League of Kingdoms Review

Ang League of Kingdoms ay isang blockchain game kung saan kailangan mong bumuo ng lupa na ikaw mismo ang nagmamay-ari. Kung nakapaglaro ka na ng Rise of Kingdoms at Game of Thrones Winter is Coming, marahil ay alam mo na kung anong uri ng laro ang App. Ang layunin ng League of Kingdoms ay magtayo ng isang kaharian at magsanay ng mga sundalong makakagapi sa iyong mga kaaway. 

Isang blockchain game ang app kaya maaari kang kumita ng pera sa paglalaro nito. Ang League of Kingdoms ang unang massively multiplayer online (MMO) strategy game na pagmamay-ari ng mga gumagamit nito. Ikaw ang mamamahala sa lupang ibibigay sa iyo kaya kailangan mong magkaroon ng isang matibay na alyansa upang mas lumakas ang iyong pwersa. 

Syempre, hindi mawawala sa MMO games na gaya ng League of Kingdoms ang opsyon na sumalakay at lumusob sa siyudad ng ibang players. May quests at limited events din na pwedeng gawin upang magkaroon ng mga malalaking rewards. 

League of Kingdoms - Laro Reviews

League of Kingdoms – Laro Reviews

Paano kumita sa League of Kingdoms?

May dalawang paraan para kumita sa League of Kingdoms. Una, maaari kang kumita sa pagkakaroon ng lupa bilang passive income. Makakakuha ng 5% in-game resources ang mga manlalaro sa kanilang lupain at 10% kung ang net revenue ng mga in-app purchases na ginawa ng mga manlalaro sa laro ay ibinabahagi sa mga may-ari ng lupa sa gamit ang DAI token (USD stable coin).

Ang pangalawang paraan upang kumita sa larong ito ay sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng resources, paglalagay ng mga ito bilang mga non-fungible token (NFT) at pagkatapos ay ibebenta ang mga ito sa OpenSea. Ito ay partikular na naka-target sa mga manlalarong ayaw mag-invest ng pera at mag-mint ng NFT.

Game features ng League of Kingdoms 

Kung may isang bagay na makakapagpataas ng level mo sa League of Kingdoms, ito ay ang pagbuo ng alyansa sa ibang pang mga manlalaro. Sa unang mga level, protektado ka pa sa mga panunugod sa loob ng tatlong araw pero kapag natapos iyon, asahan mong may mga susugod sa iyo lalo kung wala kang alyansa at matatag na kaharian.

Dahil nabanggit na rin ang tungkol sa alyansa, may Continental Congress feature ang app. Sa feature na ito, ihahalal ng buong alyansa kung sino sa mga miyembro nito ang mamumuno sa buong kontinente. Ang mga lider na ito ang magdedesisyon sa game rewards, dividends, at iba pang mahahalagang bahagi ng laro. 

Sa pagtatayo naman ng iyong kaharian, kailangan ng mga manlalaro na patibayin ang kanilang kastilyo at bumuo ng iba’t ibang gusali gaya ng barracks, markets, at iba pa. Mahalagang bahagi rin ng laro ang pananaliksik upang mas mapalakas ang kaharian kaya hindi ito dapat pabayaan. Upang mapatibay lalo ang kaharian, kailangan mo ng minahan ng ginto, bukirin, at iba pang mapagkukunan ng resources. 

Ang pinakamaaksyong feature ng League of Kingdoms ay ang battle feature nito kung saan maaari kang makipaglaban sa mga halimaw o ibang manlalaro upang kumuha ng loot. Sa bawat digmaan, may sundalong mapapaslang kaya dapat malakas ang loob mo na manakop ng ibang teritoryo para sa resources. 

League of Kingdoms - Laro Reviews

League of Kingdoms – Laro Reviews

Pagdating naman sa resources, maaari kang mangolekta ng troso, mais, ginto, bato, at mga kristal. Magkakaroon ka ng isang land development point kapag nakakalap ka na ng 100,000x resources. 

Saan maaaring i-download ang League of Kingdoms?

Gamitin ang mga sumusunod na links mula sa Laro Reviews upang ma-download ang laro: 

Download League of Kingdoms on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.nplusent.lok

Download League of Kingdoms on iOS https://apps.apple.com/us/app/league-of-kingdoms/id1523441842

Download League of Kingdoms on PC https://www.leagueofkingdoms.com

Tips at Tricks para sa League of Kingdoms 

Palaging i-update ang iyong sakahan, lumber camp, quarry, at minahan ng ginto batay sa antas ng iyong kastilyo para sa maximum na produksyon ng resources. Maaari mo ring ipadala ang iyong mga tauhan sa labas ng kaharian upang mangalap ng resources, at laging hanapin ang pinakamataas na antas ng mga mapagkukunan sa malapit, dahil kapag mas mataas ang antas, mas marami kang makukuha.

Maaari ka ring makakuha ng resources sa pamamagitan ng pagtalo sa mga halimaw sa labas ng iyong kaharian. Halimbawa, maaari kang makakuha ng pagkain sa pamamagitan ng pagbugbog sa mga Orc, pagtalo sa golem, at pati sa pamamagitan ng pagtalo sa kalansay, ngunit tandaan na ang mga halimaw na iyong sasalakayin ay dapat na naaangkop sa iyong antas.

Related Posts:

Final Fantasy Brave Exvius Review

Clash of Empire: Empire Age Review

Pros at Cons ng League of Kingdoms 

League of Kingdoms - Laro Reviews

League of Kingdoms – Laro Reviews

Ang kalidad ng produksyon ng laro ay isa sa mga unang bagay na ikinagulat ko rito. Ito ay isang maagang alpha build na mas lamang bilang isang patunay ng konsepto kaysa sa isang ganap na laro. Sa kabila ng katotohanang tinutukoy ito bilang Beta at available lang ito sa loob ng isang linggo, mukhang kumpleto ito at mayaman sa feature. 

Ang graphics ng League of Kingdoms ay solid, kung hindi man pambihira, para sa isang NFT game. Ang iba’t ibang elemento nito ay gumagana ng maayos at magkakasama. Lagi kang may gagawin, lalo na sa simula, at palagi kang mabibigyan ng rewards. Kumuha ng premyo para sa pagpatay sa isang Level 1 na halimaw. Makakakuha ng reward para sa pag-upgrade ng iyong kastilyo. Napakasaya ng una hanggang dalawang araw, at halos bawat minuto ay may matututunan kang bago.

Kasama rin sa Alliance System ang kakayahang tumulong sa isa’t isa sa pagbuo at pagsasaliksik. Syempre hindi rin mawawala ang rally function, na nagpapahintulot sa iyong alyansa na magsanib-puwersa at magdulot ng matinding pagkawasak sa iyong mga kalaban. Ang pagsapi sa isang alyansa ay kinakailangan kung gusto mong umunlad sa laro.

Konklusyon

Ang League of Kingdoms ay isa sa mga pinakamahusay na NFT game na nilaro ko. Ang graphics ay maganda, ang gameplay ay kahanga-hanga, at hindi ka magsasawa sa paglalaro nito. Kung naghahanap ka lang ng nakakatuwang MMO strategy game, maaaring isa ito sa mga pinakamagandang opsyon; ang sistema ng labanan ay kasinghusay ng ilang kilalang strategy games.

At kung gusto mong laruin ito para sa karagdagang pera, tamang piliin ito dahil libre itong laruin, at maaari kang maglaro ng League of Kingdoms ng hindi gumagastos kahit isang kusing. Maaari kang kumita ng pera sa larong ito, ngunit tiyaking pumili ka ng kalmadong lupain upang malaya kang magkapagsaka ng ilang mga mapagkukunan.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...