Happy Colour Game Review

Ang Happy Colour Game ay isang nakalilibang at nakakatuwang laro na iyong masusubukan. Lalo na kung ikaw ay mahilig sa sining ay siguradong magugustuhan at tatangkilikin mo ito dahil sa madaling mekaniks, maraming mapagpipiliang larawan, at nakalilibang na konsepto ng laro. Ang mga imahe na iyong kukulayan ay maraming detalye o medyo may pagkakumplikado ngunit ang lahat ng ito ay nakakatuwang gawin lalo na kapag nakita mo na ang kabuuang itsura nito. Ito ay magandang pampalipas-oras dahil aabutin ka talaga ng ilang minuto o oras bago mo ito matapos. Hindi ka lang nalilibang, natututo ka rin sa bawat paglalaro mo. Ito ay available sa lahat ng Android, iOS, at PC users kaya malaya kang pumili kung aling device ang iyong nais gamitin.

Paano laruin ang Happy Colour Game?

Sa artikulong ito ay gagabayan ka ng Laro Reviews kung paano ba ito laruin at mga feature na maaari mong madiskubre rito. Samahan kaming siyasatin ang makulay na mundo ng larong ito. Sa oras na matapos mo na itong ma-download at ma-install sa inyong device ay dadalhin ka nito agad sa pangunahing features nito. Pagbukas mo pa lang ay bubungad na sa iyo ang mga larawang maaari mong kulayan. Ito ay may mga kategorya tulad ng Disney, Marvel, Interiors Flowers, Animals, at marami pang iba. Sobrang dami ng iyong mapagpipilian at ang lahat ng ito ay maraming detalye.

Para naman sa mekaniks nito, ang kailangan mo lang gawin ay pumili ng larawan, kulayan ang bawat parte nito depende sa numero at kulay na naka-assign dito, at mag-zoom in at out. Oo, yan lang tatlo ang dapat mong gawin. Pwede mo ring i-save ang larawan o imahe oras na matapos mo na itong makulayan para makita mo ang iyong progress. Sa pagkukulay naman, ang gagawin mo lang ay tingnan ang bawat bahagi ng larawan, makikita mo na ang bawat parte nito ay may nakalagay na mga numero at iyon ang susundin mo sa pagpili ng kulay. Sa baba ng screen ay makikita mo ang mga kulay. Kapag pinindot mo ito ay makikita mo sa imahe ang mga parte kung saan mo gagamitin ang kulay na iyon. Magiging gray ang kulay ng parte na iyon.

Kapag ang isang kulay ay nailapat mo na sa lahat ng bahaging dapat ito ay naroon ay magche-check mark na ito at mawawala na sa ibaba. Makikita mo rin ang porsyento ng iyong progress para makita kung malapit ka na bang matapos. Kung nahihirapan ka namang makita ang mga numero lalo na kapag sobrang daming detalye ng imahe, maaari mong i-zoom in o out ang iyong screen para makita ito nang malinaw at lumabas ang numero. Kung talagang hirap kang makita kung alin pang bahagi ang dapat mong kulayan ay maaari kang gumamit ng hint. Makikita mo ito sa itaas ng iyong screen, ‘yung “bulb” icon. 

Tips sa Paglalaro ng Happy Colour Game

Ito ay ilang tips lamang na maaaring makatulong sa iyo kung sakaling ikaw ay nahihirapan sa paglalaro nito o kung gusto mong mas mapadali ang iyong pagkukulay. Sa katunayan, hindi naman mahirap laruin ang Happy Colour Game, malaya kang maglaro ng hindi mo kinakailangang isipin ang progress mo sa laro. Kahit kailan ay maaari mo itong laruin ngunit minsan ay nakakabagot lang dahil sa pauli-ulit na aksyong ginagawa mo. Kaya narito ang ilang mga tip na aming inihanda para sa mga manlalaro:

  1. Dahil ang pagkukulay ng bawat larawan ay nakabase sa numero, mainam na gamitin mo ang zoom in at zoom out na feature nang sa gayon ay makita mo ang bawat maliliit na detalye at lumabas ang numero.
  2. Pumili ka ng paraan ng pagkukulay kung saan ka mas komportable at madadalian. Pwede mong unahin ang alin man sa parte nito tulad ng baba, kaliwa, kanan, gitna, o taas na parte ng larawan para mas makita mo kung anong bahagi na ang iyong natapos. Mas malinis itong tingnan at mas madali mong makita kung alin pa ang hindi mo pa nakukulayan.
  3. Mag-umpisa sa madaling larawan muna bago sa mahihirap at kumplikado.
  4. Kung ikaw ay nababagot na, mas mainam na magpahinga nang kaunti at muling magbalik sa paglalaro. Maaari mo ring silipin ang mga larawan na natapos mo na para ganahan kang muli.
  5. Mag-enjoy lamang sa paglalaro ng Happy Colour Game.

Pros at Cons sa Paglalaro

Ang Happy Colour Game ay hindi makakailang magandang laruin dahil sobrang nakalilibang at madali lang din ang mekaniks. Ito ay angkop sa lahat ng edad, mapabata man o matanda. Lahat ay welcome sa paglalaro nito. Ang features ay maayos na gumagana at lahat ay nakalapat nang maayos sa iyong screen kaya sigurado kaming hinding-hindi ka malilito sa paglalaro. Direkta lahat ng bagay dito, kung ano ang feature ‘yun din ang ginagawa nito. Ito ay available sa lahat ng Android, iOS, at PC users kaya kahit anong device ay maaari mong gamitin.

Ito rin ay may iba’t ibang kategorya ng mga larawan kaya hindi ka magsasawa rito kaagad. Isa sa aming hinangaan dito ay ang pagiging kumplikado ng mga larawan. Maganda ang pagkakabalanse ng features nito, kung mahirap ang larawan ay madali naman ang pagkukulay nito. Hinding-hindi ka madidismayang subukan ito lalo na kung mahilig ka sa sining. Ang laro ay may kaunting ads lamang na lumalabas sa gitna ng laro ngunit maaari mo naman itong i-skip. Hindi rin naman masyadong madalas ang paglabas ng mga ito kaya isa itong plus para sa amin.

Konklusyon

Ang Happy Colour Game ay angkop sa lahat ng edad lalo na sa mga manlalarong mahilig sa sining. Natitiyak namin na tatangkilikin mo ito at magugustuhan ang bawat feature nito. Madali lamang ang mekaniks kaya kahit unang beses mo pa lamang ito subukan ay makukuha mo agad ang paraan ng paglalaro nito. Magandang pampalipas-oras din ito.

Kung ikaw naman ay mahilig sa tongits, poker, slots, at iba pang casino games, inererekomenda naming subukan mo ang Big Win Club app. Ito ay isang mahusay ng game center para sa mga Pilipinong mahilig magsugal. Maaari kang maglaro gamit ang totoong pera at maglaro gamit ang device. Para ka lang ding naglalaro sa isang casino. Kaya subukin na ang iyong swerte sa pagsusugal at i-download ang laro!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...