Hill Climb Racing Review

Ano ang Hill Climb Racing?

Ang Hill Climb Racing ay isang 2D physics-based driving offline game para sa mga Android at iOS mobile users. Ito ay ginawa ng Fingersoft at unang inilabas noong Setyembre 22, 2012. Ang Hill Climb Racing 1.53.0, ang pinakabagong bersyon nito, ay opisyal na inilabas noong Disyembre 8, 2021. Ang larong ito ay may rating na 4.3 out of 5 stars mula sa 10,429,183 reviews nito! Nakapagtala na ito ng 500 milyong downloads sa kasalukuyan. Ang larong ito ay batay sa isang karakter na si Bill Newton mula sa Climb Canyon, kung saan ang karera ay isang paraan ng pamumuhay. Nagmamaneho siya ng iba’t ibang sasakyan sa loob ng iba’t ibang kapaligiran. Ang larong ito ay maaaring i-download gamit ang sumusunod:

  • Download Hill Climb Racing on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.fingersoft.hillclimb
  • Download Hill Climb Racing on iOS https://apps.apple.com/us/app/hill-climb-racing/id564540143

Hill Climb Racing Beginner’s Guide

Ang layunin ng laro ay maabot ng manlalaro ang pinakamalayong distansya gamit ang sasakyang minamaneho nang hindi namamatay o nauubusan ng gasolina. Maaaring mamatay ang iyong driver kapag tumama ang kanyang ulo o dahil sa pagkabali ng kanyang leeg. Pagkatapos ng iyong pagtakbo, makikita mo ang iyong mga milestone na kinabibilangan ng distansya na iyong nilakbay, ang pinakamahabang air time na ginawa mo, at ang bilang ng mga flip at iba pang mga stunt na iyong nagawa.

Hill Climb Racing

Hill Climb Racing

Sa simula ng laro, kailangan mong piliin ang iyong sasakyan. Mayroong malawak na hanay ng mga sasakyan sa larong ito at ang bawat sasakyan ay may kanya-kanyang kalamangan ngunit magbabayad ka ng malaking halaga ng coins. Ang unang sasakyan na matatanggap mo ay ang Hill Climber jeep. Pagkatapos, pindutin ang ‘next’ button na mag-uusad sa iyo upang mapili mo naman ang iyong terrain. Tulad ng mga sasakyan, ang mga terrain ay naa-unlock sa pamamagitan ng pagbabayad ng mga coins. Sa simula, ang countryside terrain lang ang available. Ang terrain na ito ang pinakamadali at pinakamahusay na piliin para sa Jeepney. Pagkatapos mong pumili ng terrain, ididirekta ka sa ‘Vehicle Upgrades Screen’. Maaari kang gumastos ng coins sa menu na ito upang i-upgrade ang iyong sasakyan. Mayroong apat na area na kailangan mong i-upgrade:

Engine – Ang pag-upgrade ng engine ay makakatulong sa pagpapalakas sa pag-akyat ng iyong sasakyan. Kailangan mong i-upgrade ito kapag na-stuck ka sa pataas at matarik na terrain.

Suspensions – Ang pag-upgrade ng suspensyon ay tutulong sa iyo upang maiwasan mong mamatay sa malubak na lupain o kapag tumalon mula sa mataas na lugar.

Mga Gulong – Ang pag-upgrade ng mga gulong ay magbibigay sa iyo ng mas mahusay na kapit sa lupa. Kailangan mong i-upgrade ito kapag daraan sa mabuhanging lupain. 

4 Wheel Drive (4WD) – Ang pag-upgrade sa 4WD ay makakatulong sa iyong sasakyan na umakyat sa matatarik na lupain ng hindi gumugulong pabalik.

Mayroon lamang dalawang control pedals sa laro: ang Left Pedal o ang Brakes at ang Right Pedal o ang Gas. Ang pagpindot sa preno nang mas matagal ay magbibigay-daan sa iyo na magmaneho nang paatras. Ang pagkakaroon ng tamang kumbinasyon sa dalawang pedal sa mid-air o sa ilang partikular na lokasyon ay magbibigay-daan sa iyo na gumawa ng mga stunt.

Related Posts:

Race Master 3D – Car Racing Review

Big Win Casino – Lucky 9, Tongits, Pusoy Review

Hill Climb Racing

Hill Climb Racing

Tips at Tricks

  • Iwasang i-flip ang iyong sasakyan

Pabagalin ang iyong sasakyan at magpreno nang maayos bago ang dulo ng tulay. Maging maingat at wag magmadali kapag nagpepreno, dahil ang pagpindot sa preno ng masyadong malakas at biglaan ay maaaring magpabaligtad ng iyong sasakyan.

  • Piliin ang mga tamang upgrade

Tandaan na ang upgrade/s na iyong ginagawa ay para sa sasakyan na kasalukuyan mong minamaneho. Kaya dapat magng wais sa paggamit ng coins dahil hindi mo na maibabalik pa ang mga ito. May mga upgrade na angkop lamang para sa ilang partikular na pagkakataon. Minsan, mas mabuting bumili ng bagong sasakyan para mas malayo ang iyong i-takbo. Kailangan mo ring tingnan at timbangin nang maayos ang mga bagay bago mag-upgrade.

  • Gumastos ng mga coin sa mga sasakyan at terrain

Bukod sa pagbabayad para sa iyong mga upgrade, maaari mo ring gamitin ang mga coin upang bumili ng mga bagong sasakyan o bumili ng mga bagong terrain. May mga terrain na nagbibigay-daan sa iyo upang maka-score ng mas maraming coins gaya ng buwan o Mars dahil napakababa ng gravity sa kapaligirang ito. Makakakuha ka rin ng mas maraming barya sa pagsasagawa ng mga stunt sa mga terrain na ito.

  • Huwag balewalain ang Fuel Canister

Tutulungan ka ng mga fuel canister na tapusin ang level, dahil sa pamamagitan ng pagkuha sa mga ito ay nagbibigay-daan na mapuno muli ang iyong gas sa gitna ng level.

  • Gamitin ang sapat na lakas ng throttle kapag nagmamaneho

Hawakan ang gas pedal nang tama upang makayanan ng iyong sasakyan ang matarik na pag-akyat, ngunit dahan dahan naman sa pagbaba sa burol upang maiwasan ang disgrasya. Ang isa pang paraan ay hayaang mag-isa ang iyong sasakyan sa pababa ng burol. Ang ligtas na pagmamaneho ay makakatulong sa iyo upang makatakbo ng mas malayo.

Hill Climb Racing

Hill Climb Racing

Dapat mo bang laruin ang Hill Climb Racing?

Ang Hill Climb Racing ay isang mapaghamon ngunit kapanapanabik na paraan bilang pampalipas-oras. Ang nilalaman ng laro ay natatangi at ang gameplay nito ay napakadaling sundin. Ang mga hamon sa lahat ng mga yugto ay kayang gawin kapag ginagamit mo ang tamang sasakyan na may tamang upgrade. Ang isang cool na bagay tungkol sa laro ay maaari mong i-replay ang iyong huling itinakbo at maaari mo itong ipakita at ipagmalaki sa iyong mga kaibigan. Siguradong maaadik ka kapag nilaro mo ang larong ito!

Malinis at mahusay ang graphics ng laro. Ang cool na feature tungkol sa mga graphics nito ay ang ‘Garage Mode’ kung saan maaari kang magdisenyo at bumuo ng iyong custom na sasakyan. Mahusay ang pagkagawa sa visual effects at gumagamit ito ng physics habang ginagawa mo ang iyong mga stunt. Ito ay lubos na inirerekomenda para sa mga tagahanga ng mga sasakyan at karera dahil maraming mga tunay at kathang-isip na mga sasakyan sa larong ito! Ang sound effects sa laro ay katulad ng mga tunog ng tunay na kotse at motor.

Ang isa pang cool na bagay tungkol sa laro ay ang malawak na pagpipilian ng mga terrain. Maaaring magastos ang pagbili ng terrain ngunit ito ay parang isang tropeo na maaari mong ipagmalaki sa iyong mga kaibigan. Dagdag pa rito, ang pag-unlock sa mga ito ay magbibigay din sa iyo ng maraming pakinabang dahil mas madali ng isagawa ang mga stunt mo sa mga terrain na ito. Maaari ka ring matuto at maglaro sa mga physical laws sa mga partikular na terrain tulad ng buwan, Mars o anumang alien planet. Astig, ‘di ba?

Ang tanging bagay na maaaring pagbutihin pa ng mga developer ay ang musika ng laro dahil ito ay nagiging paulit-ulit. Maaaring idagdag ng mga developer ang pagpapalit ng musika kapag tumuntong ka sa gas at nagpapatulin o kaya’y kapag nakagawa ka ng mga kahanga-hangang mga stunt. Dagdag pa rito, maaari nilang subukang pag-iba-ibahin ang musika sa mga iba’t ibang terrain. Dapat tingnan ito ng mga developer dahil maraming manlalaro ang naghahanap ng magandang kalidad ng musika kapag naglalaro.

Konklusyon

Ikaw ba ay mahilig sa sasakyan? Pangarap mo bang maglakbay sa buong mundo gamit ang iyong sasakyan? O sadyang gusto mo lamang kalimutan ang mga oras na nasayang mo sa di umuusad na traffic. Ang Hill Climb Racing ay ang racing game para sa iyo upang mailabas mo ang iyong galingat  kung saan maaari kang tumakbo ng mabilis na mabilis! Ang Hill Climb Racing ay libre at available para ma-download sa Google Play Store at Apple App Store. I-download na ito ngayon!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...