Hunt Royale: Action RPG Battle Review

Marami nang battle royale games ang sumikat nitong nakaraang taon. Karamihan sa kanila ay tungkol sa paggapi sa mga kalaban upang maging last player standing. Ang Hunt Royale: Action RPG Battle ng BoomBit Games ay isang action game na may ibang klaseng battle royale dahil ang mga hunter ang iyong mga karakter. 

May iba’t ibang mga mode ang larong ito, ngunit karamihan sa kanila ay may iisang layunin. Kailangan mong makamit ang top place at makaligtas hanggang sa huling laban. Dahil mga hunter ang iyong mga karakter, sa panghuhuli ng mga halimaw ka makakakuha ng puntos at makakapag-level up. Ipakikita ng Laro Reviews ang iba’t ibang mga mode ng laro sa eatures ng Hunt Royale: Action RPG Battle.

Ang laro ay may isang kontrol lamang, at iyon ay ang D-pad. Ito ay matatagpuan sa ibaba ng iyong screen. I-swipe ito sa anumang direksyong gusto mong ilipat ang iyong karakter, at bitawan ang iyong daliri para atakihin ang mga halimaw. Hindi sila maaaring umatake habang naglalakad, at maaari lamang nilang tamaan ang mga kalaban sa loob ng kanilang range. Ang ilan ay umaatake mula sa malayo, habang ang ilan ay susugod sa kanilang target upang maka-deal ng damage. Nasa sa iyo kung anong uri ng strategy ang iyong gagamitin.

Features ng Hunt Royale: Action RPG Battle 

Hunt – Sa mode na ito, kakailanganin mong manghuli ng mga halimaw upang makakuha ng experience. Magkakaroon ng tatlong iba pang hunters sa lugar, ngunit hindi mo sila maaatake. Upang manalo, kailangan mong kunin ang top place sa paghuli at mabuhay hanggang sa dulo.

Co-op – Magkakaroon lamang ng dalawang players na kailangang protektahan ang hari hangga’t maaari. Darating ang mga halimaw sa bawat wave, at lumalakas sila habang tumatagal. Kapag namatay ang lahat ng kalaban, lahat ay makakukuha ng parehong halaga ng gold. Magagamit mo ang mga ito para i-level up ang iyong hero, pagalingin sila, o pataasin ang iyong kakayahang mangolekta ng gold. Maaari kang mabuhay muli at ipagpatuloy ang laro habang buhay pa ang hari. 

Bounty Hunter – Hindi tulad ng unang dalawang modes, lalaban ka sa ibang mga hunter. Makakukuha ka ng puntos sa tuwing mapapatay mo ang iyong mga kalaban, at maaari pa rin silang mabuhay muli pagkatapos ng ilang segundo. Ang player na nakakuha ng top place ang mananalo, ngunit makakukuha ng mas mataas na puntos kung mapatay mo sila bago matapos ang laro.

Duel – Subukan ang galing ng iyong mga hunter habang lumalaban sila sa isang 1v1 na labanan sa isang arena. Maaari kang pumili ng hanggang tatlong characters, at maaari mo ring palitan ang mga ito kapag natalo. Ang player na may huling buhay na hunter ang mananalo.

Boss Hunt – Kakailanganin mong manghuli ng mga halimaw upang makakuha ng experience, ngunit hindi lamang ito ang premise ng laro. Sa sulok ng mapa, makikita mo ang boss na may mas maraming HP at mas malakas na pag-atake. Sa mode na ito, kailangan mong makapagbigay ng pinakamaraming pinsala sa boss upang manalo.

Dungeons – Ang labanan ay magaganap sa loob ng isang piitan kung saan ang mga hunter ay kailangang dumaan sa isang simpleng maze at pumatay ng mga halimaw para sa experience. Kailangan nilang patayin ang boss para lumipat sa susunod na floor ng piitan.

Hunters – Ito ang iyong mga playable na karakter na papatay sa mga halimaw o lalaban sa ibang mga hunter. Magkakaiba sila ng mga ability at istilo ng pakikipaglaban.

Saan pwedeng i-download ang Hunt Royale: Action RPG Battle?

Pumunta sa Google Play Store gamit ang iyong smartphone kung Android user ka o sa App Store kung iOS user naman, at ilagay ang Hunt Royale: Action RPG Battle sa search bar. Dahil libre ang laro, i-click at i-install ito at hintaying mai-download.

Narito ang mga link kung saan mo maaring mai-download ang laro:

Download Hunt Royale: Action RPG Battle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.hunt.royale

Download Hunt Royale: Action RPG Battle on iOS https://apps.apple.com/us/app/hunt-royale-epic-pvp-battle/id1537379121

Download Hunt Royale: Action RPG Battle on PC https://www.mumuglobal.com/en/games/action/hunt-royale-on-pc.html

Kung nais mong laruin ito sa PC, i-download muna ang MuMu emulator mula sa kanilang https://www.mumuglobal.com. Kumpletuhin ang access na kinakailangan sa Google Play at mag-sign in gamit ang iyong account. Pwede mo nang i-download ang laro at maranasan ito sa PC.

Tips at Tricks sa Paglalaro 

Narito ang ilan sa mga tip na makakatulong sa iyo. Sundan lamang ang mga ito upang makamit ang unang lugar at makaligtas hanggang sa huli.

I-familiarize ang iyong karakter

Ito ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang magkaroon ng mas mataas na pagkakataong manalo. Kailangan mong matutunan ang kanilang mga ability at kung paano sila umaatake. Kakailanganin ng oras upang makabisado ang mga ito, ngunit sulit ang iyong pagsisikap kapag nasanay ka na sa kanila. Maaari mo silang pag-aralan sa Hunters tab upang makita ang impormasyon tungkol sa kanila. Hinahayaan ka nitong subukan ang mga hunter sa isang labanan.

I-save ang iyong gold

Habang napili mo na ang iyong nagustuhang hunter, oras na para i-upgrade ang mga ito. Huwag mong gastusin ang lahat ng iyong gold sa kanilang lahat dahil hindi mo sila palaging magagamit. Hindi ganoon kadaling makaipon ng maraming gold, at nagmamahal ang pag-upgrade ng iyong hunter habang sila ay nagle-level up.

Iwasan ang mga ranged attacker

Panatilihin ang iyong distansya mula sa kanila hangga’t maaari. Kailangan mong hanapin ang pattern ng pag-atake ng iyong mga kalaban para maiwasan ito. Kung magshu-shoot sila sa isang lane, kailangan mong lumipat sa iyong kaliwa o kanang bahagi sa sandaling atakihin ka nila, pagkatapos ay bitawan ang iyong daliri para umatake.

Gamitin ang mga hadlang

Maaari mong samantalahin ang ilog upang harangan ang landas ng iyong mga kalaban at pagkatapos ay tamaan sila. Gayunpaman, hindi ito epektibo laban sa lumilipad at mga ranged na kalaban.

Makilahok sa mga event

Huwag balewalain ang mga premyong maaari mong makuha kung manalo ka sa mga event, kaya gamitin ang lahat ng iyong mga ticket upang sumali rito.

Kumpletuhin ang mga Hunt task 

Mayroong Daily,Weekly, at Bestiary sa Hunt Tasks. Magtakda ng oras upang tapusin ang lahat ng mga layunin, at makakatanggap ka ng mga gantimpala tulad ng mga gem at mga token.

Pros at Cons ng Hunt Royale: Action RPG Battle 

Ang laro ay may simpleng kontrol at natatanging istilo ng gameplay. Maaari kang malito kung ikaw ay isang baguhan, ngunit masasanay ka rito sa kalaunan. Hindi ka magsasawa sa katagalan dahil maaari kang pumili mula sa anim na modes upang laruin, at bawat isa sa kanila ay may iba’t ibang mechanics. Ang Bounty Hunter ay isa sa aking mga paborito dahil maaari kang makipaglaban sa ibang mga manlalaro sa isang arena. Mararanasan mo ang chaos at thrill kapag nakuha mo ang top place dahil ikaw ang magiging target ng lahat.

Walang masyadong dapat baguhin sa larong ito, at walang mga bug na nararanasan. Ngunit hindi madaling makaipon ng ginto sa simula. Maaaring maging walang silbi ang mga shard dahil hindi mo maaaring i-upgrade ang iyong hero kung kulang ka ng ginto. Ang Duel mode ay nangangailangan ng anim na raang tropeo, kaya gumugugol ka ng maraming oras sa pag-grind sa kanila.

Konklusyon

Ang Hunt Royale: Action RPG Battle ay kakaibang battle royale game. Mararamdaman mo ang thrill sa pagha-hunt ng mga halimaw at pakikipaglaban sa mga kalaban. Gayunpaman, kailangan mo pa ring makaligtas hanggang sa huli. Para sa Laro Reviews, ito ay isang mahusay at natatanging larong maaari mong ma-enjoy dahil marami itong mga mode na mapagpipilian. Ito ay angkop din para sa mga manlalarong mahilig mag-grind ng mga resource. Maaari mong i-download ang laro nang libre at laruin offline.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...