
Ang Helix Stack Jump: Smash Ball ay isang online arcade game na ginawa ng Kooapps Games. Kung mahilig ka sa mga arcade casual games, halika at kilalanin itong laro sa artikulong ito na ginawa ng Laro Reviews.
Mga Tampok ng Laro
Para laruin ito, kailangan mong basagin ang mga blocks na mayroong matingkad na kulay sa pamamagitan ng pagpapatalbog ng bola. Kailangan mong i-swipe pa kaliwa at kanan ang screen upang maitugma mo ang tumatalbog na bola sa mga block na mayroong matingkad na kulay at pagkatapos ay i-long press ito upang mabasag ang nasabing block. Ngunit kapag nag-long press ka sa mga block na walang kulay ay matatalo ka.
Ngayon ay talakayin naman natin ang mga tampok nitong laro. Mayroon itong 31 na mga skin na maaaring pagpilian at magagamit mo itong mga skin kapag nakaipon ka ng sapat na diamond, naabot mo ang isang tiyak na level o stage at kapag nanood ka ng mga advertisements.
Mayroon din itong global ranking system. Ibig sabihin, maaari kang makipagkumpitensya sa ibang manlalaro sa buong mundo. Ang ranking system ay binubuo ng tatlong uri; daily, weekly at all-time.
Ang pagbabasehan ng iyong ranking para sa daily ay ang score na iyong nakuha sa paglalaro sa loob ng 24 na oras. Ang basehan naman ng weekly ay ang score na iyong nakuha sa paglalaro sa loob ng isang linggo. Ang all-time naman ay nakabase sa score na iyong nakuha sa loob ng buong oras na paglalaro mo mula umpisa hanggang sa kasalukuyan. Ang live event naman ay isang time limited na tampok. Dito ay maaari kang makakuha ng mga kakaibang skin para sa iyong bola. Upang laruin ito, kailangan mong makakuha ng mga key sa pamamagitan ng pagpapatalbog dito at kapag nagawa mo ito, makukuha mo na ang skin. Sa tuwing matatapos mo ang ang limang level sa main stage ay makakakuha ka ng diamonds.
Paano i-download ang Helix Stack Jump: Smash Ball?
Hindi mo na kailangang gumawa ng login account upang makapagsimulang maglaro nito. Ang kailangan mo lang gawin ay i-download ito. Para i-download ito sa Android, pumunta sa Google Play Store pagkatapos ay i-type sa search bar ang pangalan ng larong ito at i-click ang download. Parehong proseso lamang ang pag-download nito para sa iOS ngunit sa halip na Google Play Store, maaari mo itong i-download sa App Store. Para i-download ito sa PC, pumunta sa https://www.gameloop.com/at i-type ang pangalan ng laro sa search bar pagkatapos ay i-click ang download. Para sa mas mabilis na pag access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.
Download Helix Stack Jump: Smash Ball on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hiroba.helix
Download Helix Stack Jump: Smash Ball on iOS https://apps.apple.com/us/app/helix-stack-jump-fun-3d-games/id1502584711
Download Helix Stack Jump: Smash Ball on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.hiroba.helix
Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Hindi naman kumplikado ang gameplay nito dahil kailangan mo lamang ituon ang pagtalbog ng bola sa mga blocks na may kulay ngunit kailangan mo ng matalas na mata at pakiramdam upang magawa ito. Kung nahihirapan kang maipasa ang ilan sa mga stage, huwag mag-alala dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang makabisado mo itong laro. Ang una mong gagawin ay dapat mong tandaan ang tempo ng pagtalbog ng bola. Bago ka magsimula sa isang stage, pagmasdang maigi ang pagtalbog ng bola at bilangin ito kung ilang beses ito tumatalbog sa bawat segundo. Sa aking pag-aanalisa, tumatalbog ang bola nang isang beses sa bawat isang segundo. Kung kakantahin mo ang “Happy Birthday” sa iyong isip, mapapansin mong tumi-tyempo ang talbog ng bola sa kanta.
Kapag nakabisado mo na ang tempo ng talbog, pansinin naman ang ikot ng mga blocks. Kusa itong umiikot ngunit, kapag nag-swipe ka pakanan o kaliwa ay mapapansin mong humihinto ito saglit ngunit bumabalik ito sa pag-ikot kapag hindi mo na ginagalaw ang screen. Ituon nang bahagya sa block na walang kulay ang talbog ng bola upang kapag binitawan mo ang pag-press, kusang tatalbog ang bola sa block na may kulay. Iwasan na mag-long press kapag malapit ka na sa block na walang kulay upang maituon mo ang bola dito nang hindi natatalo. Tandan na matatalo ka lang kapag nag-long press ka sa mga block na walang kulay.
Kalamangan at Kahinaan
Ito ang ilan sa mga kalamangan at kahinaan ng laro. Pagdating sa gameplay, napaka-mapanghamon ng bawat stage. Maganda ang ganitong klaseng tampok ngunit masyado itong mahirap ipasa. Mayroon itong mga maliliit na lags na nagreresulta ng pagkatalo. Nagustuhan ko ang konsepto ng mga skin ng laro dahil mayroon itong mga superhero features tulad nina Batman, Spiderman, pati na rin mga anime characters tulad ng sa Attack on Titan. Napaka-cute ng mga characters lalo na ang konsepto nito ngunit, mas magiging maganda sana ang laro kung mayroon itong makinis na animation. Gayunpaman, 3D ang graphics nito na mayroong malalim na detalye kaya maganda parin sa mata ang mga featured designs. Kung mayroon man akong hindi nagustuhan sa laro, ito ay ang napakaraming pop up advertisements nito. Bukod sa nakakainis ang mga ads, palagi itong nagpa-pop up at halos lahat ng ads ay lumalabas tuwing naglalaro ka sa isang stage na siyang nagiging dahilan ng iyong pagkatalo. Dahil sa pinaghalong lags at pop up ads, mas nagiging mahirap ang bawat stage. Ang nagiging imahe ng laro ay parang ginawa ito upang maging isang ads campaign imbes na laro.
Kung sakaling mababasa man ito ng mga developers, sana ay mabigyan nila ng tugon itong mga kahinaan ng laro dahil sa tingin ko, malaki ang potensyal nitong laro. Napakaganda ng konsepto ng mga skin lalo na ang konsepto ng super heroes bilang skin.
Konklusyon
Sa kabuuan, itong laro ay nakatanggap ng star rating na 4.1 sa Google Play Store at 4.6 naman sa App Store. Sa tingin ko ay maganda naman itong laro, ang problema lang ay ang napakaraming pop up ads nito. Ngunit kung gusto mo itong subukan, i-download na ang Helix Stack Jump: Smash Ball ngayon!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- June 13, 2022