Fun Race 3D Review

Kapag narinig natin ang salitang karera, ang unang pumapasok sa isip natin ay kompetisyon ng bilis at galing. Bukod sa kailangan mo ng bilis, tibay at lakas ng katawan, dapat magaling ka rin mag-isip ng mga estratehiya at pamamaraan sa paglalaro. Kaya naman para sa mga naghahanap ng simple subalit kapana-panabik na larong karera tiyak akong magugustuhan mo ang larong nilikha ng Good Job Games, ang Fun Race 3D.

Ang Fun Race 3D ay isang aksyon, karera, platformer at abstract na laro. Ito ay libre mong makukuha sa Google Play Store at App Store. Ito rin ay isang offline na laro, ibig sabihin, hindi mo na kailangan ng data o internet connection para malaro ito. 

Ang larong ito ay umiikot sa isang karera. May iba’t ibang obstacle kang pagdadaanan at maraming level ang iyong dapat na ipanalo. Mas humihirap ang bawat hamon kapag mas mataas na level ang iyong mararating. Susukatin sa larong ito ang iyong husay sa paggawa ng estratehiya upang malagpasan ang mga hamon sa iyong dadaan papunta sa finish line. Kailangan din dito ang iyong lakas at bilis para magawa ang mga aktibidad sa laban.

Features ng Fun Race 3D

Makulay na 3D Graphics – Ang Fun Race 3D ay isang 3D na laro. Ibig sabihin, ang graphics ginamit sa larong ito ay may tatlong dimensyon ng taas, lapad at lalim. Maaari mong igalaw ang iyong karakter depende sa nais mo at umikot hanggang 360 degrees. Ang mga elemento ng 3D ay mas maganda kumpara sa 2D. Ang 2D ay nalilimitahan lamang ang galaw sa kanan, kaliwa, taas at baba; hindi katulad sa 3D na malaya kang gumalaw sa direksyon na iyong naisin. Bukod pa riyan, makulay rin ang mga disenyo ng larong ito. Hindi masakit sa mata subalit tama lang ang mga kulay na pinili kada level at sa kabuuan ng laro.

Iba’t ibang level – Marami ring level ang pwede mong pagpilian sa Fun Race 3D. Kada level ay may bago at kakaibang hamon na iyong haharapin. Mas mataas na level, mas mahirap ang mga obstacle na naghihintay sa iyo. Ipanalo ang bawat laban upang makuha ang gantimpala. Mayroon din itong bonus level kung saan maaari kang makakuha ng maraming coins.

Coins at diamonds – Para makakuha ng mga coins at diamonds maglaro lamang at ipanalo ang laban. Gamitin ito upang mabuksan ang mga items, levels at features ng laro. Para maging doble o triple ang iyong pera, manood lang ng mga ads.

Customize your game – Malaya ka ring i-customize ang iyong karakter sa larong ito. Maaari mong baguhin ang kulay at itsura ng kasuotan ng iyong tauhan. Kailangan mo lang maglaro hanggang mabuksan ang feature na ito at mangolekta ng pera upang mabuksan ang mga items.

Saan Pwedeng I-download ang Fun Race 3D?

I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro.

Download Fun Race 3D on Android here

Download Fun Race 3D on iOS here

Download Fun Race 3D on PC here

Tips Kung Nais Laruin ang Fun Race 3D

Kung ikaw ay baguhan pa lamang at nagnanais na laruin ang Fun Race 3D, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Para sa mga bagong manlalaro, mayroong gagabay sa iyo kung ano ang mga dapat mong gawin. Sundin lamang ang itinuturo at basahin ang sinasabi sa direksyon. Ito ay para mas mabilis mong maunawaan ang daloy ng laro at maging pamilyar ka rito. 

Kapag nalagpasan mo na ang tutorial stage, madali na para sa iyo na laruin ang Fun Race 3D. Simple lang ang pagkontrol ng karakter mo sa larong ito. Pindutin lang ang screen ng matagal para lumakad ang iyong karakter at tanggalin ang pagka-pindot kung nais mo itong tumigil. Gawin ang mga obstacle sa labanan at iwasan ang mga bagay na maaaring tumama sa iyo. Hintayin ang tamang tiyempo bago sumugod sa laban. 

Kung gusto mong manalo, kailangan mong gumamit ng iba’t ibang estratehiya at pamamaraan sa laban. Sa ganitong paraan, mas mabilis mong malalampasan ang mga balakid sa daan, mauunahan ang iyong kalaban at makarating agad sa finish line.

Madali lang maintindihan ang larong ito kaya pwede ito sa mga batang edad tatlo hanggang pataas. Kaya kung nais mong subukan ito, tiyak akong magugustuhan at kaaadikan mo rin ang larong ito.

Pros at Cons sa paglalaro ng Fun Race 3D

Kung pag-uusapan ang graphics ng temang ito, tama lang ito sa pamantayan ng isang racing game. Akma ang konsepto ng Fun Race 3D at mahusay ang ideya sa pagkakabuo ng laro. Maganda rin ang visual at sound effects na ginamit dahil madarama mo na ikaw ay nasa isang karera. 

Dagdag pa rito, mabilis lang ring i-download ang laro na ito sa inyong mga devices na gamit dahil mayroon lamang itong 307 MB. Pinahihintulutan rin sa larong ito ang mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong mga marahas na nilalaman na maaaring makaapekto sa isipan.

Nakatanggap rin ang larong ito ng iba’t ibang reviews. Ayon sa mga komento, nagustuhan nila ang laro dahil ito ay madali, offline at masayang laruin. Magandang laro ito para sa mga naghahanap ng libangan at pampalipas oras. 

Samantala, ayon rin sa mga reviews, ang kadalasang nararanasan ng mga manlalaro ay ang dami ng ads na lumalabas. Ito ay nakakaabala at nakakaubos ng oras dahil umaabot ng 10 hanggang 30 segundo ang tagal ng mga ads. 

Ang Fun Race 3D ang may mga in-app rin na produkto. Nagkakahalaga ito ng 199 lamang kada item. Maaari kang bumili ng mga items gamit ang tunay na pera. Subalit pwede mo naman i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting ang in-app na pagbili.

Konklusyon

Para sa Laro Reviews, masayang laruin ito dahil kapanapanabik ang mga hamon na naghihintay sa iyo. Ngayon, mayroon itong 4.1 out of 5 ratings sa Google Play Store, at umabot na sa mahigit 100 milyon downloads. Marami na ang naglaro nito at patuloy na tumatangkilik ng larong ito. Kaya kung gusto mong masubukan ang kanilang bagong update at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na sa iyong devices ang Fun Race 3D!

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...