Alam mo ba kung paano nabubuhay ang mga slug at iba pang mga critter sa mga imburnal? Kung nagtataka ka, samahan kami habang ginagalugad namin ang mundo ng Flying Larva! Ang lahat ng mga karakter ay ganap na nakabatay sa computer-animated na serye sa telebisyon ng TUBA Entertainment, na ipinapalabas sa Seoul, South Korea. Ang mga pangunahing tauhan ng serye ay dalawang slug. May iba pang side character sa larong ito. Mayroon silang natatanging kakayahan. Tumalon, tumalon, at tumalon sa mga tubo para kolektahin ang lahat ng kailangan mo para mabuhay. Mag-ingat dahil mayroong mga halimaw, makamandag na insekto, bumabagsak na mga stalactites ng yelo, at iba pang mga panganib!
Contents
Ano ang layunin ng laro?
Sa totoo lang, ang layunin ng laro ay talagang simple, ngunit nakakaaliw na mapanghamon. Ang iyong layunin ay kumain ng higit pa upang mabuhay habang tumatalon ka sa mga tubo na puno ng mga halimaw, bitag, insekto, at iba pang bagay na maaaring makahadlang sa iyong pag-akyat. Iwasan ang mga salik na ito sa lahat ng iyong makakaya kung nais mong magpatuloy sa laro nang matagumpay. Bukod pa riyan, maaari mong tuklasin ang iba’t ibang mga mode ng laro upang malantad sa mga bagong hamon na garantisadong nakakaaliw.
Paano ito laruin?
Dito, ang Laro Reviews ay magbibigay sa lahat ng mga baguhan na tulad mo ng isang mabilis na kaalaman para kahit papaano ay makakuha ka ng ideya bago ka magsimulang maglaro. Maglalaro ka bilang isang slug na masigasig na nagtitiis sa lahat ng panganib sa mga imburnal. Hindi madali maging slug. Kailangan mong kumain upang mabuhay, at ito ay kung paano ka maglalaro rito. Ang kailangan mo lang gawin ay i-tap ang screen para tumalon. Kusang gumagalaw ang iyong karakter mula kaliwa pakanan, at dapat mong maperpekto ang iyong tyempo upang tumalon sa mga hadlang at umakyat sa mga imburnal. Kapag tumama ka sa mga hadlang na ito kahit isang beses, tapos na ang laro.
Ang isa pang mapanghamong aspeto ng laro ay mayroon ka lamang limitadong oras. Sasailalim ka sa pressure, at mas mataas ang posibilidad na magkamali, kaya mag-ingat. Maaari mong pagbutihin ang mga natatanging kapangyarihan ng iyong mga karakter upang magkaroon ng kalamangan dito. Posible ring mag-upgrade ng mga item dito. Bago natin makalimutan, may mga boosters na maaari mong kolektahin habang umaakyat ka. Ang ilang mga epekto ng booster ay maaaring maging mas malaki ang iyong anyo at immune sa anumang mga hadlang, o bibigyan ka nito ng kakayahang i-magnet ang lahat ng kinakailangang item tulad ng pera, tinapay, at iba pa. Ang mga kakayahan ng mga booster ay nag-iiba, at ang mga ito ay lumalabas nang random.
Paano i-download ang laro?
Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Flying LARVA sa Android devices ay dapat Android 4.1 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 6.0. Maaari mo na itong subukang laruin ngayon!
Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:
Download Flying LARVA on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.flerogames.cl.flyinglarva
Download Flying LARVA on iOS https://apps.apple.com/us/app/flying-larva/id1122415762
Download Flying LARVA on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.flerogames.cl.flyinglarva
Hakbang sa Paggawa ng Account sa Flying LARVA
- Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
- Hanapin ang bersyon ng larong Flying LARVA pagkatapos ay i-download at i-install ito.
- Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
- Ang data ng laro ay maiingatan o masi-save kung ili-link mo ito sa isang account.
- Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Flying LARVA!
Tips at Tricks sa Paglalaro ng Flying LARVA
Sa bahaging ito, iha-highlight ng Laro Reviews ang ilang tips upang matulungan kang makaakyat sa mga imburnal. Para sa amin, maaari mo lamang i-enjoy ang laro at kalimutan ang tungkol sa pagiging mapagkumpitensya dahil hindi ito kinakailangan. Natural na uusad ka sa paglipas ng panahon at unti-unti mong mabubuksan ang lahat ng iba pang feature, ngunit kung ikaw ay naiinip na at naghahanap ng tulong, heto at narito na.
- Ang unang bagay na dapat mong gawin ay i-upgrade ang lahat ng kapangyarihan ng mga karakter at item. Hindi na natin kailangang ipaliwanag masyado ang isang ito.
- Ang laro ay nangangailangan ng iyong konsentrasyon dahil ang lahat ay patuloy na gumagalaw. Kailangan mong ituon ang iyong atensyon kung saan ang mga hadlang upang maiwasan ang mga ito nang epektibo.
- Kumpletuhin ang misyon upang makakuha ng higit pang mga gantimpala.
- Gamitin ang mga donut nang matalino, o mas mabuti, manood ng advertisement na tumatagal lamang ng 30 segundo para ipagpatuloy mo ang iyong progress sa laro pagkatapos mong mamatay.
- Huwag i-stress ang iyong sarili. Mamahinga at magsaya lamang sa buong laro.
Pros at Cons sa Paglalaro ng Flying LARVA
Ang Flying LARVA ay isa sa mga pinaka-nakakatuwang laro na nalaro namin. Mayroon itong intuitive na gameplay, tap-to-move na mga kontrol, makulay at nakakatawang visual, at iba’t ibang mode na mapagpipilian. Mayroon itong apat na mode: story, unlimited, hurricane, at beetle bomb. Ang hamon dito ay ang ma-unlock ang mga mode, kaya dapat mong pagbutihin ang paglalaro upang makakuha ng access sa mga ito. Ito ay ganap na nakakahumaling, at huwag ding kalimutan na mayroong ilang mga gawain, pakikipagsapalaran, at mga hamon kung saan maaari kang makakuha ng mga karagdagang reward. Pagdating sa reward, mapagbigay talaga ang laro.
Alam nating lahat na ang karamihan sa mga tap-to-move na laro, o ang mga inuri bilang idle na laro, ay paulit-ulit at nakakapagod, ngunit hindi ang isang ito. Ang aming karanasan dito ay napakasaya, puno ng kaguluhan at kabaliwan. Ang layunin ay hindi kasingdali ng iyong iniisip. Upang umusad sa laro, dapat mong iwasan ang mga hadlang tulad ng mga lamok, octopus, bug, gumagalaw na halamang halimaw, bumabagsak na mga stalactites na yelo, at iba pa. Posible ring i-upgrade ang mga item, na talagang nakakatulong. May mga booster na nakakalat sa paligid ng laro, at maaari ka pang makakuha ng mga bagong karakter.
Ang lahat ng mga karakter ay batay sa computer-animated na serye sa telebisyon ng TUBA Entertainment sa Seoul, South Korea. Ang pangunahing bida ng serye ay dalawang slug. Kung makikita mo, ang lahat ng mga karakter sa larong ito ay mga bug, slug, at iba pang mga naninirahan sa imburnal. Ang lahat dito ay carbon copy ng serye. Lahat sila ay napaka-cute tingnan. Ang mga sound effect ay ganap na angkop sa pangkalahatang tema. Hindi naman ito masyadong intense. Maging ang mga tunog ay mahusay. Asahan na mayroong mga advertisement, ngunit ang mga ito ay maaaring i-skip at nakakatulong din. Mauunawaan mo ang ibig naming sabihin kapag sinubukan mo ito para sa iyong sarili.
Konklusyon
Ang laro ay may maraming nakakagulat at kawili-wiling mga feature. Hinding-hindi ka magsisisi na subukan ang isang ito, at kung napanood mo ang serye kung saan nakabatay ang laro, talagang maa-appreciate mo ang bawat karakter at ang konsepto ng laro.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 22, 2022