Life Challenges: Game Royale Review

Life Challenges: Game Royale – Ang buhay ay parang isang survival game. Kung maraming hamon ang iyong pinagdadaanan, mas kailangan mong maging malakas at matatag upang mabuhay. Ang buhay ay puno ng sorpresa. Hindi mo malalaman kung ano ang naghihintay sa iyo bawat paggising sa umaga. Ang ilan ay nagsisikap na mabuhay habang ang ilan naman ay nabubuhay na parang ito na ang kanilang huling araw sa mundo.

Ang bawat hamon ng buhay ay iba-iba para sa bawat indibidwal. May nagsasabi na mahirap ang buhay nila, may nagsasabi rin namang hindi. Hindi lahat ay sumasakay sa parehong bangka.

Ang Life Challenges: Game Royale ay isang uri ng hamon sa buhay na hindi magbibigay sa iyo ng aktwal na paghihirap kundi higit na saya at aliw.

Ang larong ito ay binuo ng Ararat Games. Ito ay hango sa sikat na Netflix Korean Series na The Squid Game.

Ang laro ay isang koleksyon ng mga hamon na kakailanganin mong lampasan para makakuha ng reward. Ilan sa mga hamon ay ang Candy Challenge, ang “Red Light, Green Light” game, The Strength o Tug of War at ang marbles. Ito ang ilan sa mga parehong laro na ipinakita sa serye.

Life Challenges Game Royale

Life Challenges Game Royale

Life Challenges: Game Royale – Ang Layunin ng Laro

Tulad sa serye, ang iyong layunin ay makapasa at makaligtas sa lahat ng mga hamon tulad ng sa Candy Challenge na kung saan dapat maihiwalay ang hugis sa kabuuan ng candy nang hindi ito nasisira. Para naman sa larong Red Light, Green Light, kailangan mong tumakbo sa finish line nang hindi nababaril ng mga lalaking nakamaskara. Para sa paligsahan ng lakas, kailangan mong pumatay ng iba pang mga manlalaro gamit ang iyong armas. Sa mga larong marbles ay kailangang makuha ang lahat ng marbles mula sa iyong kalaban at ang Glass bridge naman ay kakailanganin mong makapunta sa kabilang panig nang hindi nahuhulog.

Paano Simulan ang Paglalaro?

Kung napanood mo na ang Korean series na tinutukoy ko, malalaman mo kung paano ito laruin. Ang unang hamon ay ang Candy Challenge kung saan ay kailangan mong sirain ang hugis ng Dalgona Candy. Kailangan mong pindutin nang matagal ang screen para gumana ang karayom.

Ang susunod na hamon ay ang Red Light, Green Light  game. Ang berde ay go at ang pula ay nangangahulugang stop o freeze. Huwag papahuli na gumagalaw sa malaking robot kung hindi ay babarilin ka at mamamatay.

Magpakitang-gilas sa paligsahan ng lakas sa pamamagitan ng Tug of War at pagpatay sa iba mo pang kalaro sa rumbles.

Sa larong marbles, kunin ang lahat ng marbles mula sa iyong kalaban sa pamamagitan ng paghula sa bilang ng hawak na marbles – kung ito ay odd o even, o sa pamamagitan ng pag-shoot nito sa butas.

Ang Glass Bridge. Isang simpleng hamon ngunit may kahirapan din. Nangangailangan ito ng mahusay na memorya dahil kakailanganin mong kabisaduhin kung aling hakbang ang matatag at alin ang hindi.

Life Challenge ang huling hamon. Dito, ang tanging layunin ay ang mabuhay. Kung kaya’t ipagtanggol ang iyong sarili. 

Life Challenges Game Royale

Life Challenges Game Royale

Paano i-download ang Laro sa Life Challenges: Game Royale

Ang laro ay  pwedeng i-download sa mga Android devices lamang. Mayroon itong size na 62MB at nangangailangan ng 4.4 o mas mataas pang bersyon ng Android. Mayroon din itong in-app purchases na nagkakahalaga ng Php155.00 bawat item.

Maaari mong hanapin ang laro sa Google Play Store o i-click lamang ang link sa ibaba.

  • Download Life Challenges: Game Royale on Android https://play.google.com/store/apps/details?id=life.challenge.money

Mga Hakbang para Gumawa ng Bagong Account sa Laro

Ang laro ay hindi nangangailangan ng anumang pag-sign in o pag-log in, maliban na lang kung gagawa ka ng in-app purchases. Maaari mong gamit ang iyong Google account sign-in details para rito.

Life Challenges: Game Royale – Tips at Tricks sa Paglalaro

Ang bawat hamon ay may iba’t ibang gameplay kaya ang trick ay sadyang naiiba sa bawat isa. Para sa Dalgona Candy, kahit na may limitasyon sa oras, huwag gaanong magmadali dahil maaari mong masira ang hugis ng hindi sinasadya. Suriin ang progress bar o indicator bar sa itaas. Bitawan kapag nasa red na ito pagkatapos ay gawin itong muli. Sa sandaling makalag mo ang hugis sa kendi, subukang basagin ito habang naghihintay na dumaan ang puting bar sa berdeng bar na nasa indicator.

Tungkol naman sa Red Light, Green Light Game, maging tuso at kumilos nang mabilis para makapunta sa finish line nang hindi nahuhuli. Tandaan na huminto sa pulang ilaw at magpatuloy kapag naging berde na ito.

Para naman sa Tug of War, hilahin mo nang husto ang lubid ngunit alalay lang sa paghila para hindi masayang ang iyong lakas. Ang night fights o mga espesyal na kaganapan ay ang pagpatay sa iba pang mga manlalaro. I-swing ang iyong pamalo at iwasang mapatay.

Ang larong marbles ay talagang nakadepende sa iyong diskarte at kasanayan sa panghuhula. Kaya walang partikular na tips o trick para rito.

Sa Glass Bridge naman, subukang kabisaduhin kung aling mga hakbang ang magandang gawin sa hindi.

Kapag nasuri mo na ang buong laro, siguradong panalo and hatid nito sa iyo!

Life Challenges Game Royale

Life Challenges Game Royale

Ang mga Kalamangan at Kahinaan ng Laro

Mula nang sumikat ang Korean series, maraming adaptation ng laro ang makikita mo sa game store. Gayunpaman, hindi lahat ay magaganda. Nakatanggap ang Life Challenges ng disenteng 4.2 star rating sa Google Play dahil sapat ang animation at graphics para sa larong ito. Ang laro ay hindi nagla-lag at madaling maunawaan. Hindi na kailangan ng tutorials dahil simple at malinaw ang mechanics. Ang laro ay patuloy na ina-update upang bigyan ang mga manlalaro ng mas maraming hamong haharapin. Magbibigay ito ng mas kasiya-siyang pakiramdam at kakaibang karanasan sa bawat manlalaro.

Related Posts:

Taptap Mining Review

Pepi Hospital: Learn And Care Review

Ang laro ay maaari lamang laruin ng mga batang nasa 12 taong gulang pataas dahil sa mararahas na pangyayari. Kung hindi lang masyadong marami ang ads nito, mas magiging magandang pa ang daloy ng laro. Walang multiplayer dito at hindi maaaring makipagkumpitensya sa mga totoong tao online. Lahat ng elemento ay pawang mga bot.

Ang ilang mga manlalaro ay nagrereklamo tungkol sa pagka-crash ng laro tuwing naglalaro ng Honeycomb. Ang ilan ay natitigil sa loading page at hindi nagkakapagpatuloy kung hindi pa i-uninstall at muling i-download ang laro.

Ang laro ay naglalarawan sa serye ng Squid Game at hindi ito para sa mga hardcore na manlalaro dahil ang mga hamon dito ay paulit-ulit. Kung kaya may ilang mga manlalaro ang nagsasawa rito.

Konklusyon

Kung napalampas mo ang panonood ng Squid Game sa Netflix, mabuting malaro mo ito at maramdaman mo kung paano nilaro ang mga nasa serye. Makakakuha ka ng ideya tungkol sa sikat na serye habang nagsasaya.

Laro Reviews

Leave a Comment

Categories
Latest Posts
Jackpot City Casino No Deposit Bonus: What Do You Need To Know?
Jackpot City Login – How to Access Fast and Safely?
Jackpot City: Your Premier Online Casino Experience!
Easy and Efficient: Mastering the S5 Casino Withdrawal Process
Is S5 Casino Legit? Exploring Player Reviews and Experiences
Explore S5 Casino: Detailed Review and Player Experience
S5 Casino Login Instructions for Beginners – Discover Now
Bingo Plus Customer Service Review: Dedicated and Efficient
Mga Tips at Tricks: Paano Manalo sa Bingo Plus Ngayon
How to Get Bingo Plus Voucher Code and Apply Most Effectively
Bingo Plus Download: Instructions For Safe Download And Installation
Explore Bingo Plus Net Rewards: Receive Attractive Gifts and Deals
Attractive Offer: Bingo Plus Free 20 and Chance to Win
Paano Mag-Withdraw sa Bingo Plus: Step-by-Step na Gabay
Is Bingo Plus Pagcor Legit? Unveiling the Truth About Its Legitimacy
Bingo Plus Tips and Tricks: How to Increase Your Winning Odds
Laropay – Good Legal Casino Game  Portal Philippines
Bingo Plus Login: Unique Games And Features For Players
Details: How to Play Bingo Plus Online for Beginners
Bingo Plus GCash: Complete Guide to Withdrawing and Depositing
Login
Loading...
Sign Up
Loading...