Legend of the Phoenix Review

Minsan mo na bang naisip na ibahin ang istorya ng manhwa? Tulad ng mga pagkakataong mapapasabi ka na lang na sana hindi maduwag ang karakter na sundin ang sinisigaw ng kanyang puso. Huwag mag-alala dahil sa Legend of the Phoenix, nakasalalay sa iyo ang kapalaran mo! Basahin ang artikulong ito mula sa Laro Reviews para malaman ang tungkol dito.

Ang Legend of the Phoenix ay isang Otome mobile game genre mula sa MODO Global na umiikot sa ancient China na may halong love story. Kontrolado ng manlalaro ang magiging kapalaran ng karakter na nabigyan ng ikalawang pagkakataong mabuhay upang ibahin ang kanyang nakatakdang kapalaran. Kailangan niyang mapigilan ang Crown Prince bago siya maging makapangyarihan at malagay sa trono bilang Emperor. Habang naglalakbay, iba’t ibang tao ang makakasalamuha mo at maraming tagumpay at kabiguan rin ang iyong mararanasan. Sa kabila nito, mayroon kang makakasamang confidants at partners sa iyong lakbay tungo sa pagbabago ng kapalaran at paghahanap ng pag-ibig.

Sa oras na simulan ang laro, makikita ang backstory nito. Naalala ng karakter ang panahon noong hindi pa naluluklok sa pagiging Emperor ang kanyang asawa. Ginugol niya ang kayamanan ng kanyang pamilya para masigurong umangat ang reputasyon at kapangyarihan ng nasabing Crown Prince, sapat para itanghal siya bilang susunod na Emperor. Sa kabila ng lahat, nagawa pa rin ng Emperor na ipagsawalang bahala ito at makipagrelasyon sa kanyang Noble Consort, wala pang limang buwan ang nakalipas mula nang maupo siya sa pwesto. Ang pinakamalala pa nito ay ipinapatay ng Emperor ang buong pamilya ng pangunahing karakter, ang kanyang asawa. Labis na pighati ang naramdaman sa naging kabayaran ng lahat ng kabutihang ginawa niya para sa kanyang asawa. Nang akmang iinumin na niya ang lasong ipinagkaloob ng Emperor, ang huling mga salitang sinabi niya ay maghihiganti siya kung may pagkakataon lang na maulit ang lahat. Pagkatapos nito, bigla na lang nagising ang karakter mula sa kanyang panaginip habang basang-basa ang pisngi dulot ng labis na pag-iyak, ngunit hindi niya natatandaan ang dahilan ng sakit na nararamdaman. 

Legend of the Phoenix - Laro Reviews

Legend of the Phoenix – Laro Reviews

Features ng Legend of the Phoenix 

New Style of Experiencing a Storyline – Ipagpatuloy ang istorya sa pamamagitan ng pagkontrol sa kapalaran ng iyong karakter!

Character Development System – Maging saksi sa pag-unlad ng bawat karakter sa kabuuan ng istorya.

Traditional Chinese Costume System – Bihisan ang karakter ng magagarbong tradisyunal na Chinese na kasuotan. Lalong pagandahin ang karakter sa pamamagitan ng pag-unlock ng iba’t ibang makeup, costume, palamuti, at iba pa.

Dating – Hanapin ang iyong true love sa pamamagitan ng pakikipag-date. Kilalanin ang iyong makakatuluyan habambuhay.

Turn-based Battles – Talunin sa labanan ang mga taong nang-aapii sa’yo at atakihin sila gamit ang mga salitang pang-insulto.

Saan Pwedeng I-download ang Legend of the Phoenix 

Gamit ang iyong smartphone, pumunta sa Google Play Store para sa Android users at sa App Store naman para sa iOS users, at ilagay sa search bar ang Legend of the Phoenix. Dahil wala itong bayad, diretso mo nang mada-download ang laro. Pagkatapos i-download, kumpletuhin ang sign-in details para masimulan na ito.

Legend of the Phoenix - Laro Reviews

Legend of the Phoenix – Laro Reviews

Narito ang mga link kung saan pwedeng i-download ang laro:

Download Legend of the Phoenix on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=com.duige.hzw.multilingual

Download Legend of the Phoenix on iOS https://apps.apple.com/us/app/legend-of-the-phoenix/id1508251903

Tips at Tricks sa Paglalaro

Dahil ang Legend of the Phoenix ay isang Otome game, mapapansin ang pagiging text-based ng laro tungkol sa romance na kung saan ang pangunahing target ay mga babae. Kaya mahalagang basahin ang bawat text para maintindihan nang mabuti ang storyline. Nahahati ang laro sa chapters na naglalaman ng tasks para makumpleto ito. Magsisimula ka muna sa palasyo bilang maid, ang pinakamababa sa caste system. Dahil wala kang awtoridad o reputasyon, kailangang mapataas mo ang iyong experience sa pamamagitan ng paggawa ng tasks. Tandaan na mahalagang i-upgrade ang partners at iba pang attributes sa pag kumpleto ng bawat chapter. Lalo na sa battle, importante ito para matalo ang kalabang may mas mataas na Authority. Dahil kapag natalo ka, malaki ang mababawas sa iyong Fame.

Related Posts:

Talisman Online Mobile Review

Dr. Bingo – VideoBingo + Slots Review

Para tumaas ang iyong rank mula Junior Maid hanggang sa pagiging Clan Lady, ang kailangan mong gawin ay kumpletuhin ang Story Mode. Ito ang main mode ng laro kung saan marami kang battles na dapat panalunan para ma-unlock ang ibang features, tulad ng guild base, clothes bureau, at iba pa. Mainam na ito muna ang maging focus bilang bagong manlalaro.

Paano mapataas ang Fame ng karakter?

Ang pinakamabisang paraan para makakuha ng Fame ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga responsibilidad mo sa palasyo. Pwede ka rin makakuha nito sa mga quest. Kung mayroon ka namang business card, na nabibili lang sa shop gamit ang iyong aktwal na pera, maaari mo itong magamit sa item tab para makakuha ng Fame. 

Paano mapapataas ang Authority ng karakter?

Pinakamahusay na paraan dito ay i-enhance ang partners. Sa pamamagitan nito, tataas ang iyong Authority attribute sa laro. Isa pang paraang pwede mong gawin ay i-upgrade ang bond skills ng confidants. Tandaan din na nakakaapekto ang stats ng foster child sa Authority ng karakter kaya maaari mo itong pakinabangan.

Paano i-level up ang pangunahing karakter?

Para gawin ito, kinakailangan ng karakter ng EXP. Makukuha ito sa pamamagitan ng paglalaro ng Story Mode battles at paggawa ng dailies sa Phoenix Hall. Huwag din kakalimutan na pindutin ang promote button pagkatapos makakuha ng sapat na EXP para mag-level up. 

Legend of the Phoenix - Laro Reviews

Legend of the Phoenix – Laro Reviews

Paano pataasin ang stats ng pangunahing karakter?

Maraming posibleng paraan para mapataas ang stats ng karakter. Kabilang na rito ang pagkakaroon at pag-enhance ng partners at confidants. Pagkatapos makakuha ng confidants, pataasin ang kanilang level, potential, at skills. Pagdating naman sa partners, ma-eenhance mo sila sa pamamagitan ng pag-date, pagtaas ng intimacy level, pag-upgrade ng bond skills, at pagkakaroon ng foster child. Bukod dito, tataas din ang stats kapag nangolekta at nag-upgrade ng costumes. 

Pros at Cons ng Legend of the Phoenix 

Ipinakita ang backstory ng laro sa pamamagitan ng manhua-style na cut-scene. Tiyak na magugustuhan ito ng mga manlalarong nagbabasa ng manhua. Kaakit-akit ang graphics dahil sa detalyadong pagkakalikha sa bawat karakter at kapaligiran na sinamahan pa ng magagandang kulay. Talagang kapansin-pansin ang mala-Qing dynasty ng China sa disenyo, tulad na lang ng costumes at palamuti ng mga karakter. Hindi lang ito, nakakatulong din ang voice acting para masundan ang daloy ng istorya at malibang ang manlalaro sa takbo nito. Nakakamangha rin ang makatotohanang salaysay ng kasaysayan sapagkat karamihan ng karakter ay pinangalanan batay sa mga aktwal na tao mula sa Qing dynasty. 

Bagamat libre ang laro, mapapansin na wala itong ads na kasama. Ibig sabihin nito, labis na nakadepende ang game developers sa cash shop ng laro. Dahil dito, nagiging mahirap at matagal makakuha ng sapat na kapangyarihan at resources para pataasin ang level ng karakter kung hindi gagastos ng kahit anong halaga sa laro.

Konklusyon

Magandang irekomenda ang Legend of the Phoenix sa mga babaeng mahilig magbasa ng manhua. Tiyak na kikiligin at masisiyahan sila na kontrolin ang magiging takbo ng kanilang love story. Nakakaengganyo rin ang mala-palabas na dayalogo ng mga karakter dahil sa pinagsamang voice acting at kahanga-hangang visuals. Bagamat maganda ang laro, hindi ito para sa lahat sapagkat walang masyadong hamon sa laro kumpara sa iba na may parehong istilo sa Legend of the Phoenix. Kaya kung may kilala kang sa tingin mo ay magugustuhan ang laro, ipabasa na rin sa kanya ang artikulong ito ng Laro Reviews!

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Login
Loading...
Sign Up
Loading...