Tuklasin ang mga legendary dishes mula sa iba’t-ibang panig ng mundo! Magluto at i-master ang higit sa 150 cuisine mula sa Korean hanggang Vietnamese, upang maging isang pinakamahusay na restaurant. Hatid ng Appstree, ipinakikilala ng Laro Reviews ang Hello Seafood 2 kung saan maaari kang lumikha ng iyong one-of-a-kind recipe. Kumpletuhin ang iyong secret recipe sa pamamagitan ng pagdadagdag ng hanggang 6 na side dish sa mga pangunahing pagkain na may higit sa 250 side dish, kabilang ang sopas, inumin, prutas, sarsa, at marami pa. Magpapahuli ka ba sa panibagong social network game na ito? Handa ka bang makipagsapalaran upang maitayo at mapalago ang pangarap mong kainan? Ayain ang iyong mga kaibigan at kilalanin ang mga kapwa mo mahilig sa cooking games, magpa-bonggahan ng inyong mga shop at yayain silang mag-franchise!
Contents
Mga Tampok ng Laro
Kakaibang cooking social network game experience ang hatid ng larong ito na tiyak na hindi magpapahuli sa takilya. Hindi lamang oriental o western dishes ang iyong madidiskubre sa munting kainan na ito kundi napakaraming mga patok at kakaibang worldwide dishes ang iyong maaaring maihain! Sa Hello Seafood 2, magsisimula ang iyong pakikipagsapalaran sa isang maliit na kusina kung saan maaari ka lang maghanda ng mga recipe na kasalukuyan mong alam. Sa buong laro, matututunan at matutuklasan mo ang mga bagong pagkain kung saan makakatanggap ito ng critical acclaim mula sa iyong mga culinary patron, na magbubunga ng mas malaking potensyal na kita at pera.
Upang makumpleto ang buong proseso ng pagluluto ng isang ulam, i-click ang kalan, buksan ang recipe book, piliin kung ano ang gusto mong gawin, at maghintay para sa kinakailangang oras ng pagluluto. Mabibili ang mga kagamitan at ingredients sa pagluluto gamit ang golds at Gariby. Kapag handa na ang lahat dapat mong ihain ito upang ang mga order ng mga kliyente ay dumating na sariwa at mainit. Buoin ang iyong shop kasama ang mga matulungin na mga chef, waiter, at cashier, at i-upgrade ang kanilang mga costume. Kung ikaw ay isang pet lover, may pagkakataon na maaari kang mag-alaga ng mga cute na mga alagang hayop! Mayroon ding iba’t ibang interior design na maaari mong pagpilian, kabilang ang mga props at mga free spaces kung saan pwede kang mag-franchise kasama ang iyong mga kaibigan.
Paano I-download ang Hello Seafood 2
Bago ka makapasok sa laro ay kailangan mo munang mag-log in gamit ang iyong email o Facebook account. Kailangan ito upang mai-save ang iyong progress at magkaroon ka ng pagkakataong makahanap ng mga manlalaro sa Facebook at makapagpadala ng imbitasyon gamit ang email o Messenger sa hinaharap. Para i-download ito sa Android, buksan ang iyong Google Play Store at i-type sa search bar ang pangalan ng laro pagkatapos ay i-click ang Install. Parehong proseso lamang para sa iOS ngunit maaari mo itong i-download mula sa App Store. Para naman sa PC, pumunta sa http://gameloop.com at hanapin itong laro sa nasabing website at i-click ang Download. Para sa mabilis na pag-access, maaaring i-click ang mga link sa ibaba.
Download Hello Seafood 2 on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.appstree.helloseafood2
Download Hello Seafood 2 on iOS https://apps.apple.com/us/app/hello-seafood-2/id958009330
Tips at Tricks para sa mga Baguhan
Ang Hello Seafood 2 ay isang cooking game para sa sinumang mahilig sa mga laro ng pagluluto. Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng isang executive chef na nagsisimula ng bagong restaurant mula sa simula ng laro. Nangangahulugan iyon na kailangan mong mag-hire ng iyong sariling mga cook at katulong at bumili ng lahat ng kinakailangang mga supply upang matiyak ang tagumpay ng iyong negosyo. Narito ang ilan sa mga tip at trick na inihanda ng Laro Reviews para sa mga baguhan pa lamang sa larong ito. Ang oras ng paghahanda para sa bawat recipe ay isa sa mga pinakamahalagang pagsasaalang-alang sa Hello Seafood 2. Ang bawat isa sa mga item na iyong inaalok ay nangangailangan ng isang tiyak na tagal ng oras upang maihanda na parehong tagal ng oras na dapat mong hintayin upang maihatid ang mga ito sa iyong mga kliyente. Maaari mong pabilisin ang pamamaraan paminsan-minsan, ngunit tandaan na hindi ka makakapaghain ng anumang mga ulam kung guguluhin mo ang oras ng paghahanda at walang natitira sa iyong kusina upang magluto.
Mayroon ding mga take-out order, bike delivery, at boat order. Gayunpaman kung mauubusan ka ng mga orders, ang mga order para sa pag-iimbak ng pagkain ay mapupunan kaagad kung mayroon kang sapat na mga lutong naitabi sa refrigerator. Maswerte ka ba ngayon? Kung oo, panahon na para manalo ng magagandang reward gaya ng mga side dish, kagamitan, Gariby, at higit pa gamit ang lottery machine. Gamit din ang Gariby, makakakuha ka ng ilang side dish at legendary na mga recipe. Itayo at palaguin din ang dessert café sa ikalawang palapag para kumita ng karagdagang pera. Pagbutihin ang iyong mga crew upang maging top restaurant sa buong mundo. Para kumita ng dagdag na pera, mag-open ng dock at ng food truck. Ibahagi ang iyong franchise mission at makipag-usap sa iyong mga kaibigan para sa mas madali at mas mabilis na paglago ng negosyo. Naisip mo na ba kung anong grado ang iyong restaurant? Ngayon na ang oras upang subukan ang iyong mga marka, ihanda ang iyong pinakamahusay na pagkain at serbisyo para makakuha ng Star V na rating. Bisitahin ang restaurant ng iyong mga kaibigan at mag-iwan ng tip, o linisin ang mga tindahan upang itaas ang iyong social status.
Kalamangan at Kahinaan
Ang Hello Seafood 2 ay isang uri ng social network game na hahayaan kang makipag-connect sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-link ng iyong social network accounts. Maaari kang makapag-add friend na parang sa Facebook kung saan maaari mong mabisita ang kanilang mga shop at tulungan silang palaguin ito. Angkop sa tema ng laro ang color palette na ginamit, sadyang nakakaakit at nakakaengganyo sa mga mata. Ang 2d graphics at chibi art style ay nakakadagdag sa cuteness at uniqueness ng laro kung ihahambing sa ibang mga cooking games. Kahit napakaganda ng impression ng laro ay may mangilan-ngilan din itong kahinaan gaya na lamang ng may kamahalan ang mga items na kailangan mong bilhin katulad ng mga cooking equipment, furniture, at mga crew. Kung wala kang kaalaman sa maayos na pagma-manage ng finances ay malamang sa malamang ay mapapabayaan mo ng husto ang iba pang mga kagamitan na kailangang bigyang pansin dahil kahit sino naman ay mae-enganyong bumili ng mga naggagandahang mga mesa, upuan, mga palamuti at suot ng mga crews. Matagal ding makausad sa laro dahil napakaraming items ang dapat na ma-acquire bago mapunta sa bagong level ang iyong shop. Mayroong shop grading kung saan may hahabulin kang number of orders upang makuha ang maayos na rating. Doable naman ang shop grading na ito ngunit mahirap nga lang maabot ang number of orders kung hindi sapat ang iyong mga equipment at facilities na na-acquire sa mas mataas na level ng laro. May kamahalan ang mga in-app purchases sa laro pero may mga ads naman na makakatulong upang makalikom ng mga sapat na girby at mga kagamitan. Gayunpaman, ang larong ito ay bagay sa kahit sinong nais magpalipas-oras.
Konklusyon
Ang kakaibang istilo ng laro ang nagpaangat dito sa larangan ng mga cooking games kaya patok ito sa mga manlalaro. Tugunan ang anumang espesyal na kahilingan ng iyong mga customer, at palawakin ang iyong koleksyon ng mga recipe upang makapag-hatid ka ng iba’t ibang masasarap na pagkain sa sinumang bumisita sa iyong kainan. I-download ang Hello Seafood 2 ngayon!
- 0 Comment
- Casual Game Apps, Reviews
- July 25, 2022