Kingdom Rush Frontiers TD Review

Ang Kingdom Rush Frontiers TD ay isang online mobile tower defense game na puno ng aksyon. Ito ay isang award-winning na strategy game ng Ironhide Games. Ang layunin ng laro ay maging isang supreme strategist sa pamamagitan ng pagtatanggol sa mga natatanging lupain mula sa mga masasamang mananakop tulad ng mga pirata, mapanganib na halaman, masasamang dragon at iba pang kakaibang nilalang sa pamamagitan ng paggamit sa mga astig at malalakas na tore at magigiting na heroes upang puksain ang mga kaaway. Ang larong ito ay maaaring i-download dito:

  • Download Kingdom Rush Frontiers TD on Android https://play.google.com/store/apps/details?hl=fil&id=com.ironhidegames.android.kingdomrushfrontiers
  • Download Kingdom Rush Frontiers TD on iOS https://apps.apple.com/us/app/kingdom-rush-frontiers-td/id598581396

Beginner’s Guide ng Kingdom Rush Frontiers TD

Sa Kingdom Rush Frontiers TD, maaari mong i-save ang iyong progress kahit na offline o pwede rin namang mag-login online para ma-save ang laro sa pamamagitan ng AG Save System. Ang tanging bentahe ng pagrehistro sa isang online na account ay maaari kang maglaro gamit ang iba’t ibang devices. Mayroon ding link sa Facebook at Twitter account ng laro para ma-update ka sa mga pinakabagong balita at update tungkol dito.

Magsisimula ang laro sa pamamagitan ng pagpili ng difficulty level. Maaari kang pumili mula sa casual, normal o veteran. Nagsisimula ang campaign sa isang window dialogue tungkol sa mga tao ng Linirea na humihiling sa kanilang benefactor na ipagtanggol ang sinaunang muog ng hammerhold. Ang muog na ito ay sinasalakay ng mga nomadic na tribo sa disyerto at kailangan ka nila upang sugpuin ang mga pwersa ng kaaway sa pamamagitan ng pagpapatibay sa muog na ito gamit ang iyong strategic placement ng mga depensibong tore. Ang unang stage ay tulad ng isang tutorial lamang kung saan tuturuan ka kung paano bumuo ng mga defensive towers at kung paano maayos na ilagay ang mga ito sa mga strategic point. Sa susunod na lokasyon naman ay dapat mong ipagtanggol ang Sandhawk Hamlet. Ang stage na ito ay magtuturo sa iyo tungkol sa epektibong paggamit ng iyong mga hero.

Ang unang dalawang stage ang magtuturo sa iyo ng pinakamahalagang mechanics ng laro na kakailanganin mo upang mapagtanggol ang higit pang mga kuta, na magsisimula sa ikatlong stage na matatagpuan sa Sape Oasis. Ang stage na ito ay magbibigay-daan para makapaglagay ng mas malalakas na tore upang harapin ang mas malalakas na mga kaaway. Ang mahusay na pagdepensa sa stage na ito ang iyong magiging hakbang para sa mas malaking tagumpay sa mga susunod na yugto ng laro.

Kingdom Rush Frontiers TD

Kingdom Rush Frontiers TD

Tips at Tricks sa larong Kingdom Rush Frontiers TD

Kakailanganin mo ang ginto upang makabuo ng mga pangunahing tore. Ang ginto ay nakukuha sa pamamagitan ng pagpatay sa mga kaaway. Narito ang patnubay sa wastong paggamit ng apat na pangunahing tore upang makatulong na maunawaan kung paano mo magagamit ang mga ito nang mabisa at mahusay:

Archer Towers

Ang Archer Towers ay bahagi ng iyong mga ranged tower na may mahusay na bilis ng pag-atake. Kung ikukumpara sa Mage Guild, mas mabilis silang umaatake ngunit mas maliit ang damage. Ang mga Archer Tower na ito ay mahusay para sa pag-counter ng mga horde na may magic resistance. Kung isasaalang-alang ang range nito, ang Archer Towers ay maaaring ilagay sa gitna ng track upang masakop nila ang isang malaking lugar ng espasyo.

Mage Guilds

Ang Mage Guilds ay bahagi rin ng iyong ranged towers na nagbibigay ng mataas na damage at matinding pinsala sa armor ng kalaban. Ang Archer Towers at Mage Guilds ay isang magandang combo ngunit dapat mong balansehin ang mga ito nang maayos batay sa kanilang epekto sa mga horde ng kaaway. Halimbawa, kung ang mga kalaban ay may magical resistance, dapat mong dagdagan ang bilang ng iyong Archer Towers. Sa kabilang banda, kung ang mga kalaban ay nakabaluti, ang pagkakaroon ng mas maraming Mage Guild ay isang mas mahusay na set up.

Artillery

Ang Artillery ay ang mga tore na pumipinsala sa mga kalaban sa isang Area of ​​Effect (AoE). Dahil dito, ang mga tore na ito ay dapat ilagay sa mga strategic location. Hindi tulad ng Archer Towers at Mage Guild, ang Artilery ay may mas maikling hanay. Sa kabila ng kakulangan nito sa saklaw o range, ito ang pinakamahusay para sa pagharap sa mga kaaway na naipit sa isang tiyak na lugar. Magagawa ito sa tulong ng iyong barracks. Kung paisa-isa lang ang dating ng mga kalaban, wala gaanong silbi ang Artllery kumpara sa Archer Towers at Mage Guilds. Gayunpaman, kung ang mga kaaway ay bumubuo ng horde, dito magiging kapaki-pakinabang ang espesyalisasyon ng Artillery.

Kingdom Rush Frontiers TD

Kingdom Rush Frontiers TD

Barracks

Ang Barracks ay gumagawa ng mga sundalo upang harangan ang daan ng kalaban. Ang mga ito ay hindi mga damage dealer ngunit dapat gamitin nang maayos upang pabagalin ang mga kaaway. Ang pinsala o damage na dulot nito ay mahina lamang at kailangan ng upgrade para sa tore kung nais na palakasin ito. Dapat magkaroon ng Barracks sa mga lugar kung saan kailangang pabagalin ang mga horde. Tandaan din na ang Barracks ay hindi magsu-survive nang mag-isa. Kailangan itong pagsama-samahin sa mga tore na nagdudulot ng damage. Kaya palaging suriin ang hanay ng iyong mga damage-dealer para magkaroon ka ng perpektong combo. Gayundin, dapat mong ilagay ang Barracks sa mga awkward na lugar, para ma-maximize mo ang lakas ng iyong mga tore. Halimbawa, ang paglalagay ng Artillery tower sa unahan ng kuwartel ay mas mahusay upang maunahan nila ang mga papasok na kalaban. Habang ginagawa ito ay mas lumiliit ang range ng iyong Artillery tower. Bilang resulta, ang kawan ng kaaway sa track at mahihirapang maabot at mapatay ang iyong damage dealers.

Related Posts:

Ruby Club – Slots Tongits Sabong Review

Townsmen Review

Ang mahusay na estratehiya sa apat na pangunahing tore ang susi upang manalo sa larong ito. Maaari mong palaging ilagay ang Barracks kasama ang mga Artillery tower sa gitna o sa mga puntong malapit sa exit bilang pangkalahatang pattern. Sa kabilang banda, ang paglalagay ng iyong mga ranged tower sa unahan ay isang mas mahusay na trick upang mapatay nila ang mga kaaway pagpasok pa lamang sa track.

Pros at Cons sa paglalaro ng Kingdom Rush Frontiers TD

Talagang tinutupad ng Kingdom Rush Frontiers TD ang pangalan nito bilang isang tower defense. Ang graphics at visuals nito ay napakaganda. Ang laro ay may astig na cartoon-like medieval art style at ito ay nagpapakita ng mga pambihirang visual effects. Ang laro ay hindi nahuhuli kahit na maraming mga tore at kaaway sa mapa. Ang isa pang cool na bagay sa loob ng laro ay ang paglitaw ng storyline na comic-style bago ang aktwal na labanan sa bawat yugto. Ang musika at sound effects dito ay perpektong pandagdag para sa medieval-style gameplay nito. 

Ang laro ay may magandang pagkakaiba-iba sa kabila ng simple at madaling sundan na gameplay. Maaari mong palaging baguhin ang difficulty level bago ka maglaro ng isang stage. Samakatuwid, kung ang isang stage ay napakahirap pangasiwaan, maaari mong gawing mas madali ito sa pamamagitan ng pagbabago ng difficulty. Gayundin kapag gusto mong gawing mas mahirap ang stage kung tingin mo ay napakadali nito para sa iyo. Bukod pa riyan, ang laro ay nagbibigay din ng twist ng pagkakaiba-iba kahit na sa apat na pangunahing tore nito. Ang kombinasyon ng apat na pangunahing tower, paghahalo at pagtutugma ng mga ito upang makagawa ng pinakamahusay na strategy ay nagdaragdag sa pagiging kakaiba ng bawat yugto ng laro. Halimbawa, kung hindi mo kayang malampasan ang isang stage, subukan lang na palitan ang layout ng mga tower. Maaaring may importanteng bagay kang hindi naisama sa naunang setup.

Kingdom Rush Frontiers TD

Kingdom Rush Frontiers TD

Mataas ang rating para sa larong ito. Hindi ka magsasawa dahil maraming iba’t ibang challenges. Maaari ka ring bumalik sa ilang mga stage upang pataasin pa ang score na nagawa sa iyong mga nakaraang tagumpay. Ang tunay na mga manlalaro ng TD ay palaging gustong bumalik at makita ang mga bagay na maaaring hindi nila napansin o mag-eksperimento pa upang makatuklas ng mas magagandang kombinasyon.

Ang tanging bagay na maaaring mapabuti ng mga developer ay taasan ang limitasyon ng mga hero na maaari mong laruin. Ang paglalagay ng maraming hero sa laro para lang asarin ang mga manlalaro ay hindi magandang bagay. Bagama’t ang mga hero ay hindi gaanong nakakatulong sa mga stage, kahit papaano, ang pagkakaroon ng mga ito ay magpapapataas ng moral ng mga manlalaro. Ito ay tulad ng isang bihirang collectible o tropeo para sa mga die-hard gamers.

Konklusyon

Ang Kingdom Rush Frontiers TD ay isa sa pinakamahusay na tower defense na laro sa kasalukuyan. Mainam na irekomenda ito sa mga die-hard fan ng tower defense games dahil sa mabilis at cool na gameplay nito. Kung naghahanap ka ng hardcore action-packed tower defense game, i-download na at laruin ang Kingdom Rush Frontiers TD. Ang strategy game na ito ay tiyak na magbibigay sa iyo nang kasiyahan!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...