King Craft – New Block Building City Game Review

Hunyo 12, 2021 nang unang inilabas ng Master Craft 2021 ang kauna-unahan nitong gaming app: ang King Craft – New Block Building City. Sa kabila ng pagiging isang baguhan ng kumpanya sa industriya ng gaming, nagawa nitong bumuo ng isang matagumpay na laro. Ang King Craft app ay nai-download ng mahigit sa sampung milyong beses sa Google Play Store. Tinagurian din itong isa sa mga pinakasikat na laro sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo.

Ang gameplay ng King Craft ay halos kapareho ng sikat na larong Minecraft. Ito ay isang simulation game kung saan ang mga manlalaro ay papasok sa isang pixelated na mundo. Maaari silang gumawa ng mga bagay at magtayo ng mga gusali. Kung ikaw ang tipong mahilig gumawa ng mga bagay at bumuo ng mga gusali, ang larong ito ay bagay sa iyo. Pwede kang lumikha ng iyong virtual at mala-pantasyang mundo.

Sa kasalukuyan, ang gaming app na ito ay malalaro lamang gamit ang Android devices. Kailangang hanapin ito sa Play Store at pagkatapos ay i-click lamang ang install button para simulan ang pag-download. Kung mayroon kang laptop o desktop computer, maaari mo rin itong malaro sa mga lehitimong gaming sites o i-download ito gamit ang isang android emulator. Kung nais mo, pindutin lamang ang mga sumusunod na link upang direkta mo itong mai-download:

  • Download King Craft – New Block Building City on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.craft.earth.loki.master
  • Download King Craft – New Block Building City on PC https://www.memuplay.com/download-com.craft.earth.loki.master-on-pc.html
King Craft - New Block Building City

King Craft – New Block Building City

King Craft: Mahahalagang Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa Laro

Kung nais mong magsimula sa paglalaro, kailangan mong lumikha ng iyong username. Pumili ng karakter na nais mong gamitin mula sa iba’t ibang mga character skins. Maaari kang maglaro bilang isang manlalakbay, bandido, o monghe, at marami pang iba. Ang mga uri ng skin ay tinatawag na skin pack at bawat isa sa mga ito ay may kanya-kanyang karakter. Maraming mga nakaaaliw na mga karakter na pwede mong pagpilian sa larong ito. Gayunpaman, hindi lahat ng mga ito ay magagamit agad. Maa-unlock ang iba habang tumataas ang iyong level sa laro. 

Maaari kang pumili mula sa tatlong game modes: creative mode, survival mode at create world mode. Ang sumusunod ay ang pagtalakay sa pagkakapareho at pagkakaiba ng bawat game mode. Tiyak na matutulungan ka nitong magpasya kung alin sa mga ito ang dapat mong unahing subukan:

  • Creative Mode. Sa mode na ito, ang mga manlalaro ay may kalayaang gawin ang gusto nila. Ang mga kagamitan dito ay walang limitasyon at hindi nauubos. Maaari kang gumawa ng mga bagay at magtayo ng mga gusali sa paraang nais mo. Walang anumang mga banta ng mga pinsala o halimaw na kailangan mong paghandaan. Kung sa palagay mo kailangan mo munang magpahinga sa paglalaro ng survival mode, ito ay para sa’yo. Dito mahahasa ang pagiging malikhain mo. 
  • Survival Mode. Ang isang ito ay puno ng mga hamon. Kung ikaw ay mahilig sa pakikipagsapalaran at matapang na humaharap sa mga hamon, tiyak na masisiyahan ka rito. Mayroong tatlong bagay na kailangan mong harapin sa mode na ito. Una, ang iyong mga kagamitan ay medyo limitado kaya’t kakailanganin mong maghanap ng pagkain at  mga gamit sa pagbuo ng iyong tahanan sa paligid. Pangalawa, kailangang mag-ingat sa mga halimaw sa lahat ng oras. Ang pagkakaroon ng pokus at matinding konsentrasyon ay mahalaga dito. 
  • Create Your World. Gamit ang mode na ito, maaari kang gumawa ng mundo kung saan pwede kang makipag-ugnayan sa iba pang mga manlalaro sa buong mundo. Maaari mong pagandahin ito at anyayahan ang iyong mga kaibigan na bumisita. 
King Craft - New Block Building City

King Craft – New Block Building City

Tandaan na kung ikaw ay isang baguhan, kailangan mong unahin ang pagbuo ng iyong sariling tahanan. Kailangan mong gumamit ng tamang mga kasangkapan. Halimbawa, kapag nagpuputol ng puno, gamitin ang kahoy na pickaxe. Samantala, kung gusto mo namang maghukay sa buhangin, dapat mong gamitin ang pickaxe na gawa sa bato. Ang iyong bahay ay hindi kailangang maging bongga kaagad sa simula. Ang isang simple ngunit ligtas na bahay na gawa sa mga tabla ay sapat na. Baguhin o i-upgrade ang mga materyales sa kalaunan upang maging mas matibay ito. Tandaan din na mahalagang i-upgrade ng regular ang mga materyales ng iyong bahay dahil maaari itong sugurin ng mga halimaw. Kapag ito ay nangyari, maaaring masira ang bahay na pinaghirapan mong itayo. Pagalawin lamang ang control button sa direksyon ng gamit na nais mo para makuha ito. Ito ay lalabas sa ibabang bahagi ng iyong gaming screen at pwede mo na itong gamitin. 

Related Posts:

NBA Live: Mobile Basketball Review

Block Craft 3D: Building Game Review

Ang pagtatayo ng isang bahay ay nakakapagod at nakakaubos ng oras. Kung hindi mo nais na masayang ang iyong pinaghirapan, kailangan mong maghanap ng isang magandang lugar kung saan maaari kang magtayo ng bahay. Mas madaling maghukay at gumawa ng istruktura sa bahaging bulubundukin. Makakatipid ka ng oras at mga gamit dahil magagamit mo ang natural na istruktura ng bundok. Magandang estratehiya din ito dahil ang mga cobblestones at mga tabla ng kahoy ay nasa ilalim na. Huwag kalimutang takpan ng cobblestones ang mga bahaging nakatirik sa lupa upang ito ay maging mas matatag at maayos.

King Craft - New Block Building City

King Craft – New Block Building City

King Craft: Review ng Laro

Ang King Craft ay nakatanggap ng 3.9 star rating mula sa mahigit 23,000 reviews. Ipinapahiwatig nito na ang laro ay nagkaroon ng mainit na pagtanggap mula sa mga manlalaro. Dahil ito ay kapareho ng Craftsman at Minecraft, marami sa mga manlalaro ang hindi maiwasang paghambingin ang mga ito. Ang graphics at animation ng laro ay sakto lang at hindi katangi-tangi. Ang gameplay at mga tampok ay hindi kakaiba dahil talagang pareho lang ang mga ito sa iba pang mga sikat na crafting at building games. Gayunpaman, hindi maipagkakaila na marami pa rin ang naaaliw at nasisiyahan sa larong ito.  

 Kung ikukumpara ito sa Minecraft ay masasabi nating talagang dehado ang larong ito. Marami din itong mga isyu tulad ng napakadalas na paglitaw ng mga patalastas sa laro. Ang mga ito ay naglalaman pa ng mga impormasyong walang katotohanan. Maraming mga manlalaro ang naiirita sa mga ito at may iba rin na maaaring malagay sa panganib. Ang mga item at mga pagpipilian sa laro ay limitado rin. Sa katunayan, maraming manlalaro ang nagsasabing ito ay isang imitasyon lamang ng Minecraft na hindi maganda.

Konklusyon

Ang King Craft – New Block Building City ay isang overrated na laro. Isa sa mga dahilan nito ay ang pagkakapareho nito sa popular na larong Minecraft. Gayunpaman, ito ay isang mahusay na alternatibo kung nais mong maglaro ng isang crafting at building game nang hindi gumagastos. Marami pang mga bagay na kailangang baguhin at mas pagbutihin pa sa larong ito.  Kinakailangan din ng mga developer nito na pagsikapang gawing mas natatangi at kakaiba ang mga makikita rito.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...