Jewels Legend – Match 3 Puzzle Review

Ang Jewels Legend – Match 3 Puzzle ay isang single-player puzzle game na inilabas noong Pebrero 14, 2015. Ito ay mula sa LinkDesks – Jewel Games Star, isang game developer company. Ito ay maaaring laruin kahit saan at kahit anumang oras dahil available ito offline. Bukod dito, ang simple ngunit nakakahumaling nitong gameplay ay swak sa lahat ng uri ng manlalaro, bata man o matanda. 

Ang layunin ng mga manlalaro sa puzzle game na ito ay i-eliminate ang jewels sa game board sa pamamagitan ng pag-match sa tatlo o higit pang magkakatulad na jewels. Ang gameplay nito ay katulad din ng sa sikat na Candy Crush. May special jewels din dito na maaaring makuha sa pamamagitan ng paggawa ng combos. Dadalhin ka ng larong ito sa isang kapanapanabik at makulay na pakikipagsapalaran sa mundong puno ng kumikinang na jewels. 

Paano i-download ang Laro?

Ang larong ito ay available sa Play Store at sa App Store. Libre itong maida-download sa Android o iOS devices. Kung nais mo namang maglaro gamit ang iyong laptop o desktop, maaari mo ring i-download ang app sa computer at i-run ito gamit ang isang lehitimong emulator. Kung nais mong i-download ito kaagad, i-click lamang ang mga sumusunod na link:

Download Jewels Legend – Match 3 Puzzle on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.linkdesks.jewellegend&gl=RU

Ultimate Guide para sa mga Manlalaro

Ang saya at aliw na dala ng puzzle games ay hindi kailanman mapapalitan ng ibang uri ng laro. Bukod sa marami ang nahuhumaling sa mga ito, ito ay maaaring laruin ng kahit na sino. Itinuturing din itong isa sa mga pinakamabisang brain exercise activity. Ito ay simple at madali ngunit challenging pa rin. 

Katulad ng Candy Crush Saga na talagang kinahuhumalingan ng lahat, ang Jewels Legend – Match 3 Puzzle ay naglalayong sakupin ang mundo ng virtual puzzle games. Ito ay puno ng mga nakamamangha at kapanapanabik na mga paandar.

Ang bawat manlalaro ay pwedeng mamili kung nais ba nilang mag-sign in sa pamamagitan ng pag-link ng Google o Facebook account o kaya ay maglaro bilang guest. Para makapag-sign in, kailangang i-click ang save progress option at ilagay ang email address at password na gusto mong gamitin. 

Subalit, bago ka magsimula sa laro, may ilang bagay ka pang dapat malaman tungkol dito. Tutulungan ka ng Laro Reviews sa iyong pakikipagsapalaran sa mundo ng casual game na ito:

  • Gameplay at Game Mechanics

Kailangan mong matupad ang naka-set na mga layunin sa bawat game levels. Para ma-eliminate ang partikular na jewels, kinakailangan mong i-match ang tatlo o higit pang magkakaparehong jewels. Para mailipat ng pwesto ang isang jewel at makabuo ng match, i-swipe lamang ito.

Isa sa magagandang features ng laro ay ang combos kung saan kapag naka-match ka ng mahigit sa tatlong jewels, may boosters at power-ups kang makukuha. Ang mga ito ay maaaring gamitin upang makapag-eliminate ng mas marami sa pamamagitan ng isang move lamang. Halimbawa, kapag nakapag-match ka ng apat na jewels, makakakuha ka ng lightning jewel. Kapag naman nakakuha ka ng lima, magkakaroon ka ng isang diamond jewel. At kapag na-activate ito, maaari mong i-eliminate ang lahat ng magkasing-uring jewels. Ang may pinakamalakas na epekto ay kapag nakapag-match ka ng anim na jewels sapagkat ang makukuha mo dito ay may kakayahang i-eliminate ang lahat ng mga jewels sa board. Pwede mo ring pagsamahin ang dalawang special jewels para makabuo ng mas malakas na combo. 

  • Daily Bonus, Missions, and Gift

Bukod sa regular game rewards, may iba pang mga paraan upang makakuha ng karagdagang resources sa laro. Isa na rito ang Daily Bonus na makukuha sa pamamagitan ng pag-click ng Wheel icon sa kaliwang bahagi ng gaming screen. Ugaliing mag-spin bawat araw upang manalo ng iba’t ibang items tulad ng boosters, power-ups, extra life points at marami pang iba. 

Ang pagtupad sa Missions ay isa rin sa pinakamadaling paraan upang kumita ng extra. I-click ang Book icon sa itaas na bahagi ng Wheel icon upang makita ang listahan ng missions na kailangan mong magawa. 

  •  Jewel, Gift Icon

Ang Jewel Map ay ang landas na kailangan mong tahakin para mag-level up sa laro. Kung iyong mapapansin ito ay binubuo ng castles na maaari mong i-unlock habang nagpapatuloy ka sa laro. Ang bawat castle ay may 20 game levels na kailangan mong malampasan. Sa kabuuan, ang larong ito ay may mahigit 2000 game levels na pwedeng ma-enjoy anumang oras. 

Sa kabilang banda, ang Gift icon naman ay makikita mo sa kanang-itaas na bahagi ng iyong gaming screen. Kung sakaling naisin mo na makakuha ng karagdagang rewards sa pamamagitan ng panonood ng ads, dapat mo itong i-click. Tandaan na bago mo magamit ang feature na ito, kailangan mong siguraduhin na ang iyong gaming device ay may internet connection. 

Pros at Cons ng Jewels Legend – Match 3 Puzzle 

Ang larong ito ay isa sa go-to puzzle games para sa marami. Mayroon kasi itong iba’t iba at nakakatuwang features. Ang patas at nakakahumaling na gameplay nito ay isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ito nakakasawang laruin. Ang game execution nito ay mahusay dahil wala itong masyadong glitches at lags na nakakaapekto sa laro. Ang graphics, animations at effects na ginamit sa laro ay de-kalidad at nagbibigay ng makulit at masayang vibe. Malaking tulong din ang madalas na paglabas ng tips lalo na sa game levels kung saan kadalasang naiipit ang mga manlalaro. 

Sa kabilang banda, may ilang manlalaro na hindi mapigilang magpahayag ng kanilang pagkadismaya tungkol sa laro. Kapag narating mo na kasi ang advanced levels, nagiging tila napakahirap makapagpatuloy pa dahil hindi na sapat ang resources at rewards na nakukuha. Ang ilan ay napipilitang gumamit ng in-app purchases na masyadong mahal. Marami rin ang hindi nagustuhan ang full screen ads at ang madalas na hindi pagbibigay ng karampatang rewards mula sa panonood nito.

Konklusyon

Ang Jewels Legends – Match 3 Puzzle ay nakakuha ng mataas na rating sa dalawang major game platforms. Ito ay may average rating na 4.5 stars mula sa mahigit 500,000 reviews sa Play Store. Sa kabilang banda, nakapagtala naman ito ng 4.7-star rating mula sa mahigit 10,000 reviews sa App Store. Para sa Laro Reviews, ito ay isang mainam na puzzle game na pwedeng laruin ng kahit na sino. Karapat-dapat itong subukan lalo ng mga manlalarong mahilig sa puzzle at matching games.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...