Flag Painters Review

Flag Painters – Sa kabuuang bilang na 195 bansa sa mundo, ilan sa mga watawat nito ang alam mo? Isailalim sa pagsusulit ang iyong kaisipan kung ilan sa mga watawat ang pamilyar sayo habang naglalaro! Alamin ang tungkol dito sa pagbabasa ng artikulong ito galing sa Laro Reviews.

Ang Flag Painters ay isang casual at action game na nilikha ng game developer na VOODOO. Sa larong ito, may hawak na watawat ang mga karakter habang tumatakbo papunta sa poste ng bandila. Bilang manlalaro, layunin mong mapinturahan ang bandila batay sa kulay ng watawat ng bansang ibinigay. Kailangan lamang i-slide ang screen para ibahin ang direksyon ng mga tumatakbong karakter. Makukulayan ito sa pamamagitan ng mga paint roller na madadaanan. Pagdating naman sa detalye ng watawat, mayroong stamp na matatagpuan sa daan. Dapat na masaktuhan ang timing sa paglagay ng bandila sa mga ito para akma ang sukat at pwesto ng mga kulay.

Flag Painters - Laro Reviews

Flag Painters – Laro Reviews

Features ng Flag Painters

Flags of the World – Tuklasin ang iba’t ibang mga watawat sa daigdig! Itinatampok sa larong ito ang iba’t ibang mga bansa at kanilang watawat. Sa pamamagitan nito, maaaring makabisado ang mga ito at mas maging maalam sa kultura ng mga bansa. 

Offline Mode – Hindi ito nangangailangan ng Wi-Fi o data connection. Makapaglalaro ka ng Flag Painters kahit nasaan ka man. Hindi magiging hadlang ang bilis ng internet connection sa tuluy-tuloy na daloy ng paglalaro.

Unlock Characters – I-unlock ang ibang mga karakter na iyong magagamit! Nahahati ito sa tatlong klase: Good, Rare, at Epic. Kolektahin ang mga ito habang nagpo-progress sa laro. 

Easy Mechanics, Challenging Levels – Napakadali lang ng mechanics ng laro, kailangan mo lang pinturahan ang bandila base sa ibinigay na watawat sa kasalukuyang level. Gayon pa man, hindi pa rin mawawala ang pagiging challenging ng laro dahil kailangan mong isakto ang posisyon ng mga pintura sa bandila. Bukod dito, mahalaga ring iwasan ang mga balakid na haharapin sa bawat level. 

Saan Pwedeng I-download ang Flag Painters?

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users, at sa App Store naman sa iOS users. I-type ang Flag Painters sa search bar at pagkatapos ay pindutin ang Get o Install button katapat ng icon nito. Antaying matapos ang pag-download para mabuksan ang app. Kumpletuhin lang ang mga kailangan sa sign-in details at pwede ka na makapagsimula ng paglalaro! Sundin lang ang instruksyong ito mula sa Laro Reviews sa pag-download.

Narito ang links kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Flag Painters on Android https://laroreviews.com/flag-painters-review/

Download Flag Painters on iOS https://play.google.com/store/apps/details?id=com.mrmoble.flagpainters

Flag Painters - Laro Reviews

Flag Painters – Laro Reviews

Tips at Tricks sa Paglalaro

Malaking parte sa paglalaro ang pagtantya kung saan tatama at kung gaano kakapal ang pagpintura sa bandila. Mayroon ding mga balakid na nakapwesto sa daanan para lituhin at hadlangan kang magtagumpay. Kaya mainam na daanan lamang ang mga kulay ng pinturang tugma sa watawat na iyong pinagbabatayan. Kapag palapit na sa paint roller, mapapansing may lalabas na guhit sa iyong bandila bilang indikasyon kung saan ilalagay ang pintura. Gamitin ito para maging gabay upang masaktuhan mo ang tamang pwesto ng pintura sa bandila. Kung nais mong makakuha ng 100% na score sa iyong watawat, dapat ay pantay-pantay ang detalye nito, partikular na sa kulay. 

Related Posts:

Stickman Destruction 4 Annihilation Review

Dream Restaurant Review

Maging pamilyar din sa itsura ng watawat na pagbabatayan mo sapagkat mayroon kang madadaanang pampalito. O kaya naman ay tignan muli ang watawat para tiyakin ang itsura at detalye, upang hindi ka malinlang ng nakalilitong pagpipilian. Bilisan din ang pagdedesisyon sapagkat tuluy-tuloy lang sa pagtakbo ang karakter. Iwasan din ang mga razor blade dahil ikapapahamak ito ng iyong gawa. Kapag nadikit dito, mapuputol ang watawat na buhat-buhat ng karakter.

Pros at Cons ng Flag Painters

Akma ang Flag Painters sa mga bata. Nakatutulong ang laro na kanilang matutunan ang iba’t ibang watawat sa buong mundo. Kabilang sa game mechanics ng laro ang paggawa ng watawat ng iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng pagpintura at pagtatak nito. Dahil dito, nagiging pamilyar ang manlalaro sa mga detalye ng bawat watawat. Partikular na sa mga bata, madali silang matuto ng bagong kaalaman kaya tiyak na madadala nila ang mga ito hanggang sa paglaki. Sisiw na lang kumbaga, kapag sila ay nag-aral sa eskwelahan at ito ang paksa sa talakayan dahil na-expose na sila sa mga watawat.

Flag Painters - Laro Reviews

Flag Painters – Laro Reviews

Maaaring ayusn ang settings ng laro. Kabilang dito ang pag-adjust kung nais mong may background music, sound effects, o haptics habang naglalaro. Gayundin, mababago rin ang information sharing ng laro. Maaari mong baguhin ang Support at Analytics at ang Advertising para pareho itong naka-enable o naka-disable. Kapag naka-enable ito, ibig sabihin ay nais mong ibahagi ang iyong data sa laro. Dagdag pa rito, kung nais mong ulitin ang kasalukuyang level, hindi na kailangan pang antaying matapos ang laro para umulit dahil pwede na itong i-restart agad sa pamamagitan ng restart button sa kaliwang itaas ng screen. 

Bagamat maganda itong ipalaro sa mga bata, marahil ay hindi ito kahihiligan ng mga matatanda sapagkat baka mainip sila sa ganitong klaseng gameplay. Gayunpaman, may hamon pa rin ang paglalaro nito lalo na kapag mas mataas na ang level. Kapag may panibagong karakter na pwedeng i-unlock, kailangan pang manood ng ads para lamang makuha ito. Kaya kapag naglaro ng hindi konektado sa Wi-Fi o mobile data, wala kang magagawa kundi laktawan na lang ang pagkakataong ito dahil walang access sa panonood ng ads. Mairerekomenda ko rin sa game developers na ayusin ang isyu ng pag-glitch sa App sapagkat madalas itong nararanasan ng mga manlalaro. Dagdag pa rito, oras na matapos ang lahat ng bansa at inulit muli ang levels, malalaktawan ang karamihan sa mga ito at posibleng hindi na lumabas muli. 

Konklusyon

Kakaibang hamon ang handog ng Flag Painters sa manlalaro. Kahit na madali ang mechanics ng laro, hindi mawawala ang pagiging challenging nito lalo na kapag pataas ng pataas ang level na nilalaro. Bukod sa ito ay nakakaengganyo, pwede ring madagdagan ang iyong kaalaman at maging pamilyar sa iba’t ibang watawat ng mga bansa sa buong mundo. Kaya mairerekomenda ko itong laruin ng mga bata dahil parte sa laro ang pagbuo ng estratehiya kung paano makukulayan ang bandila kagaya ng watawat na nakatakda sa kasalukuyang level. Gayunpaman, hindi naman limitado ang larong ito para sa mga bata dahil maging ang mga matatanda ay masisiyahan dito. Maganda itong laruin bilang pampalipas ng oras, tulad na lamang kapag naghihintay sa pila, nag-aaabang ng order sa restaurant, at iba pa. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...