How to play Pusoy: Strategy and Legit Cashout Apps

Dahil sa pandemic at sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa, kakailanganin nating magdoble-kayod para lamang matustusan ang mga pang-araw-araw na gastusin. Dahil dito, marami sa ating mga Pinoy na mahilig maglaro ang nawawalan ng oras para maglibang. Mabuti na lang ay marami ng win big cash apps ang pwede mong malaro upang kumita ng pera at ilan dito ay ang mobile pusoy games.

Ano ang larong pusoy at paano makakuha ng win big cash?

Ang Pusoy o tinatawag na Chinese poker ay isang card game na nagmula sa bansang Tsina. Kalimitan itong nilalaro ng apat na players, ngunit pwede pa rin itong ma-enjoy kahit dalawa lang ang players. Naging tanyag ito sa Asya, lalo na sa Pilipinas, sa loob ng maraming taon. Gayunpaman, sumikat ito sa ibang bansa dahil sa kawili-wiling mechanics at dahil na rin sa madaling matutunan ang gameplay nito.

How to play Pusoy: Strategy and Legit Cashout Apps

Sa larong ito, paghahatian ng apat na players ang limampu’t dalawang cards. Kaya naman bawat isa sa kanila ay may tig-labintatlong baraha at nahahati ang mga ito sa tatlong poker hands. Tatlo sa tuktok, lima sa gitna at sa ibaba. Ang Bottom Hand ay naglalaman ng limang cards na matatagpuan sa pinakababa, ngunit ito ay inaasahang magkakapagbigay ng pinakamataas na score. Mayroon ding limang cards sa Middle Hand at pangalawa ito sa may mataas na points na maibibigay. Sa kabilang banda ang Top Hand, ang may may pinakakaunting puntos at tatlo lamang ang cards na bumubuo rito.Kailangan lamang ayusin ng players ang pagpapangkat ng mga baraha na may pinakamataas na points upang manalo sa laro.

Mga pinakamagandang strategy sa paglalaro ng pusoy

Maaari kang malito at ma-overwhelm kung ikaw ay isang baguhan. Ngunit hindi mo kailangang maging isang master gambler dahil tutulungan ka ng Laro Reviews upang ma-enjoy mo ang win big cash apps at kumita ng pera mula sa mga ito.

Alamin ang iba’t ibang kumbinasyon at rankings ng cards

Ito ang pangunahing kailangan mong gawin dahilt malaki ang maitutulong nito kapag alam mo kung anong kumbinasyon ang ipangtatapat mo sa iyong mga kalaban. Narito ang sets ng cards na maaari mong magawa mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na ranking.

Ano ang larong pusoy at paano makakuha ng win big cash?

  • High Hand – Ito ang pinakamababa sa ranking dahil walang kahit anong cards ang magkakatulad.
  • One Pair – Mas mataas ang points na makukuha mo rito kaysa sa High Hand dahil mayroon itong isang magkapares na cards. Halimbawa nito ay may dalawang cards ka na number 9 at magkakakaiba na ang mga natira.
  • Two Pairs – Hindi tulad ng One Pair, dalawang magkaparehong cards ang bumubuo sa kumbinasyon na ito. 
  • Three-of a-kind – Dito, kailangan mong makakuha ng tatlong magkakatulad na cards tulad ng tatlong Queens.
  • Straight – Hindi kailangan ng magkakatulad na cards basta magkakasunod ang mga ito. Bukod pa rito, maaaring magkakaiba ang suits ng mga ito. Halimbawa, pwede kang magkaroon ng 7 of Diamonds, 6 of Spades, 5 of Spades, 4 of Hearts at 3 of Clubs.
  • Flush – Kailangan mo lamang ng magkakaparehong suits ng cards kahit hindi ito magkakasunod. Sa kumbinasyong ito ay pwede kang magkaroon ng Jack, 10, 8, 5, at 3 of Clubs.
  • Full House – Ito naman ay pinaghalong Two pairs at Three-of-a-kind.
  • Four of a kind – Sa kumbinasyong ito, kailangan mo ng magkakaparehong numero sa cards.
  • Straight Flush – Kailangan mo ng magkakasunod na cards mula sa iisang suit lamang. Halimbawa, mayroon kang 8, 7, 6, 5 at 4 of Hearts.
  • Royal Flush – Ito ang pinakamataas at may pinakamalaking points na maibibigay. Para magawa ang kumbinasyon na ito, kailangan mo ng Ace, King, Queen, Jack at 10 na magkakatulad ang suit na pinanggalingan. 

I-prioritize ang Bottom Hand

Ang pinakababang grupo ng cards ang mas dapat mong pagtuunan ng pansin dahil dito ka makakakuha ng mas mataas na puntos. Kaya naman dapat mo itong unahin sa tuwing aayusin mo ang iyong mga baraha. Halimbawa, pagpalitin ang Middle Hand at Bottom Hand kung Four-of-a-kind rank ang nasa gitna at Full House naman ang nasa ibaba.

Huwag balewalain ang Top Hand

Hindi man kalakihan ang points na makukuha mo rito, malaking tulong naman ito kung sakaling magkakapareho ang points ng players. Kaya kung may pagkakataon, iminumungkahing maglagay ng Three-of-a-kind cards dito.

Pusoy games na pwede mong malaro sa iyong mobile phone

How to play Pusoy games sa iyong mobile phone

Ngayong alam mo na kung ano ang pusoy at ang mga diskarteng maaari mong gamitin, anu-anong mobile games ang maaari mong malaro? Marami na ring win big cash games sa Google Play at AppStore na maaari mong subukan, ngunit iilan lamang sa mga ito ang maituturing na legit cashout app.

Big Win Club – Tongits Pusoy

Ito ay isang gambling game na gawa ng Andrew STD HK at maaari mong malaro sa iyong mobile phone. Hindi lang tongits at pusoy ang maaari mong malaro rito. Pwede mo ring ma-enjoy ang Color Game, Tongits Joker, Sabong Card, at iba pang larong sugal na nasa iisang app lamang. Kaya naman hindi ka magsasawa kaagad sa paglalaro.

Hindi ka rin malulugi kung pusoy lamang ang kaya mong laruin dahil mabilis kumita ng pera rito. Maaari mong ipagpalit ang naipon mong rewards sa Laropay.net at matatanggap mo na ang pera sa loob lamang ng limang segundo. Kung wala ka naman ganitong account, kailangan mo lamang ng Gcash wallet upang maipalit ang coins sa totoong pera. 

Pusoy Go – Competitive 13 Cards

Tulad ng naunang app, ito rin ay isang gambling game mula naman sa Spirejoy. Bilang karagdagan, madali rin dito ang pag-convert ng coins sa totoong pera kaya hindi ka mahihirapan sa pagkita ng pera rito.

Ang pagkakaiba nito sa ordinaryong pusoy ay mayroon itong Swap Zone. Maaari mong i-reshuffle ang iyong tatlong bagong card sa Top Hand upang makapili ng mas magandang kumbinasyon.

Konklusyon

Naging notorious ang gambling games dahil sa maraming mga tao ang nais ng nalululong sa adiksyon ng paglalaro nito dahil sa iisang layunin: to win big cash. Gayunpaman, walang masama sa paglalaro basta’t marunong kang magkontrol sa sarili at matutong tumigil kung kinakailangan. Bukod rito, marami na ring mobile ang nangangako ng big win cash dahil sa in-demand ang ganitong klase ng laro. Sa kabutihang palad, ang Big Win Club – Tongits Pusoy at Pusoy Go – Competitive 13 Cards ay mga legit na gambling game na maaari mong ma-enjoy. Kaya naman inirerekomenda ng Laro Reviews ang mga ito sa players na naghahanap ng larong maaaring pagkakitaan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...