Para sa mga naghahanap ng bagong laro na may kapana-panabik na hamon, sigurado akong magugustuhan mo ang isang ito. Ito ay nilikha ng Fluik, isang game developer mula sa Edmonton, Canada na nagsimulang maitatag noong 2009. Ang isa sa larong kanilang nilikha ay ang Grumpy Bears. Siyam na taon na ang nakalilipas simula ng opisyal nilang inilabas ang larong ito noong Abril 2013 ngunit marami pa ring naglalaro nito hanggang ngayon.
Ang Grumpy Bears ay isang casual at action game na may single-player mode. Ito ay libre mo lang ring mada-download mula sa Google Play Store, App Store at kahit sa iyong personal computer o PC. Bukod sa libre mo itong makukuha, offline game rin ito. Ibig sabihin hindi mo na kailangan ng data o internet connection para makapaglaro nito. Kahit nasaan ka mang lugar o anong oras mo nais ito laruin ay magagawa mo basta na-download mo ang larong ito sa iyong device.
Ang larong ito ay tungkol sa pakikipaglaban sa mga Grumpy Bears, Mummies, Pharaohs, at gods. Nais ng mga kalaban na makuha ang iyong mga inimbak na pagkaing honey. Protektahan ang iyong truck na gamit sa paglalakbay mula sa mga pagsalakay ng kaaway. Ibigay lahat ng iyong makakaya upang hindi sila makalapit sa iyo at makuha ang iyong mga item. Sigurado akong hindi mo na titigilan ang paglalaro ng Grumpy Bears kapag natutunan mo na itong laruin. Handa ka na ba sa isang matinding hamon ng labanan? Kung handa ka na, basahin ang buong artikulo upang malaman ang iba pang impormasyon na makatutulong sa iyo.
Contents
Features ng Grumpy Bears
Daily Missions – Bukod sa pakikipaglaban sa larong Grumpy Bears, may misyon ka rin na kailangan isakatuparan sa laro. Kapag nagawa mo ang iyong misyon, makakakuha ka ng gantimpala bilang kapalit. Maaaring item o coins ang iyong mapapanalunan na magagamit mo rin sa paglalaro.
Buy coins – Kung ikaw ay naubusan ng coins sa larong ito, maaari kang bumili ng in-app products gamit ang totoong pera. Ang ilan sa mga item na kanilang binebenta ay ang Starter Bundle, Small Ruby Pack, Medium Ruby Pack, Ruby to Coins, Coins at marami pang iba. Ito ay nagkakahalaga mula ₱43 hanggang ₱789 kada item.
Weapon Selection – Sa larong ito maaari kang gumamit ng iba’t ibang armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa mga kagamitan na pwede mong makuha ay ang Ninja Star, Sleep Dart, Plunger, Pet Rock, TNT, Hay Bale, Wrench, Molotov, Grenade, Uber Bomb, at Flame Bale. Ang ibang item ay maaari mong mabili gamit ang coins sa laro subalit ang iba naman ay nangangailangan ng rubies o gems.
Maps – Ang Grumpy Bears ay mayroon ding sariling mapa ng laro. Dalawa lang ang lugar na maaari mong puntahan sa larong ito, ang Bear Country at ang Bear Tombs. Subalit kailangan mo munang maglaro sa Bear Country upang mabuksan mo ang isa pang lugar sa mapa.
Saan pwedeng i-download ang Grumpy Bears?
Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:
Download Grumpy Bears on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fluik.Explosions
Download Grumpy Bears on iOS https://apps.apple.com/ph/app/grumpy-bears/id602301807
Download Grumpy Bears on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.fluik.Explosions
Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ang Grumpy Bears.
Tips at Tricks kung nais laruin ang Grumpy Bears
Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Grumpy Bears, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo.
Kung ikaw naman ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Maikli lang ang tutorial ng laro para makapaglaro ka agad ng Grumpy Bears.
Mayroong dalawang lugar kang mapupuntahan sa mapa ng Grumpy Bears, ang Bear Country at ang Bear Tombs. Ang inirerekomenda sa bagong manlalaro ay laruin muna ang Bear Country upang ma-unlock ang isa pang lugar. Ipanalo ang bawat laban upang makakolekta ng coins at rubies. Kapag nakakuha na ng sapat na pera sa paglalaro, maaari mo ng buksan ang Bear Tombs gamit ang 99 rubies.
Pagdating naman sa paglalaro, kailangan mong protektahan ang iyong sarili at ang honey na dala mo mula sa pag-atake ng mga Mummies, Pharaohs, at gods. Nais makuha sa iyo ng kalaban ang mga dala mong honey. Kaya naman marami ang mga kaaway na hahabulin ka sa daan habang ikaw ay naglalakbay para ihatid ang iyong dalang honey. Gumamit ng mga armas at sandata gaya ng Grenade, Uber Bomb, at Flame Bale para hindi sila makalapit sa iyo. Mahirap talagang maging honey delivery truck lalo na sa larong Grumpy Bears. Maaari kang magpalit-palit ng mga armas sa iyong weapon selection mode. Kapag malaki ang kalaban mo mas malakas na armas dapat ang iyong gagamitin. Nang sa gayon mabilis mong mapapatumba ang iyong kalaban.
Sa pagkokontrol ng iyong karakter sa laro, hahagisan mo lang ng mga pasabog o gagamitan ng anumang armas ang mga kalaban. Huwag hayaang makalapit sila sa iyong delivery truck dahil posible nilang makuha ang honey na dala mo. Kapag nakuha nila ito ikaw ay matatalo sa laban. Mayroon ka lamang tatlong buhay at kapag nagamit mo ang lahat ng ito habang hindi pa nakakarating sa dulo ng level, ikaw ay matatalo. Subalit kung mananatili kang buhay sa laro at makakarating ka sa dulo ng level, ikaw naman ang mananalo. Tandaan, ang pagkapanalo mo sa laban ay nakasalalay sa istilo ng iyong paglalaro. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya at talunin ang pwersa ng kalaban.
Pros at Cons ng Grumpy Bears
Para sa Laro Reviews, ang Grumpy Bears ay isa sa magandang larong nilikha ng Fluik. Marami na ring mobile game developer ang kanilang nilikha subalit marami pa rin ang tumatangkilik ng Grumpy Bears kahit matagal na itong inilabas. Maayos at malinaw rin ang disenyo ng graphics na inilapat sa laro. Maaari rin itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong marahas na nilalaman na nakakaapekto sa isipan ng bawat indibidwal. Sigurado akong kaaaliwan rin itong laruin ng mga kabataan at kahit ng matatanda.
Nakatanggap rin ng iba’t ibang reviews ang larong ito sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, palagi raw nilang nilalaro ang Grumpy Bears dahil nagandahan sila sa laro. Masaya at nakakaadik din ang larong ito pahayag ng ibang manlalaro. Dagdag pa rito, madali lang rin daw itong laruin dahil simple lang ang mechanics ng laro. Subalit may mga nagkomento rin ng hindi maganda sa laro. Ayon sa kanilang karanasan, palagi raw nagka-crash at error ang laro.
Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app products gamit ang totoong pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱43 hanggang ₱1,500 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting sa pagbili kung ayaw mong gumastos.
Konklusyon
Sa ngayon, mayroon na rin itong 4.4/5 ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 1 milyong downloads ang larong ito at may mahigit 38,000 reviews ang naitala. Kaya kung gusto mong masubukan itong laruin at malaman ang iba pang impormasyon tungkol dito, i-download mo na ang Grumpy Bears sa iyong device!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 25, 2022