Join Clash 3D Review

Ang Join Clash 3D ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataong magsaya sa pamamagitan ng pag-iipon ng sarili mong grupo upang sugurin ang kalaban. Labanan ang hari at ang kanyang mga kampon upang sakupin ang kanyang kastilyo! Ang hari ay maglalagay ng maraming mga hadlang sa iyong landas at ipapatawag ang kanyang mga alagad upang harapin ka. Huwag kang matakot! Hindi ka lalaban nang mag-isa dahil makakasama mo ang sarili mong mga mandirigma Mangolekta ng maraming mandirigma habang iniiwasan ang lahat ng mga hadlang sa iyong landas. Palakasin ang kanilang mga sandata at depensa upang tumagal sa labanan. Bilisan mo at sumali agad sa sagupaan!

Ano ang layunin ng laro?

Ang pangunahing layunin ng laro ay sakupin ang kastilyo ng kalaban. Magsisimula ka sa pamamagitan ng pagkolekta ng maraming mandirigma bago salakayin o maabot ang kastilyo ng kalaban. Mas mainam kung makakakuha ka ng maraming bilang ng mga ito upang makayanan ang pwersa ng kalaban at nang sa huli ay mapatalsik ang hari mula sa kanyang kastilyo. Ang landas patungo sa kanyang kastilyo ay hindi kasing simple gaya ng iyong inaasahan. Makakatagpo ka ng maraming hamon at hadlang bago makarating sa pintuan ng kastilyo. Kaya naman palakasin ang iyong mga mandirigma. Simulan na ang iyong pakikipaglaban kasama ang iyong malalakas na mga mandirigma!

Paano ito laruin?

Madali lang itong laruin. Makapagsisimula ka kaagad pagkatapos i-download at i-install ang app sa iyong device. Sa umpisa ng laro, ikaw ay may isang mandirigma lamang at makakakuha ka ng iba pang mandirigma habang tumatakbo ka papunta sa kastilyo ng kalaban. Ang iyong layunin ay ang mabuhay kasama ang maraming mandirigma bago harapin ang kalaban. Ang daan papunta sa kastilyo ng kalaban ay hindi kasing simple ng iniisip mo. Makararanas ka ng iba’t ibang hamon at hadlang na magpapababa sa bilang ng iyong mga mandirigma.

Ang pagkontrol sa iyong mga mandirigma ay simpleng pag-drag at pag-swipe sa screen. Sa sandaling simulan mo na ang paglalaro, ang iyong takbo ay paabante lamang at hindi ka na makakaatras pa. Pagdating mo sa pintuan ng kastilyo ay sasalubungin ka ng mga mandirigma ng kalaban na dapat mong talunin upang mailabas ang hari mula sa kanyang kastilyo. Sa ganoong paraan ay tiyak na makakamit mo ang tagumpay.

Ang rewards ay maaaring coins, skins, hammers, keys, o chests. Maaari mong gamitin ang mga ito para sa pag-a-upgrade, pag-a-unlock ng mga bagong skin, pagbubukas ng mga chest, at iba pa. Maaari ka ring makakuha ng mga nakakatuwang skin para sa iyong mga mandirigma at i-upgrade ang kanilang mga depensa at armas. Posibleng magtayo ka ng sarili mong kastilyo at palawakin ito habang umuusad ka. Available rin ang Daily Rewards at Bonus Rounds na nakakatulong sa iyong makakuha ng karagdagang reward. Kita mo? Maraming excitement dito. Kunin ang iyong mga gadget at simulan ang pakikipaglaban!

Paano i-download ang laro?

Ang mga kinakailangan para matagumpay na mai-download ang Join Clash 3D sa Android devices ay dapat Android 5.0 o mas mataas pang bersyon ang gamit. Para sa iOS users naman, makukuha ito gamit ang iPhone 6s o mas mataas na iOS sa 11.0. Ang makukuhang space ng app para sa Android ay 77 MB at 284.6 MB naman para sa iOS.

Maaari ring i-click ang mga link sa ibaba upang mag-download:

Download Join Clash 3D on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.freeplay.runandfight

Download Join Clash 3D on iOS https://apps.apple.com/us/app/join-clash/id1499812410

Download Join Clash 3D on PC https://www.memuplay.com/how-to-play-com.freeplay.runandfight-on-pc.html

Hakbang sa Paggawa ng Account sa Join Clash 3D

  1. Hanapin ang anumang app store na makikita sa inyong mga device.
  2. Hanapin ang bersyon ng larong Join Clash 3D. Pagkatapos ay i-download at i-install ito.
  3. Buksan ang app at direktang dadalhin ka nito sa laro. Hindi na kailangang i-link ang laro sa anumang mga account. Sa oras na inalis na ito sa mga device, hindi na mase-save ang progress ng laro.
  4. Maaari mo na ngayong umpisahan ang paglalaro ng Join Clash 3D!

Tips at Tricks sa Paglalaro ng Join Clash 3D

Ang Laro Reviews ay nagagalak na ibahagi ang ilang mga diskarte para sa pagsakop sa kastilyo ng kalaban. Magpatuloy lamang sa pagbabasa upang malaman ang tungkol sa mga diskarteng maaari mong gawin habang naglalaro ng Join Clash 3D. Narito ang listahan ng mga tip na maaari mong gamitin:

  1. Iwasan ang mga hadlang. Kailangan mong malagpasan ang mga pagsubok na darating at mangolekta ng maraming mandirigma hangga’t maaari. Maaaring mabawasan ng mga hadlang ang bilang ng iyong mga mandirigma, kaya dapat mong iwasan ang mga ito hangga’t kaya mo.
  1. Manood ng ads. Ang panonood ng mga video ay makakatulong sa iyong makakuha ng mga karagdagang reward at skin nang libre.
  1. Ang pag-upgrade sa mga istatistika ng iyong mandirigma ang isa sa magagandang diskarteng magagawa mo. Ang skin ay hindi nagbibigay ng anumang lakas para sa iyong mandirigma. Kaya’t i-upgrade ang kanilang mga depensa at armas para mas malaki ang pinsalang daranasin ng mga kalaban.
  1. Huwag kalimutang i-claim ang iyong Daily Rewards.
  1. Tandaan na magsaya at maglibang habang naglalaro.

Pros at Cons sa Paglalaro ng Join Clash 3D

Ayon sa karanasan ng Laro Reviews, ang larong Join Clash 3D ay nagbibigay ng aliw pati na rin ng kahanga-hangang gameplay performance. Pangunahing layunin nito ay aliwin ka sa pamamagitan ng madaling mekaniks at mga nakakabilib na mga bagay upang matuklasan. Sa larong ito, magagawa mong lumikha ng iyong sariling kastilyo pati na rin ang pag-upgrade sa kakayahan ng iyong karakter upang ganap na masakop ang iba pang mga kastilyo. Available rito ang in-game purchases, bonus rounds, Daily Reward, at skin ng karakter.

Ito ay isang free-to-play na application na magbibigay sa iyo ng pansamantalang libangan habang nagpapalipas ng oras. Madali lamang kontrolin ang karakter i-drag lamang ang iyong daliri sa screen at i-swipe ito sa direksyong gusto mong puntahan. Maaari mo itong laruin kahit isang kamay lang ang gamit at ang pagkontrol sa mga karakter ay talagang walang kahirap-hirap. Ang mga feature ay mahusay na nakaayos at hindi nagbibigay sa mga manlalaro ng anumang kahirapan o pagkalito. Ang visual graphics, pati na rin ang sound effects, ay simple lamang at inirerekomenda naming huwag kang masyadong umasang mataas ang kalidad nito. Hindi kumplikado ang disenyo nito at naniniwala kaming ito ay sapat na para umangkop sa konsepto ng laro.

Isa sa downsides ng laro ay ang madalas na paglabas ng advertisements sa gitna ng laro. Ito ay sobrang nakakaabala at nakakadismaya. Totoong nakakatulong nga itong makakuha ng mga item nang libre ngunit ito ay sobrang dami. Dapat isipin ng mga developer ang tungkol sa pagbabawas ng advertisements upang manatiling ganado at interesado ang mga manlalaro sa paglalaro nito.

Konklusyon

Ang larong Join Clash 3D ay nag-aalok ng simpleng gameplay mekaniks na madaling makabisado at kahuhumalingan ng mga manlalaro. Kaya huwag nang magpatumpik-tumpik pa, i-download na ito mula sa app stores at subukan ang nakakaaliw nitong gameplay. Ito ay available sa lahat ng mga gumagamit ng Android, iOS, at PC.

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...