang makabili ng mga kagamitan. Ang paraan para kumita ng pera (in-game currency) ay nakasalalay sa paglalaro. Ang laro mismo ay magiging kapansin-pansin at kawili-wili sa mga bata dahil sa makulay at kaakit-akit na mga disenyo nito. Maaari silang tumuklas ng maraming bagay at tiyak na ikatutuwa nila ang mga makikita rito.

Para sa negatibong bahagi ng laro, ang mga kaganapan sa loob nito ay kakaunti lamang. Kapag nasanay na ang mga manlalaro, maaring magsawa lang sila at tuluyang tumigil na sa paglalaro. Wala rin itong account database na kung saan ay pwedeng mag-sign up upang magawang manatili o ma-save ang data at progress ng iyong laro sa ibang device. Kung gusto mong laruin ito sa gamit ang ibang gadgets, kailangan muling i-download ang app, magsimula sa unang level, at mangalakal para makakolektang muli ng mga kagamitan.

Konklusyon

Ang huling hatol para sa larong Fidget Toys Trading: Pop It 3D ay parehong kawili-wili sa mga matatanda at bata. Wala itong limitasyon sa anumang edad kaya paniguradong ikakatuwa ng lahat ang makulay at nakakahumaling na fidgets, simple-dimple, bubble pop-it, fidget spinner, slime, at marami pang iba!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...