Kuku Kube Puzzle Game: Trending Color Test

Kung isa ka sa mga taong palaging gumagamit ng mobile phone para mag-browse sa social media, malamang ay may nakikita kang ilang tests na lumalabas sa Facebook, Twitter, o Instagram. Ang ilan sa mga ito ay naglalaman ng iba’t ibang mga tanong na maaari mong sagutan sa pamamagitan ng paglalagay ng check sa box o pag-click sa choices. Ilang minuto lamang ang kakailanganin mo at malalaman mo na ang resulta. Sa kabilang banda, may ilan ding mga quiz na hindi mo na kailangang sumagot dahil maglalabas ito ng random na result para sa iyo. Gayunpaman, may ilang test na nauuso sa social media na susukat kung gaano kalinaw ang mata mo. Isa na rito ang Kuku Kube Puzzle Game.

Kabuuan ng Kuku Kube Puzzle Game

Ang Kuku Kube Puzzle Game ay isang online quiz na ginawa ng Network365 sa Facebook noong September 2014. Sumikat ito noong 2015 dahil na rin sa kakaibang gameplay nito at maraming nahumaling sa paglalaro. Di nagtagal at inilabas na rin ito sa Google Play Store at Apple App Store. Dahil dito, hindi mo lamang ito malalaro sa iyong web browser kundi mae-enjoy mo na rin sa iyong mobile devices. 

Layunin ng Laro

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba’t ibang mga board na may nakulayang mga parisukat, tutulungan ka ng Kuku Kube Puzzle Game na subukan ang iyong galing sa pang-unawa sa kulay at paningin ng mata. Ang layunin ng larong ito ay upang mahanap ang kakaibang parisukat sa bawat board. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-tap sa screen gamit ang iyong daliri o pag-click sa mga ito gamit ang iyong mouse. Ang bawat isa ay may isang parisukat na medyo magkaibang shade ng parehong kulay. Bilang karagdagan, ginawa ang larong ito upang sukatin kung gaano katalas ang iyong paningin depende kung gaano ito kagaling kumilatis ng naiibang kulay sa pinakamaikling panahon.

Kuku Kube Puzzle Game-Paano ito laruin?

Mayroong itong hanggang walong levels at hindi basta-basta ang challenges na kakaharapin mo habang umuusad ka sa larong ito. Magsisimula ang laro na may apat na parisukat. May makikita kang tatlong units na magkakatulad ng shade ng kulay at mayroon namang isang naiiba. Madaragdagan ang mga ito habang lumilipat ka susunod na level, at madaragdagan naman ang iyong score sa bawat tamang sagot. Sa kabilang banda, mababawasan ang timer sa itaas ng iyong screen habang tumatagal. Ipapakita nito sa iyo ang iyong score oras na matapos mo ang laro.

Kuku Kube Puzzle Game-Scoring System ng Laro

Tulad ng karamihan sa mga test na sinasagutan mo sa social media, mayroon ring mga nakatalagang scores sa app na ito. Kung makakuha ka ng mas mababa pa sa 11 points, nagpapahiwatig ito na maaaring may kapansanan ka sa paningin. Kapag ang nakuha mong marka naman ay nasa pagitan ng labinlima hanggang sa tatlumpu, ibig sabihin lamang nito ay normal ang iyong mga mata. Sa kabilang banda, maaari ka nang matuwa kung nakalagpas ka sa tatlumpu’t isa ang iyong score dahil nangangahulugan lamang itonga malinaw ang iyong paningin.

Mga Mahahalagang Paalala mula sa mga Developer

Ayon sa Network365, ang developer ng Kuku Kube Puzzle Game, dinisenyo nila ito upang suriin kung gaano kahusay ang ating mga mata sa pagkilala sa iba’t ibang mga kulay. Bukod dito, pwede mo ring ipagmalaki sa iyong mga kaibigan sa social media kung gaano ka kagaling rito sa pamamagitan ng pagshe-share ng resulta sa iyong Facebook wall o iba pang social media accounts. Gayunpaman, palaging ipinapaalala ng mga developer nito na hindi mo ito dapat gawing alternatibo sa pagpapa-check up ng iyong mga mata. Binigyang diin din nila na kahit na accurate ang mga resultang lumalabas rito, mas mahalaga pa ring magpakonsulta sa mga doktor lalo na kung may napapansin ka nang mali sa iyong paningin.

Mobile Apps na Susubok sa iyong Galing

Marami na ring mga app na itinampok ang Laro Reviews at may ilan na ring puzzle games ang sumubok sa iyong galing. Kaya naman kung nawili ka sa online app na ito at naghahanap ka ng mobile app na maida-download, nasa artikulong ito na ang mga hinahanap mo. Bukod rito, mayroon ring bonus game na maaari mong subukan kung naghahanap ka ng cashout game na maaari mong pagkakitaan.

Kuku Kube – Eye Test

Isa itong simpleng puzzle game na inilabas ng Intelligent games & apps. Mayroong itong kaparehong layunin at features tulad ng orihinal na laro. Gayunpaman, may idinagnag na Pro Mode rito kung saan hanggang dalawang beses ka pwedeng magkamali sa pagpili ng sagot bago mahantong sa Game Over ang laro.

Kuku Kube Puzzle Game

Mula naman ang puzzle game na ito sa bnooXoft, Inc. Tulad ng naunang laro, mayroong itong parehong layunin at feature. Kung nalaro mo na ang orihinal, mapapansin mong halos magkapareho ang visuals nito sa web browser version. Kaya naman nagmimistula itong orihinal na larong maaari mong ma-access sa iyong mobile device.

Big Win Club – Tongits Pusoy

Para naman sa bonus game na inirerekomenda ng Laro Reviews, maaari mong subukan ang online casino mobile app na Big Win Club. Mula ito sa developer na Andrew STD HK, at parami ng parami ang nananalo at nag-eenjoy sa larong ito. Kahit wala pang katagalan ang laro, mayroon na itong mahigit 100,000 downloads at patuloy na lumalaking community. Tulad ng mga puzzle game, hindi basta-basta ang paglalaro ng mga laro rito. Kailangan mo ng BIG WIN strategy para manalo sa iba’t ibang laro nito tulad ng Pusoy, Tongits, Baccarat, Color games, at marami pang iba. Bilang karagdagan, kailangan mo lang ng Gcash account para mai-convert mo ang mga nakuhang premyo sa totoong pera. Kaya naman maganda ito bilang real money online game.

Konklusyon

Tunay ngang nakakamanghang malaman na marami nang nauusong apps ngayon na maaaring sumubok sa ating kakayahan, gaya ng Kuku Kube Puzzle Game. Dahil sa patuloy na pag-usad ng ating teknolohiya, hindi na nakakagulat kung marami pang online games ang susubok sa iba pa nating kakayahan. Gayunpaman, mas nakabubuti pa ring magpakonsulta sa mga eksperto kung sakaling may nararamdamang kakaiba sa ating katawan. Accurate man ang mga resultang nakikita natin, mas maganda pa ring magpa-test sa mga Doktor.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...