Idle Fast Food Tycoon Review

Nasubukan mo na bang mag-drive-thru sa isang fast food chain? Kung oo, pwede mo na rin itong subukang laruin gamit ang iyong device. Sigurado akong magugustuhan mo ang larong ito na tungkol sa pamamahala ng isang drive-thru fast food restaurant. Ito ay nilikha ng CDGames, at ito rin ang nag-iisang laro sa kasalukuyan na kanilang ginawa.

Ang Idle Fast Food Tycoon ay isang casual simulation game na may single-player mode. Ibig sabihin ang larong ito ay mayroon lamang simple mechanics at gameplay. Maikli lang rin ang bawat session ng laro kumpara sa iba at nakabase ito sa totoong pang-araw-araw na sitwasyon. Ito rin ay isang management at tycoon game dahil ang ideya ng laro ay tungkol sa isang fast food restaurant na bahagi ng isang business industry.

Ang larong ito ay tungkol sa mga kaganapan sa loob ng isang drive-thru fast food chain. Gaya ng ating karanasan sa totoong buhay, ang Idle Fast Food Tycoon ay umikot rin sa kwento ng food business na nagbibigay ng serbisyo sa mga customer. Sigurado akong magugustuhan mo ang isang ito kapag naintindihan mo na kung paano ito laruin. Handa ka na bang mamahala ng isang fast food chain? Kung handa ka na, basahin ang buong artikulo upang malaman ang iba pang impormasyong makakatulong sa iyo.

Features ng Idle Fast Food Tycoon

HD at 3D Graphics – Ang Idle Fast Food Tycoon ay mayroong malinaw at maayos na graphics. Bukod pa riyan, ang larong ito ay may 3D graphics din. Ibig sabihin ang mga graphic styles ng laro ay may tatlong dimensyon ng taas, lapad, at lalim na naka-set sa loob ng tila totoong mundo. Maaari kang gumalaw ayon sa nais mo at umikot hanggang 360 degrees. Mas maganda ito kumpara sa 2D graphics.

Food Machines – Ang Idle Fast Food Tycoon ay may iba’t ibang food machines na maaari mong pagkakitaan. Kabilang dito ang Burger Machine, Snack Machine, Bread Machine, Ice Cream Machine at marami pang iba. Mas maraming food collection, mas lalawak at mabenta ang iyong produkto sa mga customer.

Staff – Gaya ng totoong sitwasyon sa loob ng isang fast food restaurant, ang Idle Fast Food Tycoon ay mayroon ding food staffs. Maaari kang magsanay ng mga staff sa iyong restaurant upang magkaroon ka ng katulong sa pag-aasikaso ng iyong mga customer. Piliing mabuti ang staff na sa tingin mo ay makapagbibigay ng magandang serbisyo sa iyong business.

Game Shop – Ang Idle Fast Food Tycoon ay mayroon ding sariling tindahan. Maaari kang bumili ng special offer na items sa shop ng laro. Ang mga ibinebenta rito ay mga gem na nagkakahalaga ng ₱48 hanggang ₱4,800.

Saan pwedeng i-download ang Idle Fast Food Tycoon?

Kung nais makuha ang larong ito, narito ang mga link ng laro. Sa ngayon, hindi pa available sa iOS ang Idle Fast Food Tycoon. I-click lamang ang mga link sa ibaba para i-download ang laro depende sa ginagamit na device:

Download Idle Fast Food Tycoon on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.CoolDownStudio.IdleFastFoodTycoon

Download Idle Fast Food Tycoon on PC https://www.gameloop.com/game/casual/com.CoolDownStudio.IdleFastFoodTycoon

Para ma-download ang laro, kailangan mo ng data o internet connection para makuha ito. Pagkatapos, i-click lamang ang link, pindutin ang Install button at hintaying umabot sa 100% ang pagda-download. Kapag tapos na, maaari mo nang buksan at laruin ito.

Tips at Tricks kung nais laruin ang Idle Fast Food Tycoon

Para sa mga bago at nagnanais na laruin ang Idle Fast Food Tycoon, narito ang ilang tips mula sa Laro Reviews na siguradong makakatulong sa iyo. 

Kung ikaw ay bagong manlalaro at hindi alam kung paano magsisimula, mayroong tutorial stage ang larong ito. Sundin lamang ang mga itinuturo at basahing mabuti ang sinasabi sa direksyon. Sa ganitong paraan, mauunawaan mo kung tungkol saan nga ba ang laro at kung paano ito laruin. Inirerekomenda sa mga baguhan na dumaan muna sa tutorial mode upang hindi mahirapang maglaro ng Idle Fast Food Tycoon. 

Pagdating sa paglalaro ng Idle Fast Food Tycoon, kailangan mo lang magtayo ng food machine, dining room, palawakin ang iyong dining room at car parking para sa iyong mga customer. Kailangan mo ring magsanay ng mga food staff upang magkaroon ka ng makakasama at makakatulong sa pagbibigay ng orders ng customers. Subalit dapat mayroon kang sapat na pera mula sa mga kinita mo upang makabili ng mga food machine at ma-upgrade mo ang iyong restaurant. Kung gustong mas mabilis kang kumita ng pera, dapat i-upgrade mo ang iyong food machines sa mas mataas na level. Umaabot hanggang level 200 o higit pa ang pag-a-upgrade ng mga item. Kapag mas mataas na level, mas malaking profit ang babalik sa iyo.

Ang isa pa sa tips na dapat mo ring tandaan sa paglalaro ng Idle Fast Food Tycoon, gaya ng food business, huwag kang matakot na mag-invest para sa mga kagamitan mo sa restaurant. Kapag malaking pera ang iyong inilabas, maaaring doble o triple ang perang babalik sa iyo. Bagama’t ito ay isang laro, matututunan mo rin sa pamamagitan nito kung paano mamahala ng isang food restaurant. Huwag kalimutang kolektahin ang money tip mula sa customer at gawin ang iyong misyon upang makapunta sa susunod na level ng laro. Ibigay ang lahat ng iyong makakaya at palaguin ang iyong business.

Pros at Cons ng Idle Fast Food Tycoon

Para sa Laro Reviews, ang Idle Fast Food Tycoon ay simple at masayang laro. Madali lang rin ang mechanics at gameplay ng laro kaya hindi ka malilito kung paano mo ito lalaruin. binase nila ito sa totoong kaganapan sa isang drive-thru fast food restaurant kaya mabilis kang magiging pamilyar sa laro. Malinaw at maayos rin ang disenyo ng graphics na ginamit sa Idle Fast Food Tycoon. Maaari rin itong laruin ng mga batang edad tatlo pataas dahil wala itong marahas na nilalamang nakakaapekto sa isipan ng bawat indibidwal. Sigurado akong kaaaliwan rin itong laruin ng mga kabataan at kahit ng matatanda.

Nakatanggap rin ng iba’t ibang reviews ang larong ito sa Google Play Store. Ayon sa mga komento, maganda raw at nakakaadik itong laruin. Tinawag rin nila itong “amazing game”, “best app”, at “good game”. Subalit mas marami ang hindi nasiyahan sa kanilang karanasan sa paglalaro ng Idle Fast Food Tycoon. Ayon sa kanila, may crash issues din daw silang napansin habang sila ay naglalaro nito at habang tumatagal nagiging boring na rin daw ang laro. Sa kanilang huling update noong Abril 2021, nagdagdag sila ng bagong feature sa laro.

Sa larong ito, maaari ka ring bumili ng mga in-app products gamit ang totoong pera. Ang mga item na ito ay nagkakahalaga ng ₱48 hanggang ₱4,800 kada item. Subalit pwede mo namang i-disable ang feature na ito at i-off sa iyong setting sa pagbili kung ayaw mong gumastos.

Konklusyon

Sa ngayon, mayroon na rin itong 2.9/5 ratings sa Google Play Store. Umabot na rin sa mahigit 100,000 downloads ang larong ito at may mahigit 417 reviews ang naitala. Kaya kung gusto mong masubukan ang larong ito, i-download mo na ang Idle Fast Food Tycoon sa iyong device!

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...