Hotel Empire: Grand Hotel Game Review

Patakbuhin ang pinapangarap na hotel kasama ang Hotel Empire: Grand Hotel Game! Inihahandog ng ABI Global LTD itong time management game na tutulong sa iyo sa paghasa ng kagalingan mo sa pamamahala ng negosyo at pagkontrol ng sarili mong oras. Sa kagalingan ng graphics nito ay makikita ang buong karingalan ng isang hotel, kasama pa ang sound effects na babagay sa paglalaro mo nito. Kalakip ang mga nakakamanghang tampok sa laro tulad ng mga bonus at upgrades ay makukumpleto ang iyong panibagong gaming experience kumpara sa ibang mga laro. Tugunan ang pangangailangan ng iyong mga guests at ibigay ang lubos na pagsisilbi sa kanila. Buksan na ang entrada, salubungin ang mga guest at handugan sila ng 5-star hotel service. Pakibasa ang artikulong ito ng Laro Reviews.

Mga Tampok ng Laro

Kapuri-puring game experience at adiksyon ang inihahandog ng larong ito. Sang-ayon sa simpleng gameplay nito ay ang maganda at maaliwalas nitong graphics na pinamarisan ng nakakaaliw na background music. Maayos din ang interface nito at madaling mauunawaan ang bawat bahagi. Tulad ng pamamahala ng isang hotel sa tunay buhay, itinatampok ng larong ito ang pagpapakita ng galing ng manlalaro sa pamamahala ng oras at pagtakda ng priorities ng mga kagustuhan ng guests na ibinabalanse sa kinakailangan ng hotel. Ito ang kasanayang dadaig sa ikabubuti ng negosyong hotel sa laro. Sa paglalaro ay makikita sa screen ang dalawang tauhan ng hotel: isa sa reception table at isang doorman na nagsisilbing tagalinis at tagapaghatid ng requests ng mga guest. Naririto ang mga basic na gagawin.

Una, tatanggapin ang guest na lalapit sa reception table at bigyan ng susi upang pumaroon sila sa room na available. Pangalawa, maaaring mag-request ang isang guest ng ibang offers ng serbisyo tulad ng pagkaing hotdog at inuming kape at maaari namang hindi. Kung ang guest ay humiling nito, ito ay ipagsisilbi ng doorman na siyang maghahanda at maghahatid ng serbisyo sa guest. Pangatlo, hintaying matapos na pag-check-out ng guest at nang magbayad ito sa reception table., Huwag kalimutang tanggapin ang bayad nito ng makauwi na ang guest. Panghuli ay ipapalinis mo sa doorman ang ginamit na room gamit ang mga panlinis na nasa ibabang palapag at makalipas ang ilang segundo ay magiging malinis na ito at pwede nang ipagamit ulit sa bagong guest. Ang mga ito ay maituturo sa iyo sa mga unang level ng pagsisimula ng larong ito. Tampok din sa larong ito ang bonuses na maaari mong gamitin upang matulungan ka na mas mapadali ang laro at ang upgrades na magpapaunlad sa mga salik ng pamamahala mo sa hotel gaya ng bilis ng paglinis. Ngunit kapag di mo mapagtagumpayan ang isang level ay mababawasan ng isang heart ang maximum mong 5 hearts. Ito ay makikita sa bandang kaliwang itaas ng homepage.

Paano I-download ang Hotel Empire: Grand Hotel Game?

Napakadaling i-download ng app na ito. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin itong mga hakbang. Kung ikaw ay Android user, maaari mo itong i-download sa Google Play Store. Buksan lang ang nasabing app, hanapin ang larong ito at i-click ang install. Sa kasamaang palad, di available ang larong ito sa iOS. Kung ikaw naman ay gumagamit ng PC, kinakailangan mo munang mag-download ng Bluestacks emulator, hanapin ang larong ito sa emulator at i-install. Ngunit pakatandaang mag-iiba ang paggamit nito sa PC kumpara sa phone. Para sa mas mabilis na pag-access, maaari mong i-click ang mga link sa ibaba.

Download Hotel Empire: Grand Hotel Game on Android here

Download Hotel Empire: Grand Hotel Game on PC here

Tips at Tricks para sa mga Baguhan

Naririto ang ilang tips at tricks upang matulungan ang mga baguhan, handog sa inyo ng Laro Reviews. Mabilisan sa pagpindot at maayos na pagresponde sa mga kagustuhan ng guests at mga kailangan ng hotel ang dapat na taglay na kasanayan na kakailanganin sa larong ito upang madali at magaling na mapagtagumpayan ang bawat level. Dapat maging maalam sa interface ng laro at dapat ay saulado ang bawat parte nito ng madaling mairaos ang mga challenge. May mga extra bonus na matatanggap sa paunang paglalaro nito, gaya ng Welcome Offer na mabibili mo nang may diskwentong 60%. May ibibigay din na Gift ang laro kung magsu-subscribe ka sa developer sa pamamagitan ng e-mail, kapalit ng updates ng mga balita, offers at game marketing. Di pinapatakbo ng mga patalastas ang laro ngunit para sa ekstra pang gantimpala ay pwede kang tumanggap ng Ad Rewards sa panonood ng kokonti lamang na advertisement. May Daily Rewards din na matatamo sa pagtatapos ng limang levels, at mas malaking reward ‘pag nakatapos ka ng sampu. Maaari mo ring i-sync ang laro sa Facebook account mo upang ma-save mo ang mga naging progress dito.

Isa pang tampok sa larong ito ay ang upgrades na maa-avail mo kapalit ang coins na naipon sa bawat pagtatapos ng isang level at mga natanggap sa rewards at bonuses. Una rito ay ang Clean Room na mapabibilis ang work time ng iyong doorman sa pag-aayos ng isang room matapos gamitin. Kasunod ay ang Common Room. Makatatanggap ka ng bayad mula sa guests sa kanilang pag-check-in at pag-check-out, at para mapataas ang kita mo ay i-upgrade mo itong dalawa kasama pa ang Order Wait Time upang mapahaba ang pasensya ng iyong guests kapag may ni-request silang ibang hotel service. Isa pa ay ang Receipt Table na siyang mahalaga dahil dito nagkakalumpon ang mga nagsisidating na mga guest. I-upgrade ang Bonus Wait Time upang di sila agad na lumisan sa pagkapila. Ang iba pang upgrades ay Coffee Machine, Coffee, Kebab Machine at Kebab. I-upgrade ang Slot at Work Time nito upang mas mapadali ang pagsisilbi sa mga guests, at i-upgrade din ang Cost upang mas kumita nang malaki. Tandaan na laging isaalang-alang ang Game Objectives sa bawat level upang malaman mo kung paano mapagtagumpayan ito sa estratehikal na pamamaraan.

Kalamangan at Kahinaan

Maaliwalas at nakakamangha ang graphics nito na ginagawang marangya ang isang magandang hotel. Klaro ito at madaling maintindihan. Bukod sa kanais-nais nitong music background, sakto rin ang paglapat ng sound effects sa bawat aksyon sa paglalaro na nakakadagdag ng kaaliwan. Nakakamangha rin ang gameplay nito na nakakatulong sa manlalaro na mapahusay ang kagalingan sa pamamahala ng oras at priorities. Libre man itong i-download at laruin ay di ito napupuno ng mga patalastas. Simple lamang ang mga tampok dito, di tulad ng ibang laro na binase sa komplikadong mga bahagi na nagpapahirap lamang sa pag-intindi ng gameplay. Maganda itong laruin na pampalipas oras at di nangangailangan ng malaking storage sa phone.

Subalit, kung ikukumpara sa ibang simulasyong hotel games ay mapapansing maaari pang madagdagan ng iba’t ibang tampok ang larong ito upang mas mapaganda at mas nakakaaliw pa itong laruin. Isa ay ang opsyong makapagpalamuti sa hotel at i-personalize ito ayon sa ninanais. Maganda ring i-rekomendang lagyan ng Map sa homescreen nito upang makadagdag ng antisipasyon sa manlalaro kung makikita nila ang ibang level at hotel na nasa mga susunod na progress sa laro. Mas mabuti ring may Upgrade na ilagay na makakapagdagdag pa ng mga tauhan liban sa isang receptionist at isang doorman lamang. Kanais-nais na magkaroon pa ng ekstrang game challenges, mini-games o reward tasks maliban sa main game upang mas makapagkolekta pa ng bonuses na magagamit upang mapadali ang paglalaro sa main game.

Konklusyon

Kung pagbabasehan ang review score sa Google Play sa larong ito, 5 out of 5 stars ang puntos nito. Hindi maipagkakailang mataas ang rating nito sapagkat sa kasimplehan ng paglaro nito ay nakakaadik pa rin dahilan ng mahusay na gameplay at maaliwalas na game interface. Tutugunin mo lang sa pagpipindot ang mga kagustuhan ng guests at kakailanganin ng hotel, ngunit sa pamamagitan ng mga ito ay nahahasa na rin ang iyong pagkontrol ng iyong oras at pagpili ng priorities. I-welcome na ang mga guests at pagsilbihan ng pinakamagaling mong serbisyo. Simulan na ang pagkoleta ng likes ng mga guest at maging pinakamahusay na hotel tycoon. Isakatuparan na ang inaasam-asam mong 5-star hotel sa pag-download lamang nitong Hotel Empire: Grand Hotel Game.

Leave a Comment

Login
Loading...
Sign Up
Loading...