Final Fantasy VIII Remastered Review

Ang Final Fantasy VIII Remastered ay ang upgraded na bersyon ng ikawalong yugto ng Final Fantasy series. Ito ay gawa ng kilalang Japanese game developer na Square Enix Co., Ltd. Sa loob ng higit sa 46 taon, ang kumpanyang ito ay nakialala at tinaguriang isa sa mga nangunguna sa industriya ng mga larong digital. Sila din ang may gawa ng mga tanyag at paborito ng karamihan na Dragon Quest at Kingdom Hearts.

Ang manlalaro ay gaganap bilang bida na nilalabanan ang pananakop ng Galbadia sa kalapit nitong mga bansa. Papasukin nila ang mundo na puno ng aksyon at pantasya. Ito ay angkop sa mga manlalarong mahilig sa mga larong may temang pakikipaglaban at pakikipagsapalaran. 

Final Fantasy VIII Remastered

Final Fantasy VIII Remastered

Paano I-download ang Laro?

Para mai-download ang app, siguruhing may sapat na pondo ang iyong account para pambayad. Hindi kasi libre ang larong ito. Kailangan din na may sapat na memory ang iyong gadget dahil ang app ay nangangailangan ng 2.95GB na storage. Maaari mong laruin ito gamit ang Android or iOS devices. Pwede mo rin itong laruin gamit ang laptop o desktop. Mahahanap mo ito sa mga lehitimong gaming sites gamit ang iyong browser o maaari mong i-download ang app sa iyong computer gamit ang isang emulator. Ang mga sumusunod na link ay pwede mong gamitin upang i-download ito ng direkta:

  • Download Final Fantasy VIII Remastered game on iOS https://apps.apple.com/us/app/final-fantasy-viii-remastered/id1326740784
  • Download Final Fantasy VIII Remastered game on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.square_enix.android_googleplay.FFVIII
  • Download Final Fantasy VIII Remastered game on PC https://steamunlocked.net/final-fantasy-viii-remastered-free-download/

Final Fantasy VIII Remastered: Gabay para sa mga Manlalaro

Kung hindi mo pa nasubukan ang kahit na anong laro na kabilang sa Final Fantasy Series, maaaring maging mahirap at medyo komplikado ito. Huwag mabahala, ang Laro Reviews ay tutulungan kang mas maintindihan ito. Para maranasan ang kapanapanabik na mundo ng Final Fantasy VIII Remastered kailangan mong magkaroon ng iyong sariling Square Enix ID. Gamit ito, pwede mo ma-access ang lahat ng mga laro at serbisyo mula sa Square Enix. Ang kailangan mo lang gawin ay magparehistro sa opisyal na site. Maaari mo ring gamitin ang iyong email pansamantala. Siguraduhin lamang na basahin at unawain nang mabuti ang User Agreement section bago i-click ang Agree button.

Ang mga larong kabilang sa Final Fantasy series ay may sariling control settings, kwento, at bida. Ang kwento ng Final Fantasy VIII Remastered ay tungkol sa grupo ng mga mersenaryo na binubuo nina Squall, SeeD, at ng resistant group na Rinoa. Sila ay ipinadala upang sugpuin ang lumalakas na pwersa at kapangyarihan ng Republika ng Galbadia. Ito ay pinamumunuan ni Edea, isang malupit at mapaniil na diktador na nagnanais sakupin at lupigin ang ibang mga bansa. Bilang manlalaro, kailangan mong labanan ang hukbo ng mga kalaban at maging isang tanyag na bayani. 

Final Fantasy VIII Remastered

Final Fantasy VIII Remastered

Ang laro ay may tatlong pangunahing tampok: Guardian Forces, Drawing, at Junctioning.

  • Guardian Forces

Gamit ang feature na ito, maaari ka magtawag ng isang guardian o makapangyarihang nilalang upang tulungan ka sa pakikipaglaban. Kung sakali mang ikaw ay madehado sa labanan, gamitin ang tampok na ito upang tumaas ang tsansa mong manalo. 

  • Drawing

Ang drawing feature ay ginagamit upang makagawa ng mahika. Gamitin ito sa madiskarteng paraan dahil ito ay limitado. Mas mabuti na gamitin ang mga espesyal na spell upang mapalakas ang iyong mga stats. Mainam kasing gamitin ang iyong kasanayan at mga armas sa pakikipaglaban. Gayunpaman, kung sakaling ang nakuha mong spell ay pangkaraniwan lang, maaari mo itong gamitin sa pagsugpo ng iyong mga kaaway.

  • Junctioning

Ang pangatlong feature sa laro ay tinatawag na Junctioning. Ito ay ginagamit upang mailipat mo ang mahika sa iyong Guardian Forces. Sa pamamagitan nito madadagdagan ang kanilang lakas at kapangyarihan. 

May card battle mini-game din sa larong ito kung saan maaari kang makakuha ng mga malalakas at pambihirang mga spell tulad ng Limit Breaks. Ito ay magagamit mo kung sakaling bumaba ang antas ng iyong kalusugan. Mayroong dalawang mga paraan para magamit ang espesyal na tampok na ito: sa pamamagitan ng pagpalit sa susunod na karakter o sa pamamagitan ng paggamit ng spell na Aura. Tandaan na napaka pambihirang spell na ito. At kung sakaling makakuha ka, tiyakin na ito ay magagamit mo sa madiskarteng paraan. Malaki ang maitutulong nito sa mga matataas na antas ng laro. 

Related Posts:

Papa’s Burgeria To Go Review

Unblock Me Premium Review

Para madaling makapag-level up, kailangan mong malampasan ang ilang mga pagsubok. Sikaping manalo sa mga ito upang makakuha ng mga espesyal na premyo. Pag-aralang mabuti ang controls at icons sa iyong screen at alamin kung paano ang mga ito gumagana. 

Final Fantasy VIII Remastered

Final Fantasy VIII Remastered

Final Fantasy VIII Remastered: Pros at Cons ng Laro

Ang Final Fantasy VIII Remastered ay isa sa mga pamilyar na pangalan sa mundo ng mga digital games. Upang mas makilala at makilatis pa natin ang larong ito, iisa-isahin ng Laro Reviews ang mga kalamangan at kahinaan nito. Hindi maipagkakaila na ito ay isang klasikong app na nakapagdala ng kasiyahan sa loob ng maraming taon. Ang graphics, animation, at sound effects nito ay dekalidad at angkop sa laro. Ang gameplay at features nito ay puno ng aksyon at pakikipagsapalaran. Nakaka-enganyo at nakakahumaling din ang kwento at konsepto nito. 

Subalit, gaya ng karamihan, ang larong ito ay may ilang problema at kakulangan din. Ang larong ito may tampok na pwedeng magamit upang i-save ang game data subalit may mga pagkakataon na hindi ito gumagana. Maraming manlalaro ang nalilito dahil may mga pagkakataong bigla na lang nawawala ang cloud button na ginagamit upang mai-save ang game progress. Paminsan-minsan ang game controls ay hindi rin maayos na gumagana. May mga pagkakataon din na naiirita at nabibigo ang marami dahil sa biglang glitches at bugs. Medyo matagal din bago magamit ang ilan sa mga features nito.

Konklusyon

Ang Final Fantasy VIII Remastered ay may average rating na 4.5 stars mula sa higit 1000 reviews sa Play Store. Ito ay may mas mababang rating na 4.1 stars sa App Store mula sa 200 reviews. May kamahalan ang larong ito kung ikukumpara sa pangkaraniwang presyo ng mga laro sa merkado. Kailangan talagang pag-isipang mabuti ng mga manlalaro kung okay lang ba talagang gumastos ng hindi birong halaga para dito. Kung iisipin kasi nating mabuti, mas marami namang mas bagong laro na libre o kaya naman ay mas sulit ang presyo. Gayunpaman, kung ikaw ay tagahanga ng Final Fantasy game series at handa kang gumastos para lamang masubukan ito, magbibigay ito sa iyo ng magandang karanasan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...