GunboundM Review

GunboundM – Maghanda para sa matinding labanan ng mga master at tangke sa buong kasaysayan! Matuwa sa mga natatanging tangke habang nakikipaglaban sa iba pang malalakas na kalaban sa buong mundo! Suriin ang mga avatar riders na makakadagdag sa iyong diskarte sa pakikipaglaban. Gamitin ang malakas na super sky shot ng iyong mga tangke at itutok nang maayos sa kalaban para sigurado mo itong matamaan. Mayroon itong mga feature na siguradong pupukaw sa iyong interes at kuryusidad. Tiyak na mahuhumaling ka sa matinding sagupaan ng mga tanke at mga unique na avatar sa gitna ng labanan! Subukan ito at ito ay magbibigay sayo ng magandang karanasan at nakakarelaks na gameplay.

Ano ang Layunin ng Laro?

Ang laro ay mayroon lamang isang pangunahing layunin: ito ay sirain ang mga tanke ng kalaban. Magagawa mong makipaglaban sa isang 1v1 o 3v3 mode nito at ang kailangan mo lang gawin ay sirain o pasabugin silang lahat sa pamamagitan ng pagbaril gamit ang iyong mga tanke. Ang mga manlalaro ay maaaring magmula sa iba’t ibang lugar. Maaari ka ring mapabilang sa Worldwide Ranking upang maging isa sa pinakamalakas na Gunbound Master! Mayroon ding Achievements kung saan maaari kang makakuha ng mga karagdagang rewards pati na rin Daily Bonuses. Mas mainam na i-check at i-claim ito nang madals para magamit mo sa pag-upgrade ng iyong mga tanke, avatar battle skills, at attack power.

GunboundM - Laro Reviews

GunboundM – Laro Reviews

Paano ito laruin?

Ang Laro Reviews ay magbibigay sa iyo ng ilang ideya ng mga maaari mong matuklasan dito. Tami ang pangalan ng karakter na sasalubong sa iyo at magdadala sa tutorial mode ng laro. Matututunan mo kung paano kontrolin ang iyong mga tanke, i-upgrade ang mga ito, at gamitin ang iba pang features ng laro. Sa una, lalabanan mo ang AI Gunbound na tanke. Makakakuha ka ng ilang karanasan sa pagbaril at pagtutok ng iyong armas laban sa kanila.

Pinangangasiwaan ng Gunbound Master ang iba’t ibang tanke ng labanan sa Gunbound. Ang bawat tanke ng labanan ay may tatlong natatanging mga item at iba’t ibang mga armas. Ang mga avatar ay may partikular at kakaibang kakayahan din. Upang kontrolin ang lakas at anggulo ng pagbaril, i-drag lang ang power-point at ilipat ito, pagkatapos ay pindutin ang fire button. Maaari mo ring ilipat ang power-point sa kabilang bahagi sa pamamagitan ng pag-drag dito. Ito ay madaling gamitin kapag ang iyong tanke ay nasa gilid ng screen. Sa gitna ng laro, maaari kang magpalit ng mga armas at pumili ng mga item para sa iyong tanke sa pamamagitan ng pag-tap sa icon ng item at weapon. Kapag oras na ng iyong kalaban para umatake, hindi mo maaaring ilipat ang iyong tangke o pumili ng mga item o armas.

Maaari ka lamang gumamit ng isang armas at isang item. Kasama sa laro ang Battle Training na may tatlong level ng kahirapan at ito ay ang Easy, Medium, at Hard. Kapag nanalo ka ng sunod-sunod na laro, malaki ang pagkakataon mong makatanggap ng malalaking rewards. Kaya hasain ang iyong mga kakayahan sa pagbaril at pag-target para mabilis na talunin ang mga tanke ng iyong kalaban.

Paano I-download ang Laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang GunboundM sa Android devices ay dapat Android 4.4 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 9.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 114 MB at 350.8 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download GunboundM on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.DargomStudio.GunboundM.Global

Download GunboundM on iOS https://apps.apple.com/ph/app/gunboundm/id1221174690

Download GunboundM on PC https://www.ldplayer.net/games/gunboundm-on-pc.html

Hakbang sa paggawa ng account sa larong GunboundM

GunboundM - Laro Reviews

GunboundM – Laro Reviews

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong GunboundM pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at i-connect ito sa iyong Google Play account.
  4. Ang data ng laro ay maiingatan o mase-save kung ili-link mo ito sa isang account.
  5. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng GunboundM!

Tips at tricks sa paglalaro ng GunboundM

Manatili sa pagbabasa ng artikulong ito kasama ang Laro Reviews para sa ilang tips na makakatulong sa iyo sa laro. Ang gold ay ang in-game currency na magagamit para bumili ng mga Mobile Card at Jewels mula sa shop. Ang Player-vs-Player mode ay may mga entry fee, kaya hindi nakakagulat na ang ginto ay magsisilbi bilang iyong enerhiya sa laro. Kung maubusan ka ng gold, maaari kang makakuha nito sa “Battle Training”.

Related Posts:

Bid Wars Stars – Multiplayer Review

Might & Magic: Chess Royale – Heroes Reborn

Maaari mo ring gamitin ang Challenge Ticket sa halip na gold bilang iyong entry fee. Maaaring makuha ang mga ito sa pamamagitan ng Daily Rewards, League Rewards, at iba pa. Upang makakuha ng mga gear (kinakailangan upang mag-upgrade ng mga avatar), mas mainam na kolektahin o ipunin muna ang mga ito, pagkatapos ay isahang ihanda ang mga ito para i-extract. 

Ito ay isang mahalagang diskarte: ang balansehin ang iyong koponan maliban na lamang kung gusto mong subukan mag-eksperimento ng mga kakayahan ng iyong tanke. Dapat kang maging pamilyar sa lahat ng kanilang natatanging kakayahan at tuklasin kung paano kontrahin ang mga tangke ng kalaban. Maaari mo ring suriin ang mga uri ng mga tanke ng iyong kalaban sa pamamagitan ng pag-tap sa kanyang image icon.

GunboundM - Laro Reviews

GunboundM – Laro Reviews

Pros at Cons sa paglalaro ng GunboundM

Ang GundboundM ay isang nakaka-enganyo at nakakatuwang laro. Nakakamangha na dinadala nito ang mga manlalaro sa isang kapanapanabik na labanan ng mga tanke at nag-aalok ng napakaraming bagay upang matuklasan. Hindi nakakagulat na nakatanggap ito ng magagandang review mula sa mga manlalaro nito. Maaari kang makakuha ng iba’t ibang reward sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang aktibidad at pag-claim sa mga Daily Rewards, Promotions, League Rewards, at iba pa. Maayos na nailapat sa mga maliliit na screen ng gadget ang visual graphics at special effects nito. 

Ang sound effects ng mga aksyon ay napakahusay na naitugma sa gameplay environment nito. Maaari kang makipaglaro sa iyong mga kaibigan pati na rin sa iba pang mga manlalaro mula sa iba’t ibang lugar. Maaari ka ring sumali sa Worldwide Leaderboard at maging pinakamalakas na Gunbound Master sa lahat. Ito ay may mataas na entertainment level na lubhang ikinakatuwa ng maraming manlalaro. Ang visual controls ay nakakalito sa una ngunit habang nasasanay ka sa mga ito madali mo nang makakabisado ang anggulo ng pagbaril at pag-target sa kalaban. 

Mayroon ding Battle Training mode, na sobrang kapaki-pakinabang para sa mga baguhang manlalaro na i-training ang kanilang mga avatar at kakayahan ng mga tanke. Ang paglalaro nito ay maaari rin magbigay sa iyo ng mga karagdagang reward. Ang ilang mga manlalaro ay nag-ulat ng mga error sa network sa kabila ng pagkakaroon ng matatag na koneksyon sa internet, at ang sistema ng matchmaking ng laro ay hindi patas. Ikaw ay ipapares sa isang manlalaro na mas malakas kaysa sa iyo; ang kalaban mo ay parang pro o mas mataas na level sa iyo. Dapat itong ayusin ng mga developer upang makapagbigay ng mas pantay at kasiya-siyang karanasan sa paglalaro para sa lahat.

Konklusyon

Ang larong GunboundM ay naglalaman ng napakaraming bagay para tuklasin at tangkilikin ng mga manlalaro. Ito ay nakaka-aliw at nakakatuwang laruin na tiyak na papawi ng iyong pagkabagot. Gayunpaman, may ilang mga isyu na kailangang ayusin upang ang mga manlalaro ay matuwa at maging patas ang labanan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...