Granny Review

Bago pa maging meme sa mga pambatang video, nagkaroon ng isang pagkakataon na ang tingin ng mga tao sa karakter na ito ay sobrang nakakapanindig-balahibo. Ang Granny ay isang spin-off ng Slendrina series at dahil sa critical reception nito, nagkaroon ito ng mga sequels. Ang dating spinoff lang, nagkaroon na ng sariling pangalan na tinangkilik ng maraming tao. 

Sa larong Granny, kailangan mong makalabas sa isang bahay sa pamamagitan ng paghahanap ng susi, pagsagot sa mga tanong, at pagtatago kay bago ka niya mahanap. Samakatuwid, hindi lang isang survival horror game kundi may mga elemento ito na maihahalintulad mo sa isang puzzle game. 

Isa sa pinaka-streamed na video game sa YouTube at Twitch. Sa katunayan, ang ikalawang most-viewed mobile game sa YouTube. Mayroon itong 314 million views. Kung magkakaroon ng Mount Rushmore ang mga survival horror games, nakaukit doon ang kahindik-hindik na mukha ni Granny kasama sina Slendrina, Freddy, at Ao Oni. 

Granny

Granny

Storyline ng Granny 

Walang tukoy na kwento kung saan nagmula si Granny, ang sigurado lang ay siya ang biyolohikal na lola ni Slendrina. Masasabi ring isang supernatural being  na hindi mo mapapatay. Sa Steam version ng larong, may cutscene kung saan naglalakad ang iyong karakter sa gubat bago atakihin ni Granny. 

Matapos nito, magigising ka na lang sa isang kama. May makikita kang note sa kama at nakasulat dito na hindi ikaw ang unang tao na nakuha ni Granny at nailagay sa kanyang bahay. Ibig sabihin lang nito, mataas ang pagkakataon na hindi nabuhay ang una niyang biktima at nasa iyong mga kamay kung matutulad ka rito o hindi. 

Kumuha ang Granny ng inspirasyon mula sa larong Slender kung saan notes mo ang magiging clues upang matakasan mo si Slenderman. Kung tutuusin, kay Slenderman din nakuha ang inspirasyon para kay Slendrina. At gaya ng sabi kanina, ang Granny ay isang spinoff na laro lamang mula rito. 

Game features 

May limang araw ka sa laro upang makatakas sa bahay ni Granny. Kapag nahuli ka ni Granny sa una hanggang ikaapat na araw, hahampasin ka niya ng baseball bat upang makatulog ka. Kapag lumipas na ang ikaapat na araw, may mga cutscene na ipinapakita kung paano ka papatayin ni Granny. May apat na cutscenes sa unang game pero may iba pang cutscenes sa ibang sequels. 

Sa orihinal na Granny, may isang cutscene kung saan matatagpuan mo ang iyong sarili na nakatali sa isang garahe. Makikita mo rin na nakasakay sa isang pick up truck si Granny at uulit-ulitin ka niyang bungguin hanggang mawalan ka ng buhay. Kapag nahuli ka ni malapit sa guillotine, gagamitin niya ito para pugutin ang iyong ulo. Marami pang cutscenes kapag na-game over ka pero sana ay hindi mo na malaman ang mga ito at matapos mo ang laro nang mabilis. 

Pagdating sa difficulty, may tatlong difficulty levels sa Granny: ang easy, medium, at hard. At kapag nilaro mo: Chapter Two, magkakaroon ng dagdag na karakter, si Grandpa. Kumpara kay Granny, mahina ang pandinig ni Grandpa kaya siya ang iiwasan mo sa easy mode. Sa medium, dapat mong iwasan si Granny at kapag hard, parehas mo silang dapat iwasan. 

Granny

Granny

Saan maaaring i-download ang Granny 

  • Download on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dvloper.granny&hl=en&gl=US
  • Download on iOS https://apps.apple.com/us/app/granny/id1323957120
  • Download on PC https://grannygame.io/ 

Tips at tricks para sa Granny 

Dahil malakas ang pandinig ni Granny kahit mga yabag ng paa mo ay kaya niyang marinig kahit pa nasa ikalawang palapag ka ng bahay at siya ay nasa garahe. Ang pinakamainam na paraan para hindi niya marinig kung saan ka magpupunta ay ang paglalakad lang. Mas maririnig ka niya kapag ikaw ay tumakbo. Dapat reserved lang ang mga pagkakataon na tatakbo ka. Hangga’t maaari, tumakbo lang kapag nahuli ka nya at kailangan mo nang magtago. 

Kapag hinabol ka ni Granny, mas maganda kung makakapunta ka sa attic, secret area, garahe, at basement. Hindi madalas mapunta sa mga bahaging ito ng bahay kaya dito pinakamabisang magtago. At kung gusto mong iligaw, magtapon ka ng isang gamit sa isang bahagi ng bahay para doon siya pumunta. Kapag nagawa na ito, pumunta ka na saan mang bahagi ng bahay mo gusto. 

Kapag nagsimula na ang laro, una mong puntahan ang palikuran upang makakita ng clues. Kapag nasa simula ka pa lang ng laro, nasa basement pa si Granny at hindi ka niya agad masusundan dito. Umiwas ka rin sa pagtatago sa kotse, sa mga baul, mga cabinet, at ilalim ng mga kama dahil mataas ang tsansa na makita ka ni Granny dito. 

Granny

Granny

Pros at cons ng Granny 

Wala kang masasabing masama tungkol sa Granny maliban na lang siguro sa graphics nito. May ilang reviews na nagsasabing hindi raw nakakatakot ang itsura ni Granny, sa halip ay nakakatawa. 

Pero bukod dito, puro positive receptions lang ang nakuha mula sa mga kritiko. Maipaparamdam talaga ng larong sa mga manlalaro ang takot nang hindi nangangailangang umasa sa mga jumpscares. 

Mula sa audio, ambiance, at sound effects, perpekto ang pagkakagawa sa larong Granny. Oo, may impluwensya ng Slender ang Granny pero hindi mo masasabing kinopya talaga nila ang laro, lalo sa ikalawa at ikatlong sequel nito. 

Sa mga sequels na ito, maaari kang gumamit ng tranquilizer at shotgun. Isa ang Granny sa mga unang laro kung saan maaari mong labanan ng pisikal. Pwede mong sabihin na pinadadali nito ang laro pero iba ito kumpara sa karamihan ng survival horror games na may halong puzzle. 

Pagdating sa difficulty, maganda ang ginawa ng Granny na mayroong iba’t ibang difficulty levels para sa lahat ng klase ng manlalaro. Ang isa pang magandang characteristic ng Granny ay ang pagkakaroon ng iba pang mga pakulo sa sequels nito. Hindi pareho ang gameplay kumpara sa orihinal kaya binabalikan ng mga manlalaro. 

Sa nakalipas na taon, dumami ang memes sa YouTube tungkol kay Granny kaya mukha siyang katawa-tawa sa iba, pero sa palagay ko hindi ito maituturing na isang negatibong pangyayari. Ang ibig sabihin lang nito, maraming nakakakilala kay Granny at tila isa na siyang pop culture reference. 

Konklusyon 

Marami kang masasabing dahilan kung tatanungin ka kung bakit sumikat ang Granny pero isa lang ang sigurado. Nakakaaliw laruin at isa ito sa mga larong matatandaan ng mga bata kapag lumaki na sila, subalit hangga’t maaari ay huwag itong ipalaro sa mga bata. Mgateenager ang target users at hindi maganda kung may kakatakutan ang mga bata na naiisip ng imahe ni Granny bago sila matulog. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...