GardenScapes Review

GardenScapes – Tinatawagan lahat ng mga manlalarong mahilig sa pagdidisenyo ng hardin at pagtatanim ng mga bulaklak. Ang larong ito ay para sa inyo. 

Ang Gardenscapes ay isang puzzle game na inilabas sa publiko noong taong 2016. Ito ay bahagi ng Playrix’s Scape Series. 

Ang Gardenscapes ay umiikot sa kwento ni Austin, ang mayordomo ng hardin at isang mansyon. Tutulungan ng player si Austin upang maibalik ang dating ganda ng hardin at ng mansyon. Misyon ng manlalaro na kumpletuhin ang bawat level ng puzzle upang makakuha ng bituin na magagamit upang magawa ang mga gawain sa hardin. 

Ang bawat nakatalagang gawain ay nangangailangan ng bituin upang magawa ito. Halimbawa, isang bituin ang kailangan sa tuwing pipili ng dekorasyon na fountain o kaya naman ay bulaklak. 

Ito ay magandang laro para sa lahat ng nangangarap magkaroon at makapagdisenyo ng hardin at mansyon.

May mini-games din ang larong ito na magbibigay sa iyo ng mga barya upang makabili ka ng mga boosters at power-ups.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ikaw at si Austin ay may misyon na mapaganda at maayos ang mansyon at lupang pagmamay-ari ng pamilya. Kumpletuhin ang bawat level sa pamamagitan ng pagtutugma ng 3 o 4 na magkaparehong mga kendi o prutas sa gameboard. Piliin ang mga angkop na mga disenyo sa loob at labas ng mansyon na magbibigay-buhay sa kabuuan nito, kasama na ang hardin.

GardenScapes

GardenScapes

Paano Laruin ang Gardenscape?

Ang Gardenscape ay isang match 3 game. Sa bawat makukumpletong misyon ay may makukuha kang bituin na magagamit mo para magawa ng maayos at mabilis ang mga gawain sa hardin at mansyon. Ito ang daan upang magkapagpatuloy sa susunod na level at kwento.

Pagtugmain o ihanay ang apat o higit pang mga kendi at prutas na magkakapareho upang makakuha ng mga power-ups na makakatulong upang maipanalo ang laro. 

Ang bawat level ay may katumbas na isang bituin. Pwede kang bumili gamit ang coins ng mga power-ups o boosters katulad ng bomba, bahaghari at dinamita. 

May mini-games din sa laro. Ang mga ito ay puzzle games patungkol sa panaginip ni Austin kung saan siya ay na-trap sa ilang lugar o kaya  naman ay may kailangang ayusin sa mansyon. Pwede kang manalo ng mga barya sa oras na mapagtagumpayan mong lutasin ang mini-games na ito. 

Ang mga sumusunod na mga power-ups ay makukuha kapag magawa mong mapagtabi-tabi o maitugma ang mahigit sa limang prutas o mga kendi. 

Ang bomba ay may kakayahang pasabugin ang palibot nito hanggang sa ikalawang tiles. Pagtugmain ang limang pare-parehong kendi upang makakuha ng bomba.

Ang dynamite naman ay kayang pasabugin hanggang sa ikatlong tiles mula sa kinalalagyan nito. Ihanay ng anim na prutas o mga kendi upang makakuha nito.

Ang paputok naman ay kayang pasabugin ang tiles na malapit dito. Pagtugmain ang apat na magkaparehong kendi o mga prutas upang makuha ito. Ang TNT ang pinakamalakas sa lahat ng power-ups. Kaya nitong pasabugin ang nasa paligid nito hanggang sa ika-apat na tiles. Pito o higit pang kendi o mga prutas ang kailangang ihilera upang makakuha nito.

Ang bawat level ay may ibinibigay na task o requirement na kailangan mong kumpletuhin. May mga level kung saan may hihingiing mga sangkap si Austin. Ang ibang level naman ay kailangan mong kumpletuhin sa limitadong oras lamang at galaw. 

GardenScapes

GardenScapes

Paano I-download ang Laro?

Ang larong ito ay sobrang sikat kaya makikita ito sa lahat ng platforms at game stores. Gamitin ang mga link sa ibaba upang mai-download at ma-install ang Gardenscapes.

  • Download Gardenscapes on Android https://go.onelink.me/app/a02e7907
  • Download Gardenscapes on iOS https://apps.apple.com/US/app/id1105855019?mt=8
  • Download Gardenscapes on PC https://www.microsoft.com/store/games/gardenscapes/9mt9t93g2cnt
  • Download Gardenscapes on MAC https://itunes.apple.com/app/gardenscapes/id1193564816
  • Download Gardenscapes via Amazon https://www.amazon.com/gp/product/B01EJU5ZTC

Paano Gumawa ng Account ID sa Gardenscapes?

Ang bawat manlalaro ay may unique na Player ID na ibinibigay ng laro. Ang Player ID ay importante sapagkat magagamit mo ito sa oras na ikaw ay tatawag sa kanilang Support Team upang manghingi ng tulong tungkol sa laro, mapa-teknikal man ito o hindi. Mapapabilis ang paghahanap ng iyong account kapag alam mo ang iyong Player ID. Ang Player ID ay makikita sa settings sa kanang itaas na bahagi ng iyong screen. Ito ay may labing isang numero.

Maaari mo ring gamitin at i-save ang progreso ng iyong laro sa pamamagitan ng pag-login gamit ang iyong Apple ID, Facebook o Google account. Pumunta lamang sa settings at hanapin ang “Save Progress”. Pagkatapos ay piliin kung anong account ang gusto mong gamitin.

Tips and Tricks sa Paglalaro ng Gardenscapes

May mga mahihirap na level ang larong ito. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay mahirap ng manalo rito. Kung sa tingin mo ay hindi mo magagawang manalo sa isang level, gumamit ng ibang estratehiya sa paglalaro. 

Ang unang kailangang isipin at pag-aralan ay kung ano ang layunin o misyon mo sa kasalukuyang level na iyong nilalaro. Sa unang tira pa lang ay dapat tiyak na ang iyong pakay. Pag-aralang mabuti ang buong gameboard at isipin ang iyong estratehiyang gagamitin. Hindi inirerekomenda na basta ka nalang tumira ng hindi nagpaplano dahil mas mabilis ang iyong magiging pagkatalo.

Kung sa tingin mo ay hindi ka sigurado sa gagawing tira, ang laro ay may ibinibigay na hint. Desisyon mo na kung ito ay susundin mo o hindi. Pwede ka ring magsimula sa ibabang bahagi ng gameboard. Maghanap ka ng pwede mong pagtugmain sa ibaba dahil mas malaki ang tyansa na magkaroon ng auto-match na mga kending mula sa itaas. 

Maghanap ng mga pare-pareho items na makakapagbigay sa iyo ng power-ups o boosters. Ang Rainbow Blast o ang bahaghari sa kaliwang bahagi ng screen ay magagamit mo lamang sa oras na ito ay nakapag-recharge gamit ang mga power-ups sa board. 

Related Posts:

Townsmen Review

Ruby Club – Slots Tongits Sabong Review

GardenScapes

GardenScapes

Mga Positibo at Hindi Positibong Puna Para sa Gardenscapes

Ang larong ito ay challenging at nakaka-excite. Ito ay para sa mga manlalaro na mahilig sa pagdidisenyo at puzzle matching games katulad ng Candy Crush. Ang kwentong hatid nito ay nakakapukaw din ng interes ng bawat manlalaro. Si Austin at ang iba pang karakter sa laro ay nakakagiliw at nakakatuwa. Kahit pa paulit-ulit lamang ang laro, nakakapantanggal-umay ang mini-games sa loob nito.

Ang laro ay may mga premyo o rewards na ibinibigay halos araw-araw. Mga barya, boosters, at unlimited lives sa loob ng tatlumpong minuto ang mga karaniwang rewards na makukuha. Ngunit alalahanin na ang bawat level ay may limitadong galaw at kapag ito ay hindi mo nalagpasan, mababawasan ka ng isang buhay.

Ang bawat galaw na iyong gagawin ay hindi mo na pwedeng baguhin. Kaya isiping mabuti ang bawat pagtira. Ang mga disenyo o imprastraktura sa laro ay hindi rin pwedeng ilipat ng lugar. Ang laro ay pwede sa lahat ng platform katulad ng Amazon at ito ay pwede ring laruin mismo sa Facebook. 

Mababa lamang ang nire-require nitong system specifications, ngunit kailangan itong sundin para maiwasan ang anumang problema.

Sa kabuuan, ang laro ay nakaka-challenge kahit na paulit-ulit lamang ito. Mabuti na lamang at nagkapaglagay ng mga mini-games upang hindi mawala ang atensyon at interes ng mga manlalaro. Ang pagdidisenyo ng hardin at ng mansyon ay nakakatuwa lalo na sa tuwing ikaw ay pipili kung anong kulay o bulaklak ang maaari pang maidagdag sa iyong proyekto. Pwede mo rin itong palitan ng hindi gumagastos o gumagamit ng mga barya. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...