
Ang Green Ball game ay isang arcade at physics simulation game kung saan kailangan mong tumalon at tumakbo, iwasan o alisin ang mga galit na angkan ng mga multo at kolektahin ang lahat ng mga barya, hiyas, buhay, armas at posibleng pag-upgrade upang makapasa sa susunod na antas at magdagdag ng higit pang mga puntos na walang katulad.
Ilang Paraan ng Paglalaro ng Green Ball Game
- Iwasan ang galit na mga multo o patayin sila sa isang clash kapag mayroon kang anti-ghost shield.
- Itulak ang mga kahon na may nakadikit na green ball patungo sa mga multo upang alisin ang mga ito.
- Kumuha ng anti-ghost shield at mag-strike para makipag-clash sa ghosts clans (ngunit mag-ingat dahil nawawala ang shield pagkatapos ng maikling panahon ng paggamit).
Naririto ang Tatlong control mode ng Green Ball Game:
- MAGNET TO ATTRACT – mag-tap sa screen para papuntahin ang bola sa direksyong gusto mo
- REFRIGERATOR REPEL – mag-tap sa screen para itulak ang bola sa direksyon na iyong nais
- FINGER – i-slide ang iyong daliri sa anumang direksyon para masundan ng bola ang paggalaw
Kolektahin ang mga barya upang makakuha ng puntos.
Pindutin ang mga pulang kahon na naglalaman ng mga sorpresa. Makakahanap ka ng mga kalasag, barya, dagdag na buhay …. at kahit isang multo.
Dalhin ang berdeng bola sa dulo ng bawat antas para makapunta sa susunod na level.
Ang GREEN BALL ay naglalaman ng advertisement upang matulungan ang mga developer na patuloy na mapabuti ang laro, ngunit sinusubukan namin na hindi ito nakakaapekto sa magandang karanasan sa paglalaro.
Ang Green Ball ay isang video game na susubok sa iyong mga kasanayan sa isang hamon sa obstacle. Sa larong ito, kokontrolin mo ang isang kulay berdeng bola at ang iyong layunin ay pagulungin ito sa isang direksyon patungo sa maliwanag na sikat ng araw. Iwasan at pagtagumpayan ang maraming iba’t ibang mga hadlang na kinabibilangan ng mga pitfall at spike. Subukang tumalon at iwasan ang mga mapanganib na balakid habang iniiwasang mahulog sa gilid. Mag-ingat na huwag tumalon ng masyadong maaga o masyadong huli upang mapunta mo ang bola nang perpekto at patuloy na gumulong patungo sa target na finish line, ang araw. Nagtatampok ang laro ng 30 antas na puwedeng laruin sa larong ito. Subukang tapusin ang mga antas nang hindi masyadong nauubusan ng buhay at magsaya!
Ang laro ay nakakahumaling at nakakatawa. Ang bola ng laro ay lumilipat mula sa ball bar patungo sa isa pa patungo sa landas na magbabago sa bawat antas.
Mga Features ng Larong Green Ball Game:
- Walang katapusang mga antas
- Madaling laruin
- Nakakahumaling na gameplay
- Maaring laruin offline
Ang larong ito ay may mga boosters din katulad ng Magnet na kung saan pwedeng i-magnet ang mga coins. Ito ay magiging aktibo lamang sa pamamagitan ng panonood ng ads. Ito ay may mahigit na 10000 downloads na at wala pang nakukuhang rating sa ngayon. Ang laro ay may dalawang lenggwahe. Ito ay ang Ingles at Espanyol.
Sa mga hindi pa nakaaalam kung paano maglaro ng Green Ball Game, maaari mong i-check ang Tutorial menu ng laro na may tatlong stages.
Sa unang stage ng tutorial, ituturo sa iyo ang gamit ng Magnet bilang isang Attract, Repel o Slide. Kapag pinili mo ang Attract, ang magnet ay tutuon paibaba at ito ang magbubuhat at magpapagalaw sa green ball kung saan mo ito gustong papuntahin. Kapag Repel naman, ang magnet ay tutuon paitaas na ibig sabihin ay pupunta ang green ball sa opposite direction na gusto mo at kapag Slide naman, ang magnet ay mapapalitan ng daliri kung saan pwede kang mag-swipe sa iyong mobile phone para makontrol ang green ball.
Pilitin na papuntahin ang Green Ball sa finish line ng iniiwasan ang mga obstacle katulad ng mga ghosts at blocks. Sikapin din na makuha ang ilang coins at hearts para sa karagdagang reward at score.
Ayon sa Laro Reviews na siyang lumikha ng artikulong ito, maraming mga manlalaro ang medyo nahihirapan sa larong Green Ball Game dahil sa uri ng kontrols nito. Nahihirapan sila na papuntahin ang bola sa gusto nilang direksyon o iwasan ang mga ghosts at obstacles. Nahihirapan din sila na patalunin ang bola para makaakyat sa taas patungo sa finish line. Ito ay nagsisilbing hamon para sa mga developers ng Green Ball Game. Sinisikap nila na padaliin ang gameplay at kontrols ng laro.
Ang graphics ng laro ay nakakatuwa at simple lamang ngunit ang gameplay ay medyo nakakalito dahil sa tatlong uri ng kontrols nito. Para mapapunta mo ang Green Ball sa kanyang dapat patunguhan, kakailanganin mong magpalit-palit ng kontrol. Matinding diskarte ang iyong kakailanganing gamitin sa larong ito lalo na at may iba’t ibang settings ang laro o lugar na kailangan mong lagpasan sa bawat level o antas.
Ang mga coins na iyong makokolekta ang magsisilbing score mo. Sa oras na ikaw ay mahuli ng mga ghosts o mabagsakan ng mga box o kahon, ang iyong hearts na sumisimbolo sa iyong buhay ay mababawasan.
Ang laro ay walang pressure o time limit. Ibibigay sa iyo ang lahat ng pagkakataon upang malagpasan ang bawat level. Sa oras na mapabagsakan mo ng kahoy o box ang mga multo ito ay magdadagdag sa iyo ng puntos o score.
Ang tunog ng laro ay nakakaaliw din at bumabagay sa tema ng Green Ball Game. Hindi ito nakakainis katulad ng ibang laro at hindi din masyadong maingay. Subukan mo ding kunin ang mga diamonds dahil ito ay magbibigay sa iyo ng maraming puntos na siyang magdadagdag sa iyong high score. Ang laro ay walang anumang misyon o tasks na ibibigay sa iyo. Tanging layunin lamang nito ay mapaabot mo ang iyong green ball sa finish line.
Konklusyon
Kakaiba ang larong Green Ball Game dahil sa tema nito. Mahirap ang laro at kakailanganin mo itong diskartehan at gamitan ng matalinong galaw at focus. Ngunit sa ilang manlalaro, ito ay kapana-panabik at nakakaaliw.
Inirerekomenda din ng Laro Reviews sa mga Pilipino na subukan ang Big Win Club App dahil ito ay may iba’t ibang laro na pwede mong subukan at tiyak na iyo ring kagigiliwan. Subukan ito at i-download sa iyong mobile phone.
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- August 16, 2022