Fruit Ninja® Review

Nag-umpisang sumikat ang mobile games noong 2010 dahil mas marami ng tao ang kayang bumili ng mobile phones. Hindi tulad ng mga console, maaari mong malaro ang mga ito kahit saan basta’t mayroon kang compatible device. Ang Fruit Ninja® ay isa sa mga mainstream app sa panahong iyon. Isa itong arcade game ng Halfbrick Studios na unang inilabas sa iOS noong Abril 21, 2010. Makalipas ang ilang buwan, naging available ito sa mga Android device. Mahigit 10 taon na ang laro, at aalamin ng Laro Reviews kung mayroon itong anumang mga pagbabago o improvement.

Maaaring may iba’t ibang mga mode ang laro, ngunit ang iyong pangunahing layunin ay hatiin ang mga prutas gamit ang iyong blade. Dahil ito ay isang arcade game, maaari mo itong laruin hangga’t gusto mo upang mahigitan pa ang iyong high score.

Kailangan mo lang i-swipe ang screen para ma-emulate ang slicing motion. Sa halip na i-click ang mga prutas, kailangan mong hiwain ang mga ito upang pumili ng mode at simulan ang laro. Kapag nasa Dojo ka na, gamitin ang iyong galing sa pag-asinta at magandang timing para i-chop ang mga bumabagsak na prutas kapag nagsimula nang lumabas sa screen ang mga ito.

Features ng Fruit Ninja® 

Classic Mode – Hindi tulad ng ibang mga mode, wala itong time limit. Ang kailangan mo lang gawin ay hatiin ang lahat ng mga prutas, at maaari ka lamang magkaroon ng hanggang tatlong sablay bago mag-game over. Dapat mo ring iwasan ang mga bomba dahil matatapos agad ang laro kapag natamaan mo ang mga ito.

Arcade Mode – Maghiwa ng maraming prutas hangga’t maaari sa loob ng isang minuto. Sa mode na ito, maaari kang makakuha ng mga bonus depende kung gaano karaming mga combo ang mabubuo mo. Magkakaroon din ng bomba, ngunit bababa lamang ito matapos ang sampung segundo batay sa timer. Maaari mo ring makaligtaan ang mga prutas kapag naglalaro ng mode na ito. Magkakaroon ng isang pomegranate na prutas na lalabas sa dulo nito, at dapat mo itong matamaan at mahati sa loob lamang ng ilang segundo.

Zen Mode – Ang pinaka-relaxing na mode sa lahat. Dahil walang bomba rito, maaari mong ma-miss ang ilang mga prutas. Gayumpaman hindi mo kailangang makakuha ng anumang mga bonus sa mode na ito. Ang laro ay tatagal lamang ng 90 segundo.

Local Multiplayer – Makakapaglaro ka laban sa iba pang mga manlalaro, ngunit maaari mo lamang itong gamitin sa isang device gamit ang split-screen style. Maaari kang maglaro ng Classic Attack, kung saan ang bawat panig ay magkakaroon ng parehong mga prutas na hihiwain at mga bombang iiwasan. Walang anumang bombang dapat iwasan sa Zen Duel kundi mga prutas na hihiwain. Ang layunin ng parehong larong ito ay makakuha ng mas mataas na points kaysa sa iyong kalaban.

Event – Kailangan mong maglaro ng isang special mode na katulad ng arcade para sa isang limitadong panahon. Ang iyong iskor ay maiipon, at maaari kang makakuha ng mga gantimpala depende sa mga puntos na iyong nakuha.

Armory – Ang lugar kung saan maaaring i-equip at i-upgrade ng mga manlalaro ang kanilang mga Dojo at Blade.

Saan pwedeng i-download ang Fruit Ninja®?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS device naman. I-type ang Fruit Ninja® sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying matapos ang download.

Narito ang mga link kung saan mo maaaring ma-download ang laro:

Download Fruit Ninja® on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.halfbrick.fruitninjafree

Download Fruit Ninja® on iOS https://apps.apple.com/us/app/fruit-ninja/id403858572

Download Fruit Ninja® on PC https://www.bluestacks.com/apps/arcade/fruit-ninja-free-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang BlueStacks emulator mula sa https://www.bluestacks.com. Koumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account. Pagkatapos ay pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Narito ang ilang tips na makakatulong sa iyo upang makakuha ng mataas na score.

Iwasan ang mga bomba

Kabilang sa mga sariwa at makatas na prutas na ito ay nagkukubli ang mga bomba. Mape-penalize ka tuwing matamaan mo sila, kaya laging iwasan ang mga ito. Hintaying lumabas ang lahat ng prutas at bomba sa iyong screen bago tumira.

Gumamit ng mga finger sleeve

Gugugulin mo ang karamihan ng iyong oras sa pag-swipe sa iyong screen gamit ang iyong daliri, kaya mas mainam na gumamamit ng finger sleeves. Hindi lamang nito mapoprotektahan ang iyong mga daliri dahil mababawasan nito ang friction, Dahil dito, maaari mong hiwain ang mga prutas ng mas mabilis. Hindi ka pinipilit ng Laro Reviews na bumili ng finger sleeves. Maaari kang gumamit ng malinis na tela bilang alternatibo kung wala ka nito.

Linisin ang iyong screen

Mahirap i-swipe ang iyong screen kung madumi o malagkit ito. Panatilihin itong tuyo at malinis para magkaroon ng mas magandang gaming experience.

Gumamit ng power-ups

Maaari kang makaiwas hanggang sa tatlong bomba sa laban kapag gumamit ka ng Bomb deflect. Ang Peachy time ay nagdaragdag ng dalawang segundo sa iyong timer sa tuwing maghihiwa ka ng peach. Ang Berry blast naman ay nagpapasabog ng lahat ng strawberries para sa limang puntos.

Gumamit ng tatlo o higit pang mga daliri

Ang technique ito ay pinakamahusay na gamitin kapag mayroon kang malaking screen. Hindi lamang ito nakakatuwang gawin, ngunit maaari kang makapaghati ng mas marami pang mga prutas.

Pros at Cons ng Fruit Ninja® 

Masisiyahan ka sa laro ng maraming oras dahil mayroon itong iba’t ibang mga mode. Kung naiinip ka sa Classic Mode, maaari kang lumipat sa kapanapanabik na Arcade Mode. Maaari kang makakuha ng frenzy time dito, kung saan may lalabas na pagkarami-raming  prutas sa loob ng ilang segundo. Ang pomegranate ang paborito kong prutas sa larong ito dahil maraming beses itong dapat tamaan bago mahati. Maaari mong laruin ang Zen Mode para sa mas kalmadong gameplay kung ang ibang mga mode ay nakaka-overwhelm. Masisiyahan ka sa paghiwa ng mga prutas dahil mayroon itong magandang graphics at animation. May sense of progression ang laro dahil maaari kang mag-level up at maka-ipon ng star fruit sa tuwing magawa mo ito.

Gayunpaman, maaari mo lamang laruin ito kung mayroon kang stable internet connection dahil available lang ito online. Mayroong ilang mga problema at mga bug na pasulpot-sulpot habang nilalaro ito. Minsan nagiging itim ang kabuuan ng screen, ngunit nakikita mo ang mga menu ng laro. May mga pagkakataon din na hindi mo malalaro ang event mode kahit na simulan mo ang ito ng maraming beses.

Konklusyon

Nalaro ko na ang Fruit Ninja® noong 2011, at isa ako sa mga manlalarong gumugugol ng maraming oras sa pag-swipe ng kanilang mga phone para hiwain ang mga prutas. Napansin ko ang ilang mga improvement habang binabalikan ko ang larong ito. Ang pagdaragdag ng mga event ay nagbibigay sa mga manlalaro ng isang bagay na inaasahan, kaya hindi ka magsasawa sa katagalan. Ito ay isang simpleng laro, ngunit marami itong maiaalok.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...