Gold Fish Casino Slot Games Review

Ang Gold Fish Casino Slot Games ay isa sa pinakasikat na casino slot games sa mobile phones. Mula noong inilabas ito noong 2011, isa pa rin ito sa nangungunang casino slot games dahil sa magandang graphics, mataas na Return-To-Player (RTP) rate, at simpleng layout na madaling maintindihan ng mga manlalaro nito. 

Magkapareho lang ang layout ng Gold Fish Casino Slot Games at Gold Fish Vegas kung saan may tatlong rows, at 25 selectable paylines. At kahit na isa lang ang bonus round at walang progressive jackpot, marami pa rin ang naglalaro ng casino game na ito dahil maraming free spins, multipliers, at instant win bonuses ang larong ito. 

Ibig sabihin, mas marami kang additional coins na maaaring mapanalunan kapag nakapag-land ka ng isang panalong payline. At kagaya ng ibang Las Vegas slots, mababa ang minimum bet sa Games. Sa katunayan, maaari ka na agad maglaro ng slots sa napakababang halaga na isang sentimo (USD). 

Gold Fish Casino Slot Games - Laro Reviews

Gold Fish Casino Slot Games – Laro Reviews

Isa ring dahilan kung bakit marami ang naglalaro ng Gold Fish Casino Slot Games ay ang mga tampok na isda sa larong ito. Ang mga isdang ito ay maraming bonus na ibinibigay sa mga manlalaro kapag iyong nakuha sa payline. 

Game Features ng Gold Fish Casino Slot Games

Ang game feature na pinakamapapansin mo sa Gold Fish Casino Slot Games ay ang tema nito na para bang ika’y nasa ilalim ng karagatan. Habang pinagmamasdan ang underwater na tema nito, maririnig mo ang musika mula sa steel drums. May mga goldfish, clownfish, angelfish, at tropical fishes na magsisimulang gumalaw kapag nanalo ka ng payline o bonus. 

Bukod dito, may makikita ka ring mga isdang sumasayaw sa screen. Pagdating sa mga isda, makakapagbigay ng maraming multipliers at free spins kapag may mga goldfish na lumabas sa iyong payline. Samantala, may Super Scatter feature naman ang mga blue fish kapag ito ang natapat sa payline. 

Kapag naman nakakuha ka ng blue fish at walang free spins na lumabas sa screen, makakakuha ka ng 10x multiplier. Sa kabilang banda, may tatlong fish tank na puno ng bula ang lalabas kapag nakakuha ka ng green fish sa payline. May iba’t ibang cash prizes ang mga bula at ang pinakamalaking premyong maaari mong makuha dito ay 500x ng iyong line bet. 

Kapag may red fish naman na tumalon sa iyong tangke, may accessories gaya ng toy castle at treasure chest kang makikita. Kapag lumabas ito, kailangan mong pumili ng accessory na sa tingin mo ay magugustuhan ng red fish na nagpakita. Kapag nangyari ito, may pera kang mapapanalunan lalo na kapag hinalikan ng isda ang accessory na iyong pinili. 

Gold Fish Casino Slot Games - Laro Reviews

Gold Fish Casino Slot Games – Laro Reviews

Kapag nag-dive ang purple fish sa tangke, may mga numerong lalabas na nakapaloob sa air bubbles. Makikita mo ang air bubbles na ito nang random. Ang numerong lalabas ay mamu-multiply sa iyong line bet. Mayroon ding Fish Food bonus round ang Gold Fish Casino Slot Games. 

Saan Maaaring I-download ang App

Gamitin ang sumusunod na links upang mai-download ang laro:

Download Games on Android here 

Download Games on iOS here

Tips at Tricks para sa Paglalaro ng Gold Fish Casino Slot Games

Kung nag-iisip ka kung paano manalo sa mga laro sa Gold Fish Casino Slot Games, ang paglapag ng limang goldfish sa payline ay magbibigay sa iyo ng pinakamalaking premyo. Ang mga manlalaro ay maaaring kumita ng hanggang $1,050,000 kung makahuli sila ng 10,000x multiplier sa kanilang orihinal na taya.

Ang goldfish ay nagsisilbi rin bilang isang wild sa Gold Fish Casino Slot Games at may kakayahan itong palitan ang lahat ng iba pang mga simbolo maliban sa scatter. Kaya hangga’t maaari, hilingin mo na makakuha ka ng goldfish sa iyong payline. At dahil maliit lang ang kailangan mong pusta sa larong ito, mas maigi kung huwag mo munang lalakihan ang taya. 

At dahil 95% ang payout dito, mas mabilis kang mananalo. Inirerekomenda rin namin dito sa Laro Reviews na maglaan ka ng limit sa iyong ipupusta kung maglalaro ka araw-araw dahil malaking problema ang adiksyon sa sugal. 

Related Posts:

Perfect World VNG: Fly with me review

League of Kingdoms Review

Gold Fish Casino Slot Games - Laro Reviews

Gold Fish Casino Slot Games – Laro Reviews

Bago ka maglaro ng anumang online slot games para sa totoong pera, inirerekomenda namin na subukan mo muna ito nang libre. Ang mga libreng laro ay nagbibigay-daan upang malaman mo kung paano dapat laruin ang mga casino games. 

Pros at Cons 

Nakakagulat na napapanatili ng Gold Fish Casino Slot Games ang appeal nito sa loob ng mahigit isang dekada. Sa isang banda, ang mga manlalaro sa Gold Fish slots ay inaasahang magbabayad para sa mga feature gamit ang ‘Feature Bet’ na taya, na hindi available sa maraming iba pang larong slot. 

Ngunit, ang Gold Fish slot machine ay walang tampok na auto-play. Hindi nakakatuwa para sa bettors na kailangang i-push ang spin button tuwing 30 segundo habang nanonood ng parehong reels.

Pagdating naman sa graphics at animation, wala kang aasahang bago sa larong ito dahil mahigit sampung taon na mula nang maipakilala ito, kaya outdated na ang graphics at animation. Subalit, hindi ito katwiran dahil kasabayan ng Gold Fish Casino Slot Games ang slot game na Cleopatra pero nakakapagbigay pa rin ang huli ng modernong improvement sa graphics at gameplay. 

Ang pinakamalaking factor kung bakit binabalik-balikan pa rin ang Gold Fish Casino Slot Games kahit sobrang tanda at outdated na nito ay ang edad nito. Syempre, mas nagtitiwala ang mga tao sa isang larong sigurado at subok na ng panahon. Maaari mo ring sabihing bumabalik ang kanilang alaala noong sila’y naglalaro pa sa Las Vegas tuwing pupusta sa casino game na ito. 

Konklusyon 

Maraming mas magagandang casino slot games kumpara sa Gold Fish Casino Slot Games, pero hindi dahil pangit ang pagkakagawa sa larong ito kundi dahil mas bago na ang teknolohiya sa kasalukuyan. Nasaiyo kung lalaruin mo ito pero isa lang ang sigurado, naging haligi na ang Gold Fish Casino Slot Games pagdating sa casino games sa mobile phone. Ang Gold Fish Casino Slot Games ay maaaring malamangan, pero hindi kailanman mabubura.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...