Hitman Sniper Review

Ang Hitman Sniper ay gawa ng Square Enix Montreal bilang bahagi ng isang series action shooting game. Ito ay nilikha at nagsimulang sumikat noong taong 2015. Ito ay karugtong lamang ng 2012 minigame na ang pamagat ay Hitman: Absolution. Ang larong ito ay isang first-person shooting (FPS) game kung saan isang karakter o tao lamang ang pwede mong laruin. Hindi ito pwede sa multiplayer. 

Ang laro ay patungkol sa bida na si Agent 47 at kung paano niya malalagpasan ang bawat balakid at magawang malipol ang mga salot sa lipunan. 

Ano ang Layunin ng Laro?

Si Agent 47 ay isang sikat na assassin na ang misyon ay kalabanin, patayin at hulihin ang mga masasama at kilalang personalidad sa siyudad. 

Ikaw ay gaganap bilang si Agent 47 at hindi ka dapat magpahuli sa mga awtoridad o pulis. Ang laro ay matatapos sa oras na ikaw ay mamatay o mahuli. 

Lahat ng mga gamit o sandata na nasa iyong paligid ay maaari mong gamitin upang maging depensa sa gagawing misyon. May mga side mission din na makikita habang ginagawa mo ang iyong pangunahing pakay. 

Maging malikhain sa paggawa ng sandata at gamitin ang lahat ng posibleng paraan upang mapagtagumpayan ang iyong misyon.

Hitman Sniper

Hitman Sniper

Paano Laruin ang Hitman Sniper?

Ikaw ay magsisimula sa Montenegro – ang mapa para sa mga baguhan. Ang iyong unang misyon ay kumpletuhin ang pagsasanay dito upang mas makilala mo ang kabuuan laro.

Ang Montenegro ay isang single-level na mapa kung saan kakailanganin mong kumpletuhin ang mga ilang mabibigat na gawain kasabay ng iba pang trabaho, tulad ng pagpatay sa mga kalaban. Ang paggawa ng mga tasks ay tinatawag na domino effect sapagkat kailangan mong tapusin ang lahat ng ito ng minsanan o gamit ang isang tira lamang – katulad ng paggamit ng bomba upang mapatay lahat ng kalaban at paglabasing isa lamang itong aksidente upang maitago ang krimen. 

Sa pagsisimula ng laro, isang baril o rifle lamang ang pwede mong gamitin – ito ay ang Izanami. Ngunit sa bawat level na iyong matatapos, marami kang makukuhang mga malalakas na sandata at kagamitan na makakatulong sa iyo sa lahat ng misyon. Kung ikaw ay makakolekta ng maraming barya, pwede mo itong gamitin upang makabili o makapag-upgrade ng mga armas.

Ang rewards o papremyo ng larong ito ay masyadong galante kaya makakabili ka agad-agad ng mga sandatang malalakas. May mga baril din katulad ng Hunter Rifle na nagbibigay ng karagdagang papremyo – tulad ng pagkakataong makabili ka ng mga sandata sa Death Valley mode na may hanggang 50% na diskwento.

Ang Hitman Sniper ay mayroon ding extrang mode kung saan kailangan mong protektahan si Ben. Si Ben ay iyong dating katrabaho na naipit at ang tanging naligtas mula sa pagsakop ng mga zombie sa kanilang lugar. Ang mode na ito ang tinatawag na Death Valley kung saan hindi mga tao ang iyong kalaban ngunit mga zombie. Ito ay may tatlong levels – normal, difficult at expert. Ang normal at difficult level ay may limitadong oras lamang kung saan kailangan mo depensahan si Ben sa abot ng iyong makakaya laban sa mga zombie. Ang expert mode naman ang pinakamahirap na level sa Death Valley sapagkat ipapakita nito ang tunay na lakas ng mga nagwawalang zombie. Ang laro ay magtatapos sa oras na si Ben ay mamatay at makain ng mga gutom na zombie.

Ang Hitman Sniper ay may dalawang uri ng pagbaril. Ang paglalaro ng may shot button at ang paglalaro nito. Ang shot button ay karaniwan o palaging naka-on sa settings. Samantalang sa paglalaro ng without shot button, naka-off ito at kakailanganin mong pumunta sa Settings, piliin ang Red Arrow, at palitan lamang ng ON ang switch nito.

Hitman Sniper

Hitman Sniper

Sa paggamit ng shot button, maaaring pumindot kahit saang bahagi ng screen upang bumaril ng kalaban. Kapag ito ay naka-off sa settings, mawawalan ka ng kakayahang tumira at bibigyan ka lamang ng isang pindutan na magagamit sa pagbaril sa iyong kalaban. 

Paano I-download ang Laro?

Pagkatapos mai-launch ang laro sa Canada, Ang Square Enix ay nagdesisyon na ilabas ito para sa mga Android at iOS devices noong Hunyo 4, 2015. Ito ay pagkatapos na makatanggap ng maraming hiling mula sa mga manlalaro na gawin itong accessible para sa mobile devices. Ang laro ay pwede ring i-download sa PC. Gamitin lamang ang mga links sa ibaba upang i-download at i-install ang laro:

  • Download Hitman Sniper on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.squareenixmontreal.hitmansniperandroid&hl=en&gl=US
  • Download Hitman Sniper on iOS https://apps.apple.com/us/app/hitman-sniper/id904278510
  • Download Hitman Sniper on PC https://pcmac.download/app/904278510/hitman-sniper

Paano Gumawa ng Account sa Hitman Sniper?

Kung ayaw mong mawala ang iyong naging progreso sa paglalaro, gumawa ng account gamit ang iyong Google o Facebook login. Ito ay iminumungkahi upang posibleng makapaglaro gamit ang ibang device nang hindi na magsisimulang muli sa umpisa.

Kinakailangan mo lamang ng internet upang mai-save ang iyong impormasyon sa cloud. 

Ang mga manlalaro ay pwedeng gamitin ang kanilang Google Play, Facebook o Apple ID account. 

Para sa Google Play, kakailanganin mong gamitin o mag-sign in gamit ang iyong Gmail account. Sa oras na ikaw ay makalogin, automatik na itong mali-link sa app sa tuwing bubuksan ito. 

Makikita mo rin sa settings ang Game Services kung saan ibinibigay ang opsyon kung aling account  ang pwede mong gamitin upang makapag sign-in. Sa pagtatapos ng pangalawang misyon, ang laro ay magbibigay ng option upang makapag-sign in gamit ang iyong Facebook account. 

Mga Ilang Tips at Tricks sa Paglalaro ng Hitman Sniper

Habang ikaw ay nasa Montenegro, pilitin na makapag level-up sa abot ng iyong makakaya. Hasain ang galing sa pag estratehiya at paggawa ng mga plano para sa isang perpektong pagpatay. Pumasok sa Death Valley Mode at gumawa ng isang giyera laban sa mga zombies at palakasin ang iyong kakayahan bilang isang hunter. Gawing invinsible ang sarili at huwag lumikha ng ingay upang hindi makatakbo at mahuli ng kalaban. 

Mangolekta ng iba’t ibang sandata at blueprints ng mga sandata upang maintindihan o maunawaang mabuti kung paano ito gamitin. 

Gumamit ng iba’t ibang istilo ng pagpatay katulad ng Domino Effect upang hindi madaling mahulaan ng kalaban ang iyong susunod na mga galaw. 

Lumikha ng pasabog sa pamamagitan ng paggamit ng bomba. Gumawa ng paraan upang mapalapit ang kalaban sa itinanim na bomba. Ito ay madaling paraan upang mapatay ang kalaban sa isang tira lamang.

Dapat mapatay ang iyong kalaban sa loob lamang ng limang segundo! Gamitin ang headshots upang mapabilis ang maging pagpatay sa kanila.

Huwag kang papahuli. Mangframe-up ng ibang tao upang siyang maging responsable sa krimen o kaya naman ay gawin itong mukhang aksidente lamang upang hindi mahuli ng mga pulis. 

Related Posts:

Special Forces Group 2 Review

Craft World – Master Building Block Game 3D Review

Hitman Sniper

Hitman Sniper

Mga Positibo at Hindi Positibong Reviews para sa Larong ito

Napukaw ba ng larong ito ang iyong interes? Nakaramdam ka ba ng grabeng pagka-excite? Ang larong ito ay talaga namang nakakaengganyo at nakakakaba sa tuwing ikaw ay nasa gitna ng isang misyon. 

Para sa mga kaliwete, huwag kayong mangamba sapagkat ang larong ito ay may feature para sa inyo. Ang Hitman Sniper ay karaniwang para sa mga manlalarong ginagamit ang kanilang kanang kamay. Ngunit pagkatapos makatanggap ng mga request mula sa mga kaliweteng manlalaro, ang kumpanya ay nagdesisyon na rin na maglagay ng option para makapaglaro gamit ang kaliwang kamay.

Ang larong ito ay merong150 misyon at 10 kontrata. Meron din itong mga iba’t ibang klase ng sandata at 16 na klase ng rifle na pwede mong pagpilian.

Gusto mo bang makalaro ang iyong mga kaibigan? Tawagin na sila at sabay-sabay ninyong laruin ang Hitman Sniper. Makipagtagisan ng galing at alamin kung sino ang makakakuha ng pinakamaraming puntos.

Kung hindi mo naman gusto ang misyon na binigay sa iyo, pwede mo itong lagpasan. Subalit, bibigyan ka lamang ng dalawang pagkakataon upang magawa ito. 

Sa kabila ng mga positibong kakayahan ng laro, ang Hitman Sniper ay may kapintasan din. Ang ibang manlalaro ay nauumay dito dahil sa paulit-ulit lamang ang misyon. Ang konsepto ng laro ay limitado lamang para suportahan ang buong laro. Ang galaw ng mga kalaban ay madaling hulaan at dahil dito, madali mo nang makakabisado ang galaw nila, pati na ang iyong mga susunod na hakbang.

Hindi ito magandang laruin gamit ang iPhone para sa mga iOS users. Ang kontrol nito ay mas madali sa iPad kumpara sa iPhone. May mga oras din na nagloloko ang game center ng laro na nagiging dahilan ng pagkaunsyami o pagtigil. Ang iba ay nagkaproblema sa pagbubukas pa lamang ng laro at nagkakaroon ng mga error codes.

Ang Square Enix Montreal ay talagang naging malikhain at matalino sa paggawa ng Hitman Sniper. Ito ay walang masyadong buttons o mabibigat na graphics. Punung-puno ito ng mga misyon na talagang magpapatibok ng iyong puso sa kaba. Ang kwento ng laro ay kaabang-abang din. Ang mga zombie dito ay nakakatakot at ang pagsagip kay Ben ay talagang nakakakaba. 

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...