Gin Rummy Review

Anyayahan ang iyong mga kaibigan, pamilya, o iba pang random na manlalaro online upang laruin ang nakaka-enganyong laro na ito! I-knock out o Gin sa iyong kalaban para manalo sa laban at makaipon ng maraming koleksyon ng iba’t ibang item, reward, at iba pang mga bonus. Nagtatampok ito ng mga mode na maaari mong pagpilian at i-unlock ang iba pang feature ng laro habang sumusulong ka. Ito ay isang libreng laro na may maraming interactive na feature na matutuklasan at mararanasan. Ito ay madaling maunawaan at hindi na nangangailangan ng isang tutorial para maging dalubhasa ka. Magmadali at i-download ito mula sa inyong mga App Store at subukan ang paglalaro nito!

Ano ang layunin ng laro?

Ang layunin ng laro ay para sa mga manlalaro na MA-KNOCK OUT o GIN ang kanilang mga kalaban. Upang simulan ang laro, bibigyan ka ng sampung baraha. Dapat mong ayusin ang mga card sa sandaling matanggap mo ang mga ito. Naglalaman ito ng maraming mga mode upang laruin na may iba’t ibang level ng kahirapan. Ang iyong taya ay matutukoy sa pamamagitan ng mode na iyong pipiliin. 

Gagawa ka ng diskarte para talunin ang iyong kalaban. Kapag natalo mo ang iyong kalaban at nakamit ang ilang partikular na kundisyon ng laban, makakatanggap ka ng mga reward, bonus, at maaari mong ma-unlock ang ibang feature ng laro. Higit pa rito, tandaan na magsaya habang naglalaro! Anyayahan ang iyong mga kaibigan at pamilya, o imbitahan ang mga ibang manlalaro sa online at aktibong siyasatin ang iba pang feature sa loob ng laro! Subukan ito at magsaya!

Paano laruin ang laro?

Huwag mag-alala kung ikaw ay isang baguhang manlalaro dahil ang laro ay nag-aalok ng isang maikling tutorial kung paano ito laruin. Pagkatapos mong tapusin ang tutorial, maaari ka ng sumabak sa tunay na labanan kontra sa iba pang mga random na manlalaro online. Bibigyan ka ng 10 card na kailangan mong ayusin sa sandaling mapunta ang mga ito sa iyong mga kamay. Kailangan mo lang i-drag ang card na gusto mong itapon at i-tap ang card na ibinagsak ng iyong kalaban sa mesa na kumukumpleto sa iyong suit.

Ikaw ay kukuha mula sa stockpile kapag oras mo na para tumira. Ang iyong layunin ay i-knock out ang kalaban o gin. Ang Knock out ay nangangahulugan na maaari mong hamunin ang kalaban sa gitna ng laban at ang mananalo ay susuriin sa pamamagitan ng kabuuang puntos ng DEADWOOD card na hawak niyo at ang may pinakamababang puntos ay siyang panalo sa laro. Ang ibig sabihin ng Gin ay mayroon kang kumpletong set ng mga card at may 0 puntos para sa Deadwood. Maaari mo lamang i-knock out ang isang kalaban kung ang kabuuan ng mga Deadwood card mo ay mababa na sa 10 puntos.

Mayroong seleksyon ng mga mode na maaari mong piliin, kabilang ang Quick Start, Classic, Gin Rummy, Private, at Tournament. May mga level ng kahirapan at idinagdag na mga twist sa bawat mode. Maaari kang mangolekta ng mga item at idagdag din ang mga ito sa iyong mga koleksyon. Makakatanggap ka ng mga gantimpala para sa bawat panalong laban. Maaari kang lumikha ng isang table at anyayahan ang iyong mga kaibigan na maglaro. Habang umuusad ka ay mas matutuklasan mo pa lalo ang iba pang feature ng laro.

Paano i-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na ma-download ang Gin Rummy sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit at ang makukuhang space ng app para sa Android ay 140 MB. Ito ay wala pang bersyon para sa mga iOS at PC user.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Gin Rummy on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.games.card.ginrummy

Hakbang sa paggawa ng account sa Gin Rummy

  1. Hanapin ang anumang App Store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Gin Rummy pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Facebook o Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o maie-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Gin Rummy!

Tips at tricks sa paglalaro ng Gin Rummy 

Hinahangaan ng Laro Reviews ang lahat ng mga feature at simpleng mekaniks nito. Ang iyong layunin sa laban ay i-knock out lamang ang kalaban o Gin. Sa totoo lang, ang tanging pamamaraan na maaari naming imungkahi para manalo ay itapon ang mga card na sa tingin mo ay hindi mo na kailangan. Kung malapit ng maubos ang mga card sa stockpile at hindi ka pa Gin, ang pangalawang diskarte para talunin ang iyong kalaban ay ang pagkakaroon ng mas mababang puntos para sa DEADWOOD card.

Higit pa rito, mainam na ayusin ang iyong mga card sa sandaling matanggap mo ang mga ito. Ayusin ang iyong mga straight card at DEADWOOD card nang hiwalay. Pagbukud-bukurin ang mga ito para magkaroon ka ng malinaw na set sa iyong mga kamay. Bukod pa riyan, maaari kang magkaroon ng maraming kasiyahan sa paglalaro laban sa iyong kalaban dahil walang katiyakan ang mga card na mapupunta sa inyo kaya mas nagiging kapanapanabik ang laro. Kaya magsaya lamang sa buong laro para makapagrelaks ka.

Pros at cons sa paglalaro ng Gin Rummy

Ang Gin Rummy ay isang online na laro ng card na idinisenyo para sa mga mobile phone. Malayan mong tuklasin ito ngunit nangangailangan ito ng koneksyon sa internet upang makipaglaban sa mga manlalaro at para ma-access ang laro. Maaari mo ring anyayahan ang iyong mga kaibigan na sumali sa iyo. Mayroon itong iba’t ibang mga mode na may iba’t ibang level ng kahirapan. May opsyon kang maglaro ng Classic, Quick Start, Gin Rummy, Private, o Tournament. Mayroong ilang mga posibilidad dito na sa huli ay matutuklasan mo habang nagpapatuloy ka sa laro.

Maaari kang makakuha o mangolekta ng iba’t ibang mga item, magpadala ng mga emoticon sa iyong kalaban, at makipag-usap sa kanila sa gitna ng laban. Nakakaengganyo at nakakaintriga rin ang iba nitong feature kaya tiyak na hindi ka madidismaya kapag sinubukan mo itong laruin. Ang itsura ng mga card ay nilayon na maging mas malaki para mas simple ang pag-tap sa mga icon. Ang mga feature o mekaniks ay madaling maunawaan at hindi nagdudulot ng anumang pagkalito. Ito ay perpekto para sa mga matatanda na gustong subukan ang ganitong klase ng laro.

Maaari mo ring i-link ito sa iyong Facebook account upang i-save at ilipat ang iyong progress sa ibang smartphone device. Magagawa mo ring kumonekta sa iyong mga kaibigan online. Ang gameplay ay madali at ito mayroong maikling tutorial para sa mga baguhang manlalaro. Maa-access lang ito ng mga user ng Android dahil wala pang bersyon para sa iOS o PC users na may parehong developer. Mayroon itong mga variant na katulad sa larong ito ngunit ang mga feature o mekaniks ay maaaring naiiba. Sa pangkalahatan, dahil isa itong free-to-play na laro, maaari mo na itong subukan ngayon. Magsaya at huwag mag-atubiling maglaro nito!

Konklusyon

Kung naghahanap ka ng mahusay na time-killer app at free-to-play card game, ang Gin Rummy ang angkop para sa iyo. Ito ay perpektong laro para sa mga matatanda. Makakakita ka ng napakaraming feature na tiyak mong tatangkilikin at lubos na inirerekomenda ng Laro Reviews na subukan mo ang isang ito.

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...