Last Day Survival – Zombie Shooting 24H Dark Dungeon Review

Ang Last Day Survival – Zombie Shooting 24H Dark Dungeon ay isang zombie apocalypse themed role playing game. Ang laro ay inilabas ng DreamSky noong Setyembre 26, 2019. Sa kasalukuyan, ang laro ay available lamang para sa mga user ng Android. Mayroong itong user rating na 4 out of 5 stars mula sa halos tatlong libong user. Ang larong ito ay nagkaroon ng higit sa 90 milyong downloads. Ito rin ay tinaguriang pinakamahusay na Indie game noong 2018. Ang layunin ng laro ay ang makaligtas sa mga zombies sa loob ng 24 na oras gamit ang iyong galing sa pamamaril. Maililigtas mo ba ang iyong sarili o mamamatay ka sa mga zombie at sa virus? Ito ay isang tunay na pagsubok ng iyong survival skills! Basahin ang iba pang mga detalye sa pagsusuring ito ay mula sa Laro Reviews.

Last Day Survival : Paano i-download ang laro?

Ang larong ito ay maaaring i-download dito:

  • Download Last Day Survival – Zombie Shooting 24H Dark Dungeon on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dream.lastdaysurvivalpro
Last Day Survival - Zombie Shooting - Laro Reviews

Last Day Survival – Zombie Shooting – Laro Reviews

Mga Gabay para sa mga Baguhang Manlalaro

Nagsisimula ang laro sa isang cinematic na backstory. Naganap ang mga pangyayari sa mga huling araw ng ika-19 na siglo. Oktubre 9, 1998, isang nakakatakot na araw sa kalagitnaan ng panahon ng taglagas. Sa pagsapit ng bukang liwayway, habang nagkakampo ka sa tabing bundok sa bayan ng Seidel, nakatanggap ka ng isang kahindik-hindik na tawag mula sa iyong kaibigang si Ming. Sinabihan ka ni Ming tungkol sa sitwasyon sa iyong campsite. Habang ikaw ay antok pa mula sa mahimbing na pagkakatulog, akala mo ay niloloko ka lang ni Ming. Ngunit laking gulat mo nang sinubukan kang atakehin ng isa sa mga zombie. Bahagyang nakaligtas ka dahil sa iyong galing sa pamamaril.

Sa umpisa, tuturuan ka ng laro sa pamamagitan ng isang tutorial na mabuhay laban sa mga zombie. Gagamit ka muna ng isang pang-melee na armas laban sa mga ito. Matatagpuan sa kaliwang ibaba ng iyong screen ang iyong virtual joystick. Habang sa kanang ibaba ng screen naman ay ang iyong attack button na itinalaga ng isang ‘dagger icon’. Ang mga zombie na kailangan mong atakihin ay nakamarka ng isang ‘green aim icon’. Matapos mong patayin ang isang zombie, nagsulat ka sa isang journal tungkol sa iyong napagtanto: totoo ang sinabi ni Ming at kinagat ka ng isa sa kanila. Gayunpaman, ang oras ay nasa iyong panig dahil mayroon ka pang 24 na oras bago ka maging isang mabangis na zombie. Habang tinitingnan mo ang iyong mga gamit, nakita mong nasira ang iyong telepono ngunit nakuha mo pa rin ang iyong baril at dagger para protektahan ang iyong sarili. Ngayon, ang iyong pangunahing layunin ay makahanap ng lunas sa loob ng 24 na oras habang nabubuhay laban sa kawan ng zombie. Ang iyong kapalaran ay nasa iyong mga kamay!

Kapag nasa melee mode, ang pag-hold sa dagger button ay magbibigay-daan sa iyong patuloy na pag-atake sa mga target na zombie. Maaari mong gamitin ang iyong pistol bilang isang remote na sandata. Ang mga baril ay mas epektibo dahil mas mataas ang pinsala nito at maaari kang umatake sa malayo. Ang tanging pangit sa paggamit ng baril ay ang limitadong ammo nito. Dapat mong tipirin ang iyong mga bala kaya gamitin lamang sa tamang oras.

Ang pagkumpleto ng isang kabanata ay magbibigay sa iyo ng mga gantimpala. Ang iyong mga unang reward ay isang submachine gun, ammo para sa submachine gun at ilang biskwit. Ang pagkumpleto ng isang kabanata ay magbibigay din sa iyo ng mas maraming hp. Ang iyong kasalukuyang hp ay makikita sa kaliwang itaas na bahagi ng iyong screen.

Last Day Survival - Zombie Shooting - Laro Reviews

Last Day Survival – Zombie Shooting – Laro Reviews

Last Day Survival : Tips at Tricks sa Paglalaro

Mag-ingat sa mga halimaw na zombie na nagbabago at nagiging mas malakas sa paglipas ng panahon. Narito ang tips at tricks upang madaling makaligtas laban sa mga zombie:

  • Gumamit ng mas magandang armas.

Ang pag-upgrade sa iyong mga armas ay ang pinakamahusay na diskarte sa mga laro ng survival. Maaari kang magpalit ng armas mula sa pistol at maging machine gun o iba pang matataas na kalibre ng armas. Kung ikukumpara sa mga pistol, mas mabilis ang pagpapaputok ng mga machine gun at mas marami ang lamang bala nito. Mapapadali nito ang pagpatay sa mga zombie. Maaari kang bumili ng mga upgrade gamit ang cash na iyong kinikita sa pamamagitan ng pagpatay sa mga zombie.

  • Suriin ang iyong handbook.

Mayroon kang handbook na naglalaman ng lahat ng iba’t ibang uri ng mga zombie na nakalaban mo, mga nakakasalamuhang tao, at mga armas na iyong natagpuan. Ito ay matatagpuan sa ibaba ng screen ng mapa kapag namimili ka ng iyong susunod na destinasyon. Maaari mong i-tap ang mga larawan ng lahat ng bagay at taong nakatagpo mo, at ang impormasyon tungkol sa mga ito ay nakalista sa handbook kasama ang kanilang mga kalakasan at kahinaan. 

  • I-upgrade ang iyong backpack.

Ang iyong backpack ay naglalaman ng mga bagay na maaari mong dalhin sa iyong paglalakbay. Ang lahat ng iyong mga reward ay makikita sa iyong imbentaryo ngunit ang mga bagay lamang na nasa iyong backpack ang maaaring gamitin habang nakikipaglaban sa mga zombie. Sa una, mayroon kang walong puwang para sa iyong backpack ngunit maaari mong i-upgrade ang iyong bag upang magkaroon ka ng mas maraming armas laban sa mga zombie.

Last Day Survival - Zombie Shooting - Laro Reviews

Last Day Survival – Zombie Shooting – Laro Reviews

Pros at Cons ng Laro

Ang Last Day Survival – Zombie Shooting 24H Dark Dungeon ay isang mahusay na action at mystery game na may temang zombie apocalypse. Bagama’t survival ang pangunahing gameplay nito, kailangan mo ring pag-isipan ang iyong mga aksyon sa pagitan ng mga laban dahil kailangan mong mag-strategize sa bawat matatapos mong senaryo. May mga sandali din kung saan kailangan mong magpasya kung aling senaryo ang una mong gagawin. Nangangahulugan iyon na maaaring baguhin ng bawat pagpipilian ang posibilidad ng iyong kaligtasan. Nagbibigay ito ng malaking pagkakaiba-iba sa storyline ng laro.

Related Posts:

WindWings: Space Shooter, Galaxy Attack (Premium) Review

Monkey Boxing Review

Ang laro ay isa ring magandang survival simulation tungkol sa zombie apocalypse. Hindi tulad ng ibang mga laro kung saan nag-e-estratehiya ka lang, papatay ng mga zombie at mag-a-upgrade ng mga armas. Ang larong ito ay higit pa riyan. Sa bawat senaryo, maaari mong galugarin ang lugar at maaari kang makakuha ng mga mahahalagang materyales. Ang ilan sa mga materyales ay mga manual na magtuturo sa iyong gumamit ng mas mataas na uri ng mga armas. Ang ilan ay mga medikal na bagay upang pagalingin ka o pataasin ang iyong adrenaline. Kailangan mo rin ng pagkain upang mabuhay sa larong ito.

Ang isa pang cool na bagay tungkol sa laro ay maaari mong baguhin ang iyong mga istatistika batay sa iyong kagustuhan. Kapag namatay ka, makapagdaragdag ka ng mga survival point na nakuha mo sa bawat pagtatapos mo ng mga senaryo. Maaari mong i-upgrade ang iyong pangangatawan upang magdagdag ng hp, pataasin ang iyong battle instinct, bawasan ang pinsala mula sa mga zombie, makakuha ng mga bonus na cash at marami pang iba. Dagdag pa rito, maaari mo ring i-unlock ang iba pang mga karakter na may natatanging kakayahan.

Ang mga pangkalahatang visual nito ay higit sa karaniwan din. Ang mga likhang sining at visual effect nito ay mas mahusay kumpara sa iba pang mga laro na may parehong tema. Gayunpaman, ang view ng camera ng laro ay medyo kakaiba. Kapag nakikipaglaban, ang view ng camera ay naka-set sa third person top view. Maaaring magdagdag ang mga developer sa mga setting ng ibang anggulo ng view ng camera upang makagawa ng mas magandang karanasan sa paglalaro. Halimbawa, ang pagkakaroon ng first person view ay magbibigay sa iyo ng mas mataas na kahirapan dahil ang mga zombie ay maaaring magbigay ng mga surpresang atake sa iyong likod. Ang musika ng laro at mga sound effect ay karaniwan lamang ngunit pinupunan nito ang kapaligiran ng laro.

Konklusyon

Ang Last Day Survival – Zombie Shooting 24H Dark Dungeon ay isang mahusay na action at mystery survival game. Mayroon lamang isang maliit na isyu sa view ng camera ngunit ang pangkalahatang nilalaman ng laro ay mahusay. Kung ikaw ay isang fan ng zombie themed survival games, ang larong ito ay lubos na inirerekomenda para sa iyo! Subukan ito ngayon at hamunin ang iyong sarili kung makakaligtas ka sa loob ng 24 na oras! Para sa iba pang kapana-panabik na mga pagsusuri ng mga laro, bisitahin lagi ang Laro Reviews.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Login
Loading...
Sign Up
Loading...